IFILWAMICCM

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Ako lang ba?
Yung taong nasaktan ng sobra?
Yung taong, umasa ng sobra?
Kahit alam ko na umpisa pa lang, wala nang pag-asa.

Ang sakit kasi eh.
Yung tipong, alam mo na walang pag-asa pero, nothing is impossible daw eh.
Kaya ako, umasa sa katagang yun.

Sa bawat araw na dumadaan, minamahal ko siya.
Yung pakiramdam na minsan, akala mo, wala ka nang nararamdaman para sakanya, pero, AKALA LANG PALA.
Kasi, pag nakikita mo siya, umuulit nanaman.
Eto talaga ata yung sinasabi nilang
"Mahirap mag move on."

Isang araw, medyo nakalimutan ko na siya, kasi may dumating nanaman.
Akala ko, siya na. Pero, AKALA LANG PALA.
Mas pina-asa at mas sinaktan niya ako.
Paasa, snob. Mga ugaling AKALA ko, wala siya.
Pero heto, AKALA KO LANG PALA.

Paulit-ulit na lang ang nangyayari sa buhay ko.
Totoo nga

"History repeats itself."

Minsan, tingin ko sa sarili ko, ang landi ko.
Kasi, ilang araw lang, iba nanaman crush ko.
Pero ngayon, alam ko na kung bakit.

Kasi sa bahay, kulang ako sa atensyon. Hindi nila ako pinapansin.
Kahit anong pagpapatawa. Wala.
Sa school, lagi nila akong iniiwan.
Walang taong laging nandyan para sa'kin.
Kaya gusto ko ng taong masasandalan.
Ang taong magsisilbing TUNAY NA KAIBIGAN ko at NAKATATANDANG KAPATID ko.
Ang taong AALAGAAN at MAMAHALIN ako.
Pero tingin ko, hindi pa ito ang tamang panahon.

Natatakot na kasi akong magmahal. Kasi nga, HISTORY REPEATS ITSELF.
Natatakot ako, na sa susunod, ganun ulit ang mangyari.
Pero heto, UMAASA NANAMAN AKO, na sana, hindi na muli akong masaktan.

HULI NA 'TO.

Huling beses na aasa ako.
Huling beses na iiyak ako.
Huling beses na magpapaka-tanga ako.

Dahil sa susunod, totoong pagmamahal na, ang pipiliin ko.

-----

I Fell in Love with a Man I can't Call "MINE"
-cathyann0123

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro