Kabanata 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata 14]

HAHAWAKAN ko na sana ang kamay ni Juanito nang tumigil ang musika. Tumayo ang Gobernador-heneral, may sinabi siya bago nagpalakpakan ang mga bisita. Nagsiupo ang karamihan at tumayo ang magkakapareho. 

Maging sina ama at ina ay bumalik na sa mesa namin.May sampung pares ng babae at lalaki ang naiwan sa gitna. Nakatayo silang lahat sa magkabilang dulo.

"Carmelita, sumali kayo ni Ginoong Juanito. Hindi ba't paborito mo ang Cariñosa?!" Excited na sabi sa'kin ni Josefina na nagmamadaling umupo kasama si Maria. 

"Hiniling ng Gobernador-Heneral ang Cariñosa. Kayo'y sumali na. Tiyak na matutuwa sina ama at ina." Ngiti ni Maria. Akala ko pa naman boto siya sa Leandro at Carmelita love team

Tumingin ako kay Juanito saka mabilis na umiwas ng tingin nang makita kong nakatingin pa rin siya sa'kin at nakangiti. Inilahad niya muli ang palad niya sa tapat ko. "Maaari ba, binibining Carmelita?" Tanong niya habang nakatingin nang deretso sa mga mata ko. Hindi ako makahinga nang maayos. 

Natauhan ako nang bumulong si Josefina, "Huwag mo nang paghintayin si Ginoong Juanito." 

Napahinga ako nang malalim. Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang. Naglakad na kami ni Juanito papunta sa gitna kung saan parang kaming dalawa na lang ang hinihintay.

Ngumiti sa amin ang iba pang sasayaw. Pumwesto na ako sa hilera ng mga babae sa kanan. Samantala, sa helera naman ng mga lalaki pumunta si Juanito. Bago magsimula ang musika, tumingin siya sa'akin at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit parang biglang nawala ang kaba ko dahil sa ginawa niya. 

Focus, Carmela! kailangan matalas ang iyong mata mangopya ng steps sa katabi mo. Hindi ko rin kasi masyado memorize ang Cariñosa!

Nagsimula nang tumunog ang musika. Mabuti na lang dahil madali lang ang steps at nakakasunod naman ako. Habang sumasayaw kami lagi lang nakangiti si Juanito at nakatitig sa'kin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko rin magawang ialis ang paningin ko sa kaniya. Sana lang sapat ang lakas ng tugtog dito dahil baka marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko.

Sa bawat pag-ikot namin ay bumabalik ang mga mata ko sa kaniya. Parang mas lalo ring lumiliwanag ang paligid lalo na sa tuwing ngumingiti siya. Hindi ito ang dapat mangyari, Carmela!

Nag-bow na kaming lahat sa Gobernador-heneral pagkatapos ng sayaw, "Salamat dahil pinagbigyan mo ako ng pagkakataong makasama ka sa paborito mong sayaw" narinig kong bulong ni Juanito, kahit pa ang lakas ng palakpakan at sigawan ng mga tao ang boses pa rin niya ang nangingibabaw sa lahat.

Ngumiti na lang ako at tumango saka tumalikod at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Gosh! Hindi niya siguro nahalata na namumula ako. "Ang galing galing niyo Carmelita!" papuri ni Josefina at Maria sabay yakap sa'kin. "Wala akong masabi, maraming salamat Ginoong Juanito dahil sa iyo nawawala na ang pagiging mahiyain ng aking anak" sabi naman ni ama kay Juanito tapos tinapik niya pa ang balikat nito. Tsk, kung alam lang ni Don Alejandro na hindi naman ako yung anak niyang mahilig magkulong sa kwarto.

"Walang anuman po Don Alejandro, ang totoo po niyan interesado po si Binibing Carmelita sa maraming bagay na hindi niya nagagawa dati" sagot naman ni Juanito sabay tingin sa'kin. isa pa tong lalaking to, hindi naman niya talaga kilala ang totoong ako. 

Nagulat ako nang biglang lumapit sa amin si Kapitan Flores kasama si Natasha Flores. Waahh! Agad akong nagpalingon-lingon sa paligid baka nandito din si Leandro!

nakahinga naman ako ng maluwag kasi mukhang wala si Leandro dito pero Teka---- bigla-bigla ding sumusulpot kung saan-saan yung lalaking yun eh!


"Magandang gabi amigo" bati ni Kapitan Flores kay ama agad namang napangiti si ama. "Magandang gabi rin amigo... nasaan si Binibining Helena?" tanong ni ama. Palagi kasi nasa bahay namin si Helena kaya siguro nagtataka siya kung bakit wala ito.

"Don Alejandro, Nagka-bulutong po si Helena kahapon kaya't hindi siya makakasama ngayon" sagot ni Natasha. Biglang naging malungkot yung mukha ni Juanito, siguradong si Helena talaga ang gusto niya makasama at makasayaw sa party na'to.

"Ipagdarasal namin ang mabilisan niyang paggaling" sabi naman ni ina, nagpasalamat naman si Natasha at Kapitan Flores. "Ngunit bakit parang hindi kayo masyado nag-aalala?" tanong pa ni ina. Napangiti naman si Kapitan Flores at Natasha.

"Hindi naman daw po malala ang bulutong ni Helena sabi ng doctor baka sa susunod na linggo magaling na siya" sagot ni Natasha.

"At bukod doon amigo at amiga, masaya ako ngayon dahil dumating na ang aking unico-hijo noong isang linggo mula Cuba" sabi ni Kapitan Flores na tuwang-tuwa. Ohmaygash! Kinakabahan ako baka nandito talaga  sa paligid-ligid si Leandro Waahh!

"Si Ginoong Leandro? Sa isang taon pa matatapos ang kaniyang pagsusundalo, hindi ba?" gulat na tanong ni ina, napangiti naman si Kapitan Flores at Natasha. Tsk! Bad vibes talaga ang dala sa'kin ng mga Flores na'to haaays.

"Maagang tinapos ni Leandro ang kaniyang ensayo, at pinakiusapan niyang mabuti ang kanilang heneral upang payagan siyang makauwi, nasa Cavite siya ngayon kaya hindi siya makakadalo dito" sagot ni Kapitan Flores. Whew! Buti na lang wala ngayon dito sa Leandro.

"Bakit naman nagmamadaling umuwi si Ginoong Leandro?" tanong naman ni Josefina. Shocks! Si Maria pa lang pala yung nakakaalam ng oplan tigil kasal.

Nagulat naman ako nang biglang tumingin si Natasha sa'kin habang nakangiti bago magsalita "May mahalagang bagay na ninakaw sa kaniya na kailangan niyang mabawi bago mahuli ang lahat" sabi ni Natasha. Napalunok na lang ako.

Nakita ko namang napatingin si Maria at Josefina sa'kin parang gets nila yung gustong sabihin ni Natasha. Ako yung mahalagang bagay kay Leandro na ninakaw ng pamilya Alfonso... lalo na ni Juanito.

I feel so pressured right now Waahh!


Ilang saglit lang nagpaalam na si Kapitan Flores at Natasha, dadaanan pa daw ni Kapitan Flores si Helena upang kamustahin. Grabe! Nakahinga na ako ng maluwag nung umalis na sila.

Mukhang wala namang kamalay-malay si Juanito, hindi naman niya ata kilala si Leandro o kung kilala naman niya hindi close at hindi rin niya alam na may nakaraan si Leandro at ang totoong Carmelita haays.

Hindi pa rin ata nababanggit ni Sergio o ni Angelito kay Juanito na nakita nila kaming magkasama ni Leandro...

O kaya naman baka alam na ni Juanito ang lahat pero di naman siya affected kasi wala naman siyang pake sa'kin. haaays.

Maya-maya lang lumapit naman sa amin si Tiya Rosario, humiwalay kasi siya samin kasi nakipagchikahan siya kanina sa iba pang mga bisita na mukhang super ka-close niya.

Napangiti siya nang makita si Juanito at tinitigan niya pa ito mula ulo hanggang paa. "Magandang gabi po, ako po si Juanito Alfonso ang-----" hindi na natapos ni Juanito yung sasabihin niya kasi agad nagsalita si tiya Rosario. 

"Ahh---Juanito... nagagalak ako makilala ka, marami akong naririnig tungkol sa iyong taglay na kagwapuhan at talino, napakagalang mo ring binata" papuri ni tiya Rosario kay Juanito, nako! Baka lumaki ang ulo ng lalaking to ah.

"Hindi naman po Donya, marahil ay nasobrahan lang po sa pagpuri sa akin ang nagsabi niyon" sagot ni Juanito, tsk pa-humble pa oh! Uso na rin pala pabebe sa panahong to.

Nagulat naman ako nang biglang napangiti at napatingin sa'kin si tiya Rosario "Ginoong Juanito sinasabi mo bang nasobrahan sa paghanga sa iyo ang aking pamangkin?" sabi pa niya sabay akbay sa'kin. Waaahh! Teka! Wala akong kinukwento o sinasabi kay tiya Rosario na pogi, matalino at maginoo si Juanito shocks!

Na-frame up ako!

Bigla namang napangiti si Juanito... at hindi lang si Juanito pati sila ama,ina, Josefina at Maria ay nakangiti at ineecheos na ako. Waaahh!

Magrereact pa sana ako kaso walang boses na lumabas sa bibig ko, Shocks! Eto na ata yung disadvantage ng pagkakapaos ko huhu. Mukhang napansin naman ni Juanito na wala akong boses, magsasalita sana siya kaya lang biglang may nagsalita sa di kalayuan...

"Magandang Gabi balae" narinig naming sabi ni Don Mariano na papalapit sa amin, agad namang napangiti si Donya Juanita at nag-bow sa amin. Gosh! Oo nga pala invited din ang buong Alfonso family. Ngumiti naman sa'akin si Donya Juanita nang makita niya ako, may dala siyang isang napakagandang porcelain na vase at puno ng magagandang bulaklak. Oh! Parang mga bulaklak yun sa lupain ng rosas ah.

Ah! Kaya pala nakasalubong namin si Angelito doon noong isang araw, inutusan pala siya ng nanay niya kumuha ng mga bulaklak pang-regalo sa Gobernador-Heneral. Gosh! Siguradong mamahalin yung vase na yun. Grabe! Ang bongga talaga dito.

Lumapit naman si ina kay Donya Juanita at pinakita ni ina yung regalo niya sa Gobernador-Heneral, isang balabal na silk at puno ng ruby beads na design. Ohmygash! Yun yung tela na binili namin ni Maria sa kabilang bayan kasama si Leandro, ang effort naman ni ina tinahian niya pa ng mamahaling beads Omg!

Magkatabi na ngayon si ama at si Don Mariano Alfonso at masaya silang nagkwekwentuhan, magkasama naman si ina, tiya Rosario at Donya Juanita Alfonso habang tinitingnan nila ang regalo ng isa't-isa. Lumapit naman sa amin si Sergio Alfonso at Angelito. Oh Noes!

"Magandang gabi mga Binibini" bati ni Sergio sa amin nila Maria at Josefina, pero nakatingin lang siya sa akin pati si Angelito. Gosh! Binigyan nila ako ng don't-worry-hindi-pa-kita-sinusumbongg-kay-Juanito-look. Nagpalingon-lingon naman si Angelito parang may hinahanap siya, hmm... hinahanap niya kaya si Theresita?

"Kamusta Binibining Carmelita? Napanood namin kanina ang sayaw niyo ni Juanito, wala kaming masabi, napakagaling niyong dalawa" papuri ni Sergio. Gosh! Compliments overload, sasabog na yung level ng self-esteem ko haha.

"Maraming salamat Ginoong Sergio, ngunit nawala po ang boses ni Binibing Carmelita bago kami umalis ng San Alfonso" sagot ni Maria, whew! Buti na lang may spokeperson ako.
"Anong nangyari? Bakit nawala ang boses mo?" tanong ni Juanito at mukhang... nagaalala siya. Gosh!

Napatingin naman sa akin si Maria, noong nasa byahe kasi kami akala niya kaya napaos ako kasi ginabi kami ni Leandro sa kabilang bayan kaya tingin niya napagod at nahamugan ako. teka! Nakakapaos ba yung hamog?

"Abala sa maraming bagay ang aking kapatid nitong mga huling araw kung kaya't napagod siya" sagot ni Maria, mukhang hindi naman na-convince si Juanito.

"Abala makipagkita kay----" hindi na natapos ni Angelito yung sasabihin niya kasi biglang tinakpan ni Sergio yung bibig niya. "Ilang beses ko ba sasabihin sayo na huwag kang makikisali sa usapan ng mga matatanda" suway ni Sergio kay Angelito. Shocks!

Wala naman akong ginawang kasalanan ah pero bakit parang naguguilty ako.

Binigyan ko si Angelito at Sergio ng please-wag-mo-akong-isumbong-kay-Juanito-look. Mukha namang nagets ni Sergio kasi tumawa siya pero ewan ko lang kay Angelito. Haays.

hindi naman nakasama si Sonya Alfonso-Corpuz dahil may ibang lakad sila ng asawa niya na si Ignacio Corpuz, anak ni Kapitan Corpuz.

Naupo naman kaming lahat sa isang mahabang mesa habang tuloy pa rin ang sayawan, hinatidan rin kami ng mga pagkain ng iba pang waiter, kakarating lang pala ng Alfonso family kaya ngayon pa lang sila kakain.

"Nararamdaman ko nang magiging masaya ang samahan ng ating pamilya" singit ni Don Mariano, oh! Nakatingin pala sila sa amin. Tinaas ni Don Mariano yung wine glass niya "Para sa pamilya Montecarlos at Alfonso, Mabuhay tayo!" sabi niya. tinaas din nilang lahat yung wine glass nila at ginaya yung sinabi niya. pero nagulat sila kasi hindi ako nakiki-cheer sa kanila! 

Oh Gosh! nakalimutan ko!

at dahil dun agad kong kinuha yung wine glass ko na tubig ang laman at tinaas ko din yun. napangiti naman na silang lahat, akala siguro nila tutol ako sa pagiging isa ng pamilya Montecarlos at pamilya Alfonso... Well, tutol naman talaga ako haha!

isa-isa ko silang pinagmasdan, masayang magkausap si ama at Don Mariano, nakatawa at nagbubulungan naman si ina, tiya Rosario at Donya Soledad habang inaasar kaming dalawa ni Juanito, nakatawa at nakikiasar naman si Maria, Josefina at Sergio habang busy naman sa pagkain si Angelito at kinukulit niya si Sergio.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila, nagpapasalamat ako dahil kahit papaano naging parte ako ng pamilya nila at nabigyan ako ng pagkakataon makasama sila. Mukhang kahit kailan, kahit anong mangyari hinding-hindi ko makakalimutan ang mga taong ito.

Nabuhay man sila sa lumang panahon, magkaiba man kami ng kinabibilangang panahon, isa lang ang sigurado ako, Magmula sa araw na ito bahagi na rin sila ng buhay ko.



Pagkatapos ng birthday celebration party ng Gobernador-Heneral dumiretso na kami sa Laguna, hindi na ako nakapagpaalam pa kay Juanito kasi nagmamadali si Tiya Rosario may kailangan pa siyang daanan kaya umuwi na kami, bukas na lang ihahatid si Josefina sa kumbento.

Nasa isang guest room ako natulog, Malaki din yung bahay ng Dela Cruz ang pamilya ni ina dito sa Laguna, bigla tuloy ako napaisip saan kaya napunta to ngayon?

Wala naman akong nababalitaan kay daddy o kay lola Carmina na may bahay sa Laguna na pagmamay-ari din ng aming pamilya.


Kinabukasan, sinama ako ni tiya Rosario sa isang simbahan dito sa Laguna, pagkatapos ng misa pasakay na kami ng kalesa nang makita ko si Juanito na nakasakay sa isang kalesa. Omg! Anong ginagawa niya dito sa laguna?

Wala ba siyang pasok ngayon?

"Carmelita ayos ka lang? bakit parang nakakita ka ng multo?" narinig kong tanong ni tiya Rosario. Gosh! Siguro matatago ko ang totoong pagkatao ko pero hinding-hindi ko matatago ang nararamdaman ko.

"P-parang nakita ko po kasi si Juanito... pero hindi po ako sigurado" sagot ko ginawa ko ang best ko para maintindihan ako ni tiya Rosario, hindi pa rin kasi magaling ang lalamunan ko, ang sakit magsalita. huhu

napadungaw naman sa bintana ng kalesa si tiya Rosario. "Sige sundan natin siya" sabi niya, Yes!

Agad na inutos ni tiya Rosario sa kutsero na sundan ang kalesang sinasakyan ni Juanito, hindi naman nagtagal biglang tumigil yung kalesang sinasakyan ni Juanito at bumaba siya sa isang sementeryo.


Shocks! 100% sure ako! si Juanito Alfonso nga yun!


Pero anong gagawin niya dito sa sementeryo?


"Sige na Hija, bumaba ka na, sundan mo siya at kausapin, dito lang ako sa kalesa, hihintayin ko kayo" sabi ni tiya Rosario at tinapik niya ang balikat ko. Napatango naman ako at agad bumaba sa kalesa.

Hindi pa naman nakakalayo si Juanito, pero hindi ko siya matawag kasi wala akong boses. Ughh!

Pagpasok ko ng sementeryo, hindi pala ordinaryong sementeryo ito, kasi puro naka-crimate yung mga patay. Isang Chinese cemetery pala to. Nagulat ako nang biglang napalingon si Juanito sa'kin waaahh! Nakita na niya ako!

"Binibining Carmelita? A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Juanito at agad siyang tumakbo papalapit sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya at nag *peace* sign.

"Paano mo nalaman na nandito ako? alam mo na?" gulat niyang tanong. Anong alam ko na?

Sinubukan kong magsalita kaya lang tunog dinosaur ang lumalabas sa bibig ko, mukha tuloy akong naghihingalong ipis.

"Oo nga pala, hindi pa rin bumabalik ang boses mo, uminom ka ng maraming tubig at dapat maligamgam lang, uminom ka rin ng luya bago matulog at pagkagising" bilin ni Juanito. Oh! Pwede siya maging guest sa 'Salamat Dok' ah.

Napahinga naman siya ng malalim saka hinawakan ang kamay ko. Waaahh!

"Kapag hindi ka maingat maaaring lumubog ang paa mo sa mga putik dito" sabi niya, oo nga medyo basa yung lupa. ewan ko ba pero parang naistatwa ako nung hawakan niya yung kamay ko. Naglakad naman siya at inalalayan niya ako kapag may putik na madadaanan.

"Nagtataka ka siguro kung anong ginagawa ko dito noh?" narinig kong sabi niya habang naglalakad kami at... magkahawak kamay pa. Gosh!

"Nandito ako para mag-tirik ng kandila at magpaalam sa isang napakabuting pamilya na sobrang malapit sa akin" sabi pa niya, napansin kong parang namumuo yung luha sa mga mata niya.

"Kaninang umaga ko lang nalaman ang nangyari sa kanila, ibinalita sa akin ni kuya Sergio" sabi pa niya. wala akong masabi, kahit naman siguro nakakapagsalita ako ngayon wala din akong masasabi.

Nagtataka ako kasi bigla kaming tumigil sa paglalakad at nasa tapat kami ngayon ng isang mahabang ilog na mukhang patay na, madumi ang tubig at madaming mga kahoy at tsinelas ang nakalutang sa ibabaw.

napatakip din kami ng ilong kasi mahabo ang singaw nung ilog.

Teka... akala ko ba dadalaw kami sa puntod? Nasaan yung puntod dito? Lumagpas na kami sa mga cremation kanina.

Inilabas ni Juanito yung pitong malalaking kandila na dala niya. itinirik at sinindihan niya iyon isa-isa. Nakatayo lang ako doon at tinitingnan siya, napansin ko na habang nakayuko siya at sinisindihan yung mga kandila parang umiiyak siya.

Teka! Umiiyak si Juanito?

Agad akong umupo sa tabi niya at tiningnan siya, Gosh! Umiiyak nga siya. bigla naman siyang tumalikod sa'kin at pinunasan niya ang luha niya.

Hindi ko alam pero sa mga sandaling iyon, parang ang bigat din ng pakiramdam ko.

Ang makita kong umiiyak si Juanito parang gusto na rin umiyak ng puso ko.

"K-kanina ko lang nalaman ang nangyari sa kanila... hindi ko matanggap ang sinapit ng pamilya nila, inakusahan sila sa bagay na alam kong hinding-hindi nila magagawa!" galit at halos naiiyak na tugon ni Juanito habang nakatingin sa mga kandila.

"A-ayon kay Sergio, dalawang linggo daw nagtago at pinaghahanap ang pamilya nila, at nang matagpuan sila dito sa Laguna, walang awang pinatay ang buong pamilya nila at tinapon ang kanilang bangkay dito sa ilog ng mga makasalanan" sabi pa niya at tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata niya.

Gosh! Dito pala sa ilog na to tinatapon ang mga banngkay ng mga makasalanang tao.

"Pero hindi ako naniniwala sa kasiraang ginawa sa pamilya nila, matagal ko na silang kilala at imposibleng magnakaw si Mang Nestor ng isang kaban ng palay at magimbento ng masamang balita si Aling Trinidad, hindi rin makatarungan na patayin ang kanilang limang anak" sabi ni Juanito at napatingin siya sa'kin.

ANO?

Parang biglang tumigil ang takbo ng buong paligid at biglang lumakas ang hangin ihip ng hangin, napatingin ako sa 7 piraso ng kandila. At napatingin din ako sa ilog ng makasalanan.

Imposible!

Hindi pwede to!

Pinatay ang buong pamilya ni Aling Trinidad?!


Napatulala lang ako sa mga kandila. Naalala kong suot ko pala ngayon yung butterfly na clip na binigay sa akin ni Aling Trinidad nung unang beses na magkita kami.

At hindi ko akalain na iyon na pala ang una at huling pagkikita namin.

"Ipinapangako ko Mang Nestor at Aling Trinidad! Hindi ako susuko hangga't hindi ko nahahanap kung sino ang nagpapatay sa inyo" sigaw ni Juanito sa ilog ng makasalanan. Tuluyan nang pumatak ang mga luha sa mata niya na kanina pa niya pinipigil.

Namalayan ko na lang na may patak ng luha ang lumabas sa aking mga mata.



Dear Diary,

Sabihin mong mali ako sa hinala ko.

Sabihin mong nagkakamali lang ako.

Sabihin mong isang masamang panaginip lang ito, dahil gusto ko nang gumising at makaalis sa bangungot na baka may kinalaman si Don Alejandro Montecarlos na aking ama sa panahong ito sa pagkamatay ng buong pamilya ni Aling Trinidad.

Nakikiusap,
Carmela


***********************

Featured Song:

'Prom' by The Juans. (Ito yung Background Music nung sumayaw si Carmela and Juanito sa gitna yiee~)


https://youtu.be/MzFJrac7K3Y

"Prom" by the Juans

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro