Kabanata 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata 30]


Nakangiti habang nakatingala ngayon si Juanito sa akin, dahilan para mapangiti at mapaluha ako.

"Carmelita... Ano? Anong mayroon------" hindi na natapos ni Maria yung sasabihin niya kasi nanlaki din yung mga mata niya nang makita si Juanito.

"T-tatawagin ko na ba ang mga guardia personal? A-anong mayroon d-diyan?" kinakabahang tanong ni Josefina, napalingon naman ako sa kaniya at nginitian ko siya, sinenyasan ko din siya na lumapit sa amin at dumungaw din sa bintana.

Dahan-dahan namang siyang naglakad papalapit sa amin at napanganga din siya nang makita si Juanito sa ibaba. "A-anong ginagawa ni Juanito dito? P-paanong----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi biglang sumenyas si Juanito na mag-usap daw kami sa lawa ng luha.

Napa-Oo naman agad ako.


"Carmelita! Baka mahuli kayo... at saka paparating na sila Heneral Leandro at Gobernador Flores" paalala sa'kin ni Maria. nakita ko namang nag-suot na ng sombrero na gawa sa banig si Juanito at pasimple na siyang umalis, naka-damit pang-hardinero siya ngayon at hindi rin siya nahalata ng mga guardia personal.

"Ate Maria... kailangan kong makausap si Juanito" pakiusap ko sa kaniya, napahinga naman ng malalim si Maria at niyakap ako. "Sige... sasabihin ko muna kay ama at ina na hindi ka pa namin tapos ayusan, ipapasundo kita kay Theresita kapag dumating na sila Gobernador Flores at Leandro" sabi pa ni Maria at dahil dun napangiti ako ng sobra.

"Mag-ingat ka Carmelita ah" bilin pa ni Josefina at niyakap ko din siya saka dali-dali na akong tumakbo papalabas, dumaan ako sa likod ng bahay, halos abala naman ang lahat kaya hindi na nila ako napansin pa.



Pagdating sa lawa ng luha, wala naman doon si Juanito, nagpalingong-lingon pa ako pero walang ibang tao doon.


Gosh! Baka nahuli siya?


Hindi ko alam pero bigla tuloy akong kinabahan... bakit kasi tinangka niya pang pumasok dito sa hacienda Montecarlos haays.

"Binibini..." narinig kong tawag niya mula sa likod ko. Paglingon ko nakangiti siya ngayon at parang nahihiya.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang hindi namin maialis ang mga mata namin sa isa't-isa. "P-paano ka pala nakapunta dito?" tanong ko sa kaniya. Naglakad naman siya papalapit sa'kin.


Dugdugdugdugdug!


"May isang kaibigan ang tumulong sa akin makasakay ng barko papunta dito sa San Alfonso... at pagdating ko rito tinulungan din ako ni Eduardo makapasok dito" sagot niya, ahh! Kaya pala nakadamit pang-hardinero siya, nagpanggap siguro siyang hardinero dito sa amin.

"Uhmm... M-may babalikan ka ba sa bahay niyo? Kaya ka nagtungo dito sa San Alfonso?" tanong ko pa. Gosh! Carmela bakit kinakabahan ka? Kyaaah!

Napakamot naman siya sa ulo at parang nahihiya siya habang nakangiti. "W-wala... m-may gusto akong balikan d-dito at umaasa rin ako na sana hindi pa huli ang lahat" sagot niya pa tapos humakbang ulit siya papalapit sa'kin at dahil dun napalunok na lang ako dahil sa kaba.

Dugdugdugdug!


"Ahh... A-ano ba yung gusto mong balikan?" tanong ko pa. Gosh! Parang sasabog na yung puso ko lalo na kasi hindi inaalis ni Juanito yung titig niya sa'kin. Waaahh!


"Ikaw" sagot niya. at dahil dun napatulala at napanganga lang ako.


Bigla siyang napangiti at napakamot ulit sa ulo. "Binibini... naalala mo ba noong una tayong magkita? Sinabi mo sa akin noon na kahit anong mangyari hindi dapat ako mahulog sa iyo" nakangiti niyang sabi. Napaisip naman ako ng malalim. Sinabi ko ba yun?----- WAAAAHH! OO NGA! SINABI KO NGA!

Naalala ko na yun yung time na nahulog ako sa bintana ng dormitoryo namin sa Maynila at naroon din si Juanito, sinabi ko sa kaniya na huwag siyang ma-fafall sa'kin. Omg!

"Pasensiya na kung hindi ko napigilan ang damdamin ko... at ayoko ng pigilan pa ito, gusto kong malaman mo na ikaw lamang ang tinitibok nito" Sabi niya pa sabay hawak sa kamay ko at itinapat niya iyon sa puso niya. Naistatwa lang ako sa kinatatayuan ko, at gulat na gulat na nakatitig sa mga mata niya.

Ohmygosh! Hindi ko akalain na ganito pala ka-intense ang magtapat sayo ang isang lalaki ng personal Waaaahh!

"Patawarin mo rin ako kung hindi kita kinausap ng maayos noong nakaraang linggo, akala ko ay kung patuloy kitang iiwasan makakatulong ito upang mabura ka na sa isipan at puso ko... pero nagkamali ako, habang lumalayo ako sa iyo mas lalo namang nananabik ang puso ko na makita ka" paliwanag niya pa, GOOOOOSH! Hindi ko akalaing ang sarap pala pakinggan ng mga salitang ganito! Waaaahh!

"At kung iyong pahihintulutan Binibini... nais ko sanang hayaan mo ako na maipakita sa iyo ang malinis na hangarin ng puso ko" sabi niya pa, habang nakatitig pa rin ng diretso sa mga mata ko. My gosh! Pinagpapawisan na ako at nanlalamig na din yung kamay ko na hawak ngayon ni Juanito. Kyaahh!

"Binibini?" tanong niya pa. Omg! Hinihintay niya pala yung sagot ko. Waaahhh!

"Huh? Ahh---Ehh--- A-ayos lang" sagot ko, napangiti naman ng todo si Juanito. "Talaga? Pumapayag ka na ligawan kita?" tanong niya habang nakangiti ng todo. At dahil dun napangiti at natawa tuloy ako.

"Oo nga" sagot ko pa, napatalon naman sa tuwa si Juanito at niyakap ako. "Ibig sabihin TAYO NA?" bulong pa sa'kin ni Juanito, hindi ko alam pero tinakpan ko na lang yung mukha ko dahil sa kilig. Omg! Baka mapansin niya na namumula yung mukha ko. kyaaahh!

"Akala ko ba ligaw pa lang? bakit... tayo na agad?" pakipot ko pa pero shems! um-Oo na kaya ako?! Grab the Chance Carmela! 

natawa naman si Juanito. "Nagbabakasakali lang hahaha" sagot niya pa at dahil dun kinurot ko yung braso niya.

"Ikaw talaga! Gusto mo lang ako linlangin eh" pang-asar ko pa, pero nagulat ako kasi niyakap niya ulit ako. Hindi naman ako kumawala kasi gusto ko rin naman haha char!


"Mahal kita" bulong niya pa, dahilan para maistatwa na lang ako habang magkayakap kami. 

Hindi ko namalayan na napangiti ako at napapikit habang yakap-yakap ko siya, gusto kong maramdaman ang mga puso naming tumitibok ng magkasabay habang ang malamig na hangin na dumadampi sa aming mga balat ay nakikisaya sa aming mga pusong nagdiriwang ngayon.

Ayoko nang kumawala sa kaniya... at alam kung mula sa mga oras na ito, hindi na ako bibitaw pa.



Halos isang oras din kami nagkausap ni Juanito nang biglang dumating si Theresita at sinundo na ako dahil dumating na raw si Gobernador Flores at Leandro.

"Carmelita..." tawag pa sa'kin ni Juanito habang hawak-hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. ayoko pa sanang umalis kaya lang baka mapahamak sila Maria at Josefina na nagsinunggaling para sa akin. "Wag kang mag-alala... sasabihin ko kay ama na hindi matutuloy ang kasal" sabi ko pa sa kaniya, nakahinga naman ng maluwag si Juanito. Nalaman pala niya na ikakasal na ako kay Leandro nung pumunta kami sa bahay nila sa Bohol, sinabi raw ni Theresita iyon kay Angelito at sinabi naman sa kaniya ni Angelito kaya nagdesisyon talaga siya na sundan ako dito sa San Alfonso.

"Ngiti na... sige na" sabi ko pa tapos hinawakan ko ang pisngi niya at pinangiti siya. Natawa naman siya. Nag-thumbs up naman ako sa kaniya at bigla siyang napangiti... at nag-thumbs up din siya.

Masaya akong malaman na okay na siya...



Pagdating sa loob ng bahay, masayang nag-uusap si Don Alejandro at Gobernador Flores sa papasok sa pintuan ng bahay habang nasa likod naman nila si ina. Dumaan kami sa likod ng bahay at pasimple kaming umakyat ni Theresita sa hagdan nang hindi nila napapansin kasi abala sila sa pagkwekwentuhan.

Pagdating ko sa kwarto, nakahinga na ng maluwag sila Maria at Josefina. "Tara na... kanina ka pa nila hinihintay" nagpapanic na sabi ni Maria habang pinapagpagan ang laylayan ng damit ko at inaayos naman ni Josefina yung buhok ko.

"Maraming salamat" yun na lang yung nasabi ko sa kanila, napatigil naman si Maria at Josefina at napatitig sa'kin sabay ngiti. "Wala iyon... ang magkakapatid dapat nagtutulungan, tayo-tayo lang ang maaaring magdamayan sa hirap at ginhawa" sabi pa ni Maria at nag-group hug kami.

Napakaswerte ko talaga na nakilala at naging kapatid ko sila.


Pagbaba namin sa hagdan agad napatayo si Leandro na naka-damit pang heneral, may dala siyang bouquet ng white roses at inabot iyon sa akin habang nakangiti siya ng todo.

"S-salamat" sabi ko na lang, hindi naman maalis ni Leandro yung titig niya sa'kin habang nakangiti pa rin siya.

"Bueno, tayo'y kumain na... naghanda kami ng masasarap na pagkain para sa inyo, nawa'y masiyahan kayo" anunsyo pa ni Don Alejandro at nagtawanan naman sila ni Gobernador Flores. Sa totoo lang, namiss ko yung mga panahon na malayang nagtatawanan si Don Alejandro at Don Mariano.

Nasa hapag-kainan na kami nang biglang dumating si madam Olivia. Inimbitahan naman siya ni ina na sumabay na sa aming salo-salo kaya nakaupo rin siya ngayon sa tabi ko.

Habang nasa tapat naman namin si Leandro at Gobernador Flores.

"Hindi ko akalaing ang samahan ng ating mga pamilya ay magiging mas malalim pa, nagagalak ako na tinugon niyo ang aking kahilingan" sabi pa ni Don Alejandro. Napatingin naman ako sa kaniya. Whuut?

So ibig sabihin siya ang nag-request na maikasal kami ni Leandro?


"Mas maswerte kami amigo dahil magiging bahagi kami ng inyong napakasayang pamilya... biro ko nga kay Leandro na magkaroon sila ng maraming supling ni Binibining Carmelita upang sumaya at lumaki rin ang aming pamilya" kantyaw naman ni Gobernador Flores at dahil dun nanlaki tuloy yung mga mata ko at napatingin ako kay Leandro na ngayon ay natatawa na lang sa pinagsasabi ng tatay niya.

Gosh! Eto na naman tayo sa paramihan ng anak ughhh.

"Tunay nga na ang dalawang pusong nagmamahalan ay mas lalong pinaglalapit ng tadhana at gumagawa ito ng paraan upang sila ay magkatuluyan" sabi pa ni Don Alejandro at nagtawanan sila. Oo nga pala, hanggang ngayon naniniwala pa rin sila sa sinabi ko noon na si Leandro ang mahal ko kaya hindi natuloy ang kasal namin ni Juanito.

Tahimik naman kami nila Maria, Josefina at madam Olivia.

"Nasabi nga sa akin ni Leandro na matagal na pala silang may relasyon ni Binibining Carmelita... bago pa man siya magtungo sa Cuba" sabi pa ni Gobernador Flores at dahil dun napatingin silang lahat sa'kin lalo na si Don Alejandro at ina.

"T-talaga? May namamagitan na sa inyo ni Ginoong Leandro noon pa man, anak?" gulat na tanong ni ina. Napatingin naman ako kay Leandro na ngayon ay mukhang nagsisisi kung bakit niya sinabi iyon sa tatay niya.

Napatingin din ako kay Maria at Josefina na ngayon ay mukhang guilty din dahil kasabwat sila ni Carmelita sa pagtatago ng katotohanan. At napatingin din ako kay madam Olivia na ngayon ay mukhang nag-iisip ng malalim at hindi siya nagsasalita.

"Carmelita?" tanong pa ulit ni ina. Napahinga na lang ako ng malalim at napatango. Hindi naman nila maiintindihan kung itatanggi ko na wala naman kaming relasyon ni Leandro kasi hindi naman ako si Carmelita... kaya lang wala na akong magagawa. Ako si Carmelita sa panahong to at ang mga nakaraan niya ay nakaraan ko rin.

Hindi na lang ako kumibo dahilan para magsalita na si Leandro "Ipagpaumanhin niyo na po sadyang mapag-biro lang talaga ang aking ama" sabi niya, magrereact pa sana si Gobernador Flores kaya lang nagets na niya na mukhang hindi natuwa si Don Alejandro sa ideya na nagkaroon ng secret boyfriend ang anak niyang si Carmelita.

"Ah! Ano pong masasabi niyo sa aming mga putaheng inihanda?" sabi ni ina, halatang sinadya niyang ibahin ang usapan. "Napakasarap po ng inyong mga niluto, nagagalak po akong matikman ang lahat ng ito" sagot naman ni Leandro at ganadong-ganado siya kumain.

Sandali namang napatahimik ang lahat, nakayuko na lang ako habang kumakain pakiramdam ko kasi na-bad trip talaga si Don Alejandro nang malaman niyang lihim na lumandi ang anak niya. Haays! Akala niya siguro may gusto lang talaga si Carmelita kay Leandro, hindi niya in-expect na nagkaroon ito ng relasyon.

"Bueno... Anong petsa niyo ba gusto ganapin ang kasal ng ating mga anak?" panimula ulit ni Gobernador Flores at dahil dun nanlaki yung mga mata ko at napatingin ako kay Leandro na ngayon ay nakangiti sa'kin.

Nagkatinginan naman si Don Alejandro at ina. "Nais sana naming maganap ang kasal sa buwan ng Mayo" tugon ni ina, Nagkatinginan naman si Leandro at Gobernador Flores.

"Hindi ba masyadong matagal? Mas mabuti kung maikasal na ang dalawang bata sa lalong madaling panahon" suhestiyon pa ni Gobernador Flores. Whuuut? As in agad-agad?

"Alam naman nating napakaraming trahedyang nangyari nitong mga nakaraang buwan kung kaya't mas mabuti kong palilipasin muna natin ang kalungkutan ng lahat magbuhat nang mawala si Don Mariano at ang kaniyang pamilya ay----------" hindi na natapos ni ina yung sasabihin niya kasi bigla siyang sinagi ng mahina ni Don Alejandro dahilan para marealize niya na hindi niya dapat inungkat ang pangalan ni Don Mariano at ng mga Alfonso sa harap ng bagong Gobernador.

"Ah-ang ibig ko pong sabihin kagalang-galang na Gobernador Flores ay kung maaari sa Mayo na lang po ganapin ang kasal at kung natatagalan pa po kayo maaari po nating hingin ang opinyon ni madam Olivia" sabi pa ni ina, Napatingin naman kaming lahat kay madam Olivia na ngayon ay wala pa ring reaction.

Halos walang kurap akong nakatingin kay madam Olivia, Gosh! Sana magets niya na ayaw kong ikasal kay Leandro at hindi dapat kami ikasal.

"Madam Olivia... ano po ang inyong masasabi? Anong buwan at araw po kaya magandang itakda ang kasal ng mga bata?" tanong pa ni ina. Inilapag naman na ni madam Olivia yung kutsara at tinidor niya at nagpunas siya ng bibig.


"Walang kasalan na magaganap" diretso niyang sagot dahilan para magulat kaming lahat. WHAAAAT?


Agad akong napahawak sa braso ni madam Olivia, kahit pabor sa'kin yung sinabi niya natatakot pa din ako na baka pag-initan siya ni Gobernador Flores at Don Alejandro!

"A-ANONG IBIG MONG SABIHIN MADAM OLIVIA? SINO KA PARA MAGDESISYON NG GANIYAN?" galit na tanong ni Don Alejandro. At napadabog pa siya sa mesa, agad naman siyang hinawakan ni ina upang paupuin.

"Madam Olivia... Ano ang iyong batayan upang sabihin iyan?!" galit na tanong din ni Gobernador Flores. Agad naman siyang inalalayan at pinakalma ni Leandro.

Hindi naman natinag si madam Olivia at tiningan lang silang dalawa "Pasensiya na kung hindi ko agad nasabi sa inyo, kaya ako naparito ay upang ipaalam sa inyo na si Binibining Carmelita ay desidido maging katuwang ng simbahan" sagot ni madam Olivia, gulat namang napatingin sa'kin si Maria at Josefina.

"Nais mo ring maging madre Carmelita?" gulat na tanong ni Josefina at ramdam ko naman ang init ng mga mata nila sa'kin dahil lahat sila ay nakatingin sa'kin ngayon.

"Carmelita? Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi mo agad ipinaalam sa amin?" galit na tugon ni Don Alejandro, napatingin naman ako kay madam Olivia at parang sinasabi niya na umayon na ako sa sinabi niya dahil iyon lang ang tanging paraan para hindi matuloy ang kasal kay Leandro.

Napahinga na lang ako ng malalim at napapikit bago magsalita "Uhh--- O-opo! Pasensiya na po kung hindi ko nasabi agad... k-kasi biglaan talaga at buo na po ang desisyon ko na maging madre" sagot ko, pagmulat ko ng mata nakita ko ang iba't-ibang expression ng mukha nila. Hindi makapaniwala at malungkot ang itsura ni Leandro, takang-taka naman si ina, Maria at Josefina, galit naman ang itsura ni Don Alejandro, samantalang biglang hindi na nag-react si Gobernador Flores.

Whoa.. okay lang kay Gobernador Flores na hindi matuloy ang kasal namin ni Leandro?


"Ngunit... ang kasunduang ito ay---" hindi na natapos ni Don Alejandro yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita si madam Olivia.

"Bilang punong madre ng San Alfonso at Maynila, iginagalang ko ang inyong kagustuhan ngunit mas mahalaga sa pagkakataong ito ang nais tahakin ni Binibining Carmelita" matapang na sabi ni madam Olivia. Bigla namang napatayo si Josefina at lumuhod sa harapan ni Don Alejandro.

"Ama... alam po naming mahalaga ang inyong desisyon ngunit nang ako po ay magpasya na mag-madre ay buong puso niyo naman pong tinanggap, nawa'y huwag niyo rin po sana ipagkait kay Carmelita ang hangarin niya" sabi ni Josefina habang nakaluhod, lumuhod na rin si Maria.

"Nawa'y pagbiyan niyo na po si Carmelita... minsan lang po siya humiling sa inyo kung kaya't huwag niyo po sana itong ipagkait sa kaniya" pakiusap din ni Maria, at lumuhod na rin ako sa harapan ni Don Alejandro.


Napapikit naman sa galit si ama at bigla siyang napatayo. "Gobernador Flores... ipapaumanhin niyo na po ang pangyayaring ito, kalimutan niyo na lang din po sana ang mga inasal ng aking anak, huwag po kayong mag-alala bilang padre de pamilya ng Motecarlos ako na po ang bahala dito, aayusin ko po ito" pakiusap ni Don Alejandro, napabuntong-hininga naman si Gobernador Flores at napatayo na rin siya.

Halatang disappointed siya sa mga pangyayari at isa-isa niya kaming tiningnan bago tuluyan nang lumabas ng pinto at umalis. "Pasensiya na po Don Alejandro, ako na po ang bahalang kumausap kay ama, maraming salamat po sa inyong mga inihanda at magandang gabi rin po sa inyo... lalo na sa iyo Binibining Carmelita" tugon pa ni Leandro, halatang dismayado rin ang itsura niya nang magtama ang mga paningin namin.

"Aalis na rin po ako, maraming salamat din po sa inyong oras... at hinihiling ko po na maging bukas ang inyong isipan at bigyang pansin niyo rin po ang kalagayan ng inyong mga anak... Don Alejandro" matapang na tugon ni madam Olivia. Napapikit na lang ulit sa galit si Don Alejandro at nakita kong hinawakan ni ina ang nanginginig niyang kamao.

Napatingin naman sa akin si madam Olivia at napatango bago siya lumabas ng pinto at tuluyan na ring umalis.

Nang makaalis na silang lahat ibinaling na ni Don Alejandro ang matalim niyang tingin sa amin, lalo na sa akin, alam kong sobrang dismayado siya ngayon at hindi niya rin inaasahan na magagawa namin siyang pagtulungan sa harapan ni Gobernador Flores. Tinalikuran na niya kami at padabog na umakyat sa kwarto nila ni ina, "Alejandro!" tawag pa ni ina at hinabol niya ang asawa niya.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko, masyado ko nang nabibigyan ng problema si Don Alejandro. Tutulo na sana ang luha ko kaya lang biglang hinawakan ni Maria at Josefina ang kamay ko, nakaluhod pa rin kaming tatlo ngayon.

"Magiging maayos rin ang lahat Carmelita... nandito lang kami para sa iyo" sabi pa nila at niyakap nila ako. Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ko ako na ata ang pinaka-maswerteng kapatid nila.



Kinabukasan, matapos kaming mag-almusal nagulat ako nang makita si Leandro sa salas. "Magandang umaga Binibining Carmelita" bati niya sa'kin at ipinatong niya ang kaniyang sumbrero sa kaniyang dibdib, Napalingon naman ako kay ina na paakyat pa lang ng hagdan, mukhang siya ang nagpapasok kay Leandro.

"Maaari ba tayong mag-usap?" tanong niya pa, halatang namamaga ang mga mata niya, umiyak ba siya?

"S-sige" sagot ko na lang at naupo na kaming dalawa sa salas. Napadaan naman si Maria at Josefina, binati nila si Leandro bago umakyat sa kani-kanilang kwarto. "K-kamusta na si Don Alejandro?" tanong ni Leandro, Napahinga na lang ako ng malalim.

"Hindi ko pa siya nakakausap, maaga siyang umalis ng bahay kanina" sagot ko, napatango-tango naman si Leandro. "Ikaw Binibini? Kamusta ka naman? Napagalitan ka ba ni Don Alejandro?" nag-aalala niyang tanong. Napa-iling naman ako.

"Ayos lang ako... ikaw? Kamusta ka naman?" tanong ko naman sa kaniya, napangiti naman siya ng kaunti. "Magmumukha ba akong sinunggaling kung sasabihin ko sa iyo na labis na nagdaramdam ang puso ko" sagot niya at dahil dun napalunok na lang ako.

Sa totoo lang nakokonsensiya ako, hindi deserve ni Leandro ang masaktan ng ganito, alam kong mahal na mahal talaga niya si Carmelita, kaya ko man magpanggap bilang Carmelita sa panlabas na anyo, hindi naman kayang magpanggap ng puso ko.

"Patawad... hindi ko sinasadyang masaktan ka" nakayuko kong sagot, nagulat naman ako nang biglang hawakan ni Leandro ang kamay ko.

"Huwag kang humingi ng tawad Carmelita... kasalanan ko ang lahat ng ito, alam kong nagkulang akong patunayan sa iyo ang pag-ibig ko lalo na noong umalis ako upang tuparin ang pangarap ko" paliwanag niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Hinihiling ko na hindi pa sana huli ang lahat... alam kong may parte pa rin ako sa puso mo, marahil ay naguguluhan ka lamang ngayon dahil sariwa pa ang magagandang alaala mo sa pamilya Alfonso, kung kaya't bibigyan kita ng panahon upang makapag-isip-isip pa ng mabuti, umaasa ako na ako pa rin ang pipillin mo" patuloy pa ni Leandro, Napatulala lang ako sa kaniya, hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Natanggap ko kaninang umaga ang sulat mula sa gobernador-heneral, nais niyang pamunuan ko ang hukbo sa Cavite at sanayin silang mabuti... hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako mananatili roon ngunit asahan mo Binibini na araw-araw kitang padadalhan ng sulat, nawa'y tugunin mo rin sana ang mga liham ko" sabi pa niya, napangiti na lang ako ng kaunti at napatango sa kaniya, Sa totoo lang nararamdaman kong napakabuting tao ni Leandro, lagi niyang naiintindihan ang mga sitwasyon, yun nga lang nagkamali lang siya ng minahal.



Makalipas pa ang dalawang araw, nabalitaan ko mula kay Eduardo na bumalik na sa Bohol noong isang araw si Juanito dahil nagpadala ng sulat si Angelito na biglang dinugo raw si Sonya at muntik ng malaglag ang sanggol sa sinapupunan niya.

Hindi na raw nakapagpaalam pa si Juanito dahil naghigpit si Don Alejandro ng mga guardia personal sa aming hacienda. At nalaman din nila na hindi na matutuloy ang kasal namin ni Leandro kung kaya't galit na galit talaga si Don Alejandro at ayaw na ni Juanito na madagdagan pa ang galit ni Don Alejandro kapag nalaman niyang tumatakas ako at nakikipagkita sa kaniya.

Pero babalik daw si Juanito sa susunod na linggo para bisitahin ako, naiintindihan ko naman nasa emergency state ngayon si Sonya at sobrang nag-aalala rin ako para sa kaniya.

Bukas ng umaga ay aalis na rin kami papuntang Cebu, pumayag na si Don Alejandro na maging madre ako at sa Cebu na ako magsasanay. Halos dalawang araw ko rin siya hinihintay sa labas ng kwarto nila ni ina o sa opisina niya sa bahay para makapagpasalamat pero hindi ko siya naaabutan at sa tuwing susubukan kong kausapin siya hindi niya ako pinapansin at hindi niya rin ako kinikibo. Palagi na lang sa'king sinasabi ni Josefina na ganun lang daw talaga si ama kapag nagagalit at nagtatampo siya, mga isang linggo ka niyang hindi papansin at kakausapin.

Si Ina, Maria at Josefina ang naghatid sa akin sa daungan. Kasama ko namang babyahe papuntang Cebu si madam Olivia at Theresita.

"Masaya ako para sa iyo anak... huwag mo sanang bigyan ng sakit ng ulo si madam Olivia ah" bilin pa sa'kin ni ina at niyakap niya ako, sunod namang lumapit sa'kin si Josefina.

"Sayang nga lang dahil dito ako nakatalaga sa simabahan ng San Alfonso... ngunit pagkatapos mo mag-aral at magsanay hihilingin ko kay Gobernador Flores na italaga ka rin dito sa San Alfonso upang magkasama na tayo" masayang tugon ni Josefina at niyakap niya rin ako.

"Alam kong si Juanito talaga ang dahilan nito at kasabwat niyo si madam Olivia... pero huwag kang mag-alala susuportahan kita sa kahit anong gusto mo" bulong pa sa'kin ni Josefina mukhang hindi naman narinig ni ina kasi magkausap sila ngayon ni madam Olivia. Napangiti na lang din ako at niyakap ko rin siya ng mahigpit. Oo nga pala, nakwento ko kay Josefina at Maria noong isang araw na nakita ko si Juanito sa Cebu at sa Bohol pala ngayon naninirahan ang buong pamilya nila. Nalungkot din sila nang malaman nila na patay na si Donya Juanita.

Lumapit naman sa'kin si Maria at napansin ko na naiiyak na siya "Mag-iingat ka Carmelita ah, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin at gagawin namin ang lahat para sa iyo" sabi pa niya at niyakap niya rin ako ng mahigpit. "Hangad ko ang walang hanggang kaligayahan niyo ni Juanito" bulong niya pa sa'kin. hindi ko naman mapigilang maluha dahil sa totoo lang mamimiss ko sila at hindi ko rin alam kung kelan ko ulit sila makikita, baka abutin na rin ako ng February sa Cebu.



Pagdating sa Cebu, dalawang araw umulan kaya hindi kami agad nakapunta ni Theresita sa Bohol kasi malalakas yung alon sa dagat at hindi kaya ng mga maliliit na bangka na bumyahe, nag-aalala rin ako na baka may nangyari nang masama kay Juanito sa gitna ng dagat habang nangingisda sila.

"Binibini... ayos lang po ba kayo?" tanong sa'kin ni Theresita, bigla tuloy akong natauhan hindi ko namalayan na nakatulala pala ako ngayon sa bintana habang bumubuhos ang malakas na ulan.

"Huh? Oo naman" sagot ko na lang, umupo naman siya sa tabi ko at napatulala na rin siya sa bintana. "Iniisip niyo po si Ginoong Juanito noh?" pang-asar niya pa, Bigla tuloy akong napangiti. Ganun ba talaga ka-obvious ang pagka-obsess ko kay Juanito? kyaaahh!

"Sakto lang" sagot ko, Gosh! Pakipot muna haha.

"Sigurado po akong madalas din kayong iniisip ni Ginoong Juanito... sabi nga po nila kapag umiibig ang isang tao hindi nito kayang kontrolin ang puso't-isipan niya, kahit anong gawin niya ay paulit-ulit pa ring gumugulo sa isipan niya ang taong tinitibok ng puso niya... magkaugnay po kasi ang puso at isipan at kailanman ay hindi ito mapaghihiwalay at matuturuan" sabi pa ni Theresita. Haaay Grabe! Matalino rin talaga ang batang to, bagay na bagay talaga sila ni Angelito... hmm... Teka nga! Speaking of Angelito Aha!

"Talaga? Kung gayon iniisip ka rin siguro ni Angelito sa mga oras na ito" pang-asar ko pa sa kaniya, bigla naman siyang napatingin sa'kin at namula ang mga pisngi niya, at dahil dun natawa tuloy ako sa reaction niya, Haays! Ganyan na ganyan din yung reaction ko noon nung na-fafall na ako kay Juanito Haha.

"P-paano niyo naman po nasabi? Sa tingin ko po hindi po ako ang tipong babae ni Ginoong Angelito" depensa pa ni Theresita pero halatang umaasa naman siya. haays.

"Paano mo malalaman kung hindi mo aalamin?" sabi ko pa, Whew! Feel ko tuloy love expert ako ngayon haha!

"Po? Dapat ko po bang itanong sa kaniya kung gusto niya ako?" nagtataka niyang tanong. Whuut?

"No! ah-este! NOong mga nakaraang buwan nahalata ko lang na may gusto siya sayo" sabi ko pa, Gosh! Muntik na kong madulas doon ah. "At huwag mong itatanong sa kaniya kung may gusto siya sayo, paano kung wala naman? Edi napahiya ka... hmmm... mas mabuti kung alamin mo sa paraang hindi niya mahahalata" sabi ko pa, mas lalo namang nagtaka si Theresita.

"Paano po? Hindi ko alam kung anong gagawin ko" sabi pa niya at mukhang nawiwindang na rin siya.

"Titigan mo siya sa kaniyang mga mata... at doon mo mahahanap ang kasagutan sa iyong mga katanungan" sabi ko pa, Grabe! Nagiging matalinhaga na rin ako ah! Haha!

Gusto ko talagang magkatuluyan sila ni Angelito... sayang nga lang wala akong idea kung sino ang makakatulyan ni Angelito kahit pa nanggaling ako sa future. Hindi naman kasi ako aware na may mga kapatid pa pala si Juanito. Haays.




Kinabukasan, pagkagising ko napangiti na lang ako ng todo nang makita na tumila na ang ulan. Maganda na ang sikat ng araw. Dali-dali naman akong naligo at nagbihis at bumaba na sa kusina. Linggo ngayon at free day namin, ibig sabihin pwede kaming pumunta kung saan namin gusto basta kailangan lang namin magpaalam kay madam Ofelia.

Sinabi naman ni madam Olivia kay madam Ofelia na ipapasyal niya kami ni Theresita sa Fort San Pedro, pero nung papunta na kami sa Fort San Pedro napakiusapan namin si madam Olivia na pupunta kami sa kabilang isla, sa Bohol.

Pumayag naman si madam Olivia at wala na siyang nagawa pa dahil alam niyang hindi namin siya tatantanan ni Theresita hangga't hindi siya pumapayag. At mukhang gusto rin naman niya makita ang pamilya Alfonso, Sumakay na kami ng bangka patawid sa kabilang isla, hindi na rin namin nakita yung manong na binayaran ko ng 100 pesos, mayaman na siguro siya ngayon haha.

Pagdating namin sa Bohol, agad naming inakay sa magkabilang braso si madam Olivia at excited namin siyang hinila papunta sa bahay nila Juanito. Naabutan naming nag-bibilad ng bigas si Ignacio habang nagsisibak naman ng kahoy para sa panggatong si Angelito. Naka-topless ngayon si Angelito kaya naistatwa si Theresita sa kinatatayuan niya at naglalaway na siya ngayon haha!

"Magandang umaga mga Binibini... hindi ba't bumalik kayo ng San Alfonso? Paanong---" hindi na natapos ni Ignacio yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita si madam Olivia. "Hindi ba pwedeng nais ko lamang kayo makita muli?" nakangiting tugon ni madam Olivia at dahil dun napangiti si Ignacio at agad napayakap kay madam Olivia. Kung tutuusin sobrang close talaga si madam Olivia sa pamilya Alfonso at Corpuz.

"Maraming salamat Madam Olivia... sobrang nagagalak po akong makita kayo" tugon pa ni Ignacio. Bigla naman siyang napatingin kay Angelito na ngayon ay tulala rin nang makita si Theresita. "Angelito! Magdamit ka! Nakakahiya sa mga Binibini" suway ni Ignacio kay Angelito at dahil dun bigla siyang natauhan at napatakbo papasok sa bahay nila.

"Nasaan si Juanito at Sonya?" tanong ni madam Olivia. Oo nga! Kanina pa ako nagpalingon-lingon sa paligid para hanapin si Juanito pero hindi ko siya makita.

"Nasa hilot po ngayon si Sonya, susunduin ko po siya mamaya, masyado po kasing konserbatibo ang kumadrona dito at tanging mga babae lamang ang pwedeng pumasok sa tahanan niya" natatawang tugon ni Ignacio. "At nasa baybay po si Juanito, nangunguha po siya ng mga buko" sagot pa ni Ignacio at napatingin siya sa'kin nung sinabi niya yung pangalan ni Juanito, para bang sinasbi niya na 'Oh ayan! Alam mo na kung nasaan yung bebe mo' haha!


Pinapasok na kami ni Ignacio sa loob ng bahay kubo nila, napansin kong luminis at umayos na rin ang mga gamit nila, mukhang masaya na silang nagsisimula muli. Nalaman ko rin na sa bandang gitna lang ng isla inilibing si Donya Juanita, sinamahan naman kami ni Ignacio sa lugar kung saan inilibing si Donya Juanita at nag-alay kami ni madam Olivia at Theresita ng dasal at bulaklak para kay Donya Juanita.


Tanghali na nang makabalik kami sa bahay nila, nakasaing na rin si Angelito, at nakikipaglaro siya sa mga bata na nagtatakbuhan malapit sa bahay nila, napansin ko namang bigla siyang nahiya at natorpe na naman nang dumating kami at makita muli si Theresita.

ilang saglit pa dumating na si Juanito, may mga kasamahan siyang grupo ng mga kalalakihan at may dala-dala silang sako-sako na mga buko. Napangiti si Juanito nang makita kami, agad niyang nilapag yung mga buko na dala niya at tumakbo papalapit sa amin. Agad siyang nag-mano kay madam Olivia "Madam Olivia... nagagalak po akong makita kayo" masayang tugon ni Juanito at nag-aalinlangan siyang yakapin si madam Olivia kasi madumi ang damit at kamay niya at medyo pawisan din siya. Pero para sa'kin ang hot pa rin niya sa pangingin ko kyaaahh!

Hinawi ni madam Olivia ang buhok ni Juanito sa noo niya. "Masaya akong nagagawa mo pa rin ngumiti Juanito" nakangiting tugon ni madam Olivia. At niyakap niya si Juanito, nakakatuwa silang pagmasdan kahit papaano parang naging pangalawang ina na rin si madam Olivia sa magkakapatid na Alfonso.

"May bukod tanging Binibini po ang nagpapangiti talaga sa akin" sagot niya pa kay madam Olivia sabay tingin sa'kin. Kyaahh!

Dugdug. Dugdug.


Gosh! Ako yung nagpapangiti sa kaniya? Bigla naman akong sinagi ni Theresita at Ignacio at inasar-asar na nila kami. Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang magkatinginan kami ni Juanito. Omygosh! Hindi ko akalaing tatalab sa'kin ang mga salita niya Waaah! talagang naka-adapt na ang puso ko sa panahong to My Goodness!



Sabay-sabay kami nag-tanghalian, kanin at daing na bangus ang aming naging tanghalian. Hindi pala nakapangisda si Juanito nang halos dalawang araw dahil medyo malakas ang ulan at malalakas ang alon sa dagat.

Habang kumakain kami nawindang ako kasi wala palang kutsara at tinidor sila Juanito kaya nagkakamay lang sila. "Binibini? Hindi po ba kayo marunong magkamay?" tanong ni Angelito. Napatango na lang ako, never ko pa na-experience kumain ng nakakamay.

"Huwag ka mag-alala Binibini noong una kaming makarating dito, hindi rin kami marunong nila Kuya Juanito, Kuya Ignacio at Ate Sonya pero tinuruan kami ni ina, sinabi niya sa amin na masanay na kami sa simple at payak na pamumuhay malayo sa karangyaan na kinamulatan namin" sabi pa ni Angelito, Wala si Ignacio ngayon sinundo niya si Sonya.

"Halika... tuturuan kita" sabi naman ni Juanito at umupo siya sa tabi ko, at dahil dun bigla akong kinabahan. Omg! Ang lapit niya sa'kin ngayon Waahh!

Bigla niyang kinuha yung kamay ko at tinuruan niya ako kung paano kunin at hubugin yung kanin. "Madali lang diba?" nakangiti niya pang tugon, napangiti rin ako at napa-thumbs up sa kaniya. Nakita ko namang nakangiti ng todo at halatang nag-eecheos sila Madam Olivia, Theresita at Angelito sa amin.

Ginawa ko naman yung tinuro ni Juanito at masasabi kong madali lang pala talaga kumain ng nakakamay, nagulat ako nang biglang tinapat sa akin ni Juanito yung kamay niya na may ulam at kanin. Omg! Susubuan niya ba ako? kyaaahh!

"Nako! Huwag ka nang mahiya Ate Carmelita..." narinig kong pang-asar pa ni Angelito. Grabe! Feel na feel ko na talaga na belong ako sa family nila dahil tinawag na ako ni Angelito na Ate. Napatingin naman ako sa kamay ni Juanito at sinubuan na niya ako. Waahh! Ang init ng mukha ko huhu.

"Hala! Kuya Juanito namumula na parang kamatis ang buong mukha ni ate Carmelita" pang-asar pa ni Angelito. Shocks! Hindi ko akalaing ang lakas din pala ng trip ng kapatid niya huhu.

"Kumain ka na nga lang diyan Angelito... alam ko namang kanina mo pa gustong subuan din si Theresita eh" pang-asar naman ni Juanito kay Angelito at dahil dun bigla kaming natawa kasi si Angelito naman ang namula sa hiya.

Sa totoo lang, nakakatuwang pagmasdan na malaya na silang nakakangiti at nagsasaya ngayon.



Pagkatapos ng tanghalian habang naghuhugas kami ni Theresita ng mga pinagkainan. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako sa ere. Gosh! Nahihibang na talaga ako! Waaah!

"Binibini... alam ko na! si Ginoong Juanito ang dahilan ng mga ngiting iyan" narinig kong pang-asar ni Theresita at dahil dun natauhan tuloy ako, mukha akong baliw kakangiti kanina pa dito.

"Huh? h-hindi ba pwedeng masaya lang ako d-dahil nagiging maayos na ang lahat?" palusot ko pa mukhang hindi naman nakumbinse si Theresita sa palusot ko.

"Talaga po? Para po kasing iba ang sinasabi ng inyong mga mata eh" pang-asar pa ni Theresita. Gosh! Oo nga pala, sinabi ko sa kaniya na hindi nagsisinunggaling ang mga mata Haaays.

"Ohh? Baka nagkamali ka lang ng interpretasyon" palusot ko pa, magsasalita pa sana si Theresita kaya lang biglang bumukas yung pinto dito sa kusina at tumambad sa harapan namin si Juanito. Biglang nanlaki yung mga mata ko nang makita na naka-topless lang siya ngayon!


*Gulp*


"P-pasensiya na... hindi ko alam na nandito pala kayo sa kusina" gulat na tugon ni Juanito at dali-dali niyang kinuha yung damit niya pang-itaas na nakasabit sa likod ng pinto at sinuot ito. Ewan ko ba parang biglang nahimasmasan ang puso ko na kanina pa nawiwindang dahil sa abs at ganda ng hubog ng katawan ni Juanito.


Omg! Carmela! Wag mo siya pag-nasaan! Kyaaahh!


Hindi ka ganyan pinalaki ng daddy at mommy mo! 


Pero kasi... nakakaakit naman talaga yung abs niya eh----Gosh! Erase! Erase! Erase!


"Binibini? Tinatanong po kayo ni Ginoong Juanito" narinig kong sagi ni Theresita at dahil dun bumalik na ko sa realidad. Hindi ko naman namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ni Juanito kasi sobrang nadistract ako sa abs niya. My Gosh!


"Uh---Binibining Carmelita maaari ba kitang makausap?" tanong pa ni Juanito, Napatingin sa hugasin namin "Ah! Ako na po ang bahala dito Binibini... sige na po pagbigyan niyo na si Ginoong Juanito" sabi pa ni Theresita at parang pinapagtulakan niya ko kay Juanito.

"S-sige... Uh... saan ba tayo mag-uusap?" tanong ko kay Juanito, bigla naman siyang napangiti. "Sa Maribojoc, Fuerte de San Vicente Ferrer" sagot niya. Ano daw?




"Whoa! Ang ganda naman dito!" nakangiti kong tugon habang manghang-mangha sa nakikita ko ngayon. May pa-triangular na shape na building na gawa sa bato.



"Ito ang Bantayan ng Punta Cruz, itinayo ito upang makita agad ang mga paparating na pirata na may balak sakupin ang lugar na ito..." panimula ni Juanito. Ohh! So ito pala yung Punta Cruz Watch Tower Omg!

"Nakakikita mo ba ang krus na iyon?" sabi pa ni Juanito sabay turo sa malaking krus na nakatayo sa dulo ng watch tower na nakaharap sa karagatan. "Naniniwala ang mga tao rito na sa tulong ng krus na iyon ay pinoprotektahan nito ang mga mamamayan laban sa mga pirata, Ang toreng ito ay inialay bilang pagkilala sa pangalawang patron ng Maribojoc na si San Vicente Ferrer, kilala ang patron na si San Vicente bilang patron rin ng mga mangingisda" paliwanag pa ni Juanito habang nakatanaw kami sa karagatan. Medyo malakas din ang hangin at sobrang sarap talaga sa pakiramdam.

Grabe, Sa totoo lang ngayon ko lang narinig ang tungkol sa watch tower na ito, hindi ko akalaing may natatagong napakagandang kasaysayan at lugar pala dito sa Bohol, sana lang madami pa ang makaalam tungkol dito.

Napatingin naman ako kay Juanito na ngayon ay nakapikit at dinadama rin ang masarap na ihip ng hangin. "Juanito... bakit pala pangingisda ang napili mong kabuhayan?" tanong ko sa kaniya at dahil dun iminulat na niya ang mga mata niya at napatingin siya sa'kin.

"Bata pa lamang ako nang turuan akong mangisda ni ama sa lawa ng luha, naging libangan din namin ang pangingisda kung kaya't nang malaman ko na dito kami sa Bohol ipinatapon ng pamahalaan, laking pasasalamat ko dahil kahit papaano ay may alam ako sa pangingisda... kaya lang wala kaming bangka na maaring gamitin kaya nakikisama lamang ako sa grupo nila tatang Caloy sa pangingisda" sagot pa ni Juanito.

Halos isang buwan na rin ang lumipas mula nang ipatapon sila rito, at alam ko namang madali silang nasanay sa pamumuhay rito. "Si Sonya ang gumagawa ng mga gawaing bahay at nag-aalaga kay ina, si Angelito naman ang madalas mag-igib ng tubig at gumawa ng mabibigat na gawaing bahay, si Ignacio naman ang nangunguha ng panggatong, nagsasaka at kung minsan ay nakikitanim siya ng mga kamote at patatas sa bundok kasama ng pamilya ni tatang Caloy" patuloy pa ni Juanito, kahit mahirap nagtutulungan pa rin sila, isang kaugaliang pinoy na dapat nating pinagmamalaki.

"Ikaw Binibini? Kamusta naman kayo?" tanong ni Juanito, napahinga naman ako ng malalim. "Marangya nga ang pamumuhay namin... hindi naman ako masaya" sagot ko, bigla namang hinawakan ni Juanito yung balikat ko at tinapik-tapik ito.

"Nagbago na si ama... hindi na siya ang Don Alejandro na nakilala ko" sabi ko pa, minsan iniisip ko, kasalanan ko ba kung bakit naging ganun si Don Alejandro? Kung hindi ko sinira ang kasunduang kasal sa pagitan namin ni Juanito, hindi siguro nagalit ng ganun si Don Alejandro at hindi niya magagawang pagtaksilan si Don Mariano.

Bigla namang hinawakan ni Juanito ang magkabilang balikat ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya "Binibini... patawarin mo ako kung nagalit ako sayo dahil sa iyong ama... kahit alam ko naman na wala kang kasalanan... pangako hindi na ako muling magagalit sayo dahil lamang sa iyong ama" sabi pa ni Juanito at ngumiti siya, yung ngiting parang sinasabi niya na naiintindihan at tatanggapin niya ako kahit anong mangyari.

Napangiti naman ako napa-thumbs up... natawa naman siya at nag-thumbs din sa akin. Kung ganito lang lagi kami, kahit ano sigurong pagsubok kakayanin ko.



Hapon na at papalubog na ang araw, nakatitig pa rin kami ni Juanito sa napakaganda at napakalawak na karagatan. "Binibini... may isang lugar pa pala akong nais ipakita sa iyo" sabi niya pa, napalingon naman ako sa kaniya. "Saan? Baka hanapin na tayo nila madam Olivia" sagot ko, syempre gusto ko pang makasama siya ng matagal kaya lang ayokong mag-alala at magtanong si madam Ofelia kay madam Olivia kung bakit ginabi na kami.

"Huwag kang mag-alala, ipinaalam na kita kay madam Olivia na gagabihin tayo, sinabi rin naman niya na sa amin muna kayo magpapalipas ng gabi at bukas na lang ng umaga kayo babalik sa Mambaje" sabi ni Juanito. Omg! Mag-slesleep over kami kina Juanito? Kyaaahh!

"Saan ba tayo pupunta?" nakangiti kong tanong sa kaniya, nahalata niya siguro na bet ko din yung idea na mas matagal pa kaming magkakasama.

"Sa lugar kung saan may patunay na may liwanag sa kabila ng dilim" sagot pa ni Juanito, napakunot naman yung kilay ko, Ano daw? Ginagamitan na naman niya ako ng makata words niya ah.




Nakasakay kami ngayon sa maliit na bangka habang nagsasagwan si Juanito dito sa isang ilog at madaming puno sa tabi. "Nasaan ba tayo?" tanong ko pa, habang nakahawak ako ng mahigpit sa gilid ng bangka kasi baka tumaob ito, Gosh! Baka may crocodile dito huhu.

Hindi ko naman pinapahalata kay Juanito na natatakot ako kasi baka asarin at pagtawanan niya lang ako.

"Nandito tayo sa ilog ng Abatan" sagot niya, medyo madilim na ang paligid pero naaaninag ko pa rin siya at ang mga ngipin niya. "Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko pa, hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi hindi ko naman ma-appreciate yung ilog at mga puno kasi gabi na, wala na kong masyadong makita.

"Basta... maya-maya malalaman mo rin" masayang tugon pa ni Juanito, magrereklamo pa sana ako kay lang bigla akong may naaninag na maliit na liwanag na lumulipad papalapit sa amin.


OH MY GOSH!


Kung hindi ako nagkakamali... isa yung FIREFLY!


Nanlaki yung mga mata ko nang biglang dumapo yung firefly sa gilid ng bangka namin kung saan nakahawak ako. Gosh! First time ko makakita ng firefly Waaahh! Ang ganda!

"Narinig mo na ba ang alamat ng alitaptap?" tanong ni Juanito, hindi ko naman maialis yung mga mata ko dun sa cute na firefly na na-goglow in the dark. Omg!

"Uh--- parang narinig ko na, kaya lang hindi ko maalala" sagot ko, nakwento na ata sa akin iyon dati ni mommy nung bata pa ko kaya lang hindi ko masyado pinansin kasi mas busy ako manuod ng cartoons.

"Hayaan mong ikwento ko sa iyo" panimula pa niya, Bigla namang lumipad papalapit sa akin yung firefly at dumapo siya sa palda ko. Omg! Gosh!

Pinagmamasdan ko ng mabuti yung firefly at nagsimula namang magkwento si Juanito...


Noong unang panahon, may isang makisig na binata na nais mag-asawa ng pinakamagandang dilag. Siya ay mayabang at masyadong malaki ang pagkakilala sa sarili. Kung minsan tuloy, nagdaramdam ang ilang mga dalaga sa kanya dahil sa pamimintas niya kahit nakaharap ang dalaga. 

Isang araw, papunta na siya sa bundok upang manguha ng yantok nang masalubong niya ang isang napakagandang dalaga na nakasuot ng puting-puti. "Napakagandang dalaga," wika niya sa sarili at tuloy-tuloy na nilapitan niya ito. Nang malapit na siya, nagtatakbo ang dalaga at nawalang parang bula. Hinanap niya ang dalaga sa buong kagubatan ngunit hindi niya nakita. 

Sa tagal at hirap na dinanas ng binata sa paghahanap sa dalaga, nagalit siya."hindi ka talaga maganda. Ang ilong mo'y pango, ang mata mo ay duling at ang mga tenga mo ay malalapad!" sigaw ng binata. 

Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya sa lilim ng punung-kahoy para magpahinga. Naidlip siya at nang magising, nakita niya ang magandang dilag. Alam niyang maganda talaga ang dalaga at hindi totoo ang sinabi niya.

"Ininsulto mo ako, kaya mula ngayon, ikaw ay magiging isang kulisap. Manunumbalik lamang ang anyo mo kapag naipakita mo sa akin ang isang dalagang mas higit ang kagandahan sa akin. Humayo ka at hanapin mo ang dalagang sinasabi ko para mabalik ang dati mong anyo," ang utos ng engkantadang babae.

Lumipad ang binatang naging kulisap upang hanapin ang babaeng mas maganda pa kaysa sa engkantada. Naghanap siya gabi't araw. Upang makita niya ang babaeng gaganda pa sa sumpa sa kanya, nagdala siya ng ilaw tuwing gabi. Ang binatang yaon na naging kulisap ang tinawag natin ngayong... alitaptap.



"Aww... ang lungkot naman pala ng nangyari sa kaniya... Sana mahanap na niya ang babaeng mas maganda sa diwata" sabi ko pa, nagulat naman ako kasi biglang tumigil sa pagsasagwan si Juanito.

"Nakita na niya ngayon ang hinahanap niya... ang pinakamagdang babae na nakilala niya" sagot ni Juanito at nagulat ako kasi nakatingin siya ngayon ng diretso sa akin habang nakangiti ng todo.


Dugdug. Dugdug.


Kasabay nito ay ang paglipad ng alitapap na nasa palda ko at dumapo siya sa isang puno na malapit sa amin. Biglang nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako dahil sa pagkamangha nang biglang umilaw ang buong puno, kasunod nito ay ang sunod-sunod na pag-ilaw din ng iba pang mga puno na nasa paligid namin.


OMG!


Nababalot ngayon ng milyon-milyong firefly ang buong paligid. ANG GANDAAAAA!


Nagulat naman ako nang biglang inilahad ni Juanito yung palad niya sa tapat ko, nakababa na pala siya sa bangka, Ahh! Kaya pala tumigil na siya sa pagsasagwan kasi titigil kami dito sa ilalim ng puno na punong-puno ng milyon-milyong alitaptap na nagliliparan.


~Ikaw ang bahandi (Ikaw ang kayamanan)
dugay ko nang gihandum (Matagal kong iniingatan)
Ikaw ang bituon (Ikaw ang bituin)
Sa ngit ngit kong baybayon (Sa madilim kong baybayin)~

~Ikaw lang akong, akong higugmaon (Ikaw lang ang aking, aking mamahalin)
Ikaw lang ako, Ako matinud-anon (Ikaw lang, ako, akoý tapat sayo)~

~Ikaw akong hangin
Ikaw akong ulan
Ikaw akong langit
ug ang akong kalibutan (At ang aking daigdig)~

~Ikaw akong gahapon (Ikaw aking kahapon)
Ikaw akong karon (ikaw aking ngayon)
Ikaw akong kanunay (Ikaw lang walang iba)
Pulong ko tinud-anay (salita kong ito'y totoo)
Kasing-kasing paminawa (pakinggan mo sinisgaw ng puso ko)
dinuyugan ning gitara (sinamahan pa ng gitara)
wa ka nag inusara (hindi ka nag-iisa)
kanimu nahigugma. (sayo'y nagmamahal)
Ikaw~


Nagliliparan na ngayon ang mga alitaptap sa paligid namin, at hindi ko mapigilang mamangha sa sobrang ganda ng kapaligiran na nakikita ko. Dito sa Abatan River nakatira ang milyon-milyong mga alitaptap na malayang lumilipad at nagpapalaganap ng liwanag.

Napatingin ako kay Juanito na nasa tabi ko ngayon, narealize ko na kanina pa pala siya nakatingin at nakangiti sa akin. Siguro na-weweirduhan siya sa'kin dahil sobrang saya ko ngayon at sobrang napaligaya talaga ako ng napakagandang tanawin na ito.

Nagulat ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, parang nanigas naman ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa likuran ko.


Dugdug. Dugdug.


"Hinding-hindi ko malilimutan ang gabing ito... ang gabi kung saan nahanap na ng alitaptap ang babaeng pinapangarap niya" sabi pa ni Juanito at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. At sa pagkakataong ito, dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at mainit na sinalubong ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko.



Dear Diary,

Hinding-hindi ko rin malilimutan ang mga oras na ito...

Ang oras kung saan naging-isa ang mga puso namin ni Juanito.


Nagmamahal,
Carmela



******************
Featured Song:
'Duyog' by Jewel Villaflores

Source of Alamat ng Alitaptap: http://conie08.tripod.com/jeff/alitaptap.htm

A/N: Isa ang song na to sa pinaka-favorite song ko hihi!


https://youtu.be/FjhSt-ulymQ

"Duyog" by Jewel Villaflores

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro