Kabanata 41

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata 41]

Nagtataka akong napalingon sa buong paligid. Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa tapat ng simbahan ng San Alfonso. At hindi ko rin maintindihan kung bakit walang ibang tao sa paligid kundi ako lang.

Mataas ang sikat ng araw ngayon dahilan para tumagaktak ang pawis ko, marahan namang umiihip ang hangin pero hindi iyon sapat para mapawi ang init na nararamdaman ko. Nagtataka rin akong napatingin sa lupa, ang daming mga patay na dahon ng narra ang nakakalat sa paligid ng simbahan.

Sinimulan ko ng humakbang papalapit sa pintuan ng simbahan pero sa bawat pagtapak ko sa lupa ay hindi ko naiiwasan ang mga patay na dahon na nagbibigay ng malutong na tunog sa tuwing natatapakan ko ang mga ito.

Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok talaga sa'kin pumasok sa loob ng simbahan, napatigil ako sa tapat ng pinto ng simbahan at akmang kakatok na ako sa malaking pintuan nito na gawa sa kahoy, pero nagulat ako dahil kusa na itong bumukas ng dahan-dahan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang babae na nakatayo sa tapat ng altar at nakatalikod sa akin, nakasuot siya ng kulay itim na damit pang-madre at may balabal na itim din ito na nakabalot sa kaniyang ulo.

Tatapak sana ako papasok sa simbahan pero nagulat ako nang biglang magsalita yung babaeng nakatalikod. "Bakit ka nandito? Hindi pa tapos ang iyong misyon" tugon niya. parang biglang nanlamig ang buong katawan ko nang marealize ko kung kaninong boses iyon... kay Madam Olivia.

"M-madam Olivia? I-ikaw ba-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Hindi nga ako nagkamali si Madam Olivia nga ang babaeng nasa harap ko ngayon.

Papasok na sana ako sa loob ng simbahan at tatakbo papunta sa kaniya pero agad niyang tinaas ang kamay niya bilang senyales na huminto ako at wag lalapit sa kaniya. Hindi ko alam pero sa mga sandaling iyon parang may kakaiba akong nararamdaman.

"Bakit hinayaan mong mangyari sa iyo ang nangyari kay Carmelita?" seryoso niyang tanong dahilan para mas lalo akong kabahan. Nagdulot din ng kilabot sa akin ang pag-echo ng boses ni madam Olivia sa loob ng simbahan. Hindi ba siya masaya na makita ako?

Hindi naman ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Wala kang pinagkaiba sa kaniya, pareho kayong duwag at takot harapin ang problema" patuloy niya pa, napansin ko na parang may luhang namumuo sa kaniyang mga mata at dahilan para mas lalong bumigat ang kalooban ko. katulad ni Carmelita tinapos ko na din ang buhay ko para hindi na ako masaktan pa.

"S-sorry po... h-hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, p-pagod na pagod na po ako" sagot ko, hindi na ako ngayon makatingin ng diretso sa mga mata niya at hindi na rin maawat ang pagpatak ng mga luha ko. alam kong masama ang loob ngayon ni madam Olivia dahil nauwi lang sa wala ang lahat ng sinakripisyo niya.

"Carmela, minsan hindi lahat ng sagot ay tama, may pagkakataong lilituhin tayo ng kapalaran pero hindi ibig sabihin nito ay habambuhay mapagtatakpan ang katotohanan" tugon pa ni madam Olivia at dahil dun napatigil ako sa pag-iyak at napatingin ng diretso sa kaniya. Medyo malayo kami sa isa't-isa dahil nasa tapat lang ako ng pinto ng simbahan habang nasa dulo naman siya, sa tapat ng altar.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" iyon na lang ang tanging mga salitang lumabas sa bibig ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Hindi pa tapos ang iyong misyon... nasa mundo pa ng mga buhay ang taong nasa likod ng pagkamatay ni Juanito, hindi siya titigil hangga't hindi niya napapatay si Juanito, kailangan mong bumalik doon para iligtas ang mahal mo" paliwanag pa ni madam Olivia at dahil dun biglang nanlaki ang mga mata ko.

"B-buhay pa si Juanito?" gulat kong tanong, hindi naman umimik si madam Olivia at tinitigan niya lang ako. sobrang lakas na ngayon ng kabog ng dibdib ko.

"P-pero paano nangyari iyon? N-nasunog na ang diary at i-itinapon sa patay na ilog ang bangkay ni J-juanito" sabi ko pa, napapikit naman si madam Olivia at napahinga siya ng malalim.

"Hindi tuluyang nasunog ang diary at sinabi ko na sa iyo, lilituhin ka ng kapalaran... hindi ka dapat sumuko agad" seryosong tugon ni madam Olivia. Para namang tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Bigla kong naalala yung diary ni Carmelita na nasunog, kulay itim ang sunog nga yung diary pero hindi lahat ng iyon ay naging abo.

Naramdaman kong parang biglang nanghina ang tuhod ko at napaupo ako sa lupa. "P-pero paano na? p-patay na ba ako?" tanong ko, at parang unti-unting sumisikip ang dibdib ko. hindi ko akalaing hanggang dito sa kabilang buhay ay hindi ko pa din matatakasan ang mga sakit at hinanakit na nararamdaman ko.

"Hindi ka pa patay Carmela" sagot ni madam Olivia at parang biglang dumaloy ang dugo ka dahil sa sinabi niya. "Pero nasa bingit ka ng kamatayan ngayon... at kung hindi ka babalik agad baka hindi ka na umabot pa" dagdag pa ni madam Olivia.

"P-pero paano ako makakabalik? Paano ako-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang umihip ang napakalakas na hangin sa labas ng simbahan, dahilan para lumipad sa buong paligid ang mga patay na dahon ng narra, napatingala naman ako sa langit na ngayon ay kumukulimlim na dahil natatakpan na ng makapal na ulap ang araw.

Bigla naman akong napatigil at parang nagtaasan ang mga balahibo ko nang biglang tumunog ang kampana ng simbahan, umalingangaw sa paligid ang tunog ng kampana na para sa mga patay.

Gulat naman akong napatingin kay madam Olivia na ngayon ay naluluhang nakatingin sa akin. "Sige na bumalik ka na Carmela, nagtitiwala ako na mapagtatagumpayan moa ng misyong ito" sabi pa niya, magsasalita pa sana ako kaso unti-unti nang sumara yung pintuan ng simbahan, hindi naman ako makalapit ng tuluyan sa pinto dahil sobrang lakas na ng hangin dito sa labas at tumatama sa mukha ko at sa buong katawan ko ang mga dahon at mga alikabok na nililipad.

Kasabay nito ay ang lalong paglakas ng tunog ng kampana na parang sumasabog na sa tenga ko, sa huling pagkakataon ay napatingin pa ako kay madam Olivia hanggang sa tuluyan nang magsara ang pinto at dumilim na rin ang paningin ko.


"CARMELITA! GUMISING KA!" narinig kong sigaw ni Maria pero parang ang labo at ang bagal ng pagkakasabi niya.

"GUMISING KA! CARMELITAAAA!" sigaw pa niya na medyo nagiging malinaw na sa pandinig ko, naramdaman ko namang tinatapik-tapik na niya ang mukha ko habang hawak-hawak ako sa balikat at inaalog ako.

Parang ang bigat ng dibdib ko at may nakaharang sa lalamunan ko, ilang saglit pa biglang umakyat ang nakabara sa hininga ko at dali-dali ko iyong isinuka papalabas. "Carmelita! Kapatid ko!" tugon pa ni Maria, kahit hindi ko pa masyado nakikita ng malinaw ang itsura niya dahil ang nanlalabo ang paningin ko alam kung umiiyak siya ngayon.

Napaubo naman ako ng paulit-ulit at napahawak ako sa dibdib ko na sobrang sakit ngayon at parang tuyong-tuyo na. Sumusuka pala ako ngayon ng tubig.

Naramdaman ko namang hinimas-himas ni Maria ang likod ko at patuloy pa din siya sa pag-iyak. "S-salamat sa Diyos dahil b-buhay ka Carmelita!" tugon niya pa at bigla niya akong niyakap. Ngayon ko lang narealize na basing-basa din si Maria at gulo-gulo ang kaniyang buhok. Nandito din kami sa pampang sa gilid ng lawa ng luha.

Hindi pa tuluyang nakakalubog ang araw at kulay orange ngayon ang kalangitan. "M-maraming salamat dahil h-hindi mo kami tuluyang iniwan" panangis pa ni Maria habang yakap-yakap ako ng mahigpit. Hindi naman ako makapgsalita, at hindi rin ako makagalaw. Parang namanhid na yata ang buong katawan ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito pa din ako ngayon sa taong 1892, at iniligtas ako ni Maria.

Ilang saglit pa parang biglang bumagal ang paligid at nanlabo ang paningin ko, natanaw ko pa si Belinda kasama ang iba pang mga kasambahay at mga guardia personal na tumatakbo papalapit sa amin bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Naalimpungatan ako dahil sa amoy ng kandila, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng mesa ko at sinisindihan niya ngayon ang mga kandila na nakalagay sa baso.

Gabi na at sobrang dilim din dito sa kwarto ko pero ang mga kandilang nakasindi sa bawat sulok ay nagbibigay ng liwanag.

Ilang sandali pa narealize kong si Don Alejandro pala yung lalaking iyon, naupo na siya sa isang malaking upuan sa gilid, sumandal doon, nag-kumot siya hanggang baywang at ipinikit na niya ang kaniyang mga mata.

Tahimik at payapa na ang itsura niya ngayon habang natutulog. Ngayon ko lang narealize na ang laki-laki na din ng eyebags niya, mas dumami ang wrinkles niya, pumayat siya, at parang tumanda siya lalo.

Hindi ko naman mapigilang makonsyensya dahil alam kong dahil sa akin kaya siya naghihirap at naiistress ng ganyan. Nakakatulog pa kaya siya ng maayos gabi-gabi? Malamang hindi rin katulad ko.

Maya-maya lang nagulat ako kasi bigla siyang gumalaw at iminulat niya ang kaniyang mga mata, at dahil dun pinikit ko ulit ang mata ko at nagpanggap na tulog pa. narinig ko ang yapak ng paa niya papalapit sa akin, at ilang sandali pa naramdaman kong kinuha niya yung kumot ko at itinaklob iyon sa akin ng maayos. Umupo siya sa kama ko at Hinimas-himas din niya ang ulo ko, bigla ko tuloy naalala si daddy, madalas din niya kasi kami dalawin tuwing gabi sa kwarto namin at kumutan kami. Nagulat naman ako nang biglang naramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko.

"Magpahinga ka lang anak, nandito lang ako para bantayan ka, huwag mo kaming iiwan" narinig kong tugon pa niya at bakas sa tono ng boses niya na umiiyak siya ngayon. parang unti-unti namang nadudurog ang puso ko, at hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko habang nakapikit ako.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at kinumutan ulit ako ng maayos saka bumalik na sa kinauupuan niya kanina. Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at nakita kong nakayuko siya ngayon habang yakap-yakap ang larawan ni ina at hindi na maawat ang pagbuhos ng mga luha niya.

Kahit saang anggulo tingnan, kahit nasangkot si Don Alejandro sa kasamaan, hindi ko pa rin siya masisisi. Dahil ang totoo, kasalanan ko ang lahat ng ito, kasalanan ko kung bakit niya nagawa ang mga bagay na hindi naman nakasulat sa orihinal na istorya ni Carmelita at Juanito.

Dahil sa muling pagkakasulat ng tadhana, dahil sa pagdating ko sa panahong ito, nagbago na ang lahat. nagbago na ang mga dapat na nakatakdang mangyari.

Kinabukasan, nagising ako nang dumating si Maria sa kwarto ko at may dala-dala siyang pagkain, hindi naman niya namalayan na gising na pala ako dahil kausap niya ngayon si Belinda na nakatayo naman sa tapat ng pinto.

"Kumuha ka na rin ng maligamgam na tubig, sigurado akong hindi pa maayos ang pakiramdam ni Carmelita paggising niya" sabi ni Maria kay Belinda agad namang tumango si Belinda at lumabas na, pero bago niya isara yung pinto napansin kong wala ng mga guardia personal na nagbabantay sa labas ng kwarto ko.

Napatingin naman ako kay Maria na abala ngayon sa pag-liligpit ng kumot at unan na nakalagay sa malaking upuan kung saan natulog si Don Alejandro kagabi at binantayan ako.

Lalabas na sana siya sa kwarto ko nang bigla siyang napatigil dahil nakita niyang gising na ako. agad niyang binitiwan yung unan at kumot na hawak niya at dali-daling lumapit sa akin at umupo sa kama ko.

"Kamusta na ang iyong pakiramdam? May kailangan ka ba? Sabihin mo-----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi ngumiti ako ng bahagya sa kaniya. At dahil dun napangiti din siya habang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Hinawi niya ngayon ang buhok ko na nasa mukha ko at hinimas-himas ang ulo ko. "Kahit ano pa man ang iyong dahilan kung bakit mo nagawang magpakalunod sa lawa ng luha, hindi na iyon mahalaga, dahil ang importante sa amin ngayon ay buhay ka" nakangiti niyang tugon at bigla niya akong niyakap, dahilan para mapaiyak na ako sa balikat niya.

"P-patawad po" iyon na lang nasabi ko, hindi ko akalaing tatanggapin pa din nila ako ng buong-buo.

"Ssshh... sinabi ko na sa iyo ang mahalaga sa amin ngayon ay nandito ka pa rin at kasama namin" dagdag pa niya. sa totoo lang, nakakapagpalambot talaga sa puso ang malaman na hindi sa iyo galit ang pamilya mo sa kabila ng kasalanang nagawa mo sa kanila.

Iniabot na sa akin ni Maria ang dala niyang pagkain, kinain ko naman iyon dahil alam kong kailangang manumbalik ang lakas ko. habang kumakain ako kinuwento niya kung paano niya nalaman na nasa lawa ng luha ako, pagkatapos kasi namin dumalaw sa puntod ni madam Olivia nakita niya pa akong dumiretso sa kwarto ko, halos abala din kasi ang lahat noong hapong iyon, naghahanda ng hapunan ang mga kasambahay, niluwagan na rin ni Don Alejandro ang pagbabantay sa akin kung kaya't wala ng mga guardia personal sa loob ng bahay, abala din noon si Belinda dahil inutusan siya ni Maria magtungo sa hardin upang mamitas ng mga sangkap na gulay dahil magluluto dapat si Maria ng kaldereta para sa hapunan.

Habang nagluluto sila, naisip ni Maria na tawagin ako para sumama sa kanila magluto para hindi raw ako mabagot sa loob ng kwarto. pero laking gulat niya dahil wala na ako doon sa loob ng kwarto, agad niya akong hinanap sa buong bahay pero wala din ako doon. Bumalik ulit siya sa kwarto ko para tingnan ang cabinet ko at nakita naman niyang nandoon naman lahat ng damit at gamit ko kung kaya't naisip niya na hindi ako naglayas.

Kaso nakita niya na nakalagay sa mesa ko yung kuwintas na gawa sa kahoy na bigay sa akin ni Juanito, nagtaka siya kung bakit ko raw iiwan yung kuwintas na iyon na hinding-hindi ko inaalis sa tabi ko. Doon niya napagtanto na baka may ginawa na akong masama sa sarili ko. agad niyang inutusan ang lahat ng kasambahay at guardia personal na hanapin ako sa buong hacienda.

Hanggang sa makita nila ni Belinda ang tsinelas na gawa sa abaca na naiwan sa pampang ng lawa ng luha, agad na inutusan ni Maria si Belinda na tawagin ang iba at hindi na nagdalawang isip si Maria na lumusong sa lawa, doon ay nakita nga niya ako na unti-unting lumulubog sa kailaliman ng katubigan.

"P-paano ka natutuong lumangoy?" nagtataka kong tanong sa kaniya, ngumiti naman siya.

"Tinuruan mo kami ni Josefina lumangoy diba" nakangiti niyang sagot. Napatulala na lang ako, naalala ko yung araw na kung saan nagtungo kami sa ilog at nagulat sila dahil marunong ako lumangoy, nagpalusot na lang ako noon na tinuruan ako ni madam Olivia, at mula nung araw na iyon tinuruan ko rin sila ni Josefina.

"Mabuti na lang dahil binahagi mo sa amin ang kaalaman mo pagdating sa paglangoy kung kaya't nagawa kong gamitin ang itinuro mo sa akin para iligtas ka" nakangiting tugon ni Maria. hindi naman ako nakapagsalita dahil sa gulat, hindi ko akalain na ang simpleng bagay na pagturo ko sa kanila noon ay makakatulong pala sa akin ngayon.

"Oo nga pala, ipinatawag ako ni Padre Orlando kaninang umaga, at nalaman niya ang nangyari sa iyo kung kaya't nais ka niyang makausap" sabi pa ni Maria at nawala na yung ngiti niya ngayon.

"P-paano nalaman ni Padre Orlando na----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Maria.

"Hindi ko rin alam pero malakas ang kutob ko na kumalat ang balitang ito dahil sa mga kasambahay natin" sagot ni Maria. Ngayon ko lang narealize na sobrang big deal pala sa panahong ito ang ginawa ko, at ngayon mukhang mapapa-guidance office pa ako.

"A-ayoko, pakisabi na lang kay Padre Orlando na nagsisisi na ko" pakiusap ko pa. napailing naman si Maria at hinawakan ang kamay ko.

"Carmelita, harapin mo ang problema, walang mangyayari at mas lalong mas mahihirapan ka lang kung patuloy mong tatakasan ito" pangaral pa ni Maria at dahil dun wala na akong nagawa kundi tumango na lang. Siguro tama nga rin si Madam Olivia, hindi ko dapat ako sumusuko agad.


Makalipas ang isang linggo, medyo maayos na ang pakiramdam ko, halos isang linggo ding wala sa bahay si Don Alejandro dahil abala siya ngayon sa negosyo namin na mukhang nasa alanganin na dahil sa hindi malamang dahilan. Pero malakas ang kutob namin ni Maria na kagagawan na naman ito nila Gobernador Flores dahil sila lang naman ang makapangyarihan at maimpluwensiya sa San Alfonso bukod sa aming pamilya. ipinagpaliban na rin muna ang nakatakda sana naming kasal ni Leandro dahil nga sa nangyari sa akin, halos araw-araw naman kung dumalaw si Leandro pero hindi ko siya hinaharap at hindi na rin naman siya nagpupumilit pa, siguro batid niya na ayoko na talaga siyang makausap.

Dumadalaw rin sa akin si Helena at palagi siyang may dalang mga prutas at bulaklak. Sa totoo lang, naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawang talikuran ang pagkakaibigan namin noon at ang sumang-ayon sa plano ng kaniyang pamilya na sirain ang pamilya Alfonso.

Alam kong mabuting tao naman si Helena, yun nga lang minalas siya sa pamilyang kinabilangan niya. ikinuwento rin niya sa akin ang lahat ng naging karanasan niya sa Europa, pati ang binatang Kastila na niligawan siya noong nasa Espanya pa siya. sinabi niyang pinipilit na talaga siya noon nila Gobernador Flores at Natasha na magpakasal sa Kastilang iyon pero ayaw niya. pakiramdam daw niya wala siyang karapatan sumaya habang nababalitaan ang trahedya at paghihirap na sinasapit namin ni Juanito dito sa Pilipinas nang dahil sa kaniya.

Hindi ko rin naman masisisi si Helena, nagmahal lang naman siya. ngunit ang pagkakamali lang niya ay ang taong minahal niya dahil hindi kayang suklian ni Juanito ang pagmamahal na binibigay niya.

Nandito kami ngayon ni Maria at Belinda sa tapat ng simbahan ng San Alfonso. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang kailan lang huli kong nakausap dito si madam Olivia bago ako dalhin ng hangin pabalik sa mundong ito.

Napalingon naman ako sa paligid at medyo nabawasan ang kaba ko dahil ang daming tao ngayon, wala namang misa ngayon pero madami pa rin ang nagtutungo sa simbahan upang lumuhod at magdasal, may ilang nagsisindi din ng kandila sa gilid at nagbebenta ng Sampaguita sa labas. Ang ilang naman ay nagtitinda ng mga rosary at mga kandila sa gilid ng simbahan.

May mga kalesa na pumaparoon at pumaparito upang magbaba ng pasahero. "Maiwan ka na lang sa kalesa Belinda, kami na lang ni Carmelita ang pupunta kay Padre Orlando" sabi ni Maria kay Belinda at agad itong tumango at bumalik sa kalesa namin na nakahinto sa ilalim ng puno ng narra sa gilid.

Napatitig ako sa puno ng narra na kakaiba na ngayon, namumulaklak ulit ito at sobrang ganda tingnan, hindi tulad noong makita ko ang paglagas ng mga dahon nito at pagkalat sa sahig ng mga patay na dahon.

"Huwag kang mag-alala Carmelita, batid kong mauunawaan din ni Padre Orlando ang iyong dahilan" sabi pa sa'kin ni Maria sabay hawak sa braso ko at inalalayan ako papasok sa simbahan. Malayo pa lang ay natatanaw ko na agada ng malaking altar sa loob ng simbahan dahil bukas naman ang pintuan nito.

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Maria na nasa braso ko nang makapasok na kami sa loob ng simbahan, napalingon ako sa mga kababaihan na nakaluhod ngayon at taimtim na nagdadasal. Lahat sila ay may belo sa ulo at may hawak na rosaryo.

Ilang sandali pa ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ngayon ng altar, napatingin ako kay Maria na ngayon ay nag-bow at nagbigay galang sa tapat ng altar. At dahil dun napa-bow na rin ako gaya ng ginawa niya.

Hindi ko naman mapigilang igala ang mata ko sa paligid dahil nagbabakasakali ako na makikita ko ngayon si madam Olivia dito. Pero nagulat ako kasi biglang tumunog ulit yung kampana, napatingin ako sa taas ng simbahan kung saan matatanaw ang malaking kampana na ngayon ay gumegewang na.

"May patay ba? Bakit ganyan ang tunog ng kampana?" nagtatakang tanong ni Maria dun sa isang babae na nakaluhod malapit sa amin, bakas din sa mukha nila ang matinding takot at pagtataka.

Sa pagkakataong iyon, parang biglang nanlamig ang buong katawan ko, hindi na rin ako makahinga ng maayos, napahawak na lang ako sa tenga ko na kumikirot na ngayon at parang sasabog na dahil sa lakas ng tunog ng kampana na umaalingangaw sa buong paligid.

"Carmelita! Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Maria at agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kaniya. Paulit-ulit pa siyang nagsalita pero hindi ko na marinig yung sinasabi niya, tanging ang tunog na lang ng kampana ang naririnig ko.

Ilang saglit pa nagsimula nang magsitayuan ang mga tao at nagtataka na rin silang napatingala sa kampana sa itaas. Nagbubulung-bulungan sila pero hindi ko rin marinig ang pinag-uusapan nila.

Napapikit na lang ako sa sakit na nararamdaman ko at parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ko ang boses ni madam Olivia na paulit-ulit na umalingangaw sa loob ng simbahan.

Huwag kang palilinlang sa kapalaran, pigilan mo ang tadhana at gumawa ka ng paraan.

Ilang sandali pa biglang naglaho ang boses ni madam Olivia, nawala na rin ang pagkirot ng tenga ko at tumigil na rin ang nakakakilabot na tunog ng kampana.

"Huminahon kayo, napaglaruan lang ng isang sakristan ang kampana, huwag kayong mag-alala papanagutin namin siya" narinig naming paliwang ni Padre Orlando na nakatayo na ngayon sa gitna. Napa-sign of the cross naman ang lahat at nagsibalik na sila sa kinauupuan nila at nagsimula na ulit magdasal.

"Ayos ka na ba Carmelita? Gusto mo bang umuwi na muna tayo" tanong pa ni Maria at hawak-hawak na niya ngayon ang mukha ko. ngayon ko lang narealize na pinagpawisan pala ako dahil sa nerbyos kanina.

Napatango na lang ako, hinawakan naman na ni Maria ang kamay ko at akmang maglalakad na kami papunta sa labas ng biglang tawagin ni Padre Orlando ang pangalan ko.

"Binibining Carmelita, nagagalak ako dahil pinaunlakan moa ng aking imbitasyon" tugon ni Padre Orlando. Sabay naman kaming napalingon ni Maria sa kaniya.

"Padre, maaari po bang bumalik na lang kami bukas dahil masama po ang pakiramdam ng aking kapatid ngayon" tugon ni Maria kay Padre Orlando. Hindi naman nag-react si Padre Orlando at nakatitig siya ngayon sa'kin.

At dahil pakiramdam ko ay iniisip ngayon ni Padre Orlando na iniiwasan namin siya, napahinga na lang ako ng malalim at tumingin ako kay Maria.

"Ayos lang sa akin, ngayon na lang" sabi ko kay Maria, napatango na lang si Maria at tumingin kay padre Orlando. "Sige po Padre, ngayon na lang po" sabi niya. tumango na lang si Padre Orlando at sinenyasan niya kami na sundan siya.

Pumasok siya sa isang pintuan sa gilid ng altar, hinawakan naman ni Maria ng mahigpit ang braso ko at inalalayan ako papasok din sa pintong iyon. Pagdating namin doon ay nakita namin si Padre Orlando na nakatayo na sa dulong pinto.

"Dito ka na lang maghintay Binibining Maria" sabi ni Padre Orlando sabay turo doon sa isang upuan sa gilid.

"Opo Padre" sagot ni Maria at tiningnan niya ako. "Sige na Carmelita" sabi pa ni Maria sa'kin at binitawan na niya ako. tumango na lang ako sa kaniya at naglakad papalapit kay Padre Orlando na nakatayo ngayon sa tapat ng isang pintuan.

Ngumiti siya sa akin ng bahagya, yung ngiting parang sinabi niya na 'Naiintindihan kita'

Binuksan na niya yung pinto, at laking gulat ko nang makita ang isang maliit na fountain na may istatwa ng anghel sa gitna at napapalibutan ito ng samo't-saring bulaklak sa paligid.

Halos walang kurap akong napatingin sa buong paligid. May mga vines na nakasabit sa itaas na bahagi ng kwarto na kung saan wala itong bubong at kitang-kita ang maaliwalas na kalangitan. May mga istatwa ng maliliit na anghel sa bawat sulok, at madami ring paru-paro ang nagliliparan sa buong paligid. Kumbaga para itong isang maliit na indoor garden.

Isinara naman na ni Padre Orlando yung pintuan at naglakad siya papunta sa isang bench na gawa sa kahoy na nasa tabi nung fountain, umupo na siya doon at sinenyasan niya ako na maupo na rin doon.

Sa totoo lang, dahil sa ganda ng nakikita ko ngayon hindi ko mapigilang mapangiti, totoo pala ang sabi nila na kapag lugmok ka sa problema pumunta ka lang sa isang napakagandang lugar para gumaan ang pakiramdam mo at magawa mo ng ngumiti.

Naglakad na rin ako papalapit sa bench kung saan ngayon nakaupo si Padre Orlando pero napatigil ako nang mapadaan ako sa fountain at nakita ko ang ilang mga silver at bronze na coins na nakalubog sa malinaw na tubig nito.

"Sabi nila, napakswerte daw ng mga taong pagkakalooban ng kahilingan ng mga anghel dahil bihira lamang ito mangyari" narinig kong sabi ni Padre Orlando at nakangiti siya ngayon sa akin.

Bigla kong naalala si madam Olivia at ang binigay niya sa aking Kahilingan.

Pero hindi ko iyon magagamit dahil nandito pa din ako sa ilalim ng kahilingan ni Carmelita.

"N-nakakita na po kayo ng anghel Padre?" tanong ko sa kaniya at umupo na ako sa tabi niya. Hindi ko akalaing makakapag-usap kami ulit ng ganito.

"Hindi pa, pero hinihiling ko na sana makakita ako ng isa bago ako mamatay" nakangiti niyang sagot. At dahil dun napangiti na lang din ako. maswerte siguro ako dahil nakakita at nakakilala ako ng anghel ng di ko inaasahan.

Bigla namang napukaw ang atensyon namin nung isang paro-paro na kulay puti at itim na lumipad ngayon sa tapat namin ni Padre Orlando. Nagulat ako nung biglang itinaas ni Padre Orland yung kamay niya at dumapo doon yung paro-paro.

"Alam mo ba na ang buhay ng paro-paro ay sandali lamang, may mga uri ng paro-paro na nabubuhay ng dalawang araw lang at ang iba naman ay kayang mabuhay ng dalawang linggo, may mga uri din ng paro-paro na kayang mabuhay ng ilang buwan" tugon pa ni Padre Orlando habang nakangiti at nakatingin doon sa paro-paro na nakadapo sa kamay niya.

Parang bigla akong tinamaan sa sinabi niya.

"Pero kahit ganoon, kahit sandali lang ang buhay ng paro-paro dito sa mundo, hindi naman nito sinasayang ang oras at pagkakataon niyang mabuhay ng masaya at puno ng pag-asa" patuloy pa ni Padre Orlando. Napayuko na lang ako, naguiguilty tuloy ako dahil nagawa kong patayin ang sarili ko.

"Naiintindihan ko naman na may mabigat kang dahilan kung bakit ka nagtangkang magpakamatay... at kahit hindi mo ikwento sa akin ang buong detalye alam kong may sapat kang rason para magawa mong tapusin ang sarili mong buhay" tugon pa niya at bigla siyang napatingin sa akin, at kahit nakayuko ako ngayon at hindi makatingin ng diretso sa kaniya, nararamdaman ko pa rin ang awa sa kaniyang mga mata.

"Ang buhay ng tao ay mahalaga, ito ay isang regalo mula sa Diyos na dapat nating pahalagahan, marami sa atin ang nasa malubhang karamdaman ngayon at ginagawa ang lahat upang madugtungan lamang ang buhay nila... marami sa atin ang dumadanas ng hirap at pang-aapi pero patuloy pa ding lumalaban para mabuhay, marami sa atin ang handang isakripisyo ang sarili para sa ibang tao" patuloy pa ni Padre Orlando at pinalipad na niya papalayo yung paro-paro na nasa kamay niya.

"Ganoon kahalaga ang buhay Hija, Sa oras na mawalan ng buhay o mamatay ang isang tao wala na itong bawian pa, maraming tao ang nagmimithi na magkaroon pa ng mahabang buhay... kung kaya't ang buhay mo ay hindi mo dapat sayangin" sabi pa niya at tinapik-tapik niya ang balikat ko. naramdaman ko naman na unti-unti nang pumapatak ngayon ang mga luha ko.

"Natural na dumadaan sa mabibigat na pagsubok ang lahat ng tao Hija, pero nasa sa iyo iyon kung paano mo haharapin ang problema, walang pagsubok na binigay ang Diyos sa ating buhay na hindi natin kaya, kung tutuusin nga maraming pang tao ang dumadanas ng mas mabibigat na pagsubok pero nagawa naman nila itong malagpasan, nagawa nilang mapagtagumpayan ang unos dahil naniniwala sila na habang may buhay may pag-asa" paliwanag pa ni Padre Orlando. Hindi ko na mapigilan pa ang pagdaloy ng mga luha ko kaya napatakip na lang ako sa mukha ko.

"Tatanungin kita Hija, sa tingin mo ba sa oras na tapusin moa ng buhay mo ay matatapos na rin ang problema at paghihirap mo?" tanong ni Padre Orlando na tumagos sa puso ko. Bigla ko tuloy naalala nung nakausap ko si madam Olivia dito sa simbahan, sa totoo lang sobrang takot na takot ako noong mga oras na iyon, takot akong malaman na patay na nga ako. pero buti na lang dahil hindi pa huli ang lahat.

Napailing na lang ako bilang sagot sa tanong ni Padre Orlando. Tinapik-tapik niya ulit ang balikat ko. "Huwag kang matakot humingi ng tulong Hija, huwag mong sarilinin ang problema, huwag mong isipin na baka walang makaunawa at makinig sayo dahil ang mga nagmamahal sa iyo ay nariyan lang sa paligid mo, maaaring hindi naman nila masabi ng diretso sa iyo, sa kilos pa lang nila ay mararamdaman mo na mahal ka rin nila" patuloy pa ni Padre Orlando at binigyan niya ako ng isang ngiti na makapagpapagaan talaga sa kalooban.

Bigla kong naalala yung effort at pag-aalaga sa akin ni Don Alejandro kagabi, at yung pag-aasikaso at pag-aalala ni Maria at Belinda sa akin. Hindi man nila sabihin sa akin ng diretso na nag-aalala sila sa akin lalo na si Don Alejandro, alam kong mahal na mahal nila ako.

"At huwag kang mag-alala Hija, ang Panginoon ay mapagpatawad, batid kong alam niya na pinagsisisihan mo na ngayon ang ginawa mo" dagdag pa ni Padre Orlando at napasandal siya sa bench. Hinayaan niya lang akong umiyak at tinapik-tapik niya ang balikat ko.

Sa totoo lang, napakasarap pala talaga sa pakiramdam ang may makausap ka ng ganito, yung tipong hindi ka huhusgahan at sisisihin sa mga kasalanan at pagkakamaling ginawa mo bagkus ay iintindihin at uunawain ka nila ng buong-buo.

Ngayon ko lang narealize na, Ang pagpatay sa sarili mong buhay ay hindi solusyon sa problema, mas lalo lang magiging mahirap ang iyong sitwasyon at baka dumating ang araw na pagsisihan moa ng lahat pero wala ka ng magawa dahil patay ka na, hindi mo na maibabalik pa ang buhay na minsang pinagkaloob sa iyo.

Ilang sandali pa, unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ko, parang nabunutan ako ng tinik na matagal ng nakabaon sa puso ko. nang mahismasmasan na ako agad kong pinunasan ang mga luha ko at napasanal na din doon sa bench.

Lumingon naman sa akin si Padre Orlando at ngumitis siya. "Hija, bukod sa gusto kong pangaralan ka, may gusto rin akong ipakita sa iyo" nakangiting tugon ni Padre Orlando at tumayo na siya.

Napatulala naman ako sa kaniya, pero sinenyasan niya ako na tumayo na din ako at sumunod sa kaniya. Lumabas na kami sa indoor garden na iyon, nagtaka naman ako kasi wala na si Maria doon sa labas ng pinto.

Tatanungin ko sana si Padre Orlando pero tuloy-tuloy lang siyang naglakad papunta sa mahaba at masikip na hallway sa gilid, sumunod na lang ako sa kaniya. Medyo madilim dito sa makipot na hallway, may mga sapot ng gagamba at agiw din akong nakikita sa kisame. May mga lumang paintings ng mga pari ang nakadisplay sa bawat dingding. At may mga sirang rebulto ng mga Santo ang nakatayo sa bawat gilid ng pinto na madadaanan namin.

Ilang saglit pa biglang tumigil si Padre Orlando sa pinakadulong pinto at binuksan ito. "Sige na pumasok ka na" nakangiting tugon ni Padre Orlando. Dahan-dahan naman akong humakbang papasok sa loob ng kwartong iyon. Naiwan naman si Padre Orlando na nakatayo sa pintuan.

Madilim at maliit lang ang buong kwarto. ang pader ng kwarto ay gawa sa magaspang na bato, medyo maalikabok din ang sahig na gawa rin sa bato. Para akong nasa isang kulungan ng Fort Santiago. Pero ang kaibahan lang ay mas maaliwalas dito at may isang maliit na kama din na gawa sa kahoy ang nasa gilid ng bintana.

Ang bintana ng kwarto ay may bakal na rehas pang nakaharang. At tanging ang liwanag ng sikat ng araw lang mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa buong kwartong ito.

Napansin ko ang mga tela na may bahid ng dugo at mga halamang gamot sa tabi ng kama. May malaking lagayan din ng tubig ang nasa gilid ng kama at may nakababad na mga dahon dito. Napalingon ako kay Padre Orlando na ngayon ay nakatayo pa din sa tapat ng pinto at nakatingin sa akin.

"N-nasaan po yung ipapakita niyo sa akin?" tanong ko sa kaniya, napangiti naman siya ng bahagya at naglakad papunta sa ilalim ng kama at may hinila siyang bagay doon.

Napaatras naman ako kasi mukhang malaki yung bagay na nasa ilalim nung kama, tutulungan ko na sana si Padre Orlando kaya lang nahila na niya papalabas yung isang malaking tabla, at dahil dun nagliparan sa paligid ang mga alikabok.

Napatakip naman ako ng ilong habang tinataboy ang mga alikabok sa paligid. Napaubo din si Padre Orlando pero nagawa niyang itayo yung tabla... Teka! Hindi iyon tabla.

Isang pala iyong painting canvas.

Isinabit ni Padre Orlando yung painting canvas sa dingding, hindi ko pa masyado makita dahil ang kapal pa din ng alikabok sa paligid. "Ang ganito kagandang obra ay hindi dapat tinatago" narinig kong tugon ni Padre Orlando. Ilang sandali pa unti-unti ng luminaw ang paligid at humupa na ang makapal na alikabok.

"Pero mukhang kailangan itong itago upang pansamantalang maitago ang katotohanan" sabi pa niya. nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano yung nasa painting canvas na iyon.

Ako yung nasa painting!

Hindi pa tapos yung painting, hugis pa lang ng mukha, mata, ilong, labi at buhok ang nakaguhit doon. Pero siguradong-sigurado ako na mukha ko yun!

"S-sino po ang gumuhit-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi ngumiti lang si Padre Orlando sabay turo sa tapat ng pinto.

Parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko, ramdam na ramdam ko ngayon ang sobrang lakas ng tibok puso ko na parang sasabog na dahil hindi ako makapaniwalang nakatayo ngayon sa tapat ng pintuan ang lalaking tanging tinitibok ng puso ko.

Si Juanito.

Maging siya ay gulat ding nakatingin sa akin, napansin ko ang namumuong luha sa mga mata niya at parang biglang napawi ang lahat ng bigat sa kalooban ko nang bigla siyang ngumiti sa akin.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang automatic na humakbang ang mga paa ko at patakbong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit. Kasabay niyon ang walang humpay na pag-agos ng mga luha ko na kakambal ng sobrang saya na nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko namang pinulupot din ni Juanito ang kaniyang mga kamay sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Rinig na rinig ko ang kaniyang paghikbi dahil ang bibig niya ay nasa tapat ng tenga ko. sa pagkakataong ito, alam kong parehong masaya at nagpapasalamat ang aming mga puso.

Ilang sandali pa ay hinarap na ako ni Juanito sa kaniya at pinagmasdan niya ako ng matagal. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kislap at saya dahil narito ako ngayon sa harapan niya. hindi ko rin mapigilang mapangiti sa kaniya kahit pa patuloy pa din ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa saya.

Dahan-dahan naman niyang pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay niya at hinawakan ang mukha ko at itinatapat niya ang noo niya sa noo ko.

"Tinupad ko ang pangako ko sa iyo, na kahit anong mangyari lalaban ako at hindi ako mamamatay" sabi niya at kasabay niyon ay ang pagpatak rin ng mga luha sa mga mata niya. napangiti na lang ako at napayakap ulit sa kaniya, naalala kong naging kondisyon ko sa kaniya iyon noon, pinapangako ko siya na kahit anong mangyari ay hindi dapat siya mamatay.

At ngayon walang makakatumbas sa saya na nararamdaman ko dahil nandito siya ngayon, nagagawa kong mayakap ng mahigpit at patuloy na tumitibok ang puso.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na muna saglit si Padre Orlando at hinayaan niya kami ni Juanito na makapag-usap. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto kung saan itinago ni Padre Orlando si Juanito. nakaupo kami ngayon sa kama at nakaharap sa painting canvas na nakasabit sa dingding.

Nakasandal ako ngayon sa balikat ni Juanito habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa baywang ko at ang isa pang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko.

Pinagmamasdan ko ngayon ang mga galos, gasgas at sugat sa braso ni Juanito. medyo pagaling na ang mga ito pero ang peklat na magmumula sa mga sugat na iyon ay matagal pa bago maglaho.

Nakaputing damit siya ngayon na may manggas na hanggang braso at puti rin ang kaniyang pangibaba. Bakas ang kaunting dugo na dumikit sa kaniyang damit kahit pa nabalutan na ng tela at nalagyan na rin ng gamot ang anim na tama ng bala sa kaniyang katawan. Isa sa kanang balikat, dalawa sa magkabilang binti, at tatlo sa tiyan na labis niyang iniinda.

Pero ngayon mukhang maayos naman na ang pakiramdam niya, pinagmasdan ko rin ang mukha niya, may kaunting galos siya sa pisngi at may peklat rin siya sa noo. Pero kahit ganun, masasabi kong pogi pa rin siya. Kyaahh~

"Alam mo hindi ko inakala na mabubuhay pa ako noong gabing iyon" narinig kong tugon niya sabay tingin sa akin. Napasandal naman ako ulit sa balikat niya, sa totoo lang gusto ko ganito na lang kami lagi, ayoko ng umalis sa yakap niya.

"Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko ang itsura mo bago ko ipikit ang mga mata ko nang gabing iyon, hindi ko gustong makitang umiiyak ka dahil nagiging sanhi iyon ng pagkadurog ng puso ko" patuloy niya pa. naalala ko nga yung gabi na yun kung saan walang awa siyang binugbog ng mga guardia civil at binaril siya ni Leandro.

"Paggising ko ay narito na ako sa kwartong ito, at nalaman ko na sinundan pala ako ni Bergilio noong gabing iyon na magkikita tayo sa labas ng hacienda niyo, gusto niyang malaman kung nagkabalikan tayo dahil naghihinala sila nila Ca-tapang na ako ang pumatay kina Carding, pero ipinagtapat sa akin ni Bergilio nang magising ako dito na hindi niya kinaya ang kalupitang ginawa sa akin nila Leandro, kung kaya't agad siyang bumalik sa kampo at sinabi niyang nahuli ako nila Leandro, pinagtakpan din niya ang relasyon natin at ang ginawa ko kina Carding para tulungan ako nila Ca-tapang" panimula ni Juanito at dahill dun bigla akong napatingin sa kaniya.

Naalala ko na hindi nakita ni Bergilio na si Juanito ang pumatay kina Carding dahil huli na ng makarating siya noon sa gitna ng kagubatan at ang naabutan lang niya ay tinutugis na ng mga guardia civil si Juanito.

"Ayon kay Bergilio, hindi raw nagdalawang isip si Ca-tapang at agad siyang pumili ng mga tao na sasama kay Bergilio upang bawiin ako sa mga guardia civil, pasikat na ang araw at inakala nilang patay na nga ako, pero hindi pa rin sila sumuko dahil nais nilang mabawi ang katawan ko para bigyan man lang ako ng mapayapang libing, papunta na raw si Leandro at ang mga tauhan niya sa daungan upang ipadala ang bangkay ko sa Laguna at itapon sa patay na ilog pero agad na naghanda ng patibong sila Bergilio sa dadaanang gubat nila Leandro at umatake sila, hindi naman sila nabigo dahil nabigla sila Leandro at hindi nila kabisado ang kagubatan kung kaya't madali nila akong naitakas nang walang nasusugatan sa panig nila" patuloy pa ni Juanito at nakatitig siya ngayon sa sahig. Teka! Ibig sabihin alam ni Leandro na naitakas ng mga rebelde si Juanito?

Kaya pala minamadali nila ang kasal namin ni Leandro.

"Agad naman akong nilapatan ng paunang lunas nang makarating kami sa kampo, pero paglipas ng paglipas lang raw ng dalawang araw ay biglang inatake na nila Leandro ang kampo ni Ca-tapang dahilan para umurong ang panig namin paakyat sa kabundukan, ngunit hanggang doon ay inusig pa rin kami ng mga kalaban kung kaya't nagdesisyon si Ca-tapang na umurong papuntang kabilang bayan, batid naman ni Bergilio na hindi na nila ako maisasama pa papuntang bayan kung kaya't dinala nila ako kay Padre Orlando at pinakiusapan si Padre na ilihim ang pananatili ko dito, upang hindi na ako habulin pa nila Leandro, ipinagkalat nila ang balita na itinapon na ang katawan ko sa ilog ng mga patay,si Bergilio at Ca-tapang lang ang nakakaalam na buhay pa ako" tugon pa ni Juanito. kaya pala hindi na muling binanggit pa nila Don Alejandro at ng pamilya Flores ang pagkamatay ni Juanito dahil inakala nila na patay na ito. At inakala rin ni Maria na patay na talaga si Juanito dahil iyon din ang balitang nakarating kay Eduardo mula kay Bergilio.

"Halos dalawang linggo na rin ako nananatili dito, at si Padre Orlando ang tumutulong at nanggagamot sa akin, sa paglipas ng araw ay bumuti na rin ang pakiramdam ko hanggang sa tinanong ako ni Padre Orlando kung may gusto raw ba akong gawin habang nagpapagaling, naisip ko naman ang isang bagay na matagal ko ng binabalak gawin... at ito ay ang handugan ka ng regalo pinag-hirapan" nakangiting tugon ni Juanito sabay tingin dun sa painting na nasa dingding.

Napatingin din ako sa painting na iyon, kahit hindi pa iyon tapos, malinaw at maganda ang pagkakaguhit ni Juanito. bigla kong naalala yung painting ni Carmelita na nakatago sa secret room sa bahay ni Lola Carmina.

Si Juanito rin ba ang nagpinta ng painting ni Carmelita?

napatulala lang ako doon sa painting at ilang saglit lany ay biglang pumasok ang alaala ni Carmelita sa utak ko...

Nakaupo si Carmelita, sa isang malaking upuan na nakalagay sa gitna ng salas ng mansyon ng pamilya Montecarlos, nakasuot siya ng isang magarbong baro't saya na kulay puti. Isang matandang lalaking pintor na mahaba ang buhok ang nasa tapat niya at pinipinta siya nito.

Ibig sabihin... hindi si Juanito ang gumuhit ng painting ni Carmelita noon. Pero bakit si Juanito ang nagpainting ng mukha ko ngayon?

Napatitig ako ng mabuti sa painting na gawa ni Juanito, sa totoo lang hindi ko mapigilang makonsyensya dahil hindi talaga si Carmelita ang iginuhit niya sa painting na iyon.

"Galing ako sa kusina kanina, nagtaka ako kung bakit bukas na ang silid na ito, at nagulat ako nang makita ka dito, huli na para sabihin ko kay Padre Orlando na itago ang obra kong ito para sayo dahil nakita mo na" nakangiting tugon ni Juanito at parang nahihiya siya ngayon.

"Pero masaya na rin ako dahil kahit hindi pa ito tapos ay nandito ka na at nakita mo na" tugon pa niya sabay tingin ng diretso sa mga mata, hinawakan naman niya ng marahan ang kamay ko.

"Huwag kang mag-alala tatapusin ko ang obrang iyan ng may ngiti sa labi dahil nandito ka na ngayon sa tabi ko" nakangiti niyang tugon at napangiti rin ako pabalik sa kaniya. Sa pagkakataong ito, naniniwala ako na ang kwento namin ay magtatapos ng masaya.

Halos kalahating oras pa kami nag-usap ni Juanito, madami din siyang kinukwento sa akin, pero hindi ko iyon masyadong naintindihan kasi nadidistract ako sa mga ngiti at kilos niya. napapansin ko na sa tuwing nagsasalita siya ay madalas niyang basain ang labi niya, madalas din siyang makipag-eye contact kapag nakikipag-usap siya. madami din siyang gestures kapag nilalarawan niya ang isang bagay. At hindi nawawala ang mga ngiti niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Sabi nga nila, ang maliliit at simpleng bagay na napapansin mo sa taong mahal mo ay isang alaala na habambuhay mo ring babaunin.

Ilang saglit pa dumating na si Padre Orlando at sinabi niyang hinahanap na ako ni Maria na sumama pala sa pagrorosario kanina. Ayoko pa sanang umalis kaya lang niyakap ulit ako ni Juanito at bumulong siya sa tenga ko.

"Pangako, magkikita tayo paglipas ng sampung araw" bulong niya at dahil dun napakunot yung noo ko.

"Ang tagal naman, bakit sampung araw pa?" nakasimangot kong tugon pero tinawanan lang ako ni Juanito. Abaa! Bumabalik na naman ang pangtitrip niya sa akin ah.

"Sige... ilang araw mo ba gusto?" nakangiti niyang tanong at dahil dun napangiti ako. Grabe! Ang lakas mo talaga sa kaniya Carmela! Haha!

"Hmm... Tatlo" sagot ko, nagtaka naman yung itsura niya. "Bakit tatlong araw?" tanong niya. nakatitig na siya ngayon sa akin at nakapulupot yung mga kamay niya sa baywang ko. Kyaahh~ wala na kaming pake kay Padre Orlando na nakatayo ngayon sa tapat ng pintuan.

"Kasi... I... Love... You" sabi ko habang binilang ko ang tatlong salitang iyon sa daliri ko at pinakita sa kaniya. Mas lalo namang lumaki yung ngiti niya. Gosh! Carmela ang corny at ang cheesy mo na! I kennat!

"Hmm... Dalawa na lang kaya" suggest naman niya. binigyan ko naman siya ng echoes-look. Kanina lang sampung araw tapos ngayon biglang nagkaroon ng bonggang discount ah! Anyways, Gusto ko naman haha!

"Bakit naman dalawang araw?" tanong ko. tapos nagulat ako kasi mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin at inilapit ako lalo sa kaniya.

"Kasi... Mahal...Kita" nakangiti niyang tugon at binilang niya din sa daliri niya yung dalawang salitang iyon. Kyaaahh~

Sobrang lakas ngayon ng tibok ng puso ko at halos maduling ako dahil sobrang lapit niya sa'kin. ilang sandali pa nagulat ako kasi dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at ipinikit niya ang kaniyang mga mata... ipipikit ko na rin sana ang mga mata ko kaya lang bigla kaming napatigil nang marinig naming napa-ehem si Padre Orlando.

OMG!

Oo nga pala! Nandito siya ngayon Waaahh!

Bigla namang napabitaw sa akin si Juanito at napalayo naman ako sa kaniya, hindi kami ngayon makatingin ng diretso kay Padre Orlando na napapailing-iling na lang ngayon dahil sa landian naming dalawa. My Gosh!

"Hindi ko papalagpasin ang kapusukan niyong dalawa" tugon ni Padre Orlando. Gosh! Kapusukan talaga?

Haays. Carmela you're so landi na talaga huhu. Mukhang ma-guguidance office ka ulit. Haays.

Kinabukasan, naging abala ako sa pagtulong kay Maria sa pagluto at nilinis ko din ang kwarto ko na mukha ng haunted house, nilagyan ko ng mga bulaklak at makukulay na kurtina ang palibot ng aking silid. Totoo palang nakaka-good vibes talaga kapag maaliwalas at makulay ang kwarto mo.

Sinabi ko na rin kay Maria na buhay si Juanito at nagkita na kami. Naluha rin siya ng malaman ang lahat ng hirap na dinanas ni Juanito. ang sarap rin pala sa pakiramdam na may mapagkwentuhan ka ng mga saloobin mo.

Kinagabihan, pagkatapos ng hapunan agad akong umakyat sa kwarto ko, matutulog na sana ako kaya lang narinig ko ang paparating na kalesa sa ibaba, nang dumungaw ako sa bintana nakita ko si Leandro nna bumaba doon, may dala-dala siyang mga bulaklak at bihis na bihis siya. agad naman siyang sinalubong ni Don Alejandro at pinapasok sa bahay.

Ilang sandali lang kumatok na si Belinda sa kwarto ko at sinabi niyang hinihintay daw ako ni Leandro sa baba, sa pagkakataong iyon hindi ko alam ang gagawin ko. ilang linggo ko na siyang iniiwasan pero hindi pa rin siya sumusuko.

Kung iiwasan ko siya ngayon siguradong hindi pa rin naman siya susuko. Pero hindi pa ko handang harapin siya!

Napahilata na lang ako sa kama dahil sa inis. Ano bang gagawin ko?

Isip Carmela!

Kapag inaway mo siya baka ma-provoke na naman siya at saktan ang pamilya ko. o kaya baka kapag nalaman niya na buhay si Juanito ipapatay na naman niya to!

Eh kung harapin ko kaya siya at kausapin ng maayos? Noo! Di ko kaya!

Edi wala na rin akong pinagkaiba sa kapatid niyang si Natasha na plastic!

Pero yun lang ang mabisang paraan para tigilan na niya ako at hindi niya saktan ang mga mahal ko sa buhay.

Huwag kang duwag, Harapin mo ang mga problema -madam Olivia.

At dahil dun bigla akong napabangon. Tama! Kailangan kong utuin si Leandro para hindi siya ma-provoke o gumawa ng masama.

At kapag nangyari yun, hindi na niya masasaktan pa si Juanito o kahit sinuman sa pamilya ko.

Napabangon na ako sa kama at agad nag-ayos. tiningnan ko rin ang sarili ko sa salamain at huminga ng malalim. You can do this Carmela! Magtatagumpay ka!

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan kong nag-aabang pa pala doon si Belinda, bigla siyang napangiti "Mabuti naman po Binibini dahil haharapin niyo na po si Heneral Leandro" nakangiti niyang tugon. tumango na lang ako sa kaniya. Whew! Kailangan mong ngumiti sa harapan ni Leandro Carmela! Pero teka! Baka maweirduhan siya niyan, di mo siya pinapansin tapos ngayon bigla kang ngingiti sa kaniya.

Haays. Bahala na!

Dahan-dahan na akong bumaba ng hagdan at naabutan kong nakaupo sila sa salas. Magkausap ngayon si Don Alejandro at Leandro, at nandoon din si Maria.

Agad napatayo at napangiti sa'kin si Leandro nang makita niya ako, halata sa mukha niya na kinakabahan siya pero natutuwa siyang makita ako.

Gulat namang napatingin sa akin si Maria, samantalang parang nahimasmasan naman si Don Alejandro. "M-magandang gabi Binibini" bati sa'kin ni Leandro sabay abot ng isang bouquet ng white roses. Napahinga na lang ako ng malalim bago tinanggap iyon.

Sa totoo lang, sobrang kinakabahan din ako ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko kayang makipag-plastikan ng ganito huhu.

"Bueno, maiwan na muna namin kayo" tugon ni Don Alejandro at napatayo na siya. tinapik niya pa si Maria sa balikat kasi mukhang ayaw ni Maria iwan kaming dalawa ni Leandro dito sa salas. Wala naman na din siyang nagawa kasi si Don Alejandro pa din ang masusunod.

Umakyat na silang dalawa sa itaas, at wala ring mga kasambahay ang umaaligid dito sa salas kung kaya't kaming dalawa lang talaga dito.

Hindi naman ako makatingin ngayon kay Leandro, sa tuwing nakikita ko kasi ang mukha niya naaalala ko pa din kung paano niya pinapatay si Juanito. hindi rin naman siya makatingin sa akin, siguro naguguilty pa din siya sa ginawa niya.

"K-kamusta ka na? n-nabalitaan ko ang nangyari sa iyo sa lawa ng luha" tugon ni Leandro, napayuko lang ako at hindi nakapagsalita. Siguro masakit para sa kaniya ang malaman na magpapakamatay na lang ako kaysa makasal sa kaniya.

"Kailangan mong matututong lumangoy para kahit anong mangyari kahit mapulikat ka man sa gitna ng lawa, magagawa mong iligtas ang sarili mo" sabi pa niya at dahil dun biglang nanlaki ang mga mata ko. Ano? Napulikat ako sa lawa kaya nalunod ako?

"Naikwento na sa akin ng iyong ama ang buong nangyari, kaya nga araw-araw ako kung dumalaw sa iyo dito upang matingnan ka, kung sakaling gusto mo maligo sa lawa handa naman akong samahan ka para matiyak ko na ligtas ka" patuloy niya pa. Gulat lang akong napatingin sa kaniya. So ibig sabihin nagsinunggaling si Don Alejandro? hindi niya sinabi ang totoo sa pamilya Flores na sinadya ko talagang magpakamatay para hindi matali sa kanila.

Ngayon ko lang narealize na hindi pa pala tapos ang problema ko sa pamilya Flores. Mukhang hindi pa rin natitigil ang pagkakasundo nila sa amin ni Leandro.

"Oo nga pala, nabasa mo na ba ang sulat na pinaabot ko kay Natasha para sayo?" tanong niya pa, nakatingin na siya ngayon ng diretso sa mga mata ko pero bakas pa rin sa mukha niya ang matinding kaba.

Napailing naman ako. "Ganun ba? Sana mabasa mo iyon" sabi na lang niya at mukhang dismayado siya. napatingin naman ako sa kaniya, nakayuko siya ngayon at hindi mapakali, natatakot ako na baka magalit siya. kailangan mong gumawa ng paraan Carmela! Nakasalalay ngayon sayo ang mga hakbang na gagawin ni Leandro sa mga susunod na araw. kailangan mong masigurado na hindi niya masasaktan ang pamilya mo at si Juanito.

"K-kamusta ka na pala?" tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya. mga 5 seconds pa siyang napatulala sa akin bago nakapagsalita.

"A-ayos naman, medyo abala lang sa aking tungkulin pero hindi naman iyon nagiging sagabal upang bisitahin kita dito" sagot niya at medyo napapangiti na siya ngayon. sabagay, halos araw-araw siya kung dumalaw dito noong mga nakaraan.

Napatitig lang ako sa kaniya, siguro kung hindi siya ang pumatay kay Juanito hanggang ngayon magkaibigan pa din kami dahil kahit papaano ay naging komportable naman akong makasama siya.

Mga ilang minuto pa kaming napatahimik. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko at ganun din naman siya. mukhang hindi pa rin siya makapaniwala na kinamusta ko siya. pero ilang sandali lang napatingin ulit siya sa akin.

Hinihintay ko na mag-sorry siya sa ginawa niya kay Juanito, kay Josefina at kay Angelito. Pero lumipas lang ang halos kalahating oras na puro buhay niya bilang Heneral ang kinukwento niya.

Buti na lang bumaba na si Maria at sinabi niyang kailangan ko na daw matulog dahil maaga pa kami magsisimba bukas. Wala naman nang nagawa pa si Leandro kundi nagpaalam na sa amin. Bago siya lumabas ng pinto ay nakita kong tumingin pa siya sa akin, at sa pagkakataong iyon, nagsisisi ako kung bakit ko siya hinarap ngayon kasi mukhang nabuhay na ulit ang pag-asa niya na makukuha niya ang puso ko.

Kinabukasan, hindi mawala ang ngiti ko nang matanggap ko ang sulat mula kay Juanito na pinaabot niya kay Padre Orlando na magkita daw kami sa simbahan ng San Alfonso. Delikado kasi ngayon lumabas si Juanito kaya mas safe kung sa loob lang kami ng simbahan magkikita.

Nakasabay ko naman pababa ng hagdan si Don Alejandro, at napatigil siya nang makita ako "Mukhang maganda na ang iyong pakiramdam Carmelita" bati niya sa akin. Napa-bow naman ako sa kaniya, sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako magrereact sa harapan niya. at mukhang naiilang din siya sa akin dahil sa mga nakalipas na kaguluhang nangyari sa aming pamilya.

Hindi pa niya inuungkat hanggang ngayon ang kasal namin ni Leandro, kahit pa dumalaw sa akin si Leandro kagaib, siguro natatakot siya sa magiging reaksyon ko. "Papunta ako ngayon sa Hacienda Flores, Nais mo bang sumama sa akin?" tanong niya at parang nakikiusap siya na sumunod ako. ayoko pang makita ulit sila Leandro kaya lang parang hindi ko naman magawang tanggihan si Don Alejandro.

Magsasalita na sana ako kaya lang narinig naming nagsalita si Maria na pababa na rin ngayon sa hagdan "Pupunta po kami sa simbahan ngayon" sabi ni Maria. wala namang nagawa si Don Alejandro kundi mapatango na lang.

"Osige, Mag-iingat kayo, bago magtakipsilim ay dapat nakauwi na kayo" bilin pa niya at tuluyan na siyang umalis. Inakbayan naman ako ni Maria.

"Ano? Tara na! baka mainip na si Ginoong Juanito sa paghihintay sa iyo" nakangiting tugon ni Maria at inalalayan na niya ako papalabas, parang mapupunit naman ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang pagngiti.

Pagdating namin sa simbahan ng San Alfonso, agad kaming sinalubong ni Padre Orlando at sinabi niyang nasa tuktok ng simbahan naghihintay sa akin si Juanito. May sariling lakad din si Maria ngayon, pupuntahan niya si Angelito na sinasamahan ngayon ni Eduardo sa tinutuluyan nitong bahay kubo sa kabilang bayan na pagmamay-ari ni Padre Orlando.

Medyo hiningal naman ako pag-akyat doon sa tuktok ng simbahan, medyo maliliit kasi yung steps ng hagdan at paikot pa. pagdating ko naman doon sa itaas, agad akong sinalubong ng sariwang hangin, Napatulala na lang ako sa malaking kampana na nasa harapan ko ngayon. Whoa. Mas malaki pa ito sa akin at mukhang antigo na talaga.

"Sige ka, pag tumunog yan baka mapayakap ka sa akin" narinig kong pang-eecheos ni Juanito na nakasandal ngayon sa isang pader malapit sa balkonahe dito sa itaas na gawa din sa bato. Whaaat?

Ganun ba ko ka-clingy? My gosh!

Napatulala lang ako sa kaniya dahil sa ngiti niya, nakasuot siya ngayon ng kulay brown na pang-itaas, at mukhang bagong ligo siya. Abaa! Pinaghandaan ah!

Medyo basa pa ang buhok niya pero ang Hot lang tingnan, maaliwalas din ang mukha niya at hindi nakakasagabal yung sugat niya sa noo sa kagwapuhan niya. My Gosh! Eto ka na naman Carmela pinagnanasaan mo na naman siya! Kyaahh~

Hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako with matching tulo laway, natauhan lang ako kasi may laway na dumaloy sa baba ko. Eww!

At dahil dun napaiwas agad ako ng tingin sa kaniya. Shocks! Dapat dalagang pilipina ka! Wag na wag kang bibigay sa kaniya! Dapat ipakita mo na hindi ka matitinag kahit anong mangyari! Tamaaa!

Nagulat ako nang biglang pumulupot yung kamay niya sa baywang ko. Kyaahh! Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin Oh Noes!

"Sobrang nananabik akong mayakap ka muli" bulong niya pa sa tenga ko, parang nakuryente naman yung buong katawan ko dahil naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Omg! Inaakit niya ba ko?

Okay! Sige! Baka pwede ko naman siya pagbigyan... kahit ngayon lang----NOOOO! WAG MONG ISUKO ANG BATAAN!

Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ko at inilapit ako lalo papalapit sa kaniya. Nakangisi siya ngayon sa akin. Eto na ba yung sinasabi nilang bugso ng damdamin? Eto na ba yung senyales na we were going to do something... Kyaaahh!

Sobrang lakas na ng kabog ng puso ko at pero kahit ganun parang sobrang nakakakilig sa feeling. As in parang may full force sa buong katawan mo at buhay na buhay ang dugo mo. nakangisi pa din sa akin si Juanito at bigla niya akong hinalikan sa labi.

Hindi ko alam pero napayakap din ako sa kaniya at ng todo, parang uhaw na uhaw si Juanito habang hinahalikan ako kasi ang higpit-higpit na ng pagkakayakap niya sa akin. Eto na ba yung tinatawag nilang French kiss? Oh My Goodness!

Sorry Dad! Pero sa tingin ko hindi ko na kaya pang labanan ang kapusukan kong ito sa panahong to! Isusuko ko na ang------

"Carmelita? Ayos ka lang ba?" narinig kong tugon ni Juanito na nakatayo ngayon sa harapan ko, hawak niya ang magkabilang balikat ko at bakas sa mukha niya ang matinding pagtataka. Omg! What happened? Tapos na ba?

"Bakit tumutulo laway mo? sinsipon ka ba?" nag-aalalang tanong ni Juanito tapos may kinuha siyang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang bibig ko na puno na ng laway. Yuck! Kadiri!

Gulat akong napatingin kay Juanito at tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, Okay naman siya, kompleto pa din ang suot niya at basa pa din ang buhok niya. Napayuko naman ako at tiningan ko ang sarili ko... Okay lang din naman ako, kompleto din ang suot ko.

OMG! DON'T TELL ME!

ISANG MALAKING PAGNANASA AT IMAGINATION KO LANG ANG LAHAT? SHET!

Bakit Hindi Totoo? huhu.

Hindi ko alam pero parang na-disappoint ako. Kainis! Akala ko pa naman totoo na yun! Haays!

"Nilalamig ka ba dito? Maaari naman tayong bumaba" suggest pa ni Juanito at mukhang nag-aalala siya sa'kin ngayon. hindi ko alam pero bigla na lang ako natawa sa sarili ko. My Gosh! bakit ba pinag-iisipan ko ng ganito si Juanito? mukhang hindi naman siya yung tipo ng lalaki na sasamantalahin ang kahinaan ng mga babae.

"B-bakit ka tumatawa?" tanong ni Juanito at natatawa na rin siya kasi ang weird ko ngayon. hindi ko alam pero sa sandaling iyon bigla ko na lang siya niyakap. "Nagpapasalamat ako dahil hindi mo sinasamantala ang kahinaan ko" bulong ko sa kaniya, niyakap din niya ako pabalik, yung gentle na yakap lang.

"Malaki ang respeto ko sa iyo at handa akong maghintay kahit gaano katagal gusto kong gawin ang bagay na iyon pagkatapos ng kasal natin" bulong niya sa tenga ko. Parang bigla namang nanlambot ang puso ko. Haays sobrang laki talaga ng respeto ng mga lalake sa babae sa panahong ito. Pero parang biglang kumirot ang puso ko, Ang tulad ko na nabubuhay sa taong 2016, at ang tulad niya na nabubuhay sa taong 1892. Posible bang ikasal kami?

"Nakikita mo iyon? Doon kami madalas maglaro noon ni kuya Sergio" nakangiting tugon ni Juanito sabay turo doon sa isang malawak na lupain sa gilid ng simbahan. Kanina pa siya nagkwekwento ng mga karanasan niya noong bata pa siya, kailanman ay hindi daw sila nag-away ni Sergio dahil palaging binibigay ni Sergio ang mga gusto niya, paborito rin daw nilang dalawa ang mangisda kasama ang kanilang ama na si Don Mariano, tinuruan din daw siya ni Sergio gumamit ng arnis noong binatilyoo pa lang siya, at nang dumating si Angelito sa pamilya nila mas lalo daw naging masaya ang lahat. Nandito pa rin kami sa tuktok ng simbahan kung saan nakapwesto ang kampana.

Maaliwalas ang kalangitan at sobrang sarap din sa pakiramdam ang pagdampi ng sariwang hangin sa aming mga balat, halos masaya at abala ang lahat sa tapat ng simbahan sa ibaba, maraming mga babaeng naka-belo ang pumapasok ngayon sa loob ng simbahan. At ang iilang mga tindera naman ay walang sawa sa pagaalok ng kanilang mga paninandang mga sampaguita.

"Ikaw? Kwentuhan mo naman ako ng mga karanasan mo noong bata ka pa" nakangiting tanong sa akin ni Juanito. napapikit naman ako, hinihintay kong pumasok ang alaala ni Carmelita sa utak ko pero naka-ilang segundo na akong nakapikit doon wala pa ding nangyari.

"Ayos lang kahit hindi mo ikwento naiintindihan ko naman" sabi pa niya, at dahil dun iminulat ko na ang mga mata ko. Shocks! Baka isipin niya ayokong mag-open up sa kaniya. At dahil ayaw makisama ng memories ni Carmelita ngayon sa utak ko, ang sariling memories ko na lang ang ikwekwento ko sa kaniya.

"Hmm... palagi kaming nag-aaway ng mga kapatid ko, sa mga simpleng bagay lang na pinag-aawayan namin parang magkakaroon na ng gyera sa bahay, madalas din magalit si dad---ah! Este ang tatay sa amin at igagrounded niya----Uh! Ang ibig kong sabihin ikukulong niya kami sa kwarto" panimula ko, Gosh! ano bang tagalog ng grounded?

Natawa naman si Juanito sa kwento ko "Talaga? Nag-aaway kayo nila Maria at Josefina?" natatawa niyang tanong. At dahil dun natawa na lang din ako. si Jenny at Emily naman ang tinutukoy ko eh.

"Kung alam mo lang kung paano kami magsigawan at maghabulan sa loob ng bahay mawiwindang ka talaga, pero kahit ganun mas maraming bagay pa din kaming napagkakasunduan lalo na pagdating sa mga sayaw, kanta, pagkain, palabas at kung ano-ano pa" patuloy ko pa. isa-isa tuloy nag-faflashback sa akin ngayon ang mga kalokohan namin ni Jenny at Emily.

Parang amaze na amaze si Juanito habang nakatingin sa akin at nakikinig sa kwento ko, hindi rin mawala yung mga ngiti sa labi niya.

"Anong mga paborito niyong gawin?" tanong niya pa at mukhang interesado talaga siya malaman ang lahat tungkol sa akin.

"Madami, paborito naming kumain at palihim na magdala ng pagkain sa kwarto, madalas din kaming sumayaw at kumanta kahit pa nakakairita yung mga boses namin" sagot ko pa. hindi ko rin mapigilang mapangiti ngayon habang inaalala ko yung mga kabaliwan namin ni Jenny at Emily.

"Sa tingin ko ikaw talaga ang nag-impluwensiya ng mga ganyan kay Maria at Josefina" pang-asar pa ni Juanito at binigyan ko lang siya ng what-are-you-talking-about-look. pero tinawanan niya lang ako at hinawakan ang kamay ko.

"Sana nagkakilala na tayo noong mga bata pa tayo, sigurado akong mas madami akong alaala na babaunin sayo habambuhay" nakangiting tugon ni Juanito. Napatitig ako sa kaniya napaisip ng malalim dahil sa sinabi niya.

Kung nagkakilala na kayo ni Carmelita noon pa man... Siguradong mahuhulog ka din sa kaniya... at Hindi na ako mapupunta sa panahong ito... Hindi na ako magkakaroon ng pagkakataong makilala ka.

"Halos sa Maynila na rin ako lumaki dahil pinagtuunan ko talaga ng pansin ang pag-aaral, Tuwing Piyesta at Pasko lang ako nakakauwi sa San Alfonso, kung kaya't wala akong masyadong kilalang Binibini dito" paliwanag ni Juanito dahilan para mapataas yung kilay ko.

"Ibig sabihin... mas madami kang kilalang Binibini sa Maynila?" reklamo ko sa kaniya dahilan para matawa lang siya. aba! Nagseselos na ko dito tapos tinatawanan niya lang ako ah.

"Oo... pero wala naman akong niligawan" sagot niya, binigyan ko naman siya ng are-you-telling-the-truth-look. pero tumawa lang siya ulit.

"Oo nga! Wala talaga" sagot niya at tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang sumusurrender.

"Talaga? Eh pano si Helena?" reklamo ko pa at napa-crossed arms ako. ibinaba na ni Juanito yung kamay niya at napatahimik siya.

"Kay Sonya ko nalaman ang tungkol kay Helena, noong umuwi ako ng Piyesta, sinabi sa akin ni Sonya na may kaibigan daw siyang ipapakilala sa akin, at noong pasasalamat sa patron nahuli kong nakatingin siya sa akin, ipapakilala dapat ni Sonya si Helena sa akin noong gabing iyon pero tumakbo siya, kung kaya't hinayaan ko na lang, hanggang sa nakatanggap ako ng sulat habang nag-aaral ako sa Maynila, hindi nakalagay kung kanino galing ang sulat na iyon pero malakas ang kutob ko na kay Helena galing iyon, hindi naman ako nakakatugon sa mga sulat niya dahil ayokong magsimula ang pagkakaibigan namin sa ganoong paraan, gusto ko siyang makausap ng personal, at noong umuwi ako sa San Alfonso, nais ko na siyang makilala pero nahuli naman tayo nila Don Alejandro at ama na magkasama sa burol ng puno ng mangga" sagot ni Juanito. at nginitian niya akoo nung sinabi yung salitang Nahuli tayo nila Don Alejandro at ama.

Omaygash!

Kaya hindi natuloy ang original story na nagkagusto talaga si Juanito kay Helena kasi nauna akong nakilala ni Juanito.

Bigla kong naalala yung time na nahuli kong nakatanaw si Juanito sa bintana ni Helena, ibig sabihin hindi pa din sila magkakilala noong gabing iyon.

"Inaamin ko na nasiyahan ako noong tinulungan mo kaming mapalapit ni Helena... pero sa paglipas ng araw habang nakikilala ko na siya hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka mawala sa isipan ko, mas masaya ako kapag kasama kita, mas magaan ang pakiramdam ko sa tuwing napapangiti kita, at mas maligaya ako kapag naipapasyal kita kung saan-saan" patuloy niya pa at halos mapunit na ngayon yung mukha niya dahil sa laki ng ngiti niya.

Hindi naman ako makatingin sa kaniya kasi sobrang init na ng mukha ko ngayon. Kyaahh! Kinikilig ako~

"Akala ko simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sa iyo noong mga araw na iyon pero naging malinaw sa akin ang lahat na umiibig na ako sa iyo dahil nagselos talaga ako noong nahuli namin kayong magkasama ni Leandro sa isang kainan" tugon pa ni Juanito at biglang lumungkot yung itsura niya. Omg! Naalala ko yung time na yun kung saan mukhang papatayin ako ni Juanito dahil sa tingin niya nang maabutan niya kaming magkasama ni Leandro My Gosh!

"Nalaman ko din mula kay Sonya na naging magkasintahan pala kayo ni Leandro, at sobrang nasaktan ka nang umalis siya papuntang Cuba, doon ko napagtanto na mahal mo pa din siya dahil naikwento mo sa akin noon ang unang pag-ibig mo na nasa malayong lugar na" patuloy pa ni Juanito. at dahil dun nanlaki yung mga mata ko. Whut?

Si James Gilbert yung tinutukoy ko nun eh! My Goodness!

Hindi na lang ako nag-react, hindi ko naman ma-eexplain sa kaniya na never ako na-fall kay Leandro at si Carmelita lang yun.

"Pero masaya na rin ako dahil hanggang sa huli ako pa rin ang pinili mo" bawi pa niya at bigla siyang ngumiti. Kanina lang nag-eemo siya dyan tapos ngigitian na niya ako ngayon. Bipolar lang? haha!

"At naniniwala ako na kahit anong mangyari... hanggang sa huli ako pa rin ang pipiliin mo" sabi pa niya at bigla siyang nag-thumbs up. Natawa na lang ako sa ginawa niya. Grabe! Hanggang ngayon hindi pa rin niya nakalimutan ang pang-uuto ko sa kaniya haha!

"Oo naman... hanggang sa huli ikaw pa din ang pipillin ko" sagot ko sabay thumbs up din sa kaniya. Pareho na kaming mukhang shunga ngayon na nakangiti ng todo sa isa't-isa habang nasa tuktok ng simbahan. Ganito pala talaga pag-inlove kahit mag-mukha na kayong shunga okay lang basta masyaa kayong dalawa.

Kinabukasan, agad akong napabangon nang ibinalita sa akin ni Maria na ngayon na aalis si Helena papuntang Maynila at doon sasakay siya ng barko papuntang Espanya.

Agad akong nagbihis agad, sinamahan naman ako ni Maria at Belinda at may mga guardia personal din kaming kasama papuntang daungan.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid, madaming tao ngayon sa daungan at halos abala ang lahat sa pagakyat sa barko, ilang sandali pa biglang hinawakan ni Maria ang braso ko "Carmelita, ayun si Helena!" tugon niya sabay turo doon sa isang kalesa na kakarating pa lamang.

Nakita kong bumaba sa kalesa si Helena at kasama niya si Natasha. Agad akong napatakbo papalapit sa kanila.

"C-carmelita?" gulat na tugon ni Helena at nabitawan niya yung bagahe na hawak niya. napatulala lang ako sa kaniya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. sa totoo lang, ayoko pa sana siyang umalis.

"Sandali lang ate Natasha" paalam ni Helena kay Natasha, napa-whatever-look naman si Natasha. Humakbang na papalapit sa akin si Helena at hinawakan niya ang kamay ko.

"Pasensiya na kung hindi na ako nagpaalam sa iyo, naisip ko kasi nab aka mas mabuti na rin ito, ayoko ng guluhin pa ang buhay mo at gusto ko na rin makapagsimula muli, malayo sa lugar na ito kung saan batid ko ang mga kasalanang ginawa ko" panimula niya at napayuko siya, napansin ko naman ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Parang kumikirot ngayon ang puso ko habang pinagmamasdan siya, inagaw ko kay Helena ang pagkakataong mahalin ni Juanito.

Si Helena dapat ngayon ang kapiling ni Juanito.

Dahil sa original story, si Helena talaga ang tinitibok ng puso ni Juanito.

Pero nagbago ang lahat nang mapunta ako sa panahong ito, hindi ko sinasadya at hindi ko akalaing mahuhulog sa akin si Juanito.

Nang dahil sa akin hindi naranasan ni Helena ang mahalin ng taong mahal niya.

Nang dahil sa akin nabuo ang galit, selos at hinanakita sa puso niya na dahilan para magawa niyang talikuaran ang pagkakaibigan namin at ang pagmamahal niya kay Juanito.

"M-mag-iingat ka ah, at Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita" tugon ko sa kaniya at niyakap ko siya. sa pagkakataong iyon, patuloy na ang pagpatak ng mga luha ko dahil alam kong ito na ang huling beses na makikita ko siya.

"M-mag-iingat ka rin, at Maraming salamat sa lahat Carmelita" sabi niya, at hindi na rin maawat ang mga luha niya sa pagbuhos. Tama nga sila, kahit naging kagalit mo ang isang tao, kahit naging dahilan siya ng paghihirap mo, kahit anong mangyari hanggang sa huli mamimiss mo pa rin ang taong iyon, lalo na kung nagsimula ang lahat sa magandang pagkakaibigan niyo.

Sa totoo lang, tinuturing kong isang mabuting kaibigan si Helena at habambuhay kong babaunin ang alaala niya sa buhay ko.

Ika-30 na ng Enero ngayon, at nagcecelebrate ng Chinese New Year yung mga intsik na naninirahan sa isang maliit na baryo dito sa San Alfonso. Year of the Dragon pala ngayon. At nandito din kami nila Maria at Belinda kasama ang ilang mga guardia personal sa palengke, kung saan icecelebrate ng mga intsik ang kanilang Chinese New Year.

Maraming mga negosyanteng intsik dito at kahit hindi sila ganoon kayaman, hindi pa rin nila pinapalagapas ang pagdiriwang ng kanilang bagong taon. hindi naman mawala ang mga ngiti namin ni Maria at Belinda habang pinagmamasdan ang pagsayaw ng mga taong naka-costume na dragon.

Sobrang saya ng buong paligid, maraming mga bata ang buhat-buhat ng kanilang tatay para mapanuod yung presentasyon. Nagkalat din ang masasarap na pagkaing intsik sa buong helera ng palengke at syempre tinikman namin yun kanina nila Maria at Belinda. Nakaaktuwang isipin na sinusupurtahan din ng mga Pilipino ang selebrasyon ng mga Intsik, nagpapatunay ito na noon pa man maganda na talaga ang samahan ng mga Pinoy at Intsik. Gabi na pero gising na gising ang diwa ng lahat dahil sa mga nagkikislapang paputok sa kalangitan at sa bawat sulok.

Napapapalakpak na lang kami sa tuwing may sasabog na magagandang papaputok sa langit. Grabe! Hindi ko akalaing ma-wiwitness ko ngayon ang Chinese New Year sa panahong to.

Ilang sandali pa, nagulat ako nang biglang hinawakan ni Maria yung braso ko at bumulong siya sa tenga ko "Carmelita! Si Ginoong Juanito iyon diba?" excited niyang tanong sabay turo doon sa kaliwa namin. Nanlaki naman yung mga mata ko nang marealize ko na si Juanito nga yun!

Nakatingin at nakangiti rin siya sa akin ngayon, medyo malayo siya pero hindi iyon hadlang upang masilayan ko ang mga ngiti niyang nagpapakabog talaga sa puso ko.

Nakasuot siya ng kulay asul na pang-itaas na ang manggas ay abot hanggang braso, at putting pang-ibaba, nakasuot din siya ng sombrero na gawa sa banig. Omg! Hindi ko namalayan na napanganga na pala ako habang nakatingin sa kaniya. Grabe! Iba na talaga ang tama sa akin ni Juanito! Kyaahh!

Alam kong hindi siya makalapit sa akin ngayon kasi nandito si Belinda at may mga bantay kaming mga guardia personal. Kung kaya't hanggang tanaw lang kami sa isa't-isa.

Ilang sandali pa, hindi ko alam pero parang biglang bumagal ang paligid, kasabay nito ay wala na rin akong marinig, kahit pa nagsasaya, nagsisigawan at umaalingangaw ang mga paputok sa kalangitan ay hindi ko iyon marinig.

Napatingin ako kay Juanito na ngayon ay biglang napawi ang ngiti, napagtanto niya siguro na biglang sumama ang pakiramdam ko.

Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko at sa pagkakataong iyon... parang hinigop ako ng tadhana at biglang pumasok ang alaala ni Carmelita sa utak ko...

Ito rin ang eksenang iyon, ika-30 ng Enero taong 1892, nakatayo din dito si Carmelita kung saan ako nakatayo, at tinatanaw niya si Juanito na nakatayo din sa di-kalayuan. Pero hindi nakatingin si Juanito sa kaniya sa halip ay nakatingala ito sa kalangitan at nakangiting pinagmamasdan ang makukulay na paputok.

Lalapit sana si Carmelita kay Juanito pero biglang sumulpot si Ignacio sa likod ni Juanito at may ibinulong dito, agad namang umalis doon si Juanito at sumama kay Ignacio. Sinundan ni Carmelita sila Juanito at Ignacio, hanggang sa makarating ang mga ito sa likod ng isang tindahan dito sa palengke. Madilim at walang katao-tao sa likod ng palengke dahil halos ang lahat ay nanonood ng presentasyon at mga paputok sa gitna ng palengke.

Nagtago naman si Carmelita sa likod ng isang tindahan at sinilip kung anong ginagawa nila Juanito at Ignacio doon sa likod ng isa pang tindahan. Nakatayo lang si Juanito at Ignacio doon at parang may hinihintay sila.

ilang sandali lang biglang may babaeng nakataklob ng balabal ang dumating, agad nagpaalam si Ignacio at nakangiting umalis doon. Naiwan naman si Juanito at ang babaeng nakataklob ng balabal sa likod ng tindahan.

Nanlaki ang mga mata ni Carmelita at napatakip na lang siya sa bibig niya nang marealize niya kung sino yung babaeng kinatagpo ni Juanito... si Helena.

Parang biglang gumuho ang mundo ni Carmelita at unti-unting nadurog ang puso niya nang yakapin ni Juanito si Helena.

Nakatakda ikasal si Juanito at Carmelita at isang buwan na lang ay ikakasal na sila. Naging balisa si Carmelita mula nang matunghayan niya ang lihim na pagkikita ni Juanito at Helena. hindi siya nagsalita at wala siyang pinagsabihan na nakita niya ang kataksilang iyon ng mapapangasawa niya at ng kaibigan niya.

Dalawang linggo bago ang nakatakdang kasal nila, biglang sumulpot si Leandro sa hardin ng hacienda Montecarlos, nagmakaawa si Leandro na balikan siya ni Carmelita pero nanaaig pa din ang labis na pagmamahal ni Carmelita kay Juanito kung kaya't nagalit si Leandro at binantaan ang buhay ni Juanito.

Isang linggo bago ang kasal, nalaman ni Carmelita na babalik na sa Cuba si Leandro at hindi na nit itutuloy ang masamang balak kay Juanito dahil alam din ni Leandro na may relasyon si Juanito at ang kapatid niyang si Helena kung kaya't hindi na niya binalak saktan si Juanito dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng kapatid niya.

Tatlong araw bago ang kasal, nagtapat si Juanito kay Carmelita na ayaw na nitong ituloy ang kasal. Lumuhod, nagsumamo at nagmakaawa si Carmelita sa harapan ni Juanito.

"P-pakiusap! A-ayos lang sa akin kahit si Helena ang laman ng puso mo! b-basta pakasalan mo lang ako! mahal na mahal kita Juanito!" pagsusumamo ni Carmelita, nakaluhod siya ngayon sa matatalim na bato sa lawa ng luha.

"H-hindi ko kaya... hindi ko kayang mahalin ka Carmelita... patawad" sagot ni Juanito at hindi siya ngayon makatingin ng diretso sa mga mata ni Carmelita. Patuloy lang sa pag-iyak si Carmelita at parang mababaliw na siya.

Umupo si Juanito at inalalayan niyang tumayo si Carmelita pero ayaw nito. "P-pakiusap! Huwag mo akong iwan J-juanito!" pakiusap pa ni Carmelita. Pero tiningnan lang siya ni Juanito at tinapik ang balikat niya.

"Hindi ako ang para sa iyo, hindi ko rin magagawang suklian ang pagmamahal mo, naniniwala akong makakatagpo ka pa ng lalaking magmamahal sa iyo kung kaya't itigil na natin ito" tugon ni Juanito at may bahid ng pakikiusap ang tono ng boses niya. Pero hindi natinag si Carmelita, nang dahil sa sinabi ni Juanito nagalit siya, itinulak niya ito papalayo.

"H-hindi ako makakapayag! Pagsisisihan mo ang lahat ng ito!" sigaw niya at dali-dali siyang tumakbo papalayo dala-dala ang matinding galit sa kaniyang puso. Tulala namang naiwan naman si Juanito sa lawa ng luha at hindi niya alam ang kaniyang gagawin.

Dalawang araw bago ang kasal, pinuntahan ni Carmelita si Kolonel Santos sa tahanan nito...

"S-sigurado po kayo Binibini?" gulat na tanong ni Kolonel Santos. Kinuha pa ni Carmelita ang kumpol ng gintong barya na nakabalot sa maliit na tela at inilagay iyon sa mesa. Gulat na gulat si Kolonel Santos sa dami ng gintong nasa harapan niya ngayon.

"P-pero baka malaman----" hindi na natapos ni Kolonel Santos yung sasabihin niya kasi agad nagsalita si Carmelita.

"Alam na ito nila Kapitan Flores at Natasha, tayong apat lang ang nakakaalam" seryosong sagot ni Carmelita. Hindi naman nakapagsalita si Kolonel Santos dahil sa gulat.

"Kailangan ni Kapitan Flores ang posisyon at kapangyarihan ng pamilya Alfonso... at kailangan ko naman ang buhay ni Juanito" dagdag pa ni Carmelita.

Napatingin pa si Kolonel Santos sa kayamanang nasa harap niya ngayon at pumayag na rin siya.

Araw na ng kasal ni Carmelita at Juanito sa simbahan ng San Alfonso, punong-puno ng mayayamang bisita ang loob ng simbahan, nag-uumpaw din sa dekorasyon at bulaklak ang buong paligid. Nakasuot ng barong at nakatayo sa dulo ng altar si Juanito, bakas sa mukha niya na hindi siya masaya.

Naglalakad na sa altar si Carmelita, nanginginig siya sa takot at pinipigilan niya ang pagpatak ng mga luha niya habang pinagmamasdan si Juanito sa huling pagkakataon. Napatingin siya sa itaas sa bandang kaliwa at nakita niya doon si Kolonel Santos na nakasut ng itim at nakabalot ang mukha. Itinutok na ni Kolonel Santos ang kaniyang baril sa tapat ng puso ni Juanito.

Sa huling pagkakataon, biglang nagbago ang isip ni Carmelita, nabitiwan niya ang kumpol ng bulaklak na hawak niya, napalingon siya kay Kolonel Santos at akmang sisigaw upang pigilan ito. Pero huli na ang lahat naiputok na ni Kolonel Santos ang kaniyang baril at agad tumama ang bala nito diretso sa puso ni Juanito.

Nagsigawan ang lahat ng tao sa loob ng simbahan at nagsimula silang magtakbuhan papalabas. Parang namanhid naman ang buong katawan ni Carmelita habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng katawan ni Juanito sa sahig.

Agad nalagutan ng hininga si Juanito at pilit siyang ginigising nila Don Mariano, Donya Juanita, Sergio, Sonya at Angelito. Umiiyak na ang lahat ngayon at parang nabalot ng matinding takot at sigawan ang buong paligid ng simbahan.

Agad namang ipinagutos ni Don Alejandro sa mga guardia civil na habulin ang salarin. Pero hindi nila nahuli si Kolonel Santos dahil madali itong nakatakas at naglaho sa kagubatan.

Parang gumuho ang buong mundo ni Carmelita at hindi na maawat ang pagbuhos ng mga luha niya habang pinagmamasdan ang walang buhay na si Juanito na naliligo na sa sariling dugo.

Lumipas pa ang isang linggo, nalugmok si Carmelita at labis niyang pinagsisihan ang ginawa niya kay Juanito. hindi na rin siya dumalo sa libing ni Juanito dahil nilalamon siya ng matinding konsensya. Hindi rin nalama kung sino ang pumatay kay Juanito dahil nagtungo na din sa Cuba si Kolonel Santos.

Gabi-gabi ay dinadalaw si Carmelita ng bangungot ng pagkamatay ni Juanito hanggang sa hindi na niya nakayanan ang lahat. labis niyang pinagsisishan ang ginawa niya pero wala na siyang magagawa dahil wala na si Juanito.

Napag-desisyunan niyang magpakamatay na lang at sumunod kay Juanito, Nang umagang iyon nagtungo siya sa simbahan upang magdasal at humingi ng tawad sa ginawa niya kay Juanito at sa gagawin niyang pagpapakamatay. Pero bago siya lumabas ng simbahan, hinarangan ni madam Olivia ang dadaanan niya.

"Batid ko ang kasalanang iyong ginawa, at batid ko rin na labis mo ng pinagsisisihan ito" seryosong tugon ni madam Olivia. Gulat na gulat naman si Carmelita dahil hindi niya akalaing may ibang taong nakakaalam ng krimeng ginawa nila.

"H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo" sagot niya at akmang aalis na pero hinarangan pa rin ni mada Olivia ang dadaanan niya.

"Nais mo bang baguhin ang tadhana?" tanong ni madam Olivia na ikinagulat ni Carmelita.

"Nais mo bang mabago ang kwento niyo ni Juanito?" dagdag pa niya. napatulala lang si Carmelita sa kaniya.

"P-paano po?" tanong ni Carmelita at tuluyan nang pumatak ang mga luha niya.

"Matutulungan kita... ngunit hindi ikaw ang magbabago ng kwento niyo... may babaeng isisilang na magmumula sa ikaapat na henerasyon ng inyong lahi na magiging kamukhang-kamukha mo" tugon pa ni madam Olivia dahilan para maguluhan si Carmelita.

"A-aalis na po ako" paalam niya pero napatigil siya nang biglang magsalita si madam Olivia mula sa likuran niya.

"Kasalanan mo kung bakit namatay si Juanito... kung kaya't respnsibilidad mo ang masaklap na sinapit niya, kung talagang nagsisisi ka... gagawin mo ito para sa kaniya" tugon ni madam Olivia, napaisin naman ng malalim si Carmelita at dahan-dahang napalingon kay madam Olivia.

"A-ano pong kailangan kong gawin?"

"Kailangan mong mamatay ngayon para sa kaniya... kailangan mong magpakalunod sa lawa gaya ng balak mo mamaya upang magpatuloy ang takbo ng panahon hanggang sa isilang ang nakatakdang magbago ng inyong kapalaran" sagot ni madam Olivia habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Carmelita.

"A-ano pong mangyayari sa akin kung sakaling magtagumpay ang nakatakda sa misyon niya?" tanong ni Carmelita. Humakbang naman papalapit sa kaniya si madam Olivia, at may inabot siyang diary kay Carmelita.

Gulat namang napatingin si Carmelita doon sa diary na hawak ni madam Olivia. "A-akin iyan ah! Paano napunta sa iyo ang talaarawan ko?" reklamo ni Carmelita, napatango lang si madam Olivia.

"Nalalaman ng talaarawan mo ang lahat ng ginawa mong kasalanan, nalalaman ng talaarawan mo ang lahat ng galit, hinanakit, poot at pighati ng iyong puso... kung kaya't ang diwa at puso mo ay pansamantalahang mananahan dito hangga't hindi pa natatapos ng babaeng nakatakda ang misyon niya, at kapag napagtagumpayan niya ang misyon niya, kapag nailigtas niya si Juanito... magigising ka muli ngunit wala ka ng maaalala sa mga nangyari" sagot ni madam Olivia, napatingin naman si Carmelita sa diary niya na hawak ngayon ni madam Olivia.

"I-ibig sabihin... hindi ko na maaalala si Juanito? makakalimutan ko na ang pag-ibig ko sa kaniya?" tulalang tanong ni Carmelita, napatango naman si madam Olivia.

"Ang paggamit ng Kahilingan mula sa akin ay nangangahulugang makakalimot ang taong gumamit nito" sagot ni madam Olivia. Napatingin pa si Carmelita kay madam Olivia habang nag-iisip ng mabuti. At ilang sandali pa kinuha na niya yung diary niya sa kamay ni madam Olivia.

"N-nakahanda po akong gawin ang lahat para kay Juanito" sagot niya. at magmula sa araw na iyon, nagsimula na ang bisa ng Kahilingang binigay ni madam Olivia kay Carmelita.


"Hindi!" sigaw ko at agad akong napabangon. Hindi ko alam kung bakit hingal na hingal ako at nahihirapan akong huminga. Naramdaman ko na lang ang pagtagaktak ng pawis ko sa noo at sobrang namamanhid din ang buong katawan ko.

"Binibni! Ayos lang po ba kayo?" nagpapanic na tanong ni Belinda, ngayon ko lang narealize na nandito ako sa kwarto ko sa hacienda Montecarlos. "Nanaginip po kayo ng masama?" tanong niya pa at kumuha siya ng tela upang ipamunas sa mukha ko na basing-basan ngayon sa pawis.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. ibig sabihin, hindi si Leandro ang nasa likod ng pagkamatay ni Juanito. bigla kong naalala yung sinabi ni madam Olivia noong nasa simbahan kami ni Maria.

Huwag kang palilinlang sa kapalaran, pigilan mo ang tadhana at gumawa ka ng paraan.

Ibig sabihin, nilinlang lang ako ng kapalaran! Nilito ako ng kapalaran at pinaniwala na si Leandro ang pumatay kay Juanito!

Kaya pala hindi tuluyang nasunog ang diary ni Carmelita... kasi hindi naman talaga si Leandro ang pumatay kay Juanito!

Nalaala ko din yung clue na sinabi sa akin noon ni madam Olivia.

ang taong iyon ay nasa paligid mo lamang,

palagi ka niyang minamanmanan

at ang bawat kilos mo ay kaniyang inaalam

Bakit hindi ko naisip agad yun? ang diwa at puso ni Carmelita ay nananahan sa diary niya! palagi kong dala ang diary niya kahit saan.

"Binibini, masyado ata kayong napagod sa pagtatahi, gusto niyo po bang gawan ko kayo ng tsaa na maiinom?" tanong pa ni Belinda, Ano daw? Nagtahi ako?

Parang biglang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko nang makita ko ang sandamak-mak na mga tela at mga bulaklak na binuburda na nakakalat sa kama ko at sa buong kwarto ko. nabago na rin ang mga kurtinang nilagay ko, mga bulaklak at pulang kurtina na ngayon ang nakapalibot sa buong kwarto.

Napatingin ako sa mga kamay ko at daliri ko na ngayon ay may mga sugat at tusok ng karayom. Hindi! Hindi! Hindi!

"B-belinda... bakit nakakalat ang lahat ng to? bakit binago niyo ang kwarto ko?" tanong ko sa kaniya, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa kaba. Nagtataka namang napatingin sa akin si Belinda.

"Po? Ikaw nga Binibini ang nagkabit ng mga kurtinang iyan eh... nagtataka nga kami kasi pinalitan mo pa, at kaninang umaga pinabili mo pa ako ng mga gamit sa pananahi at buong araw niyo pong tinahi ang mga iyan" sagot ni Belinda. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa nalaman ko.

"A-anong araw na ba n-ngayon?" tanong ko, hindi na ko makahinga dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Ika-2 na po ng Pebrero ngayon" sagot niya.

ANO?

Ibig sabihin Tatlong araw ako nawala sa sarili ko?!

Pero bakit ang daming nangyari? Bakit nagtahi ako? bakit inayos ko ulit ang buong kwarto? bakit wala akong maalala?

Napalingon ako sa malaking salamin na nasa gilid ko. Imposible!

Napansin ko ang isang tela na nakasabit doon sa salamin. Kulay pula ang sinulid na ginamit dito at may nakasulat na salita...

Dalawang salita na nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.

Etoy Aqui

Gulat akong napatingin doon at parang nabalot ng takot ang buong katawan ko, Kailanman ay hindi ako nakaintindi ng salitang Espanyol... pero sa pagkakataong ito naiintindihan ko ang salitang iyon na ang ibig sabihin ay...

I Am Here.

Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, Tuluyan nang nasakop ng takot ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na...

Si Carmelita ang nasa likod ng pagkamatay ni Juanito!

at Nandito na siya ngayon sa Katauhan ko!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro