I Was 28 When She Was 35

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Feliz Zara Saldia," I uttered this woman's name.

She has this jet black hair, hindi ko alam kung natural ba ang pagkakulot no'n o dahil graduation picture niya lang ito. Buhay na buhay ang mga bilugan niyang mata. Looking at those dark chocolate-colored eyes feels like I can't hide anything. Hindi ko tipo ang mga morena, sa katunayan nga hindi ko alam kung ano ba ang gusto ko sa isang babae. This girl is just an average when it comes to beauty, that what's Keila said to me. I don't think so.

"Sino na naman 'yan?"

Napalingon ako kay Attorney Gael. Tinago ko ang litrato ni Feliz na ibinigay pa sa akin ni Auntie Maricel dahil hindi ko mahanap ang FaceGram account niya.

"Pinakilala sa akin ni Auntie Maricel," sagot ko sa tanong niya at binigay ang buong atensyon sa kanya. "How's my case?"

Tumikhim siya. "We can't just put them to jail, Yohan. Kailangan may gawin tayo para madiin sila. Hindi sapat ang mga ginagawa nila sa iyo ngayon para mapakulong mo sila. Sorry," he said in disappointed tone.

I nodded. Wala naman akong magagawa kung ganoon nga. Kailangan ko munang tiisin ang mga walang hiyang iyon hanggang nandirito ako.

35 na ako, gusto mo pa rin bang ituloy ito, bata?

I smirked. I like this woman, she even called me a child! Ano ngayon kung mas matanda ka sa akin? Wala akong paki. Akin ka, Ma'am Feliz.

Interesting. Call me baby then, ma'am.

I don't like playing games. I'm so done with those child's play. Kung hindi ako ang maglalaro ay ako ang paglalaruan, but this woman doesn't deserve to be played at all.

Please, just tell me if you are really interested in me or not. I am not playing.

Imbes na sagutin iyon ay mas ginusto kong tawagan siya. Gusto kong maramdaman niya na hindi lang siya nag-aaksaya ng oras sa akin. Uuwi ako ng probinsya para makita siya. Uuwi ako para makahinga sa lahat ng ito.

"Ganda, ah! Pwede na!"

Nagtawanan sila habang pinagpapasa-pasahan ang litrato ni Feliz. Tinago ko ang nakakuyom kong kamao at pinigilan kong mag-igting ang mga panga ko. Putangina nila!

"Best of luck, bro. Paluwangin mo nang todo. Masarap 'yan. Picture-an mo tapos send mo sa amin ang boobs at tahong," sabi ni Kyle at nagtawanan sila.

Huminga ako nang malalim. Wala akong magawa kung hindi ang ngumiti dahil hindi ko sila kayang lahat. Ako lang din ang talo sa oras na pinatulan ko sila. I didn't know how I ended up with them. I want to get out from their grips but how?!

Ngumiti ako. "Sure, kapag nagawa ko, akin na ulit si Keila at ang Mercedes Benz mo." Hindi ko alam kung paanong nagagawa ko pa ring hindi masuka sa pinagsasasabi ko.

I'm sorry, Ma'am Feliz. You don't deserve to be treated like this. I won't do anything to you. I won't let them do anything bad to you. I'll protect you from them, I promise.

"Sure!" Lahat sila ay ang lalakas ng tawanan. Parang mga demonyong nagbabalak na namang gumawa ng kasamaan. Hindi, mga demonyo talaga sila.

Kinuha ko ang litrato ni Feliz sa kanila at mabilis na umalis. Hanggang kaya ko pang sikmurain ang lahat ay magtitiis ako. Darating din ang oras na hindi ko na kakailanganing yumuko pa sa harap nila.

"I know you still want me Yohan, why deny it?" Hinaplos ni Keila ang mga labi ko at sinubukan akong halikan.

I pushed her just enough to make room for my personal space. "How can you say that when you choose to cheat on me with Cedric? You said he is much better than me in bed. Ano? Sawa ka na rin?"

"Because you won't touch me! Hindi mo ako hinahawakan sa kahit anong paraan!"

Hindi ko na ulit siya hinawakan o hinalikan kagaya ng ginagawa ko dati sa kanya. Inalagaan ko siya at pinahalagahan. I even think of marrying her until I learned that in 3 years of our relationship, may iba pa pa lang tumitikim sa kanya. Hindi lang isa, marami! Pinaglaruan niya ako! Pinaglaruan ako ng mga putangina niyang kaibigan. Doon naman sila masaya! Lahat pala sila ay natikman na ang girlfriend ko.

"Good luck sa pustahan!" Cedric smirked then tapped my shoulder.

Umiwas ako sa kanya. "Hindi ko na itutuloy iyon. Sa inyo na ang pera at kotse niyo. Sayo na si Keila." It's my turn to smirk.

Nawala ang yabang sa mukha niya. Tinalikuran ko siya.

Unti-unti, aalisin ko ang takot sa sarili ko. Hindi na lang ako basta maghihintay na sirain nila ang buhay ko.

"You didn't tell me you are a pilot," she said.

She didn't know how excited I am to finally meet her. Ito na siguro ang pagkakataon para makapagsimula ng bagong buhay. She is the hope I am searching for. A new day to wake up.

But I can see how scared she is. She won't open herself to me. Hindi ko alam kung para saan ang mga takot niya. Hindi ko naman siya sasaktan. Hindi ko kayang gawin iyon. Her precious soul, I know, it will save me from the distress.

Tangina! Yohan, kailan ka pa naging ganito ka corny?!

I am badly smitten.

I want Feliz. I really want her to stay in my life. I'll brush all her insecurities. I'll kiss away all her doubts. I'll make sure to make her fall in love with me and of course, trust me.

I did everything to make her feel that I am very serious about her. That it isn't a game anymore. This is real. Hindi na niya kailangan pang malaman kung ano ginawa ng mga kaibigan ko sa kanya. Ang pustahan na iyon ay hindi ko kailanman tinatak sa isip ko. My Feliz will be untouchable. Subukan nila at sa unang pagkakataon, the devil in me will be awaken.

Hindi ko gusto ang pangrereto sa akin ng mga kaibigan ko sa ibang babae lalo na at kaharap ko si Feliz. I know how insecure she is because of our age. Lagi niyang pinaparating sa akin na baka makahanap ako ng iba na mas bata sa akin o kaedad ko lang. Wala akong pakialam sa edad namin. Hindi ko nga maisip na mas matanda siya. She is cute. Palagi kong gustong halikan ang matataba niyang pisngi pero alam kong kung hanggang saan lang ako ngayon. Hanggang sa maging akin siya, hindi ko buburahin ang linyang nakapagitan sa amin.

"What did you do?" My head is burning in anger.

"Why? Hindi naman pumalag," Marko said then smirked. "Akala mo ba ay makaalis ka pa rito? You file for resignation. Bakit? Sawa ka na rito sa Maynila? Akala ko ba pustahan lang, Yohan? Natikman mo na ba? Hindi masarap?" He laughed.

Pinasabog ko ang bunganga niya. Kung pang-iinsulto lang sa akin ay matatanggap pero ibang usapan na kung isasali nila si Feliz. Not my sugarpie. She is a good person and does not deserve to be treated like that.

I watched her sleep that night after I apologized for what those bastards did to her. I gave her all the assurance. Kahit paulit-ulit na ako rito ay hindi ko iyon alintana. Hindi ako nakatulog kaiisip ng paraan para mas lalong tumibay ang tiwala niya sa akin. Hindi ko kayang matulog hanggang sa hindi ko napapalagay ang loob niya na hindi na ako maghahanap pa ng iba. I am now satisfied with her. Her presence is more than enough than I deserve.

September 08, he asked me to be his boyfriend. Who am I to refuse?

Akin na 'to, hindi ko na 'to pakakawalan.

Mas aabangan ko pa ang monthsary namin kaysa sa birthday ko. The happiest day is when I let myself be truly happy. I flew with her. I conquer the sky with her.

"Do you remember what I told you noong first date natin?"

Tangina, paano ko malilimutan ang sinabi niyang iyon?

"Alin doon? Iyong kapag ready ka na, pwede na tayong mag-kiss?" I smirked, but deep inside my heart is pounding and my mind couldn't think straight.

She nodded while chuckling. "I think ready na ako, Yohan. Kiss me." She closed her eyes and waited for something to happen.

There's a hint of a smile on her face. I can't help but touch her cheeks first, making sure it was not a dream. I was mesmerized by her tender lips, waiting for me to devour and taste them.

Maingat kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Her breath smells like the wine she tasted a while ago. Isang marahang pagdampi ng mga labi ko sa mga labi niya ang ginawa ko. Namingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Laking gulat ko nang itulak niya ako. Buong akala ko ay may mali akong nagawa o mabaho ang hininga ko. Sandali siyang natigilan pero nang makabawi ay siya pa mismo ang humila sa akin para mahalikan ako. Aggressive sugarpie, huh?

I was thrilled by the fact that I am the first one who kissed this precious lips. Ako ang unang halik niya. Ako pa lang at hindi ko hahayaan na may iba pa bukod sa akin. Ang matamis na mga halik niya ay para sa akin lang. Hindi ko hahayaang masira kahit ninuman o kahit pa ni Cedric ang pinakamaligayang araw na ito.

"You like Feliz," sabi ko kay Sir Emman na halatang ikinagulat niya.

"So what? Correction, I love Feliz," he confidently admitted how he treasures my sugarpie.

"Tell her. Confess your feeling to her." There was never a hint of bitterness as I said those words.

Alangan ang mga ngiti niyang tumingin sa akin. "Why, Mr. Ansalone? Gusto mo bang agawin ko sa iyo si Feliz?"

"Try it then, tingnan mo kung paaagaw si Feliz." Maybe, I am too confident. Masyado akong tiwala sa pagmamahal ni Feliz sa akin. She love with the Lord in her heart. It will not bend or break easily.

"You are a good man, Yohan. Don't hurt Feliz. She has that precious soul that can save anyone from darkness and loneliness." Tinapik niya ang likod ko at ginawa ang gusto kong mangyari.

Nakinig ako kung paano niya ipagtapat kay Feliz pagmamahal niya. As I expected, my sugarpie didn't even flinch. Kung noon pa lang ay naamin na ni Sir Emman ang nararamdaman niya kay Feliz, I'll never had my chance to meet her. She will never be a desperate for love. She will never be hopeless to the point that there is no reason for me to save her because she was already saved.

That thought really scared me. Hindi ko kaya. Naiisip ko pa lang na wala sa akin si Feliz ay nababaliw na ako. Parang hindi ko na kayang magsimula pa kung hindi siya makikita sa araw-araw.

"Ano ang dahilan ng mga ngiti mo, sugarpie?" tanong ko at mahinang kinurot ang pisngi niya. Those cheeks are chubbier because her mouth is full of bibingka

"Wala, masaya lang ako."

Good, you need to be always happy when you are with me.

"Hindi ka ba nako-corny-han sa sugarpie na endearment?" She pouted her lips.

Damn, I wanna kiss her right now.

"Anong gusto mong itawag ko sa iyo? Bibingka o sugarpie?" Pinandilatan ko siya. Nanghahamon ang tinig ko, pilit na iniiwas ang isipan sa paghalik sa kanya. Kumakain siya!

"Mas okay naman yata ang sugarpie kaysa sa bibingka," she said then laughed.

Sugarpie it is. Iyon ang bagay sa kanya. I feel like she owns that endearment from the beginning. I read her notebook full of her weird thoughts and cuteness. Nasaan niya kaya itinago iyon? I want to read more, I want to know that side of her.

"Son, I know I didn't fulfill my duties and responsibilities to you as your father. I know how hard it is for you to accept the new life I want to embrace. I understand if you don't want Grace to be part of our family--"

I cut my father's words. "I want you to be happy again, daddy. Iyon lang ang gusto kong mangyari sa iyo ngayon. I saw how devastated you are when mommy left us. You loved her so much. You didn't deserve the pain she gave you. I don't want to hate because I know she has reasons, but seeing you suffer makes me want to hate her."

He smiled. "Do you wanna know her reasons?"

Nagulat ko sa tanong niya. Of course, he knew why mommy left. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya nakangiti ngayon.

"Your mother never wanted me to be part of her life. I just got her pregnant." He sighed and started crying. "It was a one-sided love, Yohan. Your mother didn't want me, she was in love with someone else. Hindi ko nagustuhan ang pagtingin niya sa iba, naisip ko na kung hindi rin ako ay walang magiging iba. She was my best friend, sobrang lapit namin sa isa't isa na kahit mga magulang niya ay pinagkatiwalaan ako."

Umiling ako. "What did you do, daddy?"

"We were both drunk, Yohan. My desire and love for her lured me to do the unthinkable. I got her pregnant, she hated me but not you because you are his son. We tried to be casual, to look happy in front of you and other people. We don't want you to grow up seeing that your parents are not in good terms. Hindi ko nga gustong malaman mo na bunga ka lang ng kawalang-hiyaang ginawa ko sa mommy mo noon. Letting go of her is the only best thing I can do for her. Sana mabawi ko man lang ang mga ninakaw kong pagkakataon sa kanya. Everyday after the day she left us, I was repenting. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sa kanya, pinagsisihan ko sa kanya at sa iyo. You will grow up without a mother. Masakit iyon para sa akin. But I need to faced that. Wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang lahat. Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako kung sa tingin mo ay napabayaan kita dahil mas mahalaga sa akin ang mommy mo sa akin kaysa sa iyo. You are the most precious thing I have."

Pumikit ako nang mariin. Kasabay ng pagbukas ng mga mata ko ay ang pagbabago ng taon. "Daddy, I don't know how to accept that story. Akala ko ay basta lang tayo iniwan ni mommy dahil mas gusto niya sa ibang lalake. I love you, daddy. If your are happy with Ma'am Grace, then it is okay. Be happy, daddy. Iyon lang ang gusto ko."

He gave me a tight hug. "I love you too, son. Hindi na kita sasabihang maging masaya dahil alam ko, masaya ka na ngayon. You are now a different person because of Feliz. You look alive when you are with her."

Hindi ko maikaila ang lahat ng sinabi ng daddy ko. Lahat ng naiisip kong gawin ngayon ay puro magaganda na dahil kay Feliz. Her love made me a very beautiful person. But I know this happiness, the rainbow, the butterflies will not stay when the rain comes.

"Hindi ako nagmumura pero putangina mo, Yohan! Punyeta ka! Putangina mo! Gago ka!" Tinulak niya ako palabas ng bahay.

I was an asshole.

Ilang beses kong sinabing iba si Feliz sa lahat. Hindi ko man lang naisip na maiintindihan niya ako. Maiintindihan niya kung sasabihin ko sa kanya lahat. I choose to hide something from her. I choose to hide the biggest pain I am carrying until now. I broke her trust. She gave me another chance. She let go of me to make me pursue the sky once again. I tried. I did what she wants me to do.

"Anong ginagawa mo rito, Yohan?" tanong ni Emman nang puntahan ko siya sa bahay niya mismo bago ako lumuwas ng Maynila.

"I am leaving, Feliz. Please, look after her. Hindi ko siya mababantayan dahil nasa malayo ako. You are the only one I know who can look after her while I am away." My voice is almost begging.

"Does this mean that you are giving me permission to make her forget you and love me?" He smirked.

"No, but if she forgets me and loves you, I won't interfere. I'll let her be happy. I hurt her. Do whatever you want as long as you keep her safe. But if I come back and it's still me who she loves, you will never get a chance again."

I became a captain of the plane but the satisfaction I am looking for was not there anymore. Hindi ako masaya, hindi na ako kuntento kung nasaan man ako ngayon. The place I used to call home is not the home I am looking for anymore.

Why are you so fuck up, Yohan?!

Sinabunutan ko ang sarili ko habang naalala na naman ang mga trauma na natamo ko noon. Hindi ko gustong bumabalik ang lahat ng ito dahil kasabay no'n ang mga takot din na pilit kong inaalis sa pagkatao ko. I can't tell anyone that I was raped. Nakakahiya. Nakakasukang isipin.

"You need help, Yohan. Your trauma will not go away just like that. My wife knows a doctor that can help you," Attorney Gael said. "Adi was also a victim of a very traumatic past. She needed help. I looked for someone who can help her, I can recommend you to her."

Hindi ko na amin sa sarili ko ni minsan na kailangan ko ng tulong. The doctor said it will take a long time for me to recover from the traumas. Hindi ko na ulit makakausap pa si Feliz. Kaya ko ba?

Nasaktan na siya dahil sa akin dahil sa mga desisyon ko noon. I know, I need to let go of her. I lied. I fed her lies so she will have a reason to forget me.

For the first time, I told someone about what happened to me, how those bastards violated me, controlled me, blackmailed me, and took advantage of my weakness. I'll never forget them. Shawn deserves his place in hell by now.

"Sorry, mommy, for hating you. Sana sinabi niyo sa akin ang lahat. Maiintindihan ko naman kayo," sabi ko sa mommy ko.

Pinuntahan ko siya sa Hawaii para personal ko siyang makausap.

"Patawarin mo ako kung kailangan kitang iwan. Your daddy said that he will kill himself if I take you away from him. Gusto kitang isama, anak, pero hindi kakayanin ng konsensya ko kung mamamatay si Jose." She hugged me so tight, I feel I am home.

"Goodbye, mommy. I hope it will not take too long for me to see you again. Sa susunod na punta ko rito, kasama ko na ang babaeng bumuo ulit ng buhay ko."

Sa pagkakataong ito, mas naramdaman kong kaya ko nang bumalik kay Feliz. Kaya ko na ulit siyang mahalin ng totoo. She deserve a true and whole love without angst and trouble after all.

"Let them harm me, attorney."

Sinabi ko kay Attorney Gael ang plano ko pagkatapos kong hintaying makatulog si Feliz. She is sleeping in my bed after our long night. I can't still get over how I managed to be true to her and proposed to her on the same night. Her 'yes' made all the pain worth it.

"What are you thinking, Yohan? We can't risk your life!" he said.

"But I need to. Let them know that I'll get married tomorrow. Manggagalaiti sa galit ang mga iyon kapag nalaman nilang magiging masaya na ako. Their goal is to make my life miserable, they will not let the wedding happen." I smirked. It was just my father's wedding rehearsal, pero pagmumukhain naming kasal ko iyon.

"You know how painful it is to lose someone. Huwag mong gawin iyon sa girlfriend mo. Remember Jude? He lost his wife. Napakaagang nawalan ng asawa."

Umiling ako. Nilingon ko ulit si Feliz. Kaya naman niya, hindi ba? Kapag nawala ako, kakayanin naman niyang magpatuloy, hindi ba?

Hindi ko inaasahan na sa daan pa lang ay sasalubungin na ako ng mga kaibigan ko. Hindi na sa buhay ko ngayon napunta ang takot kung hindi kay Feliz na nasa loob ng kotse. My car is soundproof and bulletproof, wala akong dapat ipagalala kung sakaling dito na matapos ang lahat. Alam ni Feliz ang gagawin. I know by now, he already called my father.

"Hindi ka magiging masaya, Yohan! Kita mo ginawa mo kay Shawn? Pinatay mo, gago! Demonyo!" Dinuraan ako sa mukha ni Kyle.

Nagtawanan sila. Sige, tawa lang.

"Patikim muna ng girlfriend mo para una na kaming makarating sa langit."

Bago pa makaharap sa akin si Kyle ay binirahan ko na siya ng isang suntok sa mukha. Hudyat iyon para sumugod na ang mga kasama niya at paghahambalusin ako ng mga hawak nilang baseball bat. Hindi ko iyon ininda kahit pa ang isa ay ulo na ang hinataw sa akin. Ang naiisip ko lang ngayon ay si Feliz na dapat ay maligtas ko sa lahat ng ito. Kung hindi ko tatapusin ang kahit anong ugnayan ko sa mga putanginang ito ay paulit-ulit lang din nila akong hahabulin. Hindi magiging ligtas si Feliz, laging nasa pahamak ang buhay niya sa pagpili sa akin.

Bago ko pa matapos ang laban ay naramdaman ko na ang sakit sa likod ko pagkatapos kong marinig ang malakas na putok ng baril. Tinakasan kaagad ako ng lakas at napasubsob sa lupa. Maraming putok pa ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. Iisa lang ang laman ng isip ko kung hindi makita si Feliz na maayos ang kalagayan. Pinilit kong labanan ang pakiramdam kung gaano kapayapa sa kung saan man ako napunta. Wala rito si Feliz. Wala rito ang pinakamamahal ko.

Ang buong akala ko ay magiging madali sa kanya ang lahat kung basta ko na lang siya iiwanan. Hindi pala dahil patunay no'n ang kagustuhan niyang pakasalan ako kahit wala ng kasiguraduhan na mabubuhay pa ako. Mahihirapan siya kung mawawala ako. Gusto ko rin siyang makasama, tapos naman na ang laban ko. Wala na ang mga taong sumasakal sa akin. Wala na ang mga taong nagpahirap sa akin ng maraming taon. Naipaghiganti ko na ang kaluluwa ng isang takot at inabusong lalake. Oras naman para sa kasiyahan ko ngayon.

I married her after I woke up, in front of our loved ones, our friends, and in front of Him.

The idea of being her husband is the best thing that could happen in my life. Iniisip ko pa lang ang mga araw na kasama siya ay tuwang-tuwa na ako. I know I will always look forward to waking up and starting my day with her.

Kahit walang anak. Siya lang ay sapat na. Kung ikapapahamak niya ang pagkakaroon namin ng anak, hindi bale na lang. Mas mahalaga siya sa akin.

I waited for hours pero alam kong mas matagal pa ang hinintay niya sa akin. Napalagay lang ako nang makita siyang mahimbing na natutulog pagkatapos ng operasyon. She was transferred to her room. I followed them and the doctor talked to me.

"We successfully removed all the malignant cysts. There is nothing to worry about as of now. She is stable."

"Thank you, doc!"

We shake hands before he leaves. Pumasok ako sa kwarto ni Feliz kung saan mahimbing siyang natutulog.

Alright, sugarpie. Enjoy rest. I am just right here, waiting for your eyes to look at me again. You did a very good job.

Hindi rin naman nagtagal ay nagising siya. I smiled at her and caressed her face. "Hi, sugarpie."

She just stared at me then started crying after. Tumayo ako para mayakap siya nang mahigpit.

"You did a great job, sugarpie. I love you so much." I kissed her forehead then her lips.

"Hindi na tayo magkaka-baby." She sobbed.

"It doesn't matter." Pinakita ko sa kanya ang mga kamay naming mahigpit na magkahawak. "Nakikita mo ba ito? Ito lang ang pinakamahalaga sa akin. Tayong dalawa na magkasama, magkahawak ang mga kamay, at hanggang sa pagtanda ay kayakap ang isa't isa iyon ang pinakapinapahalagahan ko. A life with you is more than enough for me. With kids or without kids, we are family. Ito lang ay sapat na sa akin."

"I love you too, Yohan. Thank you for loving me even though I am difficult to love. Thank you for giving me the amount of respect and love that I prayed for."

The moment I chose to meet her, I was 28, so naive, and has no direction. She was 35 when she let me know how beautiful life can be even in a very difficult situation. The woman I love was 35 years old, older than me but never made me feel that she is superior. I was 28 but I never let her feel that she is too old to be loved and loved.

I am Yohan Narcissus Ansalone, your Kilabot ng Himpapawid, finally found the angel beneath the clouds I once watched alone.

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro