Kabanata 26

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Warning: Violence

Before Fairytale

"Palalayasin mo na ba ako, Feliz?" pabirong tanong ni Mina at ngumuso kay Yohan na kausap ngayon si Emman.

"Hindi, 'no! Hindi naman dito titira si Yohan. May nakuha siyang apartment malapit dito kaya stay ka lang," sagot ko sa tanong niya.

"Patingin nga ng singsing!" Hinila ni Woni ang kaliwang kamay ko kung saan nandoon ang engagement ring ko.

"Ay, kabog naman pala! Mukhang mapapakain na ako ng isang taon ng singsing na ito kapag binenta," sabi ni Mina.

Tumawa ako. "Buti nga at hindi ko nabenta."

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Huh?!" Nakakunot na ang noo ni Woni sa akin.

"Matagal na kasi itong nasa sa akin. Kaaalis lang niya patungo sa Maynila at hindi pa niya sinasabi na may girlfriend na siyang iba. I didn't attempt to put it on my finger, kasya naman pala."

Isang palakpak ang ginawa ni Mina. "Kung ako lang 'yon, baka matagal nang nasa ibang daliri 'yan."

Naku, ano pa ba ang aasahan namin ni Woni kay Mina? Palaban ang babaeng ito at hindi magpapaalipusta.

"Ano ang pinag-usapan niyo ni Emman?" tanong ko kay Yohan habang naglalakad kami papunta sa apartment niya. It's eleven in the night already.

"I thanked him for looking after you while I am gone. He did a very good job." Inakbayan niya ako.

"Iyon lang?" Nagtaas ako ng kilay.

Humalakhak siya. "Oo nga."

We entered his apartment. Maliit lang iyon at isa lang din ang kwarto no'n kagaya ng bahay ko. Nakita ko kung gaano kalambot ang kama niya kaya nahiga, mamahaling kutson ang gamit.

"Do you want to sleep here?" Inalis niya ang suot kong sapatos at hinilot ang paa ko.

Binaon ko ang mukha ko sa unan na kasing bango ng buhok niya. Napapikit ako at hinayaan manuot sa pang-amoy ko ang bango niya.

Hinaplos niya ang likod ko dahil nakadapa ko. "Do you want to come with me tomorrow?"

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. "Where?"

"Rehearsal for my father's wedding."

Napaupo ako. "Kakasal na si daddy kay Ma'am Grace?"

Tumango siya. "Yes, finally. I can see how happy my father is. He deserves it. Hindi ko na siya pipigilan sa gusto niyang gawin." Tinagilid niya ang ulo niya para magpantay ang tingin namin. "Kailan mo gustong magpakasal tayo?"

Pinigilan kong mapangiti nang malapad. "After your father's wedding of course. Ayoko nang paabutin pa ng matagal na panahon. I want an intimate wedding. Iyong tayo lang, mga magulang natin at malalapit na kaibigan ang naroon."

"I want that too." He reached for my lips. He gave me a soft and passionate kiss.

Pareho na kaming naadik sa halikan at hindi ko na alam kung nasaan na napunta ang pagpipigil ko sa katawan. Shit! Para akong lalagnatin sa init.

Ano ba, Feliz? Malapit na kayong ikasal ni Yohan! Konting pagpipigil na lang.

"Y-Yohan, s-stop!" I said when I felt his hand on my left breast. He was about to pinch my nipple.

Lumayo siya sa akin. Napasabunot siya sa buhok niya at kaagad na kinuha ang pangtaas kong damit na nasa sahig na.

The heck! Naka-bra na lang pala ako at siya naman ay wala na rin ang pang-itaas na saplot. Shit! Muntik na!

"Sorry," sabi niya habang sinusuot sa akin ang damit ko.

"Let's do it after our wedding. On our honeymoon." Sinapo ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.

Ang hirap pa lang magpigil kapag nasa kalagitnaan ka na ng init. Buti na lang at natauhan pa ako kung hindi ay wala na ang perlas ko bukas.

"Let's sleep," anunsyo ni Yohan at binigyan ako ng isang parehas ng pantulog.

Naiilang tuloy akong tumabi sa kanya lalo na at naka-boxer shorts lang pala siya natutulog. Hinarang ko na naman ang isang unan sa pagitan namin.

"I won't do anything you don't like," sabi niya at sinubukang alisin ang unan pero hinala ko iyon.

"Just to make sure. Wala namang mawawala." Inayos ko ulit ang unan.

"Okay, if that's what you want. Wala naman akong magagawa." Tumalikod siya ng higa.

Nagtampo pa talaga. Parang bata!

"Oy!" Inalis ko ang una at niyakap siya mula sa likod. Kakikita pa lang namin tapos ayaw na kaagad.

Mabilis ang kilos niya na hindi ko na namalayan na nakapalupot na ang braso niya sa katawan ko. I cannot escape anymore.

"There, much better. Mahigit isang taon tayong hindi nagkita pero mas gusto mo pang katabi ang unan kaysa sa akin. You are mean, sugarpie." Ngumuso siya.

Hinaplos ko ang dibdib niya. "I'm fertile," bulong ko.

Kaagad naman niyang nakuha ang sinabi ko. Niyakap na lang niya ako nang mahigpit at hinalikan ang noo. "Hindi naman kita bubuntisin kung ayaw mo, it is should be a mutual decision."

"Thank you, Yohan, for giving me too much  respect." Sinandal ko mukha ko sa hubad niyang dibdib.

"Everyone should give respect and deserves to be respected. Hindi lang dapat sa mga taong kakilala natin at sa mas mataas sa atin."

I closed my eyes. "I love you. Hindi na ako makahanap ng kagaya mo, wala na rin yatang kagaya mo, you set my standard too high."

"Tama lang iyon. Hindi ka na maghahanap ng kagaya ko dahil ako lang ang para sa iyo. Hindi pwede ang iba, Feliz."

A deafening silence filled the room. "Sleep well, my love. Always remember, I love you."

I felt asleep in his arms peacefully. Walang panaginip dahil mas maganda na ang reyalidad ko. Nagising ako dahil malambot na bagay na dumadampi sa labi ko. I know what it is and who it is. I smiled and respond to his kisses.

I put my hands around his neck as we continue to devour each other's lips. Ang aga-aga, ang landi namin!

"Good morning, sugarpie," he greeted me with a contented smile.

"Good morning, Yohan. Anong oras ang rehearsal niyo?" Tinulak ko siya paalis sa ibabaw ko at nag-inat.

"Nine in the morning. Alas sais pa lang. You have enough time to prepare. Take your time." He kissed my forehead.

Bumangon ako at naghilamos muna bago bumalik sa bahay ko. Sinabi ko na lang kay Yohan na daanan niya na lang ako.

"Gaga! Hindi ka nagpaalam. Ang tagal kitang hinintay, doon ka pala kay Yohan matutulog," sabi ni Mina na naabutan kong nagkakape.

"Nakalimutan ko," pag-amin ko.

"May nangyari na ba? You know? In and out?" Nagtaas-baba ang kilay niya. Balahura naman ng babaeng ito.

Kumunot ang noo ko. "Ang dumi ng utak mo, Mina. Wala pang nangyayari!" Muntik pa lang...

Nagkibit-balikat siya. "Okay, sabi mo, eh!"

Hindi pa naniwala ang gaga. Naligo ako at nag-toothbrush ng todo dahil panay ang halik sa akin ni Yohan sa akin, baka ma-turn-off siya sa hininga ko.

"Tara na!" sabi ko pagkasara ko ng pinto ng sasakyan niya.

Tumingin ako sa kanya nang hindi niya pa pinaandar ang kotse. He is smiling at me, hindi ko alam kung bakit. Ano'ng meron?

"What?" natatawang tanong ko.

"You are beautiful and smell so good. I wanna kiss you," he said.

Hindi pa ako nakaaalma ay hinawakan na niya ang batok ko at binigyan ng isang malalim na halik. He even kissed my neck after that.

"Enough, Yohan. You ruined my lippie!" Tumingin ako sa salamin. Wala na nga ang lipstick ko at napunta na sa kanya.

Nag-init ang pisngi ko nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng mga kilos niya. Iyan ang sensyales kapag gusto na ng lalake na mag-ano kayo. Dapat na ba akong kaabahan dahil sabik na sabik na sa akin si Yohan ngayon?

Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ang bibig niya. I reapply my lipstick.

"Tara na kasi. Kung ano-ano pa ang ginagawa natin. Mahuhuli ka na." Inirapan ko siya.

"I want to take my time with you. Ayokong magmadali, baka madali ring matapos," he said and kissed the back of my hand.

Nagmaneho na siya habang malaki pa rin ang ngiti sa labi. Okay, Feliz, kasal muna bago magpatuhog.

Sa Pampanga ang Church Wedding, sa mismong simbahan din ang rehearsal kaya medyo mahaba ang biyahe. Hindi kami nag-uusap at ang tahmik lang ng biyahe namin. Panay ang kagat ko sa labi ko, pinagmasdan ko ang kamay naming magkahawak. He was playing with my ring while his other hand is holding the steering wheel.

Hindi naman ako nainip dahil natanaw ko na rin ang simbahan kung saan idadaos ang kasal. Malaki iyon at talagang luma na ang itsura. Isa ito sa mga simbahan na itinayo noon panahon pa ng mga Espanyol.

Napahawak ako sa dashboard nang biglang pumreno si Yohan. Isang kotse ang humarang daraanan namin, tumingin ako kay Yohan na kunot na kunot ang noo at nag-iigting ang panga.

He removed his seatbelt. "Huwag kang bababa," sabi niya. He locked all the doors first. "Whatever happens, don't come out." Pumikit siya nang mariin. "I love you, sugarpie." He left me alone inside the car.

Bumaba rin ang isang lalakeng kasing tangkad niya lang at may mayabang na ngisi sa mukha. Sino 'yon?

Bumaba pa ang tatlong lalake na may hawak na baseball bat. Nandoon din si Keila at Cedric. Ano ang gagawin nila kay Yohan? Bakit nandito sila?

Nagtagpo ang mga mata namin ni Keila kaya pinuntahan niya ako. She tried opening the door but she failed. She tried all the doors but all of them are locked. Hinampas niya ang bintana at may sinigaw na kung ano na hindi ko naman naintindihan dahil soundproof ang kotse. Tumingin ako kay Yohan na may sinasabi kay Keila kaya tumigil ito sa kasisigaw sa akin.

Pinagmasdan ko kung paano inikutan ng isang lalake si Yohan. He was holding something in his pocket, kinabahan ako. I tried calling his father's old number. Nag-ring iyon pero walang sumasagot. Nakita ko ang cellphone ni Yohan. Pagkabukas ko pa lang ay nakita ko na sa lockscreen wallpaper niya ang numero ni Attorney Gael Veda at ng kanyang ama. I dialed his father's new number. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa iyon. Isang malakas na hampas ang narinig ko sa bintana ng sasakyan kaya napatingin ako roon.

Namumula ang mata ng lalake habang patuloy sa paghampas ng baseball sa bintana ng sasakyan. Hindi man natitinag sa salamin pero ang takot ko ay hindi ko na mapigilan. Walang dumadaan na tao sa lugar na ito dahil sa lalaki ng puno. Natatanaw ko pa lang ang malaking simbahan pero napakalayo pa namin roon. Sinagot ni daddy ang tawag ko.

"Hello, who's this?" bungad niya.

"Daddy, si Feliz po ito. Yohan is in trouble. His friends are here. His bad friends. Oh, my God!" I was crying when a man pulled a gun and pointed it at Yohan's head.

"Where are you?" Nag-aalala na ang tono ni daddy.

"Malapit sa simbahan po. Sa may mapunong lugar. I don't know. Please, hurry, one of them is armed with a gun." I was shaking. My mind is too clouded.

Namatay ang tawag pagkatapos niyang sabihing pupunta na sila. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas. Nag-uusap sila pero hindi ko maintindihan. Ang isang lalake ay lumapit kay Yohan at dinuraan siya sa mukha. Nagtawanan sila na parang mga baliw.

Bago pa ulit magkatingin sa kanya ang lalakeng dumura sa kanya ay malakas na niya itong sinuntok sa mukha. Isang suntok lang ang binigay niya ay pinagtulungan na siya ng apat na lalake.

They began hitting him with baseball bats. Lumalaban si Yohan pero kulang at mag-isa lang siya laban sa mga lalakeng may mga armas. I was screaming, telling them to stop but it looks like I was voiceless. One man hits his head but it wasn't enough to make him fall.

Kahit papaano naman ay malakas si Yohan kaya nagawa niyang maagaw ang isang baseball bat at ihampas iyon sa ulo ng lalake dahilan para makatulog ito. Ang may hawak naman ng baril ang sunod niyang pinuntirya. Bago pa man matutok kay Yohan ang baril ay tumilapon na ang lalake sa sahig. Hindi ko alam kung saan napunta ang baril. Isang lalake pa ang nagtangkang humampas sa ulo niya pero hindi natuloy dahil sa pag-ilag niya. He was about to hit that man when suddenly stops.

Maski ako ay natigilan nang makita ang dugo na umaagos sa likod niya. Hinanap ko kung sino ang hawak ng baril. It was Cedric. He shot Yohan.

Isang putok pa ang pinakawalan niya bago bumagsak ang katawan ni Yohan sa sahig. Sinundan pa iyon ng isa pa at isa pa! Natulala ako at hindi nakapagsalita. Namanhid ang katawan ko. 

No!

Nakita ko ang pagtatalo ni Cedric at Keila bago nila napagdesisyunan na umalis. They drove the car away. Doon pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lumabas at puntahan ang duguang katawan ni Yohan. He was lying there, lifeless.

Hindi ko pinansin ang mga sasakyang papalapit sa amin. Nanghihina ang tuhod ko kaya napaluhod na ako kahit hindi pa abot ng mga kamay ko si Yohan. No, he can't die. Magpapakasal pa kami.

"Y-Yohan!" I was screaming his name. I was screaming until my throat hurts. Hinihintay ko kung sasagot siya pero hindi, he didn't answer my call for the first time. Ang dugo niya ay patuloy lang sa pag-agos.

"Oh, my god!"

Narinig ko ang pamilyar na boses na papalapit sa akin. Someone hugged me and trying to make me stand. I don't want to. Dito lang ako.

"Call an ambulance!" utos ng isang lalake.

And there was his daddy, trying to stop the blood from coming out from his body.

"Wake up, son. Come on!" sigaw niya habang tinatapik ang puro sugat at pasa na mukha ni Yohan. "Don't be like this. Come on!"

"You can't leave me too. You are my best man, remember? Come on, wake up!" His voice broke. "For daddy."

He didn't listen. He didn't wake up...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro