Kabanata 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

First Glance

"May ka-late night talk ka na yata, girl?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mina at Woni sa likuran ko. Napairap ako sa kawalan at saka humikab pa ng isang beses bago sila binalingan.

"Hindi lang ako nakatulog nang maayos," palusot ko kung makalulusot sa mga tsismosang mga 'to.

Naniningkit ang mga mata nila sa akin. Alam kong hindi sila naniniwala kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Baka kung anu-ano pa ang masabi ko.

"Ang damot. May jowa ka na 'no?" Kiniliti ako ni Woni.

Panay na ang tukso nila sa akin at hindi ko na rin mapigil ang ngiti dahil bumalik na naman ang mga nangyari kagabi. Four a.m. na kami natapos mag-usap, natulugan ko nga yata siya. Kinaumagahan ko na nabasa ang text niya na papatayin niya na ang tawag.

Pinagtutulak ko silang dalawa para hindi mahinto sila sa pagsundot-sundot sa katawan ko. Kaya nasasabihan akong favoritism sa trabaho dahil sa dalawang ito! Ang gagantil sa akin kahit pa oras ng trabaho.

"Sandali! Hindi muna ako magsasabi ng kahit na ano, baka mausog!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mahirap na at baka maging bato pa ang love life.

"Oooh! So, meron nga? Ikaw, ha?" Mas lalo pa nila akong tinukso.

Ano ba naman? Mukhang buong linggo na yata nila akong kukulitin sa bagay na ito. Ayoko pang magsabi dahil hindi pa ako sigurado, mayroon pa akong malaking pagdududa kahit magaan na ang loob kong kausap siya. Ganoon naman kasi talaga, hanggang sa hindi mo pa nakakasama ang tao sa mahabang panahon, hindi mo pa siya lubos na kilala.

"Why don't you activate your FaceGram account once again?" tanong ni Yohan habang nag-uusap kami. It's lunch time at nagkulong ako sa opisina para hindi ako abalahin ng dalawang baliw kong kaibigan.

"Why? Hindi ko naman gusto ang mga nakikita ko roon." Mas lalo lang akong madidismaya sa buhay ko.

"Magugustuhan mo naman na siguro kapag ako lagi ang nakikita mo. Video call?"

Wow naman! Hindi ko siguro pagsasawaan ang mukha niya.

Umiling ako. "Ganito muna siguro tayo, Yohan. Gusto ko, sa una nating pagkikita, kaharap talaga kita. I want to see through your eyes, I want to know if you are true to me." Mahirap na kung ibibigay ko lahat ngayon kahit hindi pa sigurado.

"Ang laki yata ng trust issue mo. You said you have never been in a relationship before, bakit ka nahihirapang magtiwala ngayon?" he asked.

"Yohan, if you are 35 and still feel unsafe even inside your own home, you will begin to doubt everyone. Hindi naman sa ayokong magtiwala, hindi ko rin alam kung bakit ang hirap kong mag-open-up sa ibang tao. Nasanay na lang siguro akong hilumin ang sarili ko. Nasanay ako palagi sa self-healing kaya ngayon ay naiisip ko na hindi ko na kailangan pang magtiwala sa ibang tao, hindi ko na kailangan magsabi ng nararamdaman ko dahil...I have me..."

I heard him let out a sigh. "How ironic, a person like you, Psychometrician, that is willing to listen to other people's dilemmas and convinced them to trust you can't do the same thing to others."

"It's not the same thing, Yohan. It's my profession, I am trained to analyze people. I know to myself that you can trust me but I don't know if I can trust you enough." The hardest part is you know what their actions mean so you know what kind of people they are.

"I know to myself that you can trust me and I know that I can trust you too. I am not forcing you to do anything for me. Sapat na sa akin ang ganito, sa ngayon. Little by Little, we will get there," he said.

Malaki ang takot ko na baka hindi ko na mabuksan ang puso ko sa ibang tao. Baka hindi ko na makayang pagkatiwalaan lahat ng susubok. Natatakot ako, baka hindi na nga ako makahanap ng taong makakasama ko dahil sa malaking pader na ako rin mismo ang nagtayo para protektahan ang sarili ko sa sakit.

"Little by little, the ice that covers your heart will melt. The walls you built for yourself will break."

Out of nowhere, he started singing an unfamiliar song.

"Yohan," I whispered.

"The love I have is yours to keep. The care I have is for you to feel...I will be the ice that will make your heart warm, I will be the wall that you can lean on. And you will be the light I have longed for."

This man can definitely sing. Mas maganda at malamig pa ang boses niya kay Sir Emman na hinahangaan ko sa pagkanta.

"Ayos ba? Did I sing well? Naalala ko lang ang kantang iyon."

At nagduda pa talaga siya sa kakayahan niya. Mas bagay pa nga yata siyang maging member ng choir kaysa sa akin.

"I love your voice. You didn't tell me that you can sing." Ngiting-ngiti ako rito. Gusto ko rin kasi na magaling kumanta ang boyfriend ko para lagi kaming magka-karaoke.

He cleared his throat. "Out of topic naman kung sasabihin ko sa iyo kaagad. At least, now you know. Hindi ko alam kung paano pagaanin ang loob mo. I always sing to myself kapag wala akong mapagsabihan ng mga problema ko. It actually works everytime."

Sumibol ang ligaya sa puso ko. "Thank you, Yohan."

"You are welcome, Ma'am Feliz..."

Nang hindi na ako makatiis ay kusa na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang gumugulo sa isip ko. "I want to see you."

"Uhuh, tell me more..." Namamaos ang boses niya.

"I want to meet you in person. Gusto kong ipakilala ka sa mga kaibigan ko. Sa mama ko at sa papa ko..." I stopped myself from stuttering.

"Then, meet me tomorrow. Sunduin mo ako sa Clark International Airport, 6 in the morning onwards."

I feel like I was hypnotized by his voice. I shook my head. "Yohan, may pasok ako bukas..."

It seems like he was about to protest but he didn't do it. "It's okay, I--"

I cut him. "But I can make an absent. Hindi pa naman ako nakaka-absent this year. I'll meet you tomorrow." I cannot this moment just pass.

Natapos ang lunch break nang hindi ako nakakain nang maayos dahil sa kilig na nararamdaman. Wala na, baliw na yata ako. Wala pa namang kahit anong namamagitan sa amin ni Yohan, sa tingin ko nga ay friends lang kami, pero feeling ko boyfriend ko na siya. Iilang oras pa lang din kami nagkakausap pero kung hindi ko iyon bibilangin, pakiramdam ko ay ang tagal na naming magkakilala.

"Pupunta kang Pampanga? Sinong kikitain mo roon?" tanong ni Mina.

Tiningnan ko sila ni Woni na nakaupo sa sahig ng living room ko dahil wala akong upuan. Naki-meryenda pa ang mga gaga. Nag-isip ako nang mabuti kung sasabihin ko na ba sa kanila ang tungkol kay Yohan. Hindi ba nila ako huhusgahan kung sasabihin kong 28 years old ang nilalandi ko?

"Si Yohan," mahinang usal ko.

Nagkatinginan sila. Wala naman kasi silang Yohan na kakilala ko or kamag-anak ko.

"Sinong Yohan? Kamag-anak mo?" inosenteng tanong ni Woni.

Umiling ako. "Ni-reto sa akin ng kaibigan ni mama. Sunduin ko raw siya sa airport bukas. Magbabakasyon kasi siya ngayon dito."

Natahimik sila at nakatulala lang sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at tinuloy na lang ang papili ng damit na isusuot ko bukas. Hindi na ako nagulat nang magtilian silang dalawa at sinugod ako ng yakap.

"Shuta ka! Bakit hindi mo kaagad sinabi?! Hindi ito pwede! Hindi pwedeng ikaw lang ang pupunta roon! Sama kami!" Nagtatalon si Mina habang yakap ako.

"Oo nga, sama kami!"

Pinagpapalo ko ang mga braso nilang halos sakalin na ako sa sobrang higpit ng pagkakapit sa leeg ko. Hindi ko pa man nakikita si Yohan, eh, papatayin na ako ng dalawang ito.

"Sandali, magsilayo nga muna kayo sa akin. Unang-una, hindi pa kami, pangalawa, tinatanya ko pa kung pwedeng maging kami," mahina kong sabi.

Kumalma sila at bumalik si inuupan. Napapaisip siguro sa mga sinabi ko. Alam ko namang magtatanong na naman sila kaya pinili ko na lang magkuwento.

"Taga-Maynila si Yohan. Yohan Ansalone ang buong pangalan niya. Kamag-anak siya ng close friend ni mama na alam ding naghahanap na ako ng boyfriend. Pamangkin niya si Yohan na inalagaan niya noon. Pwede naman sana kung gugustuhin ni Yohan na maging kami pero kasi..." I sighed. "He is only 28 years old. Sa tingin niya ba hindi iyon maghahanap ng mas bata sa kanya at magse-settle sa akin na pitong taon ang tanda sa kanya? Imposible, hindi ba?"

"Feliz, kung hindi ka susubok at susugal, hindi mo malalaman. Ang sakit at pagkabigo ay parte ng proseso. Kung lagi kang matatakot masaktan, hindi ka pwedeng magmahal. If you are not ready to get hurt, you are not allowed to love. If cannot give trust, you cannot give love," seryosong sabi ni Woni.

Napatingin kami sa kanya ni Mina na parang nagtataka kung bakit ang lalim niyang magsalita ngayon.

"What? K-drama effect? Bawal ba?" depensa niya. "Seryoso ako sa payo ko, Feliz."

Tumango ako. "Salamat, Woni. Gusto kong umasa na sana siya na nga ang hinihintay ko."

"Then, keep dreaming. Hindi masamang umasa, diyan nagsisimula lahat ng pangarap. Huwag mong iisipin ang sasabihin ng ibang tao lalo na kung wala naman silang ambag sa buhay mo. Nandito kaming mga kaibigan mo, ang mga magulang mo." Binigyan ako ng matamis na ngiti ni Mina. "Kaya sasama kami sa iyo sa airport at susunduin natin ang charming prince mo na na-stuck sa traffic. Game?"

Tumango ako at ako naman ang yumakap sa kanila. Sometimes, when you don't know what to do, your friends do.

Madaling-araw kami umalis para makapunta sa terminal ng bus. Hindi nga yata ako nakatulog dahil sabik na sabik ako sa mga mangyayari. Finally...

Nagdamit ako nang maayos at disenteng tingnan na damit. I dressed to impress him. I put a light makeup also kahit hindi naman talaga ako naglalagay no'n. Kahit hindi ako nakatulog nang maayos ay buhay na buhay ang dugo ko.

See you...

'Yan ang huling mensahe sa akin ni Yohan kagabi. Nagtaka pa nga ako kung bakit nag-eroplano pa siya kung pwede naman siyang mag-bus. Iba talaga kapag may kaya sa buhay, walang kaproble-problema sa pera. Nakarating kami sa airport nang 5 a.m., doon na kami nag-almusal ng baon naming tinapay. Buti na lang talaga at nagpumilit itong si Woni na magbaon, gugutumin pala kami. Marami kaming kasama na may mga susunduin ding kamag-anak.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang maisip na wala man lang kahit isang text sa akin si Yohan. Hindi rin siya nagre-reply sa mga message ko habang nasa biyahe kami. Pwede namang mag-text, hindi ba?

"Alas sais na, may mga tao na ring lumalabas, o!" Tinuro ni Woni ang exit kung saan naglalabasan ang mga taong may mga dalang maleta.

Nagtayuan ang mga kasama namin kaya napatayo na rin kami. Sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung may hinihintay ba kami, kinakabahan ako na baka mapahiya lang ako rito. Isa-isa nang nag-alisan ang mga kasamahan namin dahil kasama na nila ang hinihintay nilang kamag-anak o kakilala. Palingon-lingon ako sa palagid dahil baka hindi lang kami napapansin ni Yohan at naghihintay din sa isang sulok.

Sinamaan ko si Woni ng tingin dahil sa hawak niyang isang whiteboard na nakasulat ang buong pangalan ni Yohan. Nagkibit-balikat lang siya at hindi inalis ang whiteboard. Feeling niya talaga nasa k-drama siya.

Unti-unting kumonti ang mga tao, paunti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa na nandito nga siya. Baka niloloko lang niya ako, baka gusto lang niya akong umasa.

"Ay! Bakit wala na? Nasaan si Yohan?" Pilit na sinisilip ni Mina ang exit.

Yumuko ako at inalis ang pagkakahawak sa railing. Ilang beses akong huminga nang malalim para mapigilan ang pagtulo ng luha.

"T-Tara na, uwi na tayo," bulong ko na alam ko namang narinig ng dalawa.

Isang hakbang ang ginawa ko bago ko naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone. Kinuha ko iyon sa bulsa ng pantalon ko. Si Yohan ang tumatawag. Nabuhayan ako ng loob at kaagad sinagot iyon.

"Where are you, Feliz?" bungad niya. Naririnig ko ang paghinga niya na hindi normal. Parang may hinahabol siya base na lang sa yabag ng mga paa niya.

"Nasa airport, hinihintay ka. Nasaan ka na?" Umiling ako nang malaglag ang isang patak ng luha mula sa mga mata ko.

Huminga nang malalim si Yohan. "I see you," sabi niya.

Kumunot ang noo ko at humarap muli sa exit. Wala naman akong nakikitang ibang tao roon kung hindi ang isang piloto na nasa likuran ng mga flight attendants.

"I cannot, nasaan ka?"

Tumingin sa akin si Woni at Mina. Si Woni ay hawak pa rin ang whiteboard niya na nakaharap sa exit.

"Nasaan daw siya?" tanong ni Mina na hindi ko masagot dahil wala ring akong ideya.

"Niloloko mo lang yata ako, Yohan, uuwi na lang ako," may bahid nang pagkainis sa boses ko na hindi ko na maitago. Naiinis talaga ako dahil asang-asa ko!

Tumalikod na ako at pinatay ang tawag. "Tara na, uwi na tayo. Pagod na ako," aya ko sa mga kaibigan ko.

Kinalabit ako ni Mina at pinaharap. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay sa tao nasa tapat ko. Tinuro nilang dalawa ni Woni kung sino man ang taong 'yon kaya tiningnan ko na rin kung sino iyon.

Nabato ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala na...

"Ma'am Feliz?" tawag niya sa akin.

Inalis niya ang sumbrero niya at saka ngumiti sa akin nang malaki. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya.

"Yohan?" mahinang tawag ko sa pangalan niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko na siya ngayon. Napakatangkad niya pala, hanggang dibdib niya lang ako. Hindi ako mukhang 35 kung katabi ko siya.

"Yes, Ma'am Feliz?" Binitiwan niya ang hawak na maleta. Ang mga kamay niya ay nagdadalawang-isip kung hahawak ba sa akin o ano.

Natuyo ang lalamunan ko kaya lumunok ako ng isang beses. "You are a pilot." I didn't expect. Napakaganda at nagsusumigaw ang suot niyang uniporme. Napakagwapo niya at hindi ko inaasahan na hindi binigyan ng hustisya ng litrato kung gaano siya kagandang lalake.

"A commercial co-pilot, ma'am." Lumapit siya sa akin pero umatras ako. Ang mga mata niya ay napuno ng takot.

Nagtilian si Woni at Mina na kanina pa pala kami pinapanood. Hindi ko man lang sila napansin ulit.

Then again, guilt strikes me. Once again, I remembered what I have said to myself. Yohan Ansalone has a lot of potentials. He won't settle on me. I am just his past time. Mas lalo ko pang napatunayan iyon ngayong nadiskubre kong isa siyang matagumpay na piloto. Hindi man lang niya sinabi sa akin. In first glance, I can clearly tell that he is not for me.

Tumalikod ako nang walang sinasabi. Malalaki at mabibilis ang bawat hakbang ko. Lumayo ako. Umalis ako at tinalikuran si Yohan Ansalone.

"Feliz," rinig kong tawag ng dalawang babae.

I walked away from him. I didn't deserve him at all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro