Kabanata 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

To Have and To Hold

"Emily? Hi!"

Nagulat ako sa pagbisita sa akin ng kaibigan ko sa simbahan ngayong araw. Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Ang tagal na naming hindi nagkita simula noong umalis siya sa grupo namin ng choir.

"Na-miss kita, Feliz. Hindi na ako nakakasimba tuwing linggo, ang dami ko kasing inaasikaso. Ang dami ko ng utang kay Lord," sabi niya.

Pinaupo ko siya sa isang bakanteng upuan sa loob ng opisina para makapag-usap kami nang maayos.

"Kumusta ka na? Kasal muna bukas, hindi ba? Bakit nandito ka pa? Dapat nagre-relax ka na," maligayang usal ko.

Ibang-iba ang itsura niya ngayon. Mas lalo siyang gumanda at blooming pa. Iba talaga kapag masaya at nasa healthy relationship. Ganyan pa lang ang gustong mangyari ni Yohan. Napapangitan ba siya sa akin?

"Free time ko ngayon dahil ang mga biyenan at magulang ko na raw ang bahala sa lahat. Nagre-relax nga ako tapos naisipan kitang puntahan. Baka nagtatampo ka sa akin dahil hindi kita ginawang bridesmaid, ang dami pa man ding gwapong groomsmen." Ngumuso siya.

"Ano ka ba? Nandoon din naman ako kahit hindi ako bridesmaid. Kami ang ni-request mong choir, remember?" sabi ko. Hindi ko rin naman kasi ini-expect na gagawin niya akong bridesmaid. Sa dami ba naman ng kamag-anak niya ay hindi na kami makasisingit.

"Iyon nga, nagdadalawang-isip ako kung gagawin kitang bridesmaid o ikaw ang soloist ko. Ayon, parang mas bagay kang maging wedding singer, at least, comfortable ka sa role mo. Sa reception din, pakakantahin kita." Ngumiti siya.

"Walang problema, Emily. Minsan ka lang ikasal kaya all out kaming choir ngayon."

Nag-usap pa kami tungkol sa naging preparation sa kasal niya. NBSB din ito at akalain mo ngayon ay ikakasal na. Ako kaya? Kailan? Aabot kaya kami sa ganoon ni Yohan? Ang sabi naman niya ay pakakasalan niya ako. What if, hanggang salita lang pala siya? What if, hindi pala niya kayang panindigan? Paano kung hindi pala kami ang para sa isa't isa?

"Where are you? Hindi kaya nagpakita sa akin ngayon?" Bakit tunog nagtatampo ako?

"Sorry, sugarpie. I had an important commitment to a friend of mine. Kaklase ko siya sa Aviation School at ikakasal na. I am one of his groomsmen," sagot ni Yohan.

"So, hindi tayo magkikita bukas? May pupuntahan ako," sabi ko.

"Probably, where are you going?" tanong niya.

Nakarinig ako ng ibang boses sa background niya. Parang inaaya na siyang uminom. Ang aga pa. Kauuwi ko lang galing trabaho.

"Sa simbahan, kakanta kami sa kasal. Nasaan ka? Parang ang ingay d'yan." Pinihit ko ang oven para iinit ang pagkaing binili ko.

"Stag party. Sorry, hindi ako nakapagpaalam. Akala ko kasi sandali lang kami lalabas. I didn't know that it was a Stag Party."  He sighed.

"It's okay. Enjoy the party. Huwag mo muna akong ite-text o tatawagan. Spend the rest of your time with your friend," sabi ko. Stag party? Sure akong maraming nagsasayaw na babae ngayon doon sa harapan niya.

"I will not touch these girls. I am not looking at them either. They have no clothes, sugarpie. Gusto ko ng umalis dito." He sounded problematic. Para bang may ginagawa siyang mali.

Natawa ako sa ka-inosentehan niya. Stag party nga eh! Lalo pa akong natawa nang magkagulo sa background dahil pinipilit na yata siya ng mga kasama niya na ibaba ang tawag at makisali sa kanila.

"No! I am talking with my sugarpie," sabi niya sa mga kasama niya.

"Yohan," tawag ko sa kanya. "Enjoy, make your friend happy. Ito na ang huling araw niya ng pagiging single. I'll just see you on Sunday, simba tayo. Sunduin mo ako at magsisimba tayo sa kung saan ako madalas magsimba." I am excited to introduce him to Father Ferdinand.

"Okay, sugarpie. But I am not touching any of these girls, promise. I'll see you on Sunday, sugarpie."

Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "See you, baby." Kaagad kong pinatay ang tawag. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pagkatapos ng tawag na iyon. Hindi ako sanay!

Maya-maya pa ay tumatawag muli si Yohan na hindi ko sinagot hanggang sa magpadala siya ng mensahe.

What did you call me?

Hey!

Answer my calls!

Sugarpie!

You called me 'baby', right?

Isang beses pa siyang tumawag pero hindi ko pa rin sinagot. Sinabing mag-enjoy sa party, eh. Ako pa ang inaatupag ngayon.

Ni-ready ko ang baby pink kong dress dahil iyon ang color motif ng kasal ni Emily. Hindi ko pa rin masyadong nakikilala ang asawa niya pero ayon sa mga kwento niya ay mabait ito at sobrang maalaga sa kanya. Sana lang ay hindi niya saktan si Emily dahil sobrang bait ng kaibgan kong iyon, naalala kung paano niya tinulungan ang simbahan na ipaayos ang bubong nito nang masira ito dahil sa bagyo.

Mga aalas-otso ako nakarating ng simbahan kahit pa mamayang 10 a.m. pa ang kasal. Napaaga ako ng biyahe. Ayoko kasing mahuli ako dahil sa kabilang bayan pa itong simbahan. Napadpad ako rito dahil dito dating gitarista ang papa. Siya ang leader ng pinakaunang choir sa parokyang ito na ngayon ay hindi na rin active dahil matatanda na ang miyembro.

Sakto namang nandoon na rin ang iba kong kasamahan. Makakapag-practice pa kami para sa mga kakantahin namin. Ang bilis ng oras, akalain mong September na pala, konting panahon na lang at Advent Season na naman. Sana unang pasko ko ito na may lovelife.

"Mag-warm-up na tayo. Dating gawi sa entourage tsaka sa entrance ng bride. Request ni Emily ang Beautiful in White. Patugtugin na lang natin iyon at mamayang pirmahan na lang ng kontrata at picture taking kumanta si Feliz," sabi ni Sir Emman.

Inensayo namin ang mga kakantahin namin sa misa. Isa-isang nagdatingan ang mga ninong at ninang pati ang mga bridesmaid at groomsmen. Wala akong ni-isang kilala sa mga bisita niya kaya mabuti na lang at hindi niya ako kinuhang bridesmaid.

Nine a.m. pa lang at isang oras pa bago magsimula ang kasal. Nauhaw ako bigla. Pumunta ako ng kumbento para makiinom kay Father na ngayon ay nakikipag-usap sa mga magulang ni Emily na naunang dumating.

"Magandang umaga po," bati ko sa kanila.

"Magandang umaga, Feliz." Ngumiti sila sa akin.

Sumenyas ako kay Father na makikiinom lang ako. Tanaw ko rito mula sa kusina niya ang grahe ng simbahan kung saan nagpa-park ng sasakyan ang mga dumadating na dadalo sa kasal. Napahinto ako nang maaninag ang isang pamilyar na itim na kotse. Natigilan ako sandali at nang lumabas na nga ang may-ari kotse ay nakumpirma kong kay Yohan nga iyon. He is wearing gray slacks, a white long sleeves with pink necktie. Bago siya maglakad patungo sa harap ng simbahan ay sinuot niya muna ang gray niyang coat. Gwapo talaga kahit anong porma.

Mabilis akong lumabas ng kusina para mahabol siya. Nagtaka pa si Father kung bakit ako nagmamadali gayung maaga pa naman. Sinundan ko sa harap ng simbahan si Yohan para sana mabati siya. Iisang kasal lang pala ang pupuntahan namin.

Napahinto ako bago ko pa siya tuluyang malapitan nang may kumausap na sa kanyang isang babae na base sa suot na gown ay isa sa mga bridesmaid. Mukha siya ang partner ni Yohan. Tinawag na rin sila ng organizer para maipwesto para sa entourage. Alam ko namang friendly talaga si Yohan at wala namang malisya o ibang kahulugan ang ngiti niya sa babaeng iyon pero nakakaselos pala. Normal lang naman sigurong makaramdam ng selos, hindi ba?

Umiling ako at bumuntonghininga. Hindi pa naman kami kaya wala pa akong karapatang magselos. Sana pala hindi na lang ako sumunod. Nakita kong parating na rin ang bridal car kaya tumabi na ako at bumalik sa kung saan ang pwesto naming mga choir.

"O, ba't ganyan ang mukha mo, Feliz?" tanong ni Claire.

"Wala, ang init kasi sa labas," palusot ko at hinanda na ang wedding march na ipapatugtog namin.

Nasa gilid lang kami ng altar at kitang-kita mula rito ang papasok na tao mula sa harapan ng simbahan. Nagsimula ang entourage at pinatugtog na rin ang wedding march. Isa-isang nagsipasukan ang mga kasali sa entourage. Nauna ang best man at sumunod ang groom kasama ang magulang niya. Wow naman, ito ba ang sinasabi ni Yohan na kaibigan niya? Malamang! Bawi naman pala si Emily.

Ang dami nilang ninong at ninang na mga principal sponsors. Nang magsimula na sa secondary sponsors ay napaayos ako ng tayo, tumikhim ako.

"Para kang naiihi, Feliz," puna ni Ate Gina.

"Nangangawit lang ako, ate." Sige pa ang palusot ko.

Nang si Yohan na at ang kapartner niya ang papasok ay nakatingin lang ako sa kanila at malalim ang paghingan ginawa ko. Hindi pa siya tumitingin sa direksyon ko at sa photographer pa lang na naka-assign sa entourage. Hindi ko na inaasahan na makikita pa niya ako pero kasi...ang pwesto niya ay malapit dito sa amin kaya imposibleng hindi niya ako makikita.

Nang maghiwalay sila ng partner niya ay umikot siya sa harapan para makaupo sa pew na nakalaan para sa kanila. Nagulat siya nang makita ako. Kaagad lumaki ang ngiti niya at akmang pupuntahan ako pero umiling ako. Anong ginagawa niya? Sinenyasan ko siyang sundan ang nauna sa kanyang groomsman.

"Sino iyon, Feliz?" tanong ni Claire.

"Wala, kaibigan ko lang," sagot ko.

"Weh?" sabay-sabay nilang sabi kaya pinatahimik sila ni Sir Emman.

Kumaway si Yohan sa akin at inaaya akong lumapit sa kanya. Umiling ako at sinenyasan siya mamaya na lang kami mag-usap. Sinara ang pinto ng simbahan para mag-prepare sa pagpasok ng bride. Nagsimula na ring patugtugin ang kanta ng Westlife na Beautiful in White. Kasisimula pa lang kanta ay rinig na rinig na ang hagulgol ng groom na pinagtawanan naman ng best man niya at mga groomsmen. Nagtama ang mga tingin namin ni Yohan, I put my index finger on my lips. Kaagad naman siyang umayos ng tayo at pinigil ang pagtawa. Kapag ikaw na ang iikasal at umiyak ka rin ng ganyan, tatawanan din kita nang malakas.

Mga loko-loko talaga.

Nagpalakpakan kami nang tuluyang makapasok ang bride. Ang groom naman ay parang hindi na makapaghintay na makalapit si Emily. Sa paglapit ni Emily sa kanyang mapapangasawa ay nagyakapan sila. Ang mga magulang nila ay nagkamayan at nagpunta na rin sa kanilang mga upuan. Nagsimula ang Banal na Misa para sa kasal ng dalawa. Ngayon lang ako na-conscious sa pagkanta dahil alam kong nakatingin si Yohan.

"Kung nakatutunaw lang ang titig, kanina ka pa natunaw, Feliz," bulong ni Claire habang nagho-Homily si Father.

"Huwag sanang aabot sa puntong ang asawa na ay magiging sawa na, hanggang sa maging awa na lang," sabi ni Father na parte ng Homily niya.

"Friends ba talaga?" tanong pa ni Ate Gina.

Nakagat ko ang labi ko at kahit gustong-gusto ko nang sulyapan si Yohan ay pinigilan ko ang sarili ko. Si Lord muna bago landi, mamaya na lang. Pagdating ng Offertory, pagkatapos magpalitan ng vows si Emily at Joshua ay ako pa ang naatasang maging collector kasama ko si Claire, doon siya sa kabilang side kung nasaan ang mga bridesmaids at ninang. Ako naman ay sa mga groomsmen at ninong. Habang inaabot ko ang basket sa mga gustong mag-offer, tinawag ni Yohan ang pansin ko, nagtatanong kung magkano ba dapat ang ibigay. Sinenyasan ko siya ng piso, tinaas ko ang hintuturo ko.

Tumango siya at dumukot sa bulsa. Pagkarating ko sa pew niya pinaabot ko ang basket para makarating sa kabilang dulo. Nalaglag ang panga ko nang makitang maghulog si Yohan ng buong isang libo. Mukhang hindi kami nagkaintindihan. Sabi ko ay kahit piso lang ang ilagay niya, akala niya siguro 1K ang hinihingi ko. Iba talaga kapag mayaman.

Ngumiti pa siya sa akin at nag-thumbs-up, proud na proud sa ginawa. Sige, +1K points ka na sa langit.

Natapos ang misa at syempre di nawala ang kiss the bride moment. Naghiyawan ang mga groomsmen pwera kay Yohan. Alam niya kasing babawalin ko siya. Nakipalakpak na lang siya. Hindi naman kasi dapat humihiyaw sa loob ng simbahan.

Nilapitan kami ni Father para magpasalamat pero ang daldal ng mga kasamahan ko.

"Father, si Feliz, may love life na," sabi ni Ate Gina kaya tinukso na nila akong lahat.

Pigil na pigil ang ngiti ko at kunwaring naiinis pa. Tinuro nila si Yohan para makita ni Father. Tumango-tango siya sa akin at bumalik sa tapat ng altar kung saan nagpi-picture-taking si Yohan kasama ang bride at groom at mga groomsmen. Kinalabit siya ni Father at pinapunta sa lugar namin. Napatakip ako sa mukha ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Anong pangalan mo, hijo?" tanong ni Father kay Yohan at pinatabi sa akin.

"Yohan Narcissus Ansalone po," magalang na sagot ni Yohan.

Tumango-tango si Father at nagtilian naman ang mga kasamahan ko pwera kay Sir Emman.

"Nakikita mo iyon?" Tinuro ni Father si Papa Jesus. "Lagot ka d'yan kapag pinaiyak mo si Feliz." Tinapik niya pa si Yohan sa balikat.

Tumango si Yohan. "Gusto ko po na kayo ang magkasal sa amin ni Feliz."

Malakas na natawa si Father Ferdinand at tumango sa akin. "You found your man, Feliz." Bumaling pa siya kay Yohan. "How old are you?"

"I'm twenty-eight po," sagot ni Yohan.

"No matter what age you are in, you are capable of loving and caring. Nasanay tayo na palaging mas matanda ang lalake sa babae tuwing pag-uusapan ang pagsasama o ang pag-aasawa, iyon na rin minsan ang basehan natin kung magtatagal ba ang relasyon o hindi. We sometimes forget that no what circumstances you are in, love and trust will make the relationship last." Ngumiti si Father sa amin.

"Age doesn't matter but love and trust do."

Nagpaalam si Father at si Yohan naman ay hinigit ako sa gitna. Sinalubong kami ng partner niyang bridesmaid.

"Pwedeng picture tayong dalawa, Yohan?" malambing ang boses niyang tanong.

Tumingin muna sa akin si Yohan na parang nanghihingi ng permiso. Tumango lang ako at binitiwan ang kamay niya. Nagpa-picture sila sa photographer. Malaki ang ngiti nila. Isa yata sa mga pinsan ni Emily itong partner ni Yohan. If Yohan didn't meet first, maybe he will like this girl.

Nang matapos sila ay kaagad akong hinila ni Yohan sa gitna. "Picture tayo," bulong niya malapit sa tenga ko.

Kinilabutan ako pero nagawa ko pa ring ngumiti. Nagkagulo pa ng magsilapitan ang mga choir members at pati si Emily na dapat ay nasa bridal car na. Lahat sila ay balak kumuha ng litrato namin ni Yohan. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin.

"Just look at my phone's camera," bulong pa ni Yohan kaya sa cellphone niya ako tumingin at ngumiti nang matamis. Nagpakuha siya ng litrato gamit ang cellphone niya sa photographer.

Ang isang kamay niya ay nakapalupot sa baywang ko at nag kalahati ng katawan ko naman kaya nakasandal sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakuhanan kami ng litrato pero dumating si Father at nagpakuha pa ulit kami kasama siya.

"Can I post this?" tanong ni Yohan nang makalabas kami sa simbahan.

Parehong malaki at matamis ang ngiti namin sa litrato. Tumango ako sa tanong niya. I reactivate my FaceGram account and send him a friend request. He immediately accepted me then tagged me on his recent post. Ang kuha namin iyon kanina with a caption that shook my heart that it almost fell.

'Tayo naman soon, sugarpie.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro