Ice Cream

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Edited, for the second time. Haha!

=================================

"Darrhien! Tara! Uwi na tayo!" Sigaw sa akin ni Vienna.

"Teka lang! Inaayos ko pa gamit ko!" Sigaw ko rin sa kanya. Aba! Sinigawan ako kaya sinigawan ko rin.

Inayos ko na yung gamit ko. Uwian na kasi, 3rd year high school lang po ako, 15 years old. Ay teka, alam nyo na ba name ko? Darrhien Ice Gonzales name ko. Astig noh?

Naglakad na kami pauwi, kasabay ko si Vienna, yung bestfriend ko slash kapitbahay ko kaya lagi kaming magkasabay nyan.

"Daan muna tayong ice cream parlor." Sabi ko nung papaliko na kami sa daan pauwi ng bahay.

"Alam ko na kahit di mo sabihin." Natatawang sabi ni Vienna. "Hindi ka ba nagsasawa sa ice cream?"

"Hindi noh! Ang sarap kaya!" Medyo natatawa kong sabi habang papunta na kami sa ice cream parlor.

"Kaya bagay sa'yo ang name mo eh, Darrhien ICE." Talagang in-emphasize yung ice?

"Nagmana lang ako kay Mama at Papa. Alam mo namang kaya Ice ang second name ko dahil nagkakilala sila gawa ng ice cream." Medyo naka-pout kong sabi.

"Pareho pala kayo eh." Alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Vienna.

"Hindi ko na siya ulit nakita after that." Malungkot kong sabi.

"I'm sorry." Ngumiti na lang ako ng malungkot pagkasabi nun ni Vienna.

Nakarating na kami sa Ice Cream Parlor. Vanilla ice cream binili ko. Inalok ko nga si Vienna kaso ayaw. Okay, huwag pilitin ang ayaw at baka pumayag.

May bigla namang tumawag kay Vienna.

"Hello Ma.... opo pauwi na po ako.... Ha?..... Oh sige po bye." Mama ata ni Vienna yun.

"Pinauuwi ka na?" Tanong ko sa kanya pagkababa niya nung phone niya.

"Oo eh. Tara na?" Alok niya sa'kin.

Umiling naman ako. "Mauna ka na, mag-uuli pa ako."

"Sus, pupunta ka lang dun." Makahulugang sabi ni Vienna.

"Umuwi ka na nga, mapagalitan ka pa ni tita, lagot ka." Pagtataboy ko sa kanya.

Natawa naman si Vienna. "Oo na. Ingat ka ha?"

Tumakbo na paalis si Vienna. Ako naman, kinakain ko yung ice cream ko habang naglalakad, papunta kasi ako dun sa playground.

Pagkapunta ko sa playground, walang ibang tao dun kundi yung lalaki na nakaupo sa swing na may ice cream din?! At vanilla flavor din ha? Destiny? Chos lang.

Habang papalapit ako sa kanya, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Weird. Bakit naman ganun? Tapos, ang cold pang tingnan nung lalaki.

Umupo ako dun sa katabing swing, kinakain ko pa rin yung ice cream ko. Hindi naman masamang tumabi sa kanya noh?

Napatingin ako sa malayo. Napabuntong-hininga ako. Tsk, naalala ko na naman siya.

Dito kami sa playground na ito nagkita eh, 9 years old lang ata ako nun? Ewan ko, basta mag-isa ako dati kasi hinihintay ko si mama, sabi niya maglaro raw muna ako rito .Kaso wala naman akong kakilala noon. Kaya ayun mag-isa akong naupo sa swing. Tapos may batang lalaki na umupo rin sa swing, mukhang wala ring kakilala.

"Wala ka ring kakilala?" Tanong ko sa batang lalaki. FC ko noh?

Umiling lang siya. Teka, pipi ba siya? Kaya ang ginawa ko nakipagkilala ako sa kanya.

"Ako nga pala si Darrhien Ice! Ikaw?" Tutal, wala akong kakilala rito, makikipagkilala na lang ako sa kanya di'ba?

"David Clarryl." Tipid na sagot niya.

"Nice to meet you!" Masiglang sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya. Well, at least, nalaman kong hindi siya pipi 'di ba? Sinabi niya pangalan niya eh.

May nakita akong magtitinda ng ice cream, gusto ko sanang bumili kaya lang wala akong pera. Nagulat na lang ako nung tumayo si David tapos pumunta sa magtitinda ng ice cream. Pagbalik niya, may hawak siyang dalawang ice cream.

"Oh." Sabi niyaya habang inaabot yung ice cream.

"Yay! Salamat Darryl!" Tuwang-tuwa ko na namang sabi habang inaabot yung ice cream.

"David." Pagtatama niya.

"Darryl gusto ko eh, short for David Clarryl!" Sabi ko habang kinakain yung ice cream.

"Eh di Dice ang itatawag ko sa'yo." Biglang sabi niya.

"Parang panlalaki naman." Reklamo ko.

"Kasalanan yun ng pangalan mo, Darrhien Ice." Sabi ni Darryl na kumakain ng ice cream.

"Sige na nga!" Sang-ayon ko na lang. "Tayo lang tatawag nun sa isa't isa ha?"

"Okay." Tipid na sabi ni Darryl.

Yan ang naging scene nung nagkakilala kami. Pero simula nun, hindi na ulit kami nagkita. Weird pero, miss ko na si Darryl.

"Miss, yung ice cream mo tunaw na."

Huh? Oo nga noh? Kinuha ko agad yung panyo ko at pinunas ko sa kamay ko.

"Thanks." Sabi ko dun sa lalaking kanina lang ay kumakain din ng ice cream pero ubos na niya.

"Ang lalim ata ng iniisip mo." Hala? Si kuya pala, may pagka-FC rin.

Harmless naman ata siya eh. Siguro?

"Ah, oo. May naalala lang." Ngumiti ako ng tipid.

"Tao?" Tanong niya.

Ay? Parang Pinoy Henyo lang? XD

"Oo, weird nga eh. Isang beses ko pa lang siyang nakikita pero miss ko na siya." Natawa ako ng konti. "Honestly, sa playground na ito kami nagkakakilala."

Fc na rin ah? Bakit ako nagsh-share?

"Kung idi-describe ko ang taong yun, para siyang ice cream, cold siya pero sweet. Nung magkakilala kami, ang tahimik niya, ang cold ng aura niya. Akala ko pa nga pipi siya eh." Medyo natawa ako. "Pero ang sweet niya kasi nung gusto kong ice cream, binilhan nya ako kahit di ko naman sinabi. Pero after nun, di na kami nagkita." Malungkot kong sabi.

"Meron bang taong cold pero sweet?" Medyo nagtataka niyang tanong.

"Meron." Ngumiti ako. "Siya."

"Mahal mo?" Medyo nagulat ako sa tanong niya.

Mahal ko nga ba si Darryl?

"Siguro?" Parang di ko siguradong sagot. "Hindi naman siguro ako magiging ganito kung hindi 'di ba?" Napabuntong-hininga ako. "Lagi ako napunta rito, nagbabakasakaling nandito siya. Six years ko yung ginagawa, pero wala siya eh."

"Malay mo magpakita siya ulit sa'yo, anong gagawin mo?" Tanong niya ulit.

Umiling ako. "Hindi ko alam. Pero siguro matutuwa ako." Medyo yumuko ako, "Pero hindi na ako umaasa. Baka kasi sa mga oras na 'to, nasa abroad na siya o kaya..." Huminga muna ako ng malalim. "May girlfriend na siya."

Hindi siya nagsalita.

"Nakakatawa nga eh. Kasi yung parents ko nagkakilala dahil sa ice cream. Tapos sa sitwasyon naman namin, parang yun ang naging simbolo ng pagkakakilala namin." Pagpapatuloy ko pa sa kwento.

"Vanilla flavor ba ang binili niya sa'yo?" Tanong niya ulit.

Tumango ako. "Kaya naging favorite flavor ko ang vanilla."

Medyo dumidilim na kaya tumayo na ako.

"Ay Kuya, salamat sa company ha? Narinig mo tuloy ang madrama kong love life." Natatawa kong sabi sa kanya.

Hahakbang na sana ako paalis kaya lang pinigilan niya ako. Hala. Rapist ata ito. WAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!

"Saglit lang." Pigil niya sa'kin.

"Bakit?" Medyo natatakot kong tanong.

Tae, baka nga r-rape-in ako nito. Huwag naman! Bata pa po ako! Huhuhu.

Bigla niya akong niyakap! HALA! MANYAK!

"T-teka lang Kuya anong ginaga-----"

"Namiss din kita Dice." Biglang sabi niya.

HUH? Tama ba yun?!Tinawag niya akong Dice?

Napabitaw ako sa yakap niya.

"D-Darryl?" Gulat kong sabi.

"Ako nga." Ngumiti siya!

"Oh my...." Napahawak ako sa bibig ko.

Bigla na lang akong napaiyak. After six years, hindi ko akalaing makikita ko pa ulit siya. Niyakap ko tuloy ulit siya.

"Bakit ngayon ka lang ulit pumunta rito?" Tanong ko sa kanya habang naiiyak pa rin ako.

"Lagi akong nandito." Sabi niya at hinigpitan pa ang yakap sa'kin. "Nakatago nga lang."

"Madaya ka! Bakit ka nagtatago?" Pinalo ko ang braso niya.

"Nahihiya ako sa'yo eh." Sagot ni Darryl.

"WALANJO KA NAMAN! NAHIHIYA?" Sigaw ko sa kanya at pinalo ulit siya.

"Aray!" Daing niya. "Sorry naman, etorps eh. Pa-hug ulit? Pwede?" Tanong niya.

Niyakap ko ulit siya. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito si Darryl.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo kanina." Biglang sabi ni Darryl.

"Alin dun?" Tanong ko sa kanya. "Marami akong sinabi kanina."

"Sabi mo mahal mo ako." Sabi niya.

Nanlaki yung mata ko at pakiramdam ko bigla akong namula. Bumitaw ako tapos lumayo sa kanya.

"Ayoko nga!" Tanggi ko agad. "Nakakahiya!"

"Ngayon ka pa nahiya?" Nang-aasar na sabi ni Darryl.

"Ayoko!" Tanggi ko ulit.

"Ganun?" Sabi ni Darryl.

Bigla niya akong hinabol! Naghabulan tuloy kami sa playground. Nahuli naman niya ako. Tawang-tawa kami eh.

"Buti tumatawa ka na, hindi tulad nung bata pa tayo ang cold mong tingnan." Sabi ko sa kanya.

"Ganun ako 'pag nahihiya." Sabi niya agad.

"Lagi itong nahihiya." Pansin nyo rin ba?

"Ang ganda mo eh." Nakangiti niyang sabi.

"Anong konek?" Nagsalubong yung kilay ko sa sinabi niya.

Inalis niya yung nakaharang na buhok sa mukha ko tapos nilagay niya sa likod ng tenga kto at hinawakan niya ang mukha ko.

"I love you Dice." Nakangiting sabi niya sa'kin at diretsong nakatingin sa mata ko.

Ngumiti rin ako at hinawakan ang mukha niya at sinalubong ang titig niya sa'kin. "I love you too, Darryl."

END....

Okay ba yung pagkaka-edit? Ahahaha! Walang magawa eh, tutal wala akong maisip na bagong one shot :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro