THIRTY EIGHT

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

I sighed when I glanced at my wristwatch.

9:00 AM, it says.

I am meeting Reagan in 10 minutes.

Nagpapark na lang daw sya.

I chose the park where I bumped into him after helping me moved into Park's house.

May narinig akong mga yabag ng paa papalapit sa akin at inangat ko ang tingin.

Nakangiti siya at hawak sa kanang kamay ang dalawang plastic na may lamang softdrinks na may kasamang straw at sa kaliwa naman ay isang supot ng pagkain na nakalagay sa styrofoam.

"Sorry, mahaba pila sa karinderya ni Ate Lumen. " Tukoy nya sa tambayan namen noon kasama ang mga bata pag galing kami sa parke.

Umupo sya sa swing na nasa tabi ko at inabot ang plastik ng royal at isang styro na tapsilog ang laman.

"Nag-abala ka pa. Pero salamat. " Sinuklian ko sya ng ngiti.

"Magpakabusog muna tayo bago mo ko paiyakin." Napahalakhak si Reagan at humigop sa coke nya.

"Nakakainis ka!" Busangot na sabi ko sa kanya at sinimulang buksan ang styrofoam.

"Teka, bakit nga ba tayo dito sa swing kumakain?" Tawa na naman si Reagan.

Meron syang kinuha sa bulsa ng pantalon nya at binuklat ang isang malaking bulaklaking tela at nilagay sa ibaba namen.

"Wow ha! Effort na effort!" Komento ko at napahalakhak na din ng umupo sya sa ibabaw ng tela at nilagay ang kanyang pagkain sa ibabaw.

Ginaya ko din sya at mahinang nagpasalamat at hindi ako nakapalda ngayon.

Meron pa naman akong mood na feeling babaeng babae na nakadress at kung ano anong accessories pa.

"Ay mali! Dapat pala nakaboteng softdrinks ang binili ko!" Napapalo na lang si Reagan sa noo nya ng makita ang sitwasyon namen na hirap makakain gamit ang isang kamay.

Napangisi na lang ako sabay sabing,
"Oks na 'to. I can manage."

Napailing na lang sya at kinuha ang plastik ng softdrinks ko.

"Akin na muna 'to. Kumain ka na muna." Sabi nya at hindi na ako umangal pa.

Binilisan ko na lang kumain para makakain na sya.

Hindi nagtagal ng bente minutos ay tapos na akong kumain.

Tahimik lang sya sa aking tabi sa buong oras na kumakain ako.

"Oh, ikaw naman. " sabi ko at niligpit ang styrofoam at binalik sa plastic.

Kinuha ko ang plastic ng softdrinks namen at humigop ng sa akin.

Ngumiti sya at kumain na din.

Habang kumakain sya ay tinuon ko ang tingin ko sa paligid.

Tanging ang mga huni lang ng ibon at ang minsanang daan ng mga sasakyan sa subdivision ang maririnig mong mga ingay.

Hindi ganoon kainit sa pwesto namin dahil sa punong malaki na naliliman kame.

"Ang tahimik ng paligid no? Sana all!"

Hindi ko namalayang tapos na pala kumain si Reagan sa tabi ko ng humalakhak sya.

Inabot ko ang softdrinks nya at akmang kukunin ang pinagkainan nya ng hawakan nya ang kamay ko.

"Ako na, Oli." Sabi nya ng may ngiti.

Kinuha nya mula sa pwesto ko ang plastic at niligpit ang pinagkainan nya.

Nangibabaw ule ang katahimikan sa pagitan namin.

Tila may ayaw magsimula at tanging ang hangin sa paligid ay nakikisama.

"Kamusta sila Olga?" Pagsisimula ni Reagan.

Kapwa kaming nakatingin lang sa harapan at pilit iniiwasan magtagpo ang mga mata.

Napangiti ako dahil ramdam ko ang concern nya sa mga anak ko.

"Ayun. Lumalaking matanong at gustong malaman ang lahat ng mga bagay. Si Oliver naman nahihilig sa Science. Gusto nya palaging may kakaiba sa binabasa nya. Sa fairytales naman ang hilig ni Olga ngayon." Nakangiting sabi ko, sa harap pa din nakatingin.

"Lalaking matatalino yang mga anak mo. Mga bookworm." Komento nya sabay tawa.

Bigla syang tumahimik.

"Ang puso mo, kumusta? Wala na ba talaga?" Tanong nya sa garalgal na boses.

"Re-Reagan." Humarap ako sa kanya at nakita ang mata nyang namumuo ang luha na nakatingin sa harapan.

"Dyahe ka naman, misis ko. Wag mo naman akong tingnan ng ganyan." Natatawang pinipigilan nya ang luhang komento at pinunasan ang tumulong luha sa pisnge nya.
"Tssss. Humarap ka nga dun. Ayun oh. Tingnan mo, may tangang natapilok! Hahaha!"

"Rei." Nagsimula na akong maiyak.
"I'm sorry."

"Posible palang masaktan kahit hindi tayo 'no?" Natawa ulet sya at mas lalong parang nababara ang boses na banggit nya.

"Pinilit kong turuan ang sarili kong mahalin ka, p-pero." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pag-iyak.

"Pero mas mahal mo sya, gan'on ba?" Pagkompirma ni Reagan at napiyok pa.

Sa normal na pagkakataon, matatawa ako pero sa panahong yon, mas nahikbi ako ng makompirma ang katotohanang nasaktan ang kaibigan.

Napatango ako at kinakalma ang sarili sa kakaiyak.

Pinunasan ni Reagan ang luha ko gamit ang kanyang kamay.

Nakita ko ang gwapo nyang mukha at namumugtong mga mata na nginitan ako.

"Bakit kahit umiiyak ka, ang ganda mo pa din?" Ani ni Reagan at binatukan ko sya. "Ayan ka na naman! Ang bigat na naman ng kamay mo!"

Natawa na lang ako.

Same old Reagan.

The one guy who never fails to make me laugh.

"Yan! Keep that smile! Hindi ka naman pinapaiyak ni So Jin?" Tanong nya.

Umiling ako.

"Aba, dapat lang! Pumatak lang isang luha mo, babawiin kita sa kanya!"

Naging seryoso sya at tiningnan ang aking mga mata.

"Be happy always, Olivia." He said and kissed my forehead.

Nagsimula syang tumayo at binitbjt ang plastic namen ng mga basura at binigyan ako ng ngiti sa huling pagkakataon.

"Ikamusta mo na lang ako sa mga bata. Until then, Oli." He said and left me on my own.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro