Hindi Maglalaho, Hindi Magbabago

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Pagbabago" isang salita, ngunit mayroong napakalalim na kahulugan. Marami tayong gustong baguhin ngayong taon, dahil na rin naniniwala tayo sa kasabihan na "bagong taon, bagong simula." Maraming nagsasabi na ang pagbabago ay kailangan sa bawat aspeto ng buhay upang mapabuti ang iyong pamumuhay. Sa buong buhay natin ito ay karaniwan at naranasan natin ang mga sandali kung saan kailangan nating gumawa ng kaunting pagbabago sa ating gawain kagaya ng pag-alis sa ating pamilya, pag-iwan sa ating kapareha, pagpapalit ng lungsod, pangangahas sa isang bagong trabaho, at iba pa.

Minsan ang hirap gawin ng pagbabago, dahil na rin ang ating pagbabago ay maaring nakakabuti, ang ilan ay masama, at ang iba ay hindi nakakaapekto sa atin sa positibo o negatibong paraan. Ang ilan sa mga pagbabago kung minsan ay may kinalaman sa ating mga kaibigan, at ilan sa ating pamilya na maaring makaka apekto sa kanila. Kaya hindi natin nagawa ang pagbabago na iyon. Ang pagbabago ay maaaring kasing simple ng pagbabago ng iyong pang-araw-araw na gawain, o kasing kumplikado ng paggawa ng mga desisyon na nagbabago sa buhay.

Ang pagbabago ay isang makapangyarihang bagay. Ang ilang mga pagbabago ay wala sa iyong kontrol, at ang iba ay maaaring ganap na gawin ng iyong sarili. Anuman, binibigyang-daan ka nitong maranasan ang buhay, at matuto. Marami sa atin ang nagnanais ng pagbabago, sino nga ba ang hindi gusto ng pagbabago? Ngunit alam natin sa ating sarili na hindi lahat ng bagay maari natin na baguhin, may mga bagay na kailangang manatili at gusto natin na manatili kahit ilang taon pa ang lumipas.

Kung ako ang tatanungin, anon nga ba ang bagay na gusto kong manatili at hindi babaguhin? Isa lang ang sagot ko, ang aking sarili. Gusto ko na manatili kung ano ako ngayon. Sa ating bansa, marami akong nakikitang gusto nilang baguhin ang kanilang mga sarili. Dahil palagi nilang naririning ang salitang, "Bakit hindi mo baguhin ang sarili mo katulad ng iba riyan?" Naniwala ako noon. Ngunit hindi ito isang bagay na gumagana. Dahil doon napagtanto ko na hindi ka pwedeng magustuhan ng lahat ng tao sa mundo. Kung ayaw sa iyo ng mga tao: hayaan mo. Ito ay isang presyo na masaya kong babayaran. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko babaguhin ang aking sarili, mas pipiliin kong pagbutihin ang aking sarili kaysa baguhin ito. Ayokong baguhin kung sino ako. Gusto ko kung sino ako. Hindi ko nais na baguhin ang alinman sa mga ito upang masiyahan ang sinuman. Ayokong tumigil sa pagiging mabait para pabayaan ako ng mga tao. Ayokong magsimulang maglaro para maging mas kaakit-akit ako. Ayokong magsuot ng maskara na hindi bagay sa akin. Ayokong gumanap ng papel na hindi akin.

Pinipili kong maging ako. Pinipili kong hayaan ang aking mga iniisip na malayang dumaloy at ang aking mga salita ay walang halong hindi makatotohanan. Pinipili kong hayaang gabayan ako ng aking puso at ang aking intuwisyon na manguna.

Mas gugustuhin ko pa ang sarili ko at matalo kaysa mawala ang sarili ko para manalo.

Mas gugustuhin kong ipakita sa mundo kung sino ako at maaaring kunin ito o iwanan ng mga tao. Hindi ko hahayaan na baguhin ang mga bahagi na gusto ko tungkol sa aking sarili. Hindi ko hahayaan ang mga tao na sirain kung ano ang inabot sa akin ng maraming taon upang maitayo. Hindi ko hahayaan ang mga tao na gawin akong kamuhian kung ano ang inabot sa akin ng maraming taon upang mahalin at tanggapin. Hindi ko hahayaan na hubugin ang aking sarili sa kung ano ang gusto ng isang tao na maging ako o kung sino ang gusto ng aking ama na maging ako o kung sino ang iniisip ng aking amo na dapat maging ako.

Lilipas at matatapos man ang taon, 'tsaka muling sasapit ang panibagong taon. May mga bagay na gusto natin na maalis sa ating mga buhay, at kailanman hindi naging masama kung hihiling ka ng pagbabago, ngunit huwag kang humiling ng pagbabago kung alam mong hindi ka sigurado at ayaw mo na mawala sa 'yo. Katulad ko, kailanman ay hindi ko hahayaang maglaho ang bagay na ayaw kong mawala sa 'kin.

Kailanman ay hindi ko hiniling na magbago ang aking sarili. Sa halip ay pagbubutihin ko; ngunit hindi ko babaguhin. Dahil ang pagpapabuti ay iba sa pagbabago.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro