Thirty-one

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Then, why did you do that ten years ago?" Hindi maitago ang pait sa boses ko.

Dumaan ang gulat sa kanyang mata. Nang hindi siya makasagot ay tumalikod na ako kaya lang, bago ako makalayo, naramdaman ko ang kanyang paghawak sa aking siko. It was such a soft touch. A touch with gentle and care.

"I w-want to t-tell you everything-" He was halted by one of our member. Someone called him from afar that made our conversation interrupted.

Lumingon siya sa pinanggalingan ng tumawag at binalik din sa akin agad ang kanyang tingin. "Can we talk later?" he pleaded. His voice filled with hope.

I gulped and remove my arm from his huge hand. "B-Busy a-ako," tugon ko, bahagyang nahihiya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ko. "No, we can't. I don't want to talk to you," agap ko bago naglakad papaalis, palayo sa kanya.

What the hell?! I touched my cheeks using the back of my left palm. It felt hot.

Because the weather was hot! That's the reason. There's no other reason.

It ended with so much awkwardness between me and Matmat. My thoughts were clouded. I thought he wanted to tell me everything that happened years ago?

Or talagang nakikipaglaro lang siya? Was he testing me if I still like him? Gosh, no way! I moved on. We all moved on. Nakabangon na nga ako tapos babalik na naman ako sa past? Ayaw ko na no'n. Masyadong naging malupit ang nangyari noon.

Patuloy ang pag-ikot ko sa kama. My head aches! I can't sleep! Bumaba ako sa kama. Nakadapa si Matmat sa kanyang higaan. I decided to go outside and have a walk.

I was just wearing a button down long sleeves dark green tunic dress with an open neckline. Nag-crossed arms ako at hinayaan na tangayin ang aking buhok at ang suot ko.

Kita ko na may mga tao pang gising at nagbo-bonfire. May mga nag-iinuman din na magkakaibigan o magkakatrabaho. There was even a couple that were making out on the lounger. I looked away. Pwede naman nilang gawin sa private area 'yon. Go get a room!

My feet brought me into a secluded area. There's a small cave near me and I went there. Tumindig ang balahibo ko nang makita kung gaani kadilim ang loob. Good thing that I brought my phone with me.

I turned on the flashlight and saw what's inside. There was a lot of bats hanging up there. There were also some carvings on the place.

Papasok pa sana ako nang makarinig ng mga tagtatawanan. I turned my head to them. There were some guys walking towards my direction. Tatlo sila.

Napalunok ako dahil sa mga laki ng katawan nila. Puro sila mga lalaki at mukhang nakainom. Agad kong pinatay ang flashlight ng phone ko at nang bumalik ako ng tingin sa kanila ay nakita na nila ako.

Tatakbo na ba ako? Gusto kong tumakbo palayo sa kanila dahil mukha silang creepy. Dulong bahagi na ito ng isla at wala na akong ibang matakbuhan.

Kung tatakbo man ako at pupunta pabalik sa room namin, makakasalubong ko rin sila. I tried to act calm and relaxed and started walking away from the cave.

"Ganda ni Miss, oh," they said.

Palagpas na sana ako sa kanila kaya lang hinawakan ako sa braso ng isa nilang kasama. Our eyes met. Nakangisi ito sa akin. "Naliligaw ka ba, Miss?" His smirk grew wider. "Tara sa bahay."

I tried to pull my left arm away from him but his other friend hold me on my right, not letting me go. Lumakas na ang pintig ng puso ko at para na akong maiiyak.

"Bitaw p-please..." I pleaded with my shaky voice.

Ang isa nilang kasama ay nasa harapan ko na. His thumb grazed my chin and forced me to look on his eyes. The side of his lips rose up. I-Ikaw 'yong chicks na volunteer, ah." Looked like he already knew me.

"Ano bang gusto niyo, huh?!" matapang kong tanong kahit natatakot ako sa loob ko.

"Ay, matapang, oh!" Tumawa ang humahawak sa sa kaliwa ko. Pinipilit pa rin na pumiglas mula sa kanila. Nilapit niya ang mukha sa aking leeg at ramdam ko ang baho ng kanyang hininga.

"Let her go or else you guys will go to hell."

Napasinghap ako ng marinig ang boses niya. Boses ni Matmat. Umalis ang nasa harap ko at mukhang hinarap si Matmat. Gusto ko nang makaalis dito. Baka mapahamak siya. Baka kung anong gusto nilang gawin sa kanya.

"Sino ka naman? Boyfriend ng chicks ko?" nanghahamon na tanong nito kay Matmat. Nasa likod ko sila.

"You should not treat a girl like that. Not. My. Woman." Mariin ang pagkakasambit niya non.

The man laughed like an evil. "Bitawan niyo na nga 'yang chicks," he commanded. The two men on my sided let go of my arms.

Bumaling agad ako sa aking likuran. Si Matmat ay nakatingin sa lalake gamit ang galit niyang mata at nakakuyom ang kamao.

He turned his gaze on me. He handed his hand. "Tara na," he told me His voice were soft.

"Gago ka ba? Sa tingin mo papalampasin ka namin? Malapit ko nang matikman si Miss Ganda pero sagabal ka!" the man hissed.

Ang dalawa nitong kasama ay lumapit din kay Matmat. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya. "H-Huwag... Huwag niyo siyang sasaktan... please..." pagsusumamo ko. Naramdaman ko ang bigat sa paghinga niya.

I don't know what I was doing that time. Maybe I was not in myself that tine because I just got scared. May dumating din kaagad na tumulong sa amin at hinuli ang tatlo. Hindi raw sila tagarito. Turista lamang sila.

Tahimik kaning dalawa nang makabalik sa kwarto. "Are you okay? Did they hurt you? May masakit ba sa 'yo? Bakit ka pumunta roon?" sunod-sunod na tanong niya.

Nakatalikod ako sa kanya at nakaharap sa kama. In turned around to face him. "Thanks but I'm tired, Matmat. Matutulog na ako." Tatalikuran ko na sana siya kaya lang bigla nita akong niyakap. Isang mahigpit na yakap. "M-Matmat... B-Bitaw..."

"Your hug. The way you hugged me... I could feel that there's something," he muttered.

I gathered all my strength to push him. Pagod ko siyang tinignan. "Tama na, huh?" pakiusap ko. I licked my lower lip. "Wala lang 'yon, okay? Yakap lang 'yon. Wala 'yon," mariin kong sambit sa kanya.

"Feel something to me, Aemour... Tatanggapin ko lahat... Kahit galit... o paghihiganti na galing sa 'yo, tatanggapin ko lahat. Titiiisin ko..."

"I don't feel anything to you." I scoffed and shook my head. "Why would I feel something? Naging bato na 'tong puso ko, Matmat." I pointed my chest repeatedly.

"Paano 'yan, hulog pa rin ako sa 'yo," he uttered in a very soft voice.

I chuckled in disbelief. "Paano naman ako na sinaktan mo? Sukuan mo na ako. Let's not see each other again after this," mariin na sambit kong muli.

"Mahal kita, Aemour, kaya bakit kita susukuan?" May bahid ng sakit ang pagtanong niya sa akin.

My heart ached. Tears poiled my eyes but before he caught me crying, I stood up in stern and I went to bed.

"Ayaw ko nang makita ka," bulong ko sa sarili. Tahimik akong napahagulgol. Mahina kong hinampas ang aking puso. Tanga. Bakit kapag nakikita ko siya, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko na parang baliw? Bakit ako nag-alala nang ganoon? Bakit ko siya niyakap?

I should avoid myself to him. We should never meet again. At all costs.

"Bakit tumigil ang bangka, Manong?"

Aalis na kami kinabukasan at nasa bangka na. Ready na umuwi. Okay na, eh. Halos makalayo na kami ng isla kaya lang biglang tumirik ang makina. Kanina pa pinipilit na paandarin ngunit wala. Walang nangyayari.

As much as I want, Matmat and I should... I mean, we must never interact again. Like never.

"Nasira po 'yong makina, Ma'am."

But damn, magkasama kami sa iisang bangka at nasira pa ang makina! Wala kaming magawa kung hindi bumalik sa isla. Isinagwan iyon dahil hindi pa naman kami nakakalayo.

Pakshet talaga!

Siniko ako ni Xean habang nakaupo kaming dalawa rito sa waiting area kapag magche-check-in. Nilingon ko siya, nakakunot ang noo. "Ano, kamusta?" He grinned.

I rolled my eyes. "Tigilan mo 'ko, Xean," masungit kong sambit sa kanya at bumaling sa paa ko.

I heard him laughed a bit and then sighed. "Narinig ko ang balita. Gago, may mga ganoon talagang klase ng lalake, 'no? Napakabastos naman. Okay ka lang ba?" he asked, worried.

Tumango ako. "Oo naman..."

Halos mag-lunch na nang naayos ang makina. Nakahinga ako nang maluwag nang malaman ang balita. Nakakalungkot na aalis na kami rito. It was a fun experience helping those who needs help. Nakakataba ng puso ang mga ngiti ng bawat indibidwal na natulungan namin. Kita ang saya sa kanila. Makikita mo na they appreciated everything we did.

Hindi ko na lang isasama sa memorya ko ang nangyari kagabi. Kakalimutan ko na lang iyon at ibabaon dito ang alaala na 'yon.

[Girl, what?! Matagal na pala kayong nagkikita?!] Millie exclaimed on the other line.

"Hindi kami nagkikita! Nagkakataon lang na magkita!" I explained. I massaged my temple before I laid down myself on my bed.

Niyakap ko ang unan ko sa gilid. [What a small world nga naman!] She heaved a sigh. [Oh, ano? Kamusta ka naman, huh? Puntahan ka namin ni Amara gusto mo?] she suggested.

I let out a small pout. "Hindi na... Okay naman na ako. Atsaka matagal na 'yong nangyari."

[Pupunta pa rin kami riyan! Miss ka na ng mga inaanak mo. Hinahanap ka sa akin ng mga 'to! Ako ang nagdala ng siyam na buwan tapos ninang lang pala hahanapin Si Amara na tatlo ang anak at siya nagpalaki, ikaw lang pala hahanapin ng mga bata!] she hissed before she chuckled.

"Ako yata ama ng mga anak niyo," I joked. We talked for a while before I dozed  off to sleep.

Kinabukasan ay nag-jog ulit ako kasama si Gido. Nag-grocery na rin ako ng mga kailangan ni Mama. I cleaned my room and the bathroom. I did a lot of things to distract myself from my thoughts about 'him'.

Pumunta rin ako sa store at doon ako magdamag. Noong mag-gabi na at nagsara na ako ay umuwi rin ako kaagad. Nag-video call kami saglit ni Rissa.

Then, I checked my emails. One email caught my attention. It was stated there that a film director-producer wanted to do an interview for those who were successful now despite the hardships we encountered.

Kaya naman kinaumagahan ay sa store agad ako dumiretso. Pinag-iisipan ko pa iyon. Kaya lang, pagdating  ko agad doon ay naroon na ang lalaki na nagpadala ng email sa akin.

Matmat's friend. Levi.

Wow, so he was a film director and producer now and wanted to do an interview for his show. Casual lang ang suot niya at namimili ng displays sa may glass counter sa may cashier.

"I wanted to do this project, Miss Aemour. And I want you there." Kaibigan siya ni Matmat kaya hindi malabong baka kasama rin si Matmat sa i-interview-hin.

"Pag-iisipan ko..." Ang tanging nasabi ko sa lalaki.

A week after, I found myself sitting on a room with set of cameras in front of me. They made me wear one of my designs.

Nagtanong sila sa naging buhay ko. Kung paano ko nairaos ang sarili ko sa hirap at problema na dumaan sa aking buhay.

Tanging tugon ko sa kanila ay naniwala ako sa Diyos. Naniwala ako na hindi Niya ako bibigyan ng problema na hindi ko kayang solusyonan. Nabanggit ko rin si Ate at Mama na siyang sumusuporta sa akin pati ang aking mga kaibigan ko.

Dagdag ko pa ay maging madiskarte at huwag susuko sa buhay. "Lahat tayo ay may bagyo, alon, at gabundok na problema..." I smiled on the camera. "But let us all remember that we will overcome them... With Him and in time..." Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. May mga engineers, entrepreneurs at iba't ibang tao ang naroon.

Nagpasalamat pa sa akin si Levi at nagkausap saglit bago ako umalis. Nag-sorry pa ang lalaki dahil baka hindi raw ako komportable. I told him that there's nothing to be worry about. Mababait naman ang nakasama ko roon.

Paglabas ko ng building ay saktong pagsalubong ko kay Matmat. He was wearing his doctor's coat. Iiwas sana ako ng daan pero humarang siya sa harap ko.

"Ano na naman?" masungit kong tanong.

"W-What are y-your thoughts about... courting you a-again?" He licked his lower lip, waiting for my response.

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro