Twenty-two

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Happy monthsary, aking sinta, aking mahal, diyosa ng buhay ko, muse ko, tahanan ko, president ng puso ko."

Nasa beach kami at binasa ang aming paa sa agos ng tubig sa tabing-dagat. Tinatangay ang aking mahabang buhok dahil sa hangin. Naka-sleeveless at light blue broad shorts samantalang ako ay naka-loose white longsleeves at swim shorts. Sa haba at luwang ng suot ko pang-itaas ay para na akong walang suot sa ibaba at nag mukha itong dress.

I chuckled upon hearing all of his endearments to me. "Happy monthsary!" I jumped into him and hugged him tight. Binuhat niya ako, binti ko ay nakapulupot sa kanyang baywang, mga braso ko naman ay nakayakap sa kanyang leeg. "I love you," I whispered.

He smiled and leaned forward to kiss my forehead down to my nose. "I love you, too" he uttered. "Let's spend this moment without worries."

Hindi ko maalis ang ngiti hanggang ngayon dahil sa lapit namin at sa lugar kung nasaan kami, at siyempre, dahil kasama ko siya.

He licked his lower lip when his eyes drifted to my lips. I gulped and gazed my eyes around to see if there's a lot of people. There were few. Bumaling akong muli sa kanya na nakatingin na ngayon sa aking mata at kita ko ang kanyang Adam's apple na gumalaw.

"Baka mabigat ako, ah! Ikaw, lagi mo na lang akong binubuhat." Napangisi ako pagkatapos nang marahan niya akong binaba at hinawakan ang aking kamay.

"Nagp-practice lang ako kung paano ka bubuhatin pagkatapos ng kasal natin," sabi niya nagpakabog ng aking dibdib. Side of his lips rose up when he saw my reaction. He used his other hand to pinch my cheek. "Nag-iimagine ka na naman," he said, teasing me.

I scoffed and lightly punch his arm. "Hindi, ah!" defensive kong sagot.

Naglakad kami sa dalampasigan nang magkahawak-kamay. Mamaya ay may klase pa siya ng hapon kaya ginamit namin ang pagkakataong mai-celebrate ang monthsary namin dito sa beach.

On his birthday next month, we planned to celebrate his birthday here too. Nagandahan kami sa lugar at napag-usapan na kapag ikakasal na kami, rito namin gusto.

"Should we get a room?" tanong ko nang may ngisi sa labi sa gitna ng aming paglalakad at nag-angag ng tingin sa kanya.

"Ngayon na?" he asked back, now grinning again and met my eyes.

I twisted my lips and smirked. "Then... Can we do 'that thing', then?" I pressed his hand. "You have may consent naman... And I'm prepared... In case," I stated.

He gasped dramatically. "Aemour?" hindi makapaniwalang aniya. Napanguso ako sa kanyang naging reaksiyon at binitawan ang kanyang kamay at nagtatampong iniwan siya roon. "Mahal!" tawag niya at nahabol ako agad. Ang haba ba naman ng mga binti!

"Tinatawanan mo naman ako," masungit kong sambit sa kanya at yumuko.

"On our first anniversary... Let's do that... Here... Let's book a room and make love there..." My eyes quickly gazed at him because of his remarks.

"Talaga?" parang batang tanong ko. Para akong bata na natupad ang isa sa mga wish.

He nodded and gave me warm smile before cupping my face. "I want our first to be special. Okay bang dito o sa ibang lugar mo gusto?" he asked in a very low voice.

Halos kumawala na ang dibdib ko sa pinag-uusapan namin ngayon! Huminga ako nang malalim. "Okay lang kahit dito o saan... Lahat ng gawin nating dalawa special para sa akin." Yumuko siya para pagkuskusin ang aming mga ilong.

Bumalik din kami sa kung saan namin iniwan iyong blanket na nakalatag sa sand at umupo roon. Nasa ilalim iyon ng shade ng puno. Nagdala kami ng pagkain naming dalawa at kinain iyon.

Hindi ko maintindihan... pero sobra akong excited dahil first time namin iyong gagawin... Nai-imagine ko pa lang ay mas lumalakas ang tibok ng puso ko. Makakaya ko kaya? Baka naman hindi kasya 'yong kanya sa akin...

Sinulyapan ko ang kanya at agad na umiwas ng tingin nang makita ito. Hmp, bakit naman... nakaganoon?! Baka mahimatay ako kapag makita ko na nang buo... at kapag nasa loob ko na siya, gumagalaw...

Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin sa isip ang mga iyon. Muli kong tinignan si Matmat na nasa magkabilang gilid ang kamay bilang suporta habang nakaupo, nakapikit habang dinadama ang simoy ng hangin. Humilig na lang ako sa kanya habang kumakain ng sandwich, nakatanaw sa dagat.

Tiningala ko siya at saktong nagkatinginan kami. He smiled and reached for my hand and gently squeezed it. "I can't stop myself from imagining things, Aemour. Baka mapaaga pa sa anniversary natin," aniya.

I jokingly tsked. "Sabi mo, you're a man but your respect is bigger than your desire." I squinted my eyes at him.

"I'm losing my sanity when I'm with you... I just control myself dahil ayaw kong mabastos kita..." Kinuskos niya ang ilong sa leeg ko na nagpakiliti sa akin.

"I'm yours. You can freely touch me and kiss me..." pahina kong saad.

Muli niya akong binalingan, pumumungay ang kanyang mata. "I want to keep my words... And as much as I want to do those, my respect for you outweighs."

Matagal kaming nag-usap at naisip ko ang isang bagay na hindi pa namin nagawa ngayon. "Picture tayo!" I looked for my phone and found it and went to the camera app.

Nagulat ako nang magtanggal siya nang pang-itaas at lumantad sa akin ang iron clad niyang dibdib at tiyan pati na rin ang ma-muscle muscle niyang braso. I just extended my arms, holding the phone, and we both smiled. Sakto pagkapindot ko ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi at iyon ang nakuhanan. Hinampas ko siya sa braso. "Landi mo!" komento ko, natatawa. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang katawan. Inaakit ako, takte!

"Sa phone mo naman!" Kinuha niya ang cellphone at in-unlock ang screen. Napansin ko pa na ang homescreen wallpaper niya ay ang baby picture ko. "Saan mo 'yon nakuha, huh? Ini-screenshot mo siguro 'yan sa post ko sa IG!" I accused him.

Napahawak siya sa dibdib na parang nasaktan. "Says someone who stalked my accounts first," he mocked.

Agad napaawang ang aking labi. "Crush kita, eh!" rason ko. "I was enchanted to meet you that time so I immediately scrolled through your social media since hindi mo naman ako pinapansin!" I grunted.

Napailing na lang siya habang natatawa at bigla akong kinuhanan ng litrato. Nakakunot pa naman noo ko roon at nakanganga pa! "Hoy! Sabi ko picture tayo hindi picture-an mo ako!"

Sinubukan kong kuhanin ang kanyang phone pero nakatayo siya agad at nilayo ito sa akin. "Okay, I'll delete it." May pinindot siya roon bago ibinigay sa akin.

Kunot noo kong tinanggap ang phone niya at naka-lock pa ito. Pagka-open ko ang bumungad ang aking mukha na nakanganga at nakakunot and noo!

Bago pa man ako makapagsalita ay hinablot niya ang phone mula sa akin, tumakbo siya palayo kaya hinabol ay ko.

Pumunta siya banda sa may dalampasigan at nang malapit na ako sa kanya ay dumiretso siya sa roon at basa na hanggang tuhod.

Sinipa niya ang tubig papunta sa aking gawi kaya bahagya akong nabasa. "'Yong phone mo, mahulog! Basa ka na!" paalala ko habang patuloy niya akong binabasa ng tubig.

"Ako, hulog na hulog sa 'yo!" pasigaw na tugon niya. Itinaas niya ang cellphone. "This is waterproof!" he told me. Kinuha ko pa rin 'yon at hindi na pinansin ang picture ko at patakbong ibinalik sa bag niya at nagtanggal din ako ng pang-itaas ko at bumungad ang beige kong bra.

Tinakbo ko siya roon at hinayaan nang maging basa. Hindi ako nagpatalo hanggang sa basang-basa na kaming dalawa. Binuhat pa niya ako at habang nagtatakbo sa dagat. Nang nakawala ako sa kanya ay tinulak ko siya. Para kaming mga bata pero napakasaya naming dalawa. Ang sakit na nga ng pisngi at tiyan ko kakatawa.

"Wala akong extra na damit!" Tsaka ko lang naalala nang makabalik sa pwesto namin kanina. Dahil sa pareho kamin basa, tumutulo ang tubig hanggang sa paanan namin lalo pa na mahaba ang aking buhok. Nakaramdam din ako ng lamig dahil sa hangin.

"Nilalamig ka na... Wait, I have," he said while going through his bag that he brought. "Malaki nga lang 'tong shirt at short sa 'yo." Nang mailabas, itinapat niya sa akin ang hawak na damit pati na rin 'yung short. Paano ba naman ay jersey short niya 'yon, ang t-shirt naman ay mukhang large ang size kaya malaki! Small lang ako pero ayos na rin basta mayroon!

"Paano ka?" nag-aalala kong tanong at tinanggap iyon. May nilabas siyang sando at maong short mula sa kanyang bag. "Wow, boy scout 'yan? Laging handa." I chortled. Nahuli ko siyang tumingin sa aking katawan bago nag-iwas ng tingin. "Nagagandahan ka ba sa katawan ko?" I asked lowly and held tightly his clothes that he gave me.

"You're always sext for me. Everything in you is perfect." He lowered his head and gave my nose a soft kiss.

Nang makapagbihis kami ay ibinigay ko sa kanya ang gift ko sa aming monthsary.

"I knitted you a different colors of bonnet!" I excitedly said. "Iba-ibang colors pero lahat ginawa ko nang may pagmamahal!" proud na saad ko at binigay sa kanya ang paper bag na laman ang mga gawa ko.

He smiled like a child upon accepting the paper bag and opened it. Isa-isa niya iyong tinesting at hindi maalis ang kanyang ngiti.

Mas naging inspired ako sa mga sumunod na araw at naging excited sa mga darating na araw. I'm also excited for the upcoming fashion show. Boyfriend ko ba naman ang model!

Matmat asked for help the other day to choose a curtain for their house and to put them up. Sinamahan ko siyang mamili ng design at color dahil gusto niya ng something new sa bahay bago umuwi si Tita Morgan para sa kanyang birthday.

As we finished hanging them up inside their house an old lady knocked on their gate and asked us to help her wash her bedsheets because her back can't take it anymore.

Hindi kami nagdalawang isip na tulungan siya at kunin ang mga nais niyang ipalaba dahil kuba na siya at wrinkled na ang balat. We went to her house. It was clean and neat. Sakto lang ang laki kaya lang, wala akong napansin na ibang kasama niya.

"Wala po ba kayong ibang kasama sa bahay?" malumanay na tanong ni Matmat at naunahan ako. Well, curious kami pareho.

Narito kami sa likod ng kanyang bahay. Wala siyang washing machine kaya nag-manu-mano lang kaming dalawa. Madalas daw niya kasi kaming makitang magkasama at alam niya raw na mabait kaming dalawa. Magaling nga siyang mangilatis ng tao.

Nakaupo niya kaming pinanood sa isang kahoy na upuan na mukhang gawa lang. "Wala akong anak at asawa..." mahinang sagot ni Lola. She heaved a sigh and looked up the sky.

"Kami na lang po anak niyo, Lola! Aalagaan ka namin!" I commented habang nagkukusot to ease her feeling.

She smiled warmly. "Naku, hija, nakakahiya naman at nagpalaba ako sa inyo tapos aalagaan niyo pa ako!" aniya, natatawa.

"How did you live by yourself po?" Matmat asked again.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa at nakinig sa usapan nilang dalawa. "Mayroon akong first love." She chuckled like she remembered those old good times with her first love. "Hindi kami sa dulo dahil may nangyaring aksidente. Pero alam ko na kahit wala na siya sa aking tabi, ramdam ko pa rin ang pagmamahal at binabantayan niya ako..."

I turned my gaze to my boyfriend and he was looking at Lola with amusement in his eyes.

Hanggang sa natapos na namin ni Matmat ang paglalaba at nasampay na ito, pinameryenda pa kami ni Lola ng tinapay at kape.

Bumalik muna ako sa bahay nil Matmat pagkatapos no'n dahil may naiwan akong gamit.

"Sakit ng likod ko," mahinang reklamo ko bago nagsimulang mag-stretch ng mga braso palikod at umupo muna saglit sa kanilang couch upang magpahinga at pinikit ang mata.

"Halika, imamasahe kita," he suggested. Naramdaman kong umupo siya sa aking tabi.

Agad akong nagmulat at tinignan siya. My face heated. How could he said that easily?! "D-Dadapa b-ba a-ako?" kinakabahan kong tanong.

The corner of his mouth lifted up. "Uh, yes?" patanong niyang sagot.

Hindi ko rin mapigilang mapangisi. "M-Maghuhubad ba ako?" I leaned closer to his face and looked at him in the eye.

I saw his Adam's apple moved. "Aemour, you're being naughty again." I let out a soft chuckle and crinkled my nose. He pinched my nose before planting a kiss on my forehead.

Doon sa kanyang kwarto niya ako pinapunta para makadapa raw ako nang maayos. Hindi rin ako nakatanggi dahil sa... gusto ko rin.

He massaged my back gently na para bang pinakaiingatan niya ito. His touches were magical. I groaned when he pressed my upper left back. "Diyan..." nakapikit kong sambit habang nararamdaman ang masahe niya.

Unti-unting bumigat ang atmosphere kaya pinatigil ko na siya. "Is your back okay? Saan pa masakit, hmm?" he asked softly when I seat in front of him, here in his clean bed. Nasa side siya ng kama at nakaharap ako sa kanya, naka-Indian seat at pinagmasdan.

"Did you ever dream of me in your bed, bedsheets becoming wrinkled and messy and it smells like me? At mga buhok ko naroon? At mukha ko sa kama kapag nasa itaas kita?" seryosong tanong ko na nagpabilis ng kanyang paghinga.

"I'm trying to hold out, Aemour..." He shut his eyes. "I'm really trying..." He moved forward and stroke my lips using his thumb. "You're such a temptress," he uttered using his croaky voice.

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro