Innocent Man

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kanina ko pa ninais na maidlip saglit kaya lang hindi ko maiwasang mapaisip kung anong madadatnan ko doon sa aking pupuntahan, ngunit sa kaloob-looban ko ay excited ako sa trip kong ito. Minsan lang kasi at libre pa kaya hindi na ako humindi.

Upang mailihis ang aking atensyon ay nagpatugtog na lang ako sa i-tunes ng broken angel. Medyo luma na ang kanta pero feel ko parin ang mensahe nito lalo na't kapangalan ko amg title at para na rin akong lonely broken angel.

Maagang namatay ang Papa ko dahil sa heart attack nung 11 years old, ang Mama ko naman ay may bagong asawa matapos ang isang taon niyang pagiging byuda. Para sa akin, isang insulto iyon dahil pinalitan niya agad si Papa at mukhang hindi siya affected sa pagkamatay nito, bagay na ikinagalit ko sa Mama ko. Ang sabi pa niya'y alam na niya na hindi magtatagal ay papanaw na si Papa at kaya lang daw siya nagpakasal dito ay dahil sa kagustuhan ng parents niya. Arrange merraige kung tutuusin.

Si Papa lang daw ang nagmamahal sa kanila at napilitan lamang siya and they had me. I was born not because of love kundi dahil sapilitan. They named me Angel for no reason para sa akin dahil kabaliktaran nito ang personalidad ko.

May kapatid sana ako kaya lang ay nakunan si Mama nung 1st trimester niya. Hindi niya alam na buntis siya that time kaya hayon nagwalwal ang Nanay ko kasi sunod-sunod ang bwenas na dumating, nakasal sila ng asawa niya, nagkapagpagawa sila ng bahay dahil bininta nila ang dating bahay, and they started a business at lumago ito but the unfurtunate thing happened. Huli na nang malaman nila na buntis siya at the worst is ako ang sinisisi nila. Galit ang stepfather ko sa'kin na minsan pa ay nananakit na siya at hindi man lang ako pinagtanggol ng Mama ko.

'She's not the mother I used to know'

At first natiis ko pa iyon pero tama sila, kahit anong pagtitiis mo ay may hangganan din kaya I decided to leave that fvcking house at lumipat sa appartment. I lived alone at doon ko naranasan kung paano mag doble kayud para may pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan, sa mga gastusin sa appartment at para may pambayad sa tuition. Yung trabaho ko puro sideline, puro part time job, ang hirap din kasi magtrabaho lalo na't nag-aaral ako at the same time. Kahit mahirap ay nasanay na ako.

Saka ko pa lamang namalayan na umiiyak na pala ako dahil panay ang patak ng luha sa kamay ko. Napaka sensitive ko talaga. Agad ko iyong pinunasan dahil baka mapansin ng driver na tahimik na nagmamaneho nitong van.

Sa hinaba ng byahe ay nakarating na rin kami sa port kung saan sasakay daw muna ng yati para marating ang isla na iyon.

Akala ko ay malulunod ako kakaisip dahil mag-isa na naman ako sa yati ngunit mali ako dahil tumambad sa akin ang mga pasahero nito. May mga grupo ng kababaehan na panay ang selfie at pagandahan ng kanilang mga outfit at kapansin-pansin din ang mga kalalakihan na nagku-kwentuhan sa may railings tangay ang mga bote ng beer.

May ilang mga foreigner at karamihan ay mga pinoy.

Nagkibit balikat lamang ako dahil kahit marami kami rito sa malaking yati ay wala akong kakilala.

"Hey, there you are. Kanina kapa namin hinihintay. Kasi naman si Madam Venus ayaw pa talaga paalisin ang yati kung hindi daw kayo kompleto!" Anang bakla na sinalubong ako ng beso. Nagtataka man ay ngumiti na lamang ako.

As if naman na kasalanan ko kung bakit ang tagal nilang lumarga. Edi sana  iniwan na lang nila ako. Taena nila.

"Good thing you're here na. Samahan na kita sa cabin mo para ilagay itong mga gamit mo. Medyo malayo pa dito ang isla." Aniya at naunang naglakad patungo sa isang pinto kung saan ito'y entrance patungo sa mga cabin. Tahimik lamang akong sumunod habang hila-hila ang maleta ko. Nahihirapan pa ako dahil sa tinatangay ng hangin ang mahaba kong damit na parang daster na kulay yellow at may floral design.

'Tanginis talaga, kung 'di lang dahil sa mga bayarin ay hindi ko gagawin ito.'

#

Agad kaming sinalubong ng mga crew ng isang private resort dito sa Palawan. Binigyan pa kami ng buko juice para daw pampa refresh.

"Hi dear, mabuti at nandito kayo on time." Salubong nung Madam Venus ata dahil pamilyar na sa akin ang mukha niya. Sa wari ko'y nasa 40's na siya pero halatang maalaga sa sarili dahil ang ganda parin niya.

"Hi madam V!" Bati nung mga kasamahan ko. I think sila din yung mga nakuha niyang model para sa kanyang bikini fashion show at birthday party niya at the same time. Kaya nga libre dahil isa rin ako sa mga model niya at malaki ang premyo kaya hindi na ako humindi. Isang beses lang naman at hindi na ako uulit.

Hinatid na kami sa aming mga kwarto at kada kuwarto ay apat ang mag-uukupa, pero swak din dahil malalaki anh mga kwarto pero naiilang naman ako sa mga kasama ko dahil pakiramdam ko hindi kami maglilink. Ang tataray kasi.

"Really? Isa kang model? Hindi halata, akala kasi namin janitor ka."

Imbes na patulan ay lumabas na lang ako ng kwarto para iwasan sila. Taena! Ayokong magulo yung pinunta ko dito, sayang naman ang kikitain ko.

Nagtungo ako sa seaside upang lumanghap ng hangin. Isang bagay kung saan napapanatag ang utak ko dahil pakiramdam ko ay nari-relax ako dahil sa malamyos na ihip ng hangin mula sa karagatan. Siguro ay pagkakataon ko na ito upang iwan muna ang problema ko.

Habang nakatingin sa dagat ay may nahagip ang paningin ko.

Lalaki!

Taena!!

Mula sa malayo ay tumatakbo ito patungo sa cottage. Nakasuot siya nga boxers at kita ko ang malapandesal niyang katawan.

Napatingin ito sa akin kaya agad akong nag-iwas mg tingin.
Lumapit ito sa akin at ngumiti.

"Hi!" Biglang saad niya sabay ngumiti ng malapad.

Napataas ang kilay ko dahil hindi parin mawala ang ngiti niya. Kaasar! Bakit ang gwapo niya ngumiti?

"I saw you looking at me. You need something?" Tanong nito. Mabilis akong lumingon sa kaliwa't kanan kung ako ba kinakausap niya at mukhang ako nga dahil walang ibang naroon kundi kami lang.

"Wala naman akong...I mean bakit ka ba nag-e-english?" Singhal ko sa kanya. Taena siya hindi ako marunong mag-english!

Bahagyang kumunot ang noo niya at maya-maya ay tumawa. Ang weird lang nito.

"Hahahaha!"

"Gago!" Pagmumura ko. Kingina naman anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Hey I was just hahaha. Never mind." Saka ito tumakbo pabalik ng cottage. Napansin ko naman ang matambok niyang pwetan na nag mistulang mga jelly sa paningin ko dahil yumugyog ito dahil sa kanyang patakbo.

*tulo laway*

Taena talaga ng naisip mo babae!

#
Unang araw sa resort ay nag-photoshoot muna kami at nag island tour para sa aming bikini attire at binalandra namin ang aming mga two piece bikini na denisinyo mismo ni madam Venus.

Masyado akong nanliit sa nakita ko dahil ang malalaki ang mga hinaharap nila habang ako, heto at sakto lang. Tanginis lang dahil boobs pa lang ay talo na ako. Sheytt! Pack up na ako.

#
"Ready na ba ang lahat?" Tanong nung baklang si Aljhea sa amin, ngayon naman ay rarampa na kami sa stage para sa preliminary night, sa next day pa ang final dahil isasabay daw nila sa mismong araw ng bday ni Madam V. 

Nagsimula na kaming rumampa sa stage at dahil pangalawang beses ko lang ito gagawin ay kinakabahan ako.

Baka kasi sa gitna ng runway ay matapilok ako. O baka matanggal ang tali ng suot kong bikini o baka...

"Hoy! Ikaw na sunod!" Bulyaw sa'kin nung bakla kaya dahil sa gulat ay tumalima agad ako at nalimutan ko na ang partner ko na mabuti na lang ang nakahabol sa'kin.

Habang nasa runway ay pilit kong tinatago ang kaba ko.

Ramdam ko ang mga titig ng mga hurado at ng mga nanunuod sa akin. Panay ang palakpakan nila at maging ang music ay kumakalabog sa lakas.

Ang hindi ko lang inaasahan ay makikita ko siya.

Biglang nawala ang ingay sa pandinig ko. Para akong nabingi nang tumama ang mga mata niya sa paningin ko. Nagka-eye to eye contact kami at biglang..

Tumatalbog ang puso ko.

King inang kaba ito!

Dahil pakiramdam ko at isa akong talunan sa tagpo namin kahapon ay mas ginalingan ko pa ang rampa sa runway na halos hindi na kami mag synchronize ng partner ko.

As if I'm saying, 'bobo man ako sa english, full package naman sa beauty and body'.

Feeling ko talaga bawing-bawi ako.

#
Maaga akong nagising dahil ayokong makasalubong ang mga kasama ko sa kwarto, sa hindi ko trip ang aura nila. Ang yayabang kasi, puro naman fake.

'As if mananalo ka sa competition na 'to bitch!'

'Yeah! Sisiguraduhin namin hindi ka makakatungtong sa finals!'

Ang high talaga ng apdo nila. Akala mo naman kagandahan eh pareho lang naman kami mga bobo sa english!

Pumasok na ako sa banyo at nagligo. Solo ko ang banyo kasi nga tulog pa yung mga bitches dahil mga lasing kagabi after nung event.

Naalala ko tuloy yung nangyari.

Flashback

Matapos ang event ay nagpunta ako sa tabi ng dagat para magpahangin at upang pakalmahin ang puso ko.

"Hey!"

"Putakti! Nanggugulat naman eh!" Singhal ko sa kanya.

Tumawa naman ito at naupos sa tabi ko. Aba! Feeling close lang!

"I didn't know you're a model. You look so awesome on stage!" Pagmumura niya. Tangina mapapa-english ako nito. Sakit sa balunbalunan dahil hindi ako marunong.

"Hahaha parang surprise!" King ina ano ba itong sinasabi ko.

"Na surprise nga ako."

Nagtatagalog siya?

"Tangina mo nagtatagalog ka pala! Nahirapan tuloy ako umintindi!" Dahil sa inis ko'y pinaghahampas ko siya. Tumawa pa ito lalo.

Naisahan ako doon!

"Pero seryoso! Ang ganda mo kapag nasa stage." Wika niya gamit ang seryosong boses at umayos ng upo. Nahiya tuloy ako.

"Talaga? Pero pakiramdam ko hindi ko talaga forte yung rumampa at ibalandra yung katawan ko." Malungkot kong saad.

Kahit na nagawa ko na ay hindi ko mapigilang manlumo pagkatapos kasi pakiramdam ko nawawala ang dignidad ng pagkababae ko. Turo pa ni Papa sa akin dati, alagaan ko ang sarili ko, bigyan ko ng respeto ang sarili ko para respetuhin din ako ng iba pero anong nangyari? I ended up showing my semi-naked body in front of many people! Taena ang drama ko kaya ako napapaenglish.

"Why are you.. I mean bakit ang lungkot mo?"

Sa hindi malamang dahilan ay napayakap ako ng mahigpit sa sarili ko. At unti-unting bumuhos ang luha ko na naging hagulhol.

"Ayos ka lang?"

Umiling ako.

Ayoko nang magsinungaling sa sarili ko.

"Iiyak mo lang yan, walang problema. Andito naman ako para punasan yan. Magkwento ka tungkol sa buhay mo, hindi iyong sinosolo mo lang ang lahat. Makakatulong yan para gumaan pakiramdam mo."

Napatango na lang ako.

At hayun na nga, ikinuwento ko na sa kanya mula nung mamatay si Papa hanggang sa mga problema ko sa buhay.

Tinatap niya ang balikat ko kapag nagiging madrama na ako.

"Ilang taon kana?" Tanong niya.

"20 pa." Sagot.

Ang sarap pala sa pakiramdam iyong may nasasabihan ka ng mga problema mo.

"Talaga? 20 ka pa lang?" Bulalas niya kaya umuuo ako. Ang over niya mag react.

"Oo nga!"  Paniniguro ko. "Ikaw ba, ilang taon kana?" Tanong ko pa. Bahagya naman itong napakamot ng ulo at parang nahihiyang sumagot.

"25 na ako eh." Mahina niyang sambit.

"Halata naman kasi ang mature mo na tingnan, tsaka halata ring nag-gi-gym ka dahil sa bato-bato mong muscles." Wika ko.

"Pero ikaw 20 ka pa lang pero hindi halata kasi matangkad ka at parang ang mature mo na."

Sa pagkakasabi niyang iyon ay biglang may nabuo sa isip ko.

"Pero never pa akong nagka jowa? Never been touch, pero madami nang nakakakita sa katawan ko. Pero ayos lang haha. Reserve naman ito para kay Mr. Right" saad ko at yumuko.

Sana nga may ganuon pa.

"Lets have a deal."
"Anong deal?"

"Within 5 days kung wala kang magiging boyfriend, ako na lang."

Flashback ends

King ina! Bakit ba kasi hindi pa ako umuo? Pero kasi 5 days lang ako dito sa isla taska ang hirap mag hanap ng Mr. Right dito.

Ano ba naman klaseng deal iyon eh puro pabor sa kanya.

Matapos kong maligo ay sama-sama kaming nag-agahan at dahil wala kami masyadong activity ngayong araw ay napagpasyahan kong maglibot-libot na lamang sa isla total maliit naman ito at kaunti lamang ang mga taong narito, kung mawawala man ako ay bahala na.

Habang naglalakad ay napapaisip ako kahit wala naman akong isip.

Dahil sa nagiging busy ako sa paglalakad ay hindi napansin an may paparating kaya nabangga ko siya.

"Ay tangina!" Bulyaw ko. "Tumingin na ka naman... Aww sorry hindi agad kita nakilala." Paghingi ko sa kanya ng dispensa. Tragis ang aga-aga siya na agad nakita ko. Ngumiti lamang siya at hinila ako papasok sa isang kwarto at ni lock iyon.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Suminyas naman itong maupo sa kama katabi siya at inabot ang remote para magpa-music.

"Wala kang gagawin ngayon diba? Kwentuhan tayo!" Masigla niyang saad kaya sumang-ayon na lang ako.

"3 days na tayong nagkakausap pero hindi ko pa alam name mo. Kyle nga pala!" Wika niya at nilahad ang mga kamay asking for a handshake. Magiliiw ko naman itong inabot "Angel."

"Oww! Nice name, bagay sayo kasi maganda ka. Pero the way you act, seems like you're not an angel." Pagmumura niya. Charr nakakaintindi na ako ng english, nag-aral ako kagabi.

"Kaya nga eh, ang weird lang." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

Ang hindi ko lang inaasahan ay ang sumunod.

Tsup!

First kiss ko.

Tangina ang first kiss ko!

Pero imbes na magdiwang ay tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko.

"I'm marking what's mine." Tanginang english yan!

"You know what, I'm not like the other guy na puro pakilig lang ang alam. I am not a typical romantic guy." Sagot niya.

"Yan din ba ang ginagawa mo sa ibang babae na kung sino-sino lang na gusto mo ay hahalikan mo?" Disappointed kong tanong.

Taena bakit ba ako nasaktan sa sinabi ko?

"No! I mean this is my first time to kiss a girl."

"Talaga?"

"Yeah!" Buong tapang niyang sagot.

Kung first time niya edi! Hola! Virgin pa 'to!

Dahil sa tuwa ko ay hinalikan ko siya. Gumanti naman kaya nauwi sa mapupusok na halikan.

"First time ko rin." Saad ko na dahilan ng pagngiti niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kwarto niya kaya dapit hapon na nang magising ako ay wala siya doon. Hinanap ko siya sa labas at nanduon nga siya nakaupo habang nagla-laptop.

"Hey, gising kana pala. Nag-order ako ng food kumain kana." Aniya at itinabi ang laptop.

Nagtungo kami sa lamesa at doon ay may nakahandang mga pagkain, mabuti naman dahil kailangan ko ng enegery mamaya.

"Finals na pala namin mamaya, punta ka ha." Nakangiti kong wika, tumango naman ito at sinabing pupunta siya.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang partner kong hindi magkada-ugaga sa paglalakad na parang may hinahanap.

"Roy!" Tawag ko, agad naman itong tumalima at pumunta sa direksyon namin.

"Kanina ka pa nila hinahanap. Oras na daw para maghanda. Aray!"

"Ayos ka lang?" Alala kong tanong dahil sa sunod-sunod niyang pag aray.

"Putakti! Anong nangyayari sayo? Ayos ka lang?"

"Natatae ako. Kanina pa ito eh. Una kana sa may backstage nandun sila. Susunod ako. Ayyyy!" At nag fly away na siya papuntang CR.

"Tingin ko hindi siya makakahabol sa finals. Tangina! Ayokong matalo!" Inis kong sambit.

"Okay relax. Sasamahan na kita papunta doon." Aniya at iginiya ako palabas ng resto na iyon at nagtungo sa backstage.

Nadatnan ko silang busy habang ang tatlong bruha ay panay ang tawa sa tabi habang nagmi-make up.

"I really can't believe we did it." Rinig kong sambit nung isa na ikinatawa naman nung dalawa. The backupers siguro.

"Salamat sa paghatid." Wika ko. Tumango naman siya at akmang aalis nang bigla siyang tinawag ni Aljhea.

"Ikaw. Halika dito."

"Po?"

Kahit nag-aalangan ay lumapit ito roon, pagkakataon ko na para ihanda ang sarili ko. Kaya naiwan ko silang nag-uusap.

#

Finals na pero mas naging kabado ako.

Wala pa si Roy, it means wala akong partner. Tang inis talaga!

"Oww! I guess wala ka raw partner? Huwag ka nang mangarap na mananalo ka bitch!"

Sarap talaga sabunutan nito. Gigil na gigil na ako eh.

"Makikita niyo! Kit walang partner ay pwede parin manalo!" Buong tapang na saad ko. Sa kompetisyon ayokong magmukhang talunan kaya kahit wala akong partner ay mananalo ako. Sana.

Nagsimula na silang rumampa at ibinalandra ang mga nagtatalbugang boobs suot ang 2 piece bikini. Sure na talaga ako ng peke yung boobs nung bruha.

Matapilok ka sana.

At iyon nga ang nangyari. Bigla siyang natalisud at muntik nang ma outbalance kaya nagtawanan ang mga audience pati na ang mga hurado. Si madam V naman ay napailing.

Dahil maganda ako ay ako ang huli at ang masaklap pa ay wala ang partner ko. Tanginis talaga!

"I hope I'm not late."

"Kyle?" Bulalas ko. Napakamot na lamang siya ng ulo sa hiya.

"Why you're here?" Tanong ko. Napapaenglish tuloy.

"To help you win. I know you need this. Pero may kapalit."

Ano daw??

Hindi na ako nakapagsalita dahil nauna na siyang lumabas sa backstage. Sumubod na lang din ako dahil ayokong maiwan.

Nagsimula na kaming rumampa sa runway at laking gulat ko nang napanga-nga, literal na napanganga ang lahat dahil...

Lahat sila ay nakatingin kay Kyle.

Bakit?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro