Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Suzy's POV

Safe naman kaming nakauiw ni Alfred. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, agad akong humiga sa aking kama at napatulala sa ceiling. Bumukas naman yung pintuan ko kaya agad akong napaupo at nakita si Alfred.

"Saan yung manners?" Pagtataray ko.

Ngunit, napailing lang si Alfred at tumabi sakin.

"Di mo pa tanggap?" Tanong niya.

Agad naman akong napabuntong hinga at pinipigilan ang namumuong luha sa aking mga mata.

"Sa totoo lang..May konting 'hindi ko pa tanggap'." Sabi ko sabay air quote sa hindi ko pa tanggap. Tumawa naman ako. Parang nga akong tanga. Haggang sa naramdaman ko nalang na pumatak na ang aking luha kaya dali-dali ko naman itong ipinahid. "Haaays, siguro na shock lang ako na may..Na may.." Hindi ko na kayang tapusin ang sasabihin ko. Ang sakit kasi eh.

"Na may anak na sila? Suz, wala na tayong magagawa dun." Alfred at niyakap ako.

"Yun nga eh! Wala na akong magagawa! Kaya ang sakit sakit dito." Sabi ko tinuro ang aking puso at hinayaan nalang na lumabas lahat ng luha ko. "Ang sakit..."

Niyakap ko na rin si Alfred at umiyak ng umiyak. Ang sakit.. Ang hirap tanggapin. Ang hirap tanggapin na may bagong pamilya na ang ama ko.. May bagong asawa..May bagong anak. Ang sakit din isiping may mahal ng iba si Mama...Ang tatay ni Alfred. Bakit ba kasi ganito ang buhay ko? Wasak ang pamilya ko....Wasak,ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro