Chapter 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Suzy's POV

Gladly, Hindi kami late ni Elle dahil wala pa si Ms. Maricar, yung adviser namin.Sabay kaming pumasok at sa pagpasok namin, napatahimik ang lahat at bakas sa kanilang mga mukha ang gulat.

"Uh.. Suz, upo na ako." Elle at pumunta sa pinaka center sa front row.

Napatingin naman ako sa upuan ko at nakita si Drake na nag s-sound trip.  Nagtagpo ang aming mga mata nang inangat niya ang kanyang paningin patungo sakin.

Napalunok naman ako at bumuntong hinga.

"Hey Suz, upo ka na. Mukha kang tanga diyan." Meljun at tumawa nang malakas habang naka akbay sa dalawang babaeng kaklase namin na katabi niya.

Inirapan ko lang siya at ngumuso.

"Suz, umupo ka na."

Kumalabog ulit yung puso ko nang narinig ko ang kalma ngunit full of authority niyang boses.

Humalakhak naman si Meljun at nahagip ng mga mata ko si Alfred na nagpipigil nang tawa.

Damn. What the fudge! Ano ba tong ginagawa ko?!

Bumuntong hinga ulit ako at tinignan si Drake with my emotionless eyes. At least, yun ang pagiisip ko.

Nagtitigan naman kami at bigla siyang ngumiti sakin kaya muntik kong maputol yung pagtitigan namin. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at humakbang papalapit sa kanya para makaupo na ako sa freaking tabi niya!

Nung papaupo na ako humarap samin si Elle at nagsalita.

"Ikaw kasi Drake! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo kay Suzy, ginawa mo kasing awkward."  Sabi niya sa kanyang upuan ngunit nakatingin nang diretso kay Drake.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

What the..asdfgjkl! ELLE I HATE YOU!
Tumawa naman nang malakas si Alfred at Meljun.

"Take it slow dude! Na shock si Suzy kaya pala ganun ang kilos." Natatawang sabi ni Meljun.

Oh my ghaad. Nakakahiya.

Tinakpan ko nalang ang mukha ko at umupo.

"Ayiieh! Kinilig pa oh!" Alfred kaya nag tawanan naman silang apat. APAT! Kasali na si Drake dun!

Napatingin naman ako sa mga kaklase kong walang alam and damn! Nakangiti sila at pabalik balik ang tingin sakin at kay Drake.

"Uggh! Shut up!" Sigaw ko kaya tumahimik na silang apat pero halatang nagpipigil parin nang tawa.

Napairap naman ako sa kawalan at tumingin nalang sa labas ng bintana.

"Suz." Mahina

Inis naman akong lumingon sa kanya tapos ay agad napa atras. Fudge! Ang zoom in ng mukha ni Drake.

"AYIIIEH!" Hiyawan ng mga kaklase namin.

Ngumiti naman siya, kaya sinimangutan ko siya.

"You look cute when you're blushing."
Eff you!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro