Chapter 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Suzy's POV

Kumakain na kami nang mga inorder namin.

Kay Chris ay gooey choco chip plus milk. Ice coffee and cupcake kay Elle. Bucket of small chocochip and milkshake ang sakin. Ice coffee and muffin kay Alfred and lastly, ice coffee and cake kela Meljun at Drake.

"Suz, pahingi nga." Meljun sabay turo sa bucket ko.

Nilapit ko lang iyon sa kanya kaya kumuha na siya, kumuha rin si Alfred then si Elle and then si Drake na naman.

"Wow ha!" Napailing kong sabi. Grabe sila ha! Si Meljun lang yung nanghingi silang lahat kumuha? Ano to? Spokesperson nila si Meljun?

Kakain na sana ulit ako nang biglang isusubo ni Drake yung kinuha niya.

"Sayo na yan!" Sabi ko at inilayo ang kamay niya.

"Kumuha lang ako para subuan ka." Sabi niya at nilapit ulit.

"Sayo na, ok lang." Layo ko naman ulit.

Ilalapit na sana niya ulit yung cookie nang pumagitna si Chris samin.

"Ate ganda tanggapin mo na ang cookie na ibibigay ni Kuya gwapo." Chris habang hawak ang balikat namin ni Drake.

"Gusto ko kasi na sa kanya na yun." Pageexplain ko.

"Pero gusto ko para sayo 'to." Drake.

"Kainin mo nalang Suz! Huwag ka ngang pakipot!" Alfred. Pinagdilatan ko lang siya nang mata tapos nag action na kunin yung cookie sa kamay ni Drake pero nilayo niya ito.

"Ano ba talaga Drake ha?" Medyo naiinis kong tanong.

"Sabi ko subo, hindi yung kunin mo sa kamay ko para kainin mo."

Napairap nalang ako at nilapit yung mukha ko. Nilapit na rin niya yung kamay niya kaya kinain ko na ang cookie.

"Ayyiiie!" Kinikilig na tili ni Elle.

Si Meljun napatabon sa mukha si Alfred parang nangdidiri.

"Dude a cheesy." Natatawang sabi ni Meljun kay Drake.

Nakita kong napa chuckle si Drake at ininom na ang ice coffee niya.

"Wala ka na dun." He said coolly nung tapos na siyang uminom.

"Bagay kayo ate ganda!" Chris.

Nagpa high-five naman yung tatlo at tinanggap iyon ni Chris.

"Hoy kayo, huwag ninyong damayin 'tong bata." Sabi ko with matching turo pa kay Chris.

"Hala, hindi naman kami nag turo niyan na sabihan kayo na bagay kayo." Alfred at ngumisi nang nakakaloko.

"Sadyang bagay lang kasi kayo." Pangaasar ni Meljun.

"Oo nga Suz, you two look good together." Elle habang nag mi-mix sa ice coffee niya.

"Tama na guys, please lang."

Bigla namang inayos ni Drake ang buhok ko na siyang rason na nagtitilian yung mga kaibigan namin, nadamay din si Chris.

Patatahimikin ko sana sila nang biglang lumitaw sa Brent sa tabi ko.

"Ang saya niyong tignan ah." Brent habang nakapamulsa.

Naramdaman kong mahigpit na yumakap sakin Chris at tinago ang ulo niya sa gilid ko.

"Brent, just leave. May bata." Seryoso kong sabi sa kanya.

Tinignan ni Brent si Chris tapos napa chuckle.

"May kailangan kasi ako, bago ako umalis kailangan ko siyang makausap." Brent to me.

"Sino na naman yan?" Naiinis kong tanong. Ba't ba kailangan niyang pataasin ang mga sinasabi niya na pwede namang 'whoever churva mag-usap tayo.'

Bigla niyang hinila si Elle palabas sa cafe. Napatayo ako nang pinigilan ako ni Alfred.

"Baka mapano yun!" Nagaaalala kong sabi.

"Kami na ni Meljun ang bahala." Alfred at tinapik si Meljun kaya lumabas na rin sila.

"Drake, tulungan mo naman sila oh." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Meljun's strong. He can handle those guys."

"Ba't ba parang wala kang pakealam kung may masamang mangyayari kay Elle o sa kanilang tatlo?" Naiinis kong tanong.

"Trust me, hindi kayang masaktan ni Brent si Elle." Sabi niya at tumayo. "But if you say so, pupuntahan ko nalang sila." He took a last sip sa coffee niya and left.

"Ate ganda, natatakot ako." Chris.

Niyakap ko nalang si Chris at napa pat sa ulo niya.

"Wala ka namang dapat ikatakutan." I said with a reassuring smile.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro