Chapter 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Suzy's POV

Napapunta ako sa garden ng school namin at agad napaupo sa isang bench habang umiiling.

"Gaga ka." Inis na sabi ko sa sarili bago sinapak ang sariling mukha.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko gamit ang aking mga palad at napaisip muli sa mga binitawang salita ko kanina.

"Bakit ko ba kasi sinabi yun? Halatang may issues ako. Ugh!" Inis ko pang sabi at napatayo. Muli akong napailing at umalis na sana sa lugar nang may biglang humatak sakin pababa. Kaya napaupo ako sa damuhan.

Gulat akong nakita si Drake na seryoso ang mukha, napatingin nalang ako sa ginagawa namin at napairap.

"Ba't ba tayo nakatago?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan lang niya ako at inilagay ang isang daliri niya sa lip niya. Sign na dapat tumahimik ako.

"Bakit naman?" Mahina kong tanong.

Ang daliring pang-'sush' niya ay dahang-dahan niyang itinuro sa loob ng garden. Sinundan ko naman ito at nakita si Brent at Elle na nag-uusap.

Hinila ko kaagad si Drake para lumapit kami nang kaonti para marinig ang pag-uusapan nila.

"Huwag na." Mahinang sabi ni Drake sakin.

"Kailangan kong marinig, baka kung anu-ano ang pinagsasabi niyang si Brent."   

Tinitigan muna ako ni Drake bago napa smirk.

"Hindi ko alam na may pagkatsismosa ka pala."

Agad naman akong napikon kaya binigyan ko siya ng mahinang sapak sa braso niya bago lumapit ng pinagtaguan.

"I'm sorry." Mahinang sabi ni Elle kay Brent habang nakayuko.

"Bakit mo ba ako pinahihirapan?!" Inis na sigaw ni Brent kay Elle. Frustrated na frustrated ang mukha ni Brent at napasipa nalang sa isang bato.

"Sabi ko nga sayo hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo." Kalmadong sagot ni Elle kay Brent.

Napatahimik naman si Brent at napabuntong hininga. 

"Elle," Mahinang sabi niya habang humahakbang palapit kay Elle at marahang inangat ang chin nito para magkatinginan sila sa mata.  "Hindi mo ba ako gusto?" 

Napatakip agad ako sa bibig ko at naramdaman si Drake na hinihila na ako palayo.

"T-Teka!" Pabulong kong sigaw.

"Huwag na!" Inis niyang sabi.

"Tsk." Inis kong sabi at aalis na sana kasama siya nang napahinto kami sa sinabi ni Elle.

"Gusto naman, pero hindi pa ito gano kalakas." 

"Ano ba dapat ang gagawin ko? Bigyan kita ng bulaklak? harana?"

Mas na shock naman ako nang hinawakan ni Elle si Brent sa magkabilang braso.

"You don't have to follow someone else's 'thing,' ang gusto ko lang ay yung Brent-style, yung mga aksyon mo ay totoo." 

Napatahimik muli si Brent tapos tumingin muli kay Elle.

"I'm not sure kung gusto mo yung style ko." Pagdadalawang-isip na sabi ni Brent.

Nakita kong napakunot noo nalang si Elle at binitawan si Brent.

"Bakit?" Tanong pa niya.

"Kasi," Nahihiyang sabi ni Brent tapos nagiba ulit yung aura. "Ganito ang Brent-style na hinahanap mo." Kalmado at seryosong sabi ni Brent.

Agad hinawakan ni Brent ang mukha ni Elle and with one last look, he dipped his face onto hers and then their lips met.

Muntik na akong mapasigaw sa ginawa ni Brent, buti nalang ay hinila na ako ni Drake palayo sa garden. Nang makalayo na kami sa garden ay agad akong hinarap ni Drake.

"Ang sabi ko sayo, aalis na tayo. Nakita pa tuloy natin ang pinaggagawa nila!" Inis niyang sabi sakin.

"H-Hindi ko inexpect yun." Guilty kong sabi at napayuko sa kahihiyan.

Grabe, yung supposed-to-be-private-thing-between-them ay nakita pa namin. Ang sama tuloy ng pakiramdam ko.

"Sa susunod, makinig ka na sakin." Kalmadong sabi ni Drake at hinawakan ang kamay ko. "Tara na."

Nalito naman ako sa sinabi niya at babawiin sana yung kamay ko sa kakahawak niya.

"Tara saan?!" Tanong ko as I struggled para alisin ang kamay niya.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro