CHAPTER 14 SECRETS FROM THE PAST

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jar of Hearts

CHAPTER 14

SECRETS FROM THE PAST

ELIZA’S POV

*vibrate* *vibrate*

1 new message

Sarah

Nagtext si Sarah, bakit kaya? Binasa ko ang text niya.

Umuwi na kayo. Hinahanap tayo ni Mama

Nang mabasa ko iyon ay agad akong nagpaalam kay Joshua.

“Ihahatid na kita” sabi niya.

At dahil mapilit siya, no choice ako. Nagpahatid na lang ako sa kanya.

SARAH’S POV

“Oh bestie, una na ako” paalam ni Alona.

“Sige, salamat sa paghatid”

“Anong salamat? May bayad yan!” sabi niya. Nagbelat pa sa akin.

Hay isip bata talaga ‘tong best friend ko.

“Sie, babayaran ko yan ng mga sampu. Sampung kutos” sabi ko naman.

“Ay, sino ba kasing may sabing may bayad yun? Ano ka ba libre na yung paghatid ko”

Tignan mo ‘to, babayaran ko na nga ayaw pa.

“Sige, papasok na ako. Bye” paalam ko.

“Bye” sabi niya at palakad na umalis.

Papasok na sana ako sa loob ng  sinalubong ako ni Mama.

“Ma, bakit po?”

“Andito si Arthur”

“Arthur?” sabi ko.

“Yung papa ni Eliza”

“Ano ho!” gulat na pahayag ko.

ELIZA’S POV

Nakasakay ako ngayon sa kotse  ni Joshua. Hay, parang kinakabahan ako.

“Pst, anong iniisip mo?” tanong ni Joshua habang nagda drive.

“Wala, parang may masama lang akong kutob”

“Ganun ba? Don’t worry andito lang ako”

Alam niyo, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kapag kasama ko si Joshua, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Tapos andaming umaatakeng mga paru paro sa sikmura ko.

“Bakit ganito ka ba sa akin? Ni hindi mo nga ako lubos na kilala eh?” sabi ko naman saka tinignan ko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Hindi siya sumagot, bagkus ay binigyan niya ako ng isang ngiti. And after he smiled at me, my heart skip a beat.

Bakit ganito? Anong problema ng puso ko?

“Dati akong nerd sa pinagmulan kong school”

Aba, nagkukwento siya teka muna makikinig ako.

“Pero syempre tao rin naman ako kaya kahit nerd ako ay nagkaka crush pa rin naman ako”

I wonder, ano kayang taste meron siya sa mga babae? Hmm…

“Tapos one day, yung ultimate crush ko na si Sophia ay niligawan ko” habang sinasabi niya ang part na iyon ay nakadama ako ng lungkot buhat sa tono ng boses niya.

“Sa kauna unahang pagkakatao’y nagka girlfriend ako nun. Oo, sinagot niya ang nerd na ako noon. Akala ko’y magiging masaya ako nun kaso…”

Out of the blue ay binigyan ko siya ng yakap dahilan para maihinto niya ang kotse.

“Sshh… tama na. Wag mong alalahanin ang mga nakaraan kundi’y atupagin mo ang iyong kasalukuyan para na rin sayong kinabukasan” sabi ko at hinalikan siya… sa labi! (O_O)7

O___O  <<< ekspresyon niya.

<___<    <<< ekspresyon ko, kasi umiwas ako ng tingin sa kanya matapos ko siyang halikan.

“Sorry” sabi ko.

“Nah, its okay” sabi niya at hinalikan rin ako sa labi.

“Ayan, hinalikan mo ako at ngayon nahalikan kita. So, quits na tayo” sabi niya.

“Hahaha! Adik ‘to”

“Hahaha! Oo nga adik ako… sayo” and he winks at me.

Mahina ko naman siyang hinampas sa braso.

At nagdrive ulit siya. Kahit papaano’y  hindi na ako gaanong kinakabahan.

SARAH’S POV

“Oo, nalaman ni Arthur na dito sa atin namamalagi si Eliza at ngayon kukunin na siya dito”

“Nasaan na ba si Eliza?” sambit ko na lamang.

*beep* *beep*

Oh, may kotse sa labas. Lumabas kami ni Mama sa bahay at nakita namin si Eliza na palabas sa kotse. Kotse ata yun ni Joshua?

“Salamat sa paghatid” sabi ni Eliza. Tumango lamang si Joshua at pinaandar ang kotse paalis.

*vroom*

“Eliza” tawag ko.

Dali dali siyang nagtungo sa amin ni Mama.

“Bakit?” tanong niya.

“Nasa loob ang papa mo”

ELIZA’S POV

“Nasa loob ang papa mo” sagot ni Tita Belinda.

Agad akong nagtungo sa loob ng bahay nila Sarah

At nakita ko si Papa na naka upo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo

“Old man” bati ko.

“Eliza” sabi niya at akmang yayakapin ako kaso tinulak ko siya.

“Iuuwi na kita” sabi niya.

“No, let me go! Ayoko kayong makasama! At isa pa hahanapin ko pa ang magaling kong ina na nang iwan sa akin!” sabi ko naman.

“Arthur, hindi mo tunay na anak si Eliza?” singit na tanong ni Tita Belinda.

Tumango lamang si Papa.

“Kung ganun…” sabi ni Tita Belinda at saka niyakap ako.

Habang nakayakap siya sa akin, nararamdaman kong nababasa ang aking balikat.

Umiiyak si Tita Belinda? Bakit?

“Katulong namin dati si Belinda” sabi ni Papa. Kumalas si Tita Belinda sa pagkakayakap at nagtungo kay Sarah.

Umupo sila sa sofa, habang kami ni Papa’y nakatayo nang magkaharap sa isa’t isa.

“Naging magkasintahan kami ni Belinda noon. At nung time na iyon fiancée ko rin ang step mom mong si Lucia. Para mahadlangan ko ang kasal, ginawa namin ni Belinda ang isang bagay na nagpabago sa aming buhay” sabi ni Papa.

NARRATOR’S POV

(For the first time, gagamit po ako nito upang ideliver sa inyo ang past happenings. Nawa’y maintindihan niyo po ang flow ng update na ito. Thanks! xoxo)

“Arthur, buntis ako” sabi ni Belinda.

“Ganun? Buti naman. Sana pag nalaman nila ito’y mahadlangan mo ang kasal namin ni Lucia”

Nalaman ng mga magulang ni Arthur ang relasyon nila ni Belinda. Handa ng ipa cancel ng mga magulang ni Arthur ang kasal nila ni Lucia upang mapanagutan niya si Belinda.

Kaso isang araw…

“Ayoko na. Lalayo na lang kami sayo. Paalam” sabi ni Belinda kay Arthur.

At mula noo’y nawalan ng komunikasyon ang dalawa. Natuloy din ang kasal nito kay Lucia.

ELIZA’S POV

“Lumayo ako sa inyo dahil pinagbantaan kami ni Lucia. Sabi niya ay kaya niya ipapatay ang mga magulang ko kung hindi kami lalayo. Kaya lumayo ako sa inyo” sabi ni Tita Belinda.

Ano? Ang hirap ma absorb ng utak ko ang lahat ng pangyayari!

Ako? Ako ang anak ni Tita Belinda? So, kapatid ko sa ina si Sarah?

“Bakit mo ako iniwan? Hindi mo na ako kayang buhayin? Ano, sumagot ka!” pasigaw na saad ko.

Hindi ko mapigilan ang galit na lumabas sa katawan ko. Kinamumuhian ko si Belinda! Wala siyang kwentang ina!

“Nang ipanganak kita, dahil sa mahirap lang ako ay napilitan akong iwan ka. Iniwan kita sa pangangalaga ni Lucia. Araw araw kitang binibisita nun ng palihim, kaso isang araw ay nahuli ako ni Lucia”

NARRATOR’S POV

FLASHBACK

“Belinda, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Lucia.

“Binibisita ko lang ang anak kong si Angela”

“Angela? Wala na siya pina ampon ko siya. Dinala ko yun sa bahay ampunan. Ang batang ito’y si Eliza” sabi ni Lucia.

END OF FLASHBACK

ELIZA’S POV

“Bakit ganun ang sinabi sayo ni Lucia?” tanong ni Papa.

“Hindi ko alam. Pero siguro para tuluyan na akong mawala sa buhay niyo” sagot ni Tita Belinda

“Pero ngayon, alam kong ikaw, Eliza at si Angela ay iisa” sabay yakap sa akin.

Nang nalaman ko ang mga ito’y ang galit na nakimkim ko sa mahabang panahon ay nawala parang bula.

Ang tanging nag sink in lang sa utak ko ay ngayon ang araw kung saa’y nahanap ko na ang mama ko.

“*sob* Mama!” sabi ko at niyakap din siya.

“Arthur, maaari bang dito muna si Eliza?” tumango lamang si Papa at umalis na.

“Eliza” sabi ni Sarah at yumakap din sa amin.

At patuloy na lang na umagos ang mga luha ko.

Salamat Lord. Sa tingin ko nahanap ko na ang ending ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro