CHAPTER 6 SECRETS

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jar of Hearts

CHAPTER 6

SECRETS

JEFF’S POV

Nang umalis si Eliza kasama yung lalaki, bigla namang nabalot ng tensyon ang buong paligid.

“Anong nangyayari?” gulong gulo na tanong ni Alona.

Ito na siguro  ang tamang panahon para malaman niyo ang lahat.

“Jeff? May alam ka ba dito?” tanong sa akin ni Sarah.

“Oo” diretsong sagot ko.

At dahil sa pagsagot ko, naging seryoso ang ekspresyon ng kanilang mukha na nakaharap sa akin. Yung tipong nangungusap ang mga mata ko sa mga mata nila. Para bang sinasabi sa akin ng konsensya ko na sabihin na sa kanila ang lahat lahat. Lahat ng alam ko.

“Uhm, may dapat kayong malaman” panimulang sabi ko.

“Si Eliza ay hindi lang basta bastang babae. Siya ang anak ng may ari ng kompanya kung saan ito’y aming malaking investor. Mayaman siya at napaka impluwensya dahil pamangkin siya ng leader ng mafia group sa Japan”

“Grabe” dinig kong sambit ni Alona.

“Napag alaman naming ni kuya Sebastian na malulugi na ang kompanya nila Eliza kung kaya’t ipapakasal siya kay Sebastian para maisalba ang dalawang kompanya” pagtutuloy ko sa kwento.

“B-bakit mo ito sinasabi? Hindi ba’t ang controversial nito?” sabi ni Sarah.

“Oo alam ko pero ito ang tamang panahon para malaman niyo ang lahat lahat” sagot ko naman.

“Edi paano mo mababawi si Sebastian?” tanong ni Alona kay Sarah na may halong biro. Pero alam kong seryoso siya.

Magsasalita  na sana si  Sarah kaso sumabat ako

“Wag niyo ng ituloy yan. Buhay ni Sarah ang nakataya dito” sabi ko.

Gulat naman silang dalawa sa sinaad ko.

“B-bakit?” tanong ni Sarah.

“Dahil pag nagka balikan kayo ni Sebastian, maaari kayong ipapatay ni Eliza” sabi ko naman.

“Hay, kung anuman ang meron hindi yun mapipigilan” matapang na pahayag ni Alona.

Calling Kuya Sebastian…

Tumatawag si kuya, lumabas muna ako sa kwarto ni Alona at saka sinagot ang tawag.

Sebastian: Tol

Jeff: Bakit?

Sebastian: Kamusta si Alona?

Jeff: Paano mong—

Sebastian: Binalita sa akin ni Eliza! Tol hindi ko maiwasang matakot para sa inyo ni Sarah at Alona.

Jeff: Akong bahala Tol.

Sebastian: Paanong—

(Sino yang kausap mo, Sebastian?)

Jeff: Tol?

=call ended=

Pinatay niya yung tawag, siguro dumating na si Eliza.

Kailangan kong puntahan si Sebastian.

Lumabas ako sa ospital at nagtungo sa parking lot para kunin ang kotse ko.

At nagsimula akong magdrive.

***

A/N: Waaahhh! Sorry po kung late ang update at ang ikli. Busy pa po kasi eh? Di bale, babawi ako next time :D

Watty readers, buhay pa kayo? Tahaha! Mag vote na po kayo at mag comment na rin.

Salamat nga po pala sa mga supports niyo para sa story na ito.

Sa mga nag add nito sa kanilang RL/Library, hindi ko man po kayo kayang pasalamatan isa isa, ako po’y lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat! Cheer up guys!

Sa akin pong new followers at sa mga gusto akong ifollow, Thank you po :D Hindi man po ako nakakapag follow back because of my conditions, I’m very thankful pa rin po sa mga follows niyo. Dahil po jan ay nagkakaroon ako ng mga bagong kakilala at mga friends na rin at the same time.

Follow me guys and let’s make a friendship! Friendship na lang siguro ang magiging way ko as a follow back :D (What ya think guys? :3)

And for my big announcement, ang tinutukoy ko pong side story ni Avril (refer to Playboy Meets Goodgirl) ay hindi ko pa po nasisimulan. Susulatin ko po siya kapag natapos na po ang Jar of Hearts.

Kaya po baka hindi ko siya mapopost/mapupublish this summer.

Di bale po, habang wala pa ang side story, you can browse and read some stories of mine.

PS. Yung libro ko pong “Love” is deleted for a meantime kasi po ito’y under construction.

PPS. Join the forum/discussion I’ve made. (Click External Link)

Till next time guys! (iamloid)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro