CHAPTER 8 HER SIDE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jar of Hearts

CHAPTER 8

HER SIDE

ELIZA’S POV

Noong una, hindi ko naman kasi minahal si Sebastian at ayoko siyang mahalin.

Ang tanging gusto ko lang is masagip ang kompanya namin.

 Pero nung araw na nakita ko si Sarah, (nakilala in particular) hindi ko mapaliwanag ang nadama ko.

 Yung feeling na naiinis ka sa isang taong wala namang ginawang masama.

 Oo, alam kong mahal nila Sebastian ang isa’t isa. At ako’y hamak na ekstra lang sa love life nila.

Ito lang siguro ang role ko dito- ang maging kontrabida sa buhay nilang apat.

Tapos one day narealize kong na fall na pala ako kay Sebastian.

Hindi ko nga alam kung anyare sa akin eh? Pero ngayon ang alam ko lang is mahal ko na si Sebastian. At gagawin ko ang lahat para sa pagmamahal kong iyon.

Kaso bakit ganun? Bandang huli ako ang nagdusa.

Ako ang naging kawawa.

Ako ang iniwan.

Ako ang pinagpalit.

Maganda naman ako, mayaman. Pero bakit kay Sarah, talo ako?

Dito na lang siguro ang kahahantungan ng role ko sa storyang ito.

Nandito nga pala ako sa park. Nag iisip ng kung anu ano. Mga bagay na gumugulo sa isip ko

Patuloy ako sa pagmumuni muni sa ilalim ng isang puno ng may lumapit sa akin.

Isang babaeng nakaputi

Mala anghel ang aura niya.

Isang anghel na nasa katawang lupa.

Isang anghel na makikipag usap sa gaya kong demonyo.

“Hello” masiglang bati niya.

“Sino ka!” mataray na sabi ko.

“Hahaha! Antaray mo naman, ako si Avril” sagot niya.

“Oh? Hindi kita kilala kaya go away!” pagtataray ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako… mula ulo hanggang paa!

“Mayaman ka, medyo elegante” sabi niya’t parang nag iisip kung ano pang gusto niyang sabihin para ilarawan ako.

“Hey! Why are you staring at me?”

“Wala naman. May problema ka nho?” pabiro niyang sambit.

Aba FC much? (FC=Feeling Close)

“Kung meron, pakialam mo?”

“Ako? Wala naman. Pero siguro siya meron” and she points her index finger upward.

Pagkatingin ko sa itaa, nakita ko ang mga ulap.

Naisip ko, ang mga ulap masyadong malaya kung makagalaw.

Sana ako din…

“Ah, Avril—” at nawala na siya agad.

Weird?

Then may nakita akong white butterfly.

Simputi nung butterfly ang damit ni Avril.

Nagkaroon ng sariling buhay ang aking mga paa at ito’y kusang gumalaw.

Naglakad ako papunta sa isang chapel.

Nakita ko si Avril na taimtim na nagdadasal.

Nilapitan ko siya.

“Avril?” sabi ko

Tinignan niya ako at ngumiti. Ngiting pang anghel.

Tila’y nawala ako sa kaing katinuan, unti unti akong lumuhod. Tiniklop ang aking mga kamay- posisyon ng pagdadasal

Unti unti akong pumikit at nagdasal.

“Sana maayos na ang lahat. Kung anuman po ang mga nagawa kong mali, sorry po. Sana’y may isa pa kaong chance na ayusin ang lahat”

After kong sambitin ang mga dasal ko, hindi ko namalayang napa iyak na pala ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

Luha ng pagsisisi.

Luha ng isang Eliza.

Eliza na kilala sa pagiging matapang. Pero ngayon, ito na ang hudyat kung saan mag iiba ang lahat.

“Kaya mo yan. Do the right thing” sambit ni Avril at umalis na siya.

Right thing?

Ano ba ang tama?

Kapag ginawa ko ba ang tama, anong mangyayari o resulta nun sa akin…sa amin?
-

Pagkatapos ko sa chapel, diretso uwi na ako.

Nakakapagod ang araw na ito!

Pagdating ko sa bahay, nadatnan kong bukas yung pinto

Pumasok ako at nakita kong wala ng tao.

Nagtungo ako sa garage at napag alaman kong wala na doon ang sasakyan ni Sebastian.

Umalis na siya </3

Paalis na sana ako sa garage ng may napansin ako sa lapag na isang bagay na kumikinang.

Pinulot ko ito at ito ang engagement ring ni Sebastian.

Parang nagunaw ang mundo ko ng makita ito.

At ngayon, alam ko  na ang “right thing” na sinasabi ni Avril

At ito’y gagawin ko na.

Papasok na ako sa loob ng bahay ng may nakita akong isang… white butterfly.

***

A/N: Waaahhh! Sorry kung matagal ang update! Sana’y nagustuhan niyo ang update kong ito. Give it a vote naman po, please? *3* (puppy eyes + pout)

Tsaka guys! Uso comments, maski rude comments were allowed (basta walang vulgar words involved)

And feel free to visit my website>> iamloid.weebly.com

Lubhang ikasisiya ng aking kaloob looban ang pagpunta niyo doon.

Maki sali na rin kayo sa forum na ginawa ko (the link was in the External Link of chapter 6 of this story or check my status on my wall>> wattpad.com/iamloid)

Sana po’y subaybayan niyo po ito gaya ng pagsubaybay niyo sa iba ko pang stories. Kahit na slow ang updates, sana po’y nagugustuhan niyo pa rin ang flow ng story.

So, till next time guys! Bye!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro