Chapter Seven: Fallen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Seven: Fallen

You know that feeling when you are instantly attached to someone you just met? Wala pang buwan ang lumipas ay parang safe na para sayo na makasama siya.

Well, this is new to me. Maldita ako, suplada pero di ko inakalang matatagalan ko ang isang lalakeng katulad niya.

Aside sa maldita ako ay masyado din akong maarte pagdating sa mga kasama ko, namimili ako ng mga kasama kasi ayaw ko sa mga masyadong negative, pasaway at ipapahiya lang ako.

My mom taught me that.

Kaya ngayon hindi ko alam kung bakit ako sumasama sa isang lalakeng pasaway na walang ibang ginawa kung hindi ang makipag flirt sa mga babaeng nakikita niya and take note.....kasama niya ako nun pero nakikipaglandian parin siya sa iba, isa rin siyang lalake na kanta nang kanta kahit na minsan ay wala sa tono, nakakatawa nga.

Maingay siya, pero di ko alam kung bakit natatagalan ko siya. Basta ang alam ko, masaya ako kapag siya ang kasama ko.

"Gabbie, sabi ng mama mo umalis ka kahapon." Nag-angat ako ng tingin kay Papa. Magkasama kaming lahat ngayon sa hapag kainan at kumakain ng almusal. Tinaasan ko naman ng kilay si Kuya Bryan na nagpipigil ng tawa ngayon.

"Ahh, yes Pa. I went out with ugh....a friend" the last word came out like a question for me.

Out of curiosity siguro ay madaling nag-angat si Papa ng tingin sa akin na nakakunot ang noo.

"Bakit parang di ka sigurado?" at yan ang problema ko kay Papa, masyadong straight to the point. Nakita ko namang tumingin na rin si mama sa akin at ang kambal na nagpipigil ng tawa.

"Uhmm, it was a new friend Pa. I met him--"

"A boy?" Sabay na tanong nina Mama at Papa na gulat na gulat. Napalunok naman ako at tinusok ang isang piraso ng pork para mawala ang kaba.

"Ahmm, y-yep. He's.....kind." sabi ko. Not really sure. I know my parents. Kahit di nila sabihin ay binibigyan nila ng malisya ang ganoong mga pangyayari, lalo na at lalake ang kasama ko.

"Is he your boyfriend Gabrielle?" Tanong ni Mama. Umiling ako.

"Ma, hindi."

"You know your limits Gab, may pangarap ka pa. Distractions are the least of your concerns right now." Sabi ni mama at uminiom ng tubig. Nawala naman ang mga ngiti sa labi ng kambal, siguro nahihimigan na nila na parang hindi na nakakatuwa ang sitwasyon lalo na at parang seryoso si mama.

"Distractions, from the word distract " tinusok ko nalang ulit ang pork ko at kumain imbes na pakinggan sila. I know, they are giving me the pressures again.

Noon kating kati talaga ako, as in desperadang desperada ako na makapag-tapos ng pag-aaral dahil gusto kong makatakas sa mga pressures na binibigay nila sa akin. The pressure to be the top, the pressure to be the best. And then I graduated, I thought the pressures are already gone but then... .

"Gab?" Nag-angat ako ng tingin sa pintuan nang marinig ang tinig ni Kuya Ben.

"I'm sorry about Mama and Papa, alam mo namang ginagawa lang nila ito para sayo--"

"I know, para namang hindi na ako nasanay" pabirong sabi ko. Pero alam kong totoo.

"Well maybe this can help" pinakita niya sa akin ang cellphone ko. Naiwan ko pala iyon sa sala.

May isang text message doon at awtomatikong napangiti ako. I don't know why he has this kind of effect on me but I'm sure this is dangerous.

Tiningnan ko sina kuya asking for their permission. Ngumiti naman sila at umirap.

"Go, as if naman mapipigilan ka namin" pagkasabi nila nun ay nagbihis kaagad ako at pinaharurot ang kotse papunta sa SM. Kapag usapang libro na, wala nang makakapagpigil sa akin.

"Miss nasan ang National Bookstore dito?" tanong ko sa isang saleslady na nakatayo sa harap ng H & M store.

"Liko po kayo dito maam then straight napo, nandiyan lang siya" she pointed the directions at ngumiti naman ako.

"Thanks" sa laki ba naman ng SM, hindi ko talaga matutunton ang NBS, lalo na at hindi naman ako mahilig pumunta sa SM dahil malayo ito sa village namin.

Naglakad ako at nang nakita ko na ang NBS ay halos mapunit na ang mukha ko sa kakangiti. Finally, after 100 years, makakabalik na ako sa NBS.

Papasok na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at agad na sinagot nang makitang si Mama ang tumatawag.

"Ma?"

"Gab, asan ka na naman?" Tingin ko ay galit siya. Akala ko ba sina kuya na ang bahala?. I just want to escape, that's all. To blow off some steam.

"Nasa SM ma, bibili akong libro sa NBS" sagot ko. Narinig ko naman ang buntong hininga niya. Maybe it comforted her somehow, knowing that I am going to a Bookstore.

"Okay, basta English books, para marami ka pang matutunan" napa-irap ako.

"Ma, hindi na ako ang dating Gab na lagi mong pinapa-alalahanan. Hindi na ako bata--"

"Hindi ka nga bata pero kailangan mo pa ng gabay Gabrielle kasi minsan hindi tama ang mga desisyon mo. You would just go with a decision na gusto mo pero hindi mo alam na nakakasama sayo. Please understand us. Sana maintindihan mo kung bakit kami ganito" napabuntong- hininga ako.

No matter what I do, nobody can understand me. I'm trying so hard to understand them but are they even giving a little bit of effort to understand me too?

I stopped explaining myself when I realize people only understand things they want to understand. That sometimes, they think more about theirselves rather than thingking about the feelings of others. And that is the problem, because I am their total opposite.

I try to understand people who can't understand me. I try doing good things to people that can't even give me back what I really deserve. I try doing good things to people who can't even see my real worth.

"Yes ma" the connection got cut.

Ibinaba ko ang cellphone ko at nilagay na sa bag. Lumingon ako sa entrance ng NBS at napabuntong hininga.

I took a step forward when someone talked from behind.

"You okay?" Nanlaki ang mga mata ko at napalingun sa likod.

He was standing there wearing a white t-shirt and black shorts at siyempre hindi mawawala ang eyeglasses niya. Nasa loob ng bulsa ang kaniyang kamay at nakatingin siya sa akin.

Napangiti ako.

Kung kailan kailangan ko ng isang tao na makakapag-comfort sa akin ay nandiyan siya. Hindi ko alam kung anong meron sa taong ito basta ang alam ko, masaya ako kapag nandiyan siya. Magaan ang loob ko sa tuwing siya ang kasama ko.

Ngumiti siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok.

"Choose the things that can make you happy. The things that your heart really wants. Be free Gab".

We go out together like we are a thing but the truth is there is no us. We treat each other like the persons we need the most. We laugh as if there is no tomorrow. We talk like we trust each other so much.

And no matter what I do, even if I tried to deny it several times. I know, from that very moment, that I have fallen inlove with the stranger I met at The Vikings, the stranger who confuses me, the stranger that made me do things I never tried doing before, and the stranger who gave me comfort.

I have fallen inlove with Jin.

Wise men says
Only fools rush in
But I can't help falling inlove with you

Shall I stay
Would it be a sin
For I can't help falling inlove with you

( Can't Help Falling Inlove by Elvis Presley)

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro