Chapter 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

           

Jade

"Babe?" Nagtatakang tanong sa akin ni Simon nang dumating ako sa bahay. Hindi ko alam na makakauwi ako ng maayos, halos wala na kasi ako sa sarili nang pauwi ako kanina.

"Simon," I smiled lightly at him. Akamang lalapitan niya sana ako para halikan sa pisngi, pero agad akong umiwas at naglakad ng ibang hakbang.

"Uh, 'di pa ako nakakaligo. I stink, nakatulog ako sa opisina. Maliligo muna ako." I quickly excused myself and went to my room.

Nagbabad rin ako kaagad sa shower, saka ako napayakap sa sarili ko. I cried. What have I done? Last night I was really hurt on what I saw. But I did not think that I could do shits to that extent.

But thinking back, I made the same thing years ago. But it was pure intention to have a night with Simon, but this time. I was able to do it to get away from Simon. The hell, what was I'm thinking? Nadamay ko pa si Sky. I need to get my shit straight.

Nagbibihis na ako nang mag-ring ang cellphone ko. It was Sky.

Inignura ko na naman iyon, hindi ko pa siya kayang kausapin. Hindi ko rin alam kung bakit hinalikan niya pa ako kaninang umaga, pero isa ang sigurado ako kasama iyon sa pakulo niya para ilayo ako kay Simon.

Nang makababa na ako sa living area ay naabutan ko ang mag-ama ko na nanonood ng cartoons. Linggo nga pala ngayon. Naglakad na naman ako patungo sa kanila.

"Boys, want to date me today?" I asked that gained their attention. I need to distract my mind, I can't decide. Hindi ko maisip kung ipagpapatuloy ko ba ang balak ko. Whether I will let Sky take me away or will I let myself just drown with Simon and stay?

Pumunta kami sa mall nila Simon at Dame. Naka-piggy back si Dame kay Simon, kaya naman tuwang tuwa ang bata. Hawak naman ni Simona ng kaliwang kamay ko habang naglalakad kami.

"Dame, gusto mo bang mamili ng bagong toys?" Tanong pa ni Simon. Pero tinapik ko siya.

"Babe, let me buy him new one. Nakuha ko ang weekly pay ko, let me buy something for him and for you today."

Nakita ko ang pagngiti ni Simon at hinalikan ako ng mabili sa pisngi. I tried not feeling awkward, because last night I was with another man. It felt like I was the one cheating, kahit na alam kong si Simon talaga ang may iba.

Nang makapasok kami sa Toy store ay kaagad ibinaba ni Simon si Dame. Nagtatatakbo naman ang anak ko, kaya naiwan kaming dalawa ni Simon. He instantly wrapped his arm around my shoulder.

"Babe, namiss kita." He whispered. Tha made me shiver. Hindi ko alam kung epekto ba ng nangyari kagabi pero kaagad akong dumistansya kay Simon.

"Babe, nasa mall tayo." Pagrarason ko, kaya napakunot ang noo niya. Kaya naman pinilit kong ngumiti at hinawakan na lang ang kamay niya. So we are holding hands again.

"Tara na, puntahan natin si Dame." Aya ko at hinila siya sa direksyon ni Dame. Pero sa buong panahon na magkasama kaming namimili ay nakakunot noon a si Simon. Minsan pa ay nahuhuli ko siyang nagtatakang nakatingin sa akin. Does he find me strange? AM I acting strange?

Nakapwesto na naman kami sa restaurant malapit sa mall. Dinner time na kasi, kaya dumeretso na kami.

"Babe?" I called Simon. He was trying to hide his frown.

"Yeah?"

"Something wrong?" Tanong ko ulit at tinitigan siya. MAgkatabi lang kasi kami. His casual get up of simple shirt and chino shorts doesn't suit his frowning face. Ako naman ay naka white shirt dress na umaabot hanggang hita ko at naka cycling sa pang ilalim nito. We looked casual today.

"Jade. Something about you is not right." Biglang sagot niya. Nag-order na kasi kami kaya inaantay na alng namina ng pagdating nito.

Kinabahan ako bigla. "Ano iyon?"

"You are so distant towards me. Galit ka ba sa akin?"

Napanganga ako, pero kaagad akong nakabawi at umiling.

"No, I was---kasi nasa mall tayo kaya gano'n." Palusot ko. Sakto namang dumating ang oreder namin, pero 'di pa rin nawawala ang kakaibang titig na ipinupukol sa akin ni Simon.

Nasa kalagitnaan naman kami ng pagkain nang mag-ring ang phone niya. He excused himself and talked to the caller.

Sinusubuan ko si Dame kaya 'di ko masyadong napakinggan, pero nasa kalagitaan ng tawag nang mapatingin sa akin si Simon at saka tumayo.

Pumwesto siya malapit sa CR, pero hagip pa rin ng paningin ko ang kinatatayuan niya. Napapatingin siya sa gawi namin ng anak niya at napapabuntong hininga. That caller, it---it's not her, right?

Nang makabalik si Simon ay nakita ko ang kaunting kalungkutan sa mga mata niya.

"Babe, I'm sorry. I had an urgent business trip tonight. Is it okay if I will go first?"

He looked like he's in a hurry. Business huh?

Nginitian ko na naman siya. "Sige lang, magpapasundo na lang kami ni Dame sa driver. Lumawak naman kaagad ang ngiti niya at lumapit sa akin. Isang malibis na halik sa labi ko ang ginawad niya kaya naitulak ko siya. What was that?

"Uh—Babe kasi, nakakahiya." Palusot ko ulit, kaya sa huling pagkakataon ay nangunot ang noo niya.

"I'll go now." He said and left. Napabuntong hininga naman ako. I was stunned. Siguro ay dahil sa nangyari sa amin ni Sky. Pero the feeling of awkwardness was overwhelmed by my sadness. Sigurado ako, paniguradong hindi business trip ang pupuntahan niya. Kasi kung business trip talaga ang pupuntahan niya ay sinusundo siya ng sekretarya niya o empleyado sa opisina. Kaya kapag walang sumama o sumundo sa kanya, matic na. He's going to her.

I tried to compose myself because I was with Dame. Pero sa oras na makarating kami sa bahay ay ipinaubaya ko na kaagad siya sa katulong at nagpaiwan ako sa living room.

The living area was dark, because only the light from the outside shines inside the house. Napaupo ako sa sofa at tinignan ang cellphone ko. I put it on silent mode earlier and that's why I haven't notice Sky's 10 missed calls.

Pero hindi iyon ang importante ngayon, kailangan kong magdesisyon ngayong gabi. I opened the dialer and called Simon's number.

I bit my lips trying to hold back my tears and hoping that I am wrong. Pero sa pang apat na ring ay may sumagot na.

"Hello?" Saad ng sumagot na babae sa kabilang linya.

"Hmm, si Simon?" I asked.

" Simon is still in the shower, if you want you can leave me your message for him?" Tuluyang tumulo ang luha ko. I am right.

"It's fine. Tatawag na alng ako bukas ng umaga." Sagot ko at ibinaba na ang tawag.

Saka ako tuluyang umiyak. Just one call, one call from her, kaagad kumakaripas umalis si Simon patungo sa kanya. I am so dumb. Dumb thinking that having him with me and marrying him will be enough. Pero hindi na pala sapat. I can't bear this anymore.

KAagad tumakbo na ako sa kwarto ko, nagulat naman ang katulong nang ilabas ko ang maleta at nag-empake ng ilang gamit. Pati damit ni Dame ay inilagay ko roon.

"Manang, please tell the driver to get the car ready. Aalis kami ni Dame."

Nagtataka man, pero sinunod ako ng katulong. Ipinababa ko sa katulong ang gamit at maingat kong kinarga ang anak kong natutulog na.

Saktong naipwesto ko na si Dame sa likod ng sasakyan ay dumating ang sasakyan ni Simon.

"Jade, Jade! What are you doing?"

Isinirado ko muna ang pinto ng sasakyan sa pwesto ni Dame at nagmadaling sumakay sa passenger seat. Tumakbo naman papunta sa pinto ko si Simon. He knocked on the window.

"Jade let's talk. Jade please." Hindi ko na naman siya pinansin. Pero kitang kita ko ang isa pang sasakyan na dumating at inilabas nito ang babae niya, si Irene.

"Manong, let's go. Dalhin mo kami kina Sky." Utos ko kaagad sa driver. Hindi naman nag-alangan ito at pinatakbo na ang sasakyan. I watched on the side mirror how Simon runs after us, but he can't catch us anymore. And I also saw how the girl runs after him and they started arguing.

I have made my decision. I have to do this, kailangan kong ayusin ang lahat. Pero saka ko na siya kakausapin, saka na kapag kaya ko nang harapin siya at ibigay na ang kalayaan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro