Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng




Jade

You can never deny the fact that you will always come back to your home town. I am a proof of that, because after 2 years of staying in Korea I am now back in the Philippines. 2 years had passed, but that night still feels like yesterday.

"Jaydee, what's up?" Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. Napangiti ako nang makitang tulog na tulog sa balikat ng napagwapong lalaking 'to ang anghel ko. Umiling lang ako sa kanya.

"Wala, it's just good to be home." Sabi ko nalang, kasi napahinto na pala ako sa parking lot ng airport. Umismid naman ang kausap ko at pinitik noo ko.

"Ang sabihin mo may naalala ka lang." Napataas na naman ang isang kilay niya habang sinasabi iyon kaya ako naman ang ngumuso at dinutdot ang kilay niyang naka-arko.

Tinabig niya naman kamay ko kaagad. "Ano ba, Jaydee?"

Medyo tumaas pa boses niya, kaya 'di ko na pinigil ang bibig ko at nagsalita na.

"Skyler Damien, I just want to remind you that you're a married MAN now. Kasal ka at karga karga mo ang anak mo, kaya iwas iwasan mo na ang kalambutan mo ha?"

Napanganga naman siya sa litanya ko, ngumisi nalang tuloy ako. Skyler is my best friend and now my husband. And he's a gay, a closet gay.

At ang batang karga karga niya ay walang iba kundi ang bunga ng gabing pinaghirapan ko. My one year old son, Damon Damien. Sky gave my son the privilege to have his name that is why Damon is a Damien.

Napakunot naman noo ko nang bigla nalang kurutin ni Sky ang ilong ko at pinitik ulit ang noo ko. "Jaydee, I know. It's just old habits die hard, besides I'm still gay even though I married you."

Umirap pa si bakla, kaya naman napatawa ako ng mahina. Hindi na talaga siya magbabago, pero I'm forever thankful to him. Because my son will have a complete family, even if it's not the real one.

Naalala ko nalang tuloy no'ng araw na inaya ko si Sky na pakasalan ako, his reactions were priceless.


"What? You're pregnant? Kaninong poncio pilato ka ba kasi nakipag-jugjugan ha?" Napalakas ang boses ni Sky, kaya naman ang ibang tao sa restaurant ay napatingin sa amin. Pinanlakihan ko agad siya ng mata at hinampas ang braso niya ng bahagya.

"Ano ba? Kailangan e broadcast?" Tumaas naman kilay niya sa sinabi ko, nakakainis 'tong baklang 'to! Mahina na nga pagkakasabi ko tapos ngayon ipagsisigawan niya sa lahat na buntis ako.

"Bakit? Totoo naman eh, disgrasyada ka na! My gas! Sooner there will be a baby bump in there!" Tinuro niya pa ang tiyan ko, kaya naman dala ng inis ko ay nahampas ko ang mesa.

Tinitigan ko siya nang masama, kaya umayos siya ng upo. "Ang sakit na nang sinasabi mo Skyler ha! Kaya nga ikaw nilapitan ko, kasi alam kong ikaw makakaintindi sa akin. Pagkatapos ganito pala gagawin mo sa akin, anong klase kang kaibigan?"

Natameme naman ang kausap ko, dahil na rin napag-uusapan na kami ng mga tao sa paligid. I watched him as his strong jawline stiffened. His eyes made a serious look on my face and his thin lips form a line.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Alam na ba 'to ng parents mo?"

Tumango ako bilang sagot.

"Anong sabi nila?" tanong niya pa.

"They don't really care."

Napataas namana gad ang kilay niya at napaawang ang mga labi. "What? They don't freaking care that you're fucking pregnant? My gas! Anong klaseng magulang sila? Hahampasin ko na talaga ng kaldero sa mukha mga magulang mo, Jaydee!"

Napatawa nalang ako sa inasta niya, natural na reaksyon niya lang naman ito. Pero kailangan ko talaga siyang sitahin kaya naman binatukan ko na siya.

"Sira ka talaga, syempre hahayaan lang nila ako kasi alam naman nilang magpapakasal ako at magkakaroon ng ama ang anak ko.Pati nasa tamang edad na ako 'no, I'm already 24 for crying out loud!"

Nanlaki ang mata ni Sky at pinitik ang noo ko. "Magpapakasal ka naman pala, 'di mo sinabi! Ang OA tuloy ng reaksyon ko! "

Ngumisi tuloy ako at hinawakan ang isang kamay niya sa mesa. "Oo, magpapakasal ako. I will marry you. "

Sa pagkakataong ito ay napatayo siya at nahampas ang lamesa. "My gas! Jaydee, never in my wet dreams kitang pinangarap na jugjugin 'no! Tapos sasabihin mong ako ang ama niyan?"

Napasapo nalang ako sa noo ko, kahit kailan talaga ang OA mag-react ng baklang 'to. Mabuti nalang at nakayanan ko ugali niya, sabagay simula 1st year college naman ay 'di niya na ako iniwan. Kaya nga siya ang napili kong papakasalan ngayon e.

"Hindi ko sinabing ikaw ang ama, ang sinasabi ko magpapakasal tayo para magkaroon ng tatay ang anak ko."

Nagkasalubong agad ang kilay niya sa paliwanag ko, nanatili siyang nakatayo at naglitanya.

"Hindi naman pala ako ang tatay, tapos ako aaburiduhin mo ngayon? Aba, ikaw nagpakasarap tapos ako ang aako dyan? Ano ka sineswerte?"

I smirked on what he said. "Well if you would like we can do it. Para naman masarapan ka rin at masabi mong 'di ka dehado."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at nakita kong naikuyom niya ang palad niya.

"Jade Lancea, one more stupid thing and I will slap you. I am reminding you na pumapatol ako sa babae."

Hinila ko naman siya paupo, nangangawit na ako kakatingala lalo pa't may katangkaran siya. Bumuntong hininga ako at ngumiti.

"Pumapatol ka naman pala sa babae, kaya Sky patulan mo na offer ko ha. Marry me."

"Baliw ka ng babae ka." Umiling-iling pa siya habang sinasabi iyon at akmang tatayo na siya nang inunahan ko siya at lumuhod sa harapan niya.

"Skyler Damien, please marry me."

I heard the people gasped. While Sky had his eyes wide open looking at me angrily. "Stop this, Jade. Seryoso ako, hindi na 'to nakakatuwa. Puntahan mo ang lalaking may-ari ng nyan, siya ang pakasalan mo."

Alam kong totoo ang sinabi niyang seryoso siya, kaya naman sumeryoso na rin ang mukha ko. Tinitigan ko siya at hinawakan ang isang kamay niya. Tumitig ako doon, kaya nakayuko ako sa kanya.

"I would like to marry him too, but I knew he would never marry me. I was just another girl he bedded; he didn't even know my name. Kaya sa iyo ako lumapit—" naputol ko ang sasabihin ko nang mabasag na ang boses ko.

My tears came down, the tears that I have been hiding.

"Alam mong ikaw lang ang malalapitan ko, wala akong ibang kaibigan na pwedeng takbuhan Sky. My parents never cared for me, you knew that. "

I kept on sobbing while saying those. Nanatili akong nakaluhod at nakatitig lang sa kamay niya. Hindi rin naman siya gumalaw o nagsalita man lang kaya nagpatuloy ako.

"Matagal na tayong magkaibigan, Sky. Alam kong wala kang balak sabihin sa tatay mong dating myembro ng Philippine Navy na bakla ka at total naman akala nila gf mo ako, pakasalan mo nalang ako please. Hindi ako magrereklamo kahit manlalaki ka man, basta may maipakilala lang akong tatay sa anak ko. Ayos na akong may makasama lang ako, please. I am begging you Skyler, please marry me."

Pinagtitinginan kami ng tao, may isa pa pang naglahad ng panyo sa akin. Pero hindi natitinag si Sky. Maybe I am asking too much, this is too much.

Kaya naman sa ilang minutong nanatili kami sa ganoong sitwasyon ay tumayo na ako, tama na. Hindi ko na siya mapipilit pa, masyadong mabigat hinihiling ko. Bumitaw na ako sa kamay niya at tumayo na, pero 'di ko siya magawang tignan.

Pinahid ko nalang ang luha ko at tumalikod na. "Sorry, kalimutan mo nalang ang ginawa ko."

Pagkasabi ko noon ay humakbang na ako paalis, pero natigilan ako ng may brasong humila sa akin. Napaharap ako kay Sky at nakita ko ang agaran niyang pagluhod.

"I'll forget that you proposed. I'll do that part. Marry me, Jade."


Agad kong inihiga sa kama ang anak ko nang makarating kami sa bahay na binili ni Sky. This will be our house now that we came back in here. Hinahaplos ko ang pisngi ng anak ko nang lumapit sa tabi ko si Sky at inakbayan ako.

"My son really looked like me." Napatingin ako dahil sa winika niya, napangisi tuloy ako. Itinuturing niya talagang anak ang anak ko, kahit hindi naman talaga siya ang tunay na ama. Pero may bahagi naman si Dame na kamukha si Sky, siya rin kasi ang pinaglihian ko. Kaya nakuha nito ang bilugang mata ni Sky, kaya mapagkakamalan mo talaga silang mag-ama.

"I just hope your son won't grow up like you." Agad naman akong binatukan ni Sky dahil sa sinabi ko. Nang tiningnan ko siya ay nakakunot na naman noo niya.

"Dapat lumaki ang anak natin na katulad ko, mabait, masipag, gwapo, matipuno at higit sa lahat ay RESPONSIBLE. Hindi katulad ng totoo niyang ama."

Ako naman ang natahimik ngayon, binibiro ko lang naman siya. Pagkatapos napunta na kami dito, masyado talaga siyang seryoso pagdating sa anak niya.

"Sky, ang ibig kong sabihin ay 'wag siyang lumaking binabae. Sayang ang magiging lahi ng anak ko kung saka-sakali."

Napanguso naman si Sky at tumitig sa bata. Saka siya tumango tango. "Oo nga 'no, gwapo ng anak natin. Sayang ang lahi kung bakla."

Napatawa tuloy ako ng mahina at nahampas ko pa siya. "Ikaw rin naman, sayang lahi."

Pabulong ko lang iyon pero alam kong narinig niya iyon, kaya naman pinitik niya na naman noo ko. "I'm gay, Jaydee. But I promised that I will be a good father and a good husband to you. Hindi pa rin sayang ang lahi ko, kasi mamanahin naman ni Dame lahat ng 'to."

Hindi ko tuloy napigilana ng sarili ko at niyakap siya. "Thanks, Sky! I really love you!"

I love him, as a friend. And I knew he does love me too.

"I love you too. But please, let go of me. I don't want to puke on you! Nafi-feel ko dyoga mo ha, nakakasuka!"

Napabitaw nalang tuloy ako at humalakhak na nang malakas, wala talagang pigil ang bunganga nito kahit kailan. Mabuti nalang hindi siya ganyan sa harap ng anak ko. Sabi pa naman fast learner ang mga bata, kahit pa Papa at My pa lang ang nabibigkas ng anak ko. Baka matutunan niyang masabi ang kabulastugan ng asawa ko.

Natigil lang ako sa pagtawa nang maulingan kong gumalaw si Dame. Nagmulat ng mata ang anak ko at ngumiti nang makita ako.

"My!" He called me, that's  why I hurriedly sat on his side.

"Gising na ang baby ko, hungry?" Tinulungan kong umupo ang anak ko habang tinatanong siya. Maya maya pa lang ay sunod sunod na tumango siya. Kaya naman parang naging cue iyon kay Sky at lumapit sa amin.

"Sige, magluluto na si Papa. Dadalhin ko nalang dito ang meryenda." Ginulo niya ang buhok ni Dame saka siya humalik sa noo nito. Nang bumaling naman siya sa akin ay ngumiti siya at hinalikan din ang noo ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

I'm really thankful to have him in my life. He is everything that I can wish for. Kahit pa nagmamahalan lang kami bilang magkaibigan.


OTOR's note:

UPDATE! Who are you rooting for? Maybe magbabase ang ending nito sa sagot ninyo, so do share your thoughts!

VOTE

COMMENT

FOLLOW ME

GreatPretender04(Jodie)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro