Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng




Jade

The atmosphere is cozy, but still nothing changes that it is a place where people get drunk. I raised my hand to order again.

"Hey, 3 more glasses of tequila." I ordered the bar tender and gulped the last glass on the bar counter. Tumingala ako nang maramdaman ko na naman ang kakaibang sensasyon sa aking lalamunan, nakaka-apat na baso na ako pero 'di pa rin ako kalmado.

Paano nga ba ako kakalma kung kanina pa may nakatitig sa akin. Agad kong nilingon ang kanang gawi ko, kung saan nakaupo ang kanina pa nagmamatyag sa akin.

"What?" I asked him.

Napabuntong hininga nalang si Sky at hinayaan nalang ako. Dito niya kasi ako dinala sa bar, dahil alam niyang kailangan ko 'to. Kailangan kong malasing, para naman makatulog ako kaagad. Alam niya iiyak lang ako magdamag, kaya mas minabuti niyang patulugin ako gamit ang alak.

Nang dumating na ang inorder ko ay sunod-sunod kong nilagok ang dalawang baso.

"Hey! Slow down, lady!" Agad nilayo ni Sky ng natitirang isang baso, kaya nangunot ang noo ko at binalingan siya.

"Ano ba? Di-dinala mo ako dito para maglasing, kaya hayaan mo ako! Baklang 'to, pakealamero!" Akmang aagawin ko na naman ang baso sa kanya, pero inisang lagok niya lang ito.

"Dinala kita dito para makausap ko, hindi para lasingin." Napabuga tuloy ako ng hangin sa tinuran niya, sinong siraulo ang makikipagusap sa isang bar.

Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata saka ko sinagot ang sinabi niya. "Huwag mo akong lokohin, kilala kita Sky. Kilala mo ako kaya mas gugustuhin mong malasing nalang ako kaysa umiyak lang dahil sa pakikipag-away ko sa'yo."

Bumaling ako kaagad sa waiter at umorder ulit ng lima pang baso, wala na naman akong narinig pa sa kanya. Kaya naman nagtuloy tuloy nalang ako sa pag-inom. I never imagined that I will make myself drunk again, because the last time I was drunk was years ago.


Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na sumasagi sa aking mukha, kaya agad akong nagmulat. Sa pagkakataong iyon ay agad umatake ang sakit sa aking ulo, nagka-hang over na naman ako. Pero 'di ko muna ito ininda at tiningnan ang buong paligid.

I knew I was not in my room, but in my room before on Sky's house. The place felt so familiar, that made me missed it. I was out of my truce when someone came in.

"Dinalhan kita ng gamot para sa hang over. May mga damit ka pa sa cabinet dyan, maligo ka na muna. Bumaba ka nalang para mag-almusal." Dire-diretso ang inutos niya at inilapag lang ang tray na may tubig at gamot sa bedside table, saka agad lumabas. Hindi na rin ako nagsalita pa o sagutin man lang si Sky. Siguro tama na munang mag-ayos na muna ako, bisita niya lang ako sa pagkakataong ito. Kaya naman magpapakita nalang ako ng kahit kaunting respeto.


Agad akong nanibago sa suot kong loose t-shirt at shorts. Kadalasan kasi akong naka-dress kapag nasa bahay. Hindi naman dahil sa iyon ang gusto ko, kun'di iyon lagi ang binibili ni Simon para sa akin. Though I prefer wearing just shirt and shorts, especially before.

Tumikhim ako nang tuluyan na akong makalapit sa dining area at nakitang nagluluto si Sky sa kusina. Nakakapanibago na ang bahay. Kahit pa wala naman talagang malaking pinagbago it, siguro dahil matagal na akong 'di nakakapunta rito.

"Matatapos na 'tong niluluto ko, just sit there." Utos niya pa, kaya naman sumunod nalang ako at inikot sa paligid ang paningin ko. He maintained the house very well, the furniture still looks new, the place still feels like home and the only difference is it feels empty.

"Here," saad ni Sky habang naglalapag ng pagkain sa mesa. Hindi ko mapigilang mangiti ng bahagya, dahil na rin sa omelet roll at bacon na inihanda niya. Those are my favorite, especially when he's the one that cooked it. I missed this, but I can never go back to this I knew that.

Nagsimula nalang ako kumain nang umupo na siya sa harap ko, may pagkain rin siya pero 'di niya pa ginagalaw. Alam kong sa pagkakataong ito ay nakatitig pa rin siya sa akin, kaya naman nag-angat na ako ng mukha at binalik ang tingin niya.

"Fire away," I said. I knew he wanted to ask a lot, I also want to end some issues between us. Because I don't want him to get involve with me anymore; I just can't let him on board on my life again. I made him suffer once; I don't want it to happen twice.

Bumuntong hininga naman siya at nagsalita na.

"How long did you knew?" He asked.

"After a year that we stayed in NYC."

"Did you confront him about it?"

Tumigil ako sa pagsubo at binalingan siya. "Hindi."

"Wait, what? Bakit? You two are in a relationship, he should know that you knew." Medyo umangat ang boses ni Sky, kaya naman binaba ko na muna ang kubyertos at pinakrus ang mga braso kosa aking harap.

"Yes, we're in a relationship. Nasa iisang bahay kami at nagbabahay-bahayan, pero hindi ibig sabihin no'n na panghihimasukan ko na siya. Tama nang umaasta siyang ama ng anak ko."

Agad hinampas ni Sky ang mesa, kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Bullshit! You are hurting Jade, because you fucking love the man! Tapos ngayon sasabihin mong hahayaan mo nalang? Nagpapakamartir ka ba? Ganyan ba ang gusto mo Jade? Gusto mo bang habang buhay ka nalang niyang lolokohin?"

Nagbuga ako ng hangin at saka ako pumikit para kumalma bago magsalita.

"Hindi mahalaga kung mahal ko siya, Skyler. Ang mahalaga buo ang pamilya ko at masaya ang anak ko, kahit pa sabihing nasasaktan man ako o nagmumukhang tanga. Pinili ko 'tong mangyari, kasi pinilit mo akong hiwalayan ka!"

Agad natahimik si Sky sa paratang ko, nasapul siguro siya. Kasi kung tutuusin tama ang lahat ng sinabi ko, kaya ko piniling 'wag lapitan si Simon dati dahil alam kong ganito ang mangyayari. I knew the guy very well; I love him for so long that I knew every detail that I have to know about him, that is why I chose to marry Sky. It's just too bad that I still ended up being in this situation now. The situation that I never dreamt of, for me and my son.

Nanatiling 'di kumikibo si Sky, kaya naman tumayo na ako. "Thanks for the breakfast and for making me stay last night. At total naman andito na ako, sasagarin ko na. May hihingin akong  pabor."

"Ano 'yon?" Tanong ni SKy at lumingon sa akin, bumaling na rin ako sa kanya at seryosong tinitigan siya.

"Act like you don't know anything. Let's precede with the annulment and from now on mind your own business."


Pagdating ko sa bahay ay saktong pagbaba ni Simon mula sa kanyan silid, agad niya akong pinakitaan ng ngiti sa kanyang mga labi at tumakbo para yakapin ako. Oh how I always make sarcastic comments in my head for every smile that he makes after he had gone with the girl. It's pretty funny, now that it repeats again and again.

"Babe, where have you been? I've been calling you since last night." May pag-aalala sa boses niya, pero alam kong simpleng pag-aalala lang iyon para sa isang kasama mo sa bahay na nawawala. I knew he's treating me right in front of everyone, but I also knew that deep in his heart I am not there.

"Na lowbat kasi ako, at saka medyo naparami kami ng inom. We catch up for many years, that's why I chose to sleep on the hotel with everyone."

Ngumiti pa ako para suportahan ang sagot ko. Kaya naman napatango-tango siya sa paliwanag ko, pero may kunot sa kanyang noo. "Kasama si Sky?"

Ako naman ang nagkasalubong ang kilay sa tinanong niya. Of course he will ask, because he wanted to have the annulment more than I am. So that he can have the full custody for my child and his name on Dame's.

"Dumaan lang si Sky, busy raw siya kaya 'di nagtagal. Kaya 'di kami nakapag-usap tungkol sa annulment." Ngumuso naman siya at inakbayan ako dahil sa sagot ko.

"Sayang naman, sabagay kahit pirma mo lang naman at pirma niya ay mapa-process na iyon."

Tumango nalang ako, saka ko tinanggala ng pagkakaakbay niya. "Maliligo lang ako, I kinda stink."

Tumango naman siya sa aking paalam kaya naglakad na ako paakyat sa silid ko, pero natigilan ako nang magsalita pa siyang muli.

"Babe, please next time don't wear those clothes." Nilingon ko siya at napabaling ako sa damit ko. Anong mali sa suot ko?

"What?"

"You look hot in that, babe. Nakakainis lang na nakita ka ng ibang nakaganyan," he said and looked away. He looks jealous, but I knew better. He just wants me to act prim and proper, just like the girl that he's been with.

"Okay." Iyon lang ang sinabi ko at nagtungo na sa banyo ng aking silid. Nakaligo na naman ako, pero naisip ko lang na gusto ko pang magtampisaw ulit. Kaya naghubad na ako at itinutok sa akin ang shower, kasabay nito ang pagtulo ng mga luhang kagabi pa gustong tumulo. As I let the water drip on my body, I also stared on myself on the mirror.

I look so pitiful in this state, compared to the girl with Simon last night. I looked horrible. I knew the girl of course, because he's the only girl that Simon loves. Ever since we're in college she's the only girl that Simon loves above all the girls that he bedded, he always comes home to her. Eirene Tsui.

Siya ang naging dahilan ng pagiging babaero ni Simon, kasi sila 'yong tipong forbidden love. Chinese custom still appeals on Eirene's family, which is why Simon was not welcome to them. They wanted Eirene to marry another Chinese, but no matter what happens both Simon and Eirene find ways to date in secret. And every time that her family takes her away, that's when Simon beds another woman out of frustration. Sad to say, but I am also one of those women.

Hindi ko mapigilang humagulhol sa mga naalala, alam kong hanggang ngayon ay mahal pa rin siya ni Simon. Pero para sa anak namin, katulad ng dati ay patago nalang silang nagkikita. Ang kinalalbasan, ako ang kontrabida sa love story nilang dalawa. Wala naman akong magagawa, nagmahal lang ako. Nagbunga ito at ngayon kailangan kong isaalang-alang ang anak ko. Kahit pa magmukhang tanga ako, ang kaligayahan ni Dame pa rin ang pipiliin ko.

I'll stay blind if that what it means to make my son live in a happy family. I rather hurt myself than to make my son suffer in the future. After all, I don't have any other choice. My only shot to have a complete family is with Sky, but he doesn't want it. That is why I'm choosing this, I'm choosing my despair.


Sinundo namin kaagad ni Simon ang anak namin, dahil hindi na muna pumasok si Simon. Gusto niya raw makabawi, kaya naman katabi ko na ngayon sa backseat ang anak kong mahimbing na natutulog.

"You also looks sleepy, Babe. Matulog ka muna, gigisingin ko nalang kayo kapag nasa Manila na ulit tayo." Saad ni Simon, habang nagmamaneho sa driver seat. Tama naman siya, inaantok na talaga ako. Hindi ko rin kasi alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa kalasingan at maaga pa akong nagising kanina.

"Gisingin mo ako kapag may kailangan ka ha," sabi ko nalang at umayos upang sumadal sa headrest ng upuan. Ipinikit ko na ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Agad ko naman itong kinuha, para 'di magising ang bata.

Sino naman kaya 'tong wrong timing kung tumawag? Isang unregistered number ang lumbas, kaya wala akong nagawa kun'di sagutin ito.

"Hello," bungad ko.

"Jade," the voice answered. I knew his voice, I can easily recognize it. It was Sky's.

"Anong kailangan mo?" Malamig kong pabalik na tanong sa kanya, akala ko kasi nagkaintindihan na kami kanina. Sinabihan ko na siyang 'wag makialam at at antayin nalang ang annulment namin, pero heto siya ngayon. Hindi ko alam anong nakain niya at napatawag pa siya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya bago niya ako sagutin. "Jadeyy, I missed you."

Kumunot ang noo ko sa pahayag niya. How can he be so thoughtless? He missed me? Miss me, my ass!

"Ano ngayon?" Mataray kong sagot, pero inignura niya ata ito dahil agad siyang bumwelo ng sagot.

"I can't do what you asked for. Because I may look like a dumbass right now, but I want you back in my life. "

I was dumbfounded and couldn't utter a word. I took a glimpse on Simon, but he was busy driving. But still, I don't know what to say to Sky. All I am thinking right now is he's being a crazy ass. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya lang ako o baka naman nakainom lang. Nag-aantay ako ng mga salitang 'joke lang', pero hinaba-haba ng pananahimik ko ay wala. Wala na siyang ibang matinong idinagdag, kaya nagtangka akong magsalita.

"What the hel-"

"Please, Jadeyy. Come back in my life. Come back to me." And that made me feel goose bumps. What on earth is he up to? Just what the fuck is he talking about? Damn him! Damn you, Skyler Damien! Bwisit kang bakla ka! Anongkalokohan na naman to?





Otor's note:

Ano sa tingin nyo? Anong kalokohan 'to? Any idea?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro