Kapiling

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kape ang lagi mong kapiling sa lahat ng bagay. Maaga ka laging umaalis ng bahay niyo at pumupunta sa So Brewed café—isang coffee shop na malapit sa opisina mo—para mag-agahan, magkape para may energy sa buong araw at mag-“me time”. Dahil iyon na ‘yung perfect time para magkaroon ka ng oras para sa sarili mo dahil masyado kang busy sa buhay.

At sa bawat araw na paglalagi mo sa coffee shop na ‘yon ay unti-unti mo nang nagiging ka-close ang mga crew at staff doon, lalo na ang crush mong barista na si Stell.

Isang araw ay na-late ka nang gising. Nagsabi ka sa boss mo na sa afternoon shift ka na lang papasok dahil masama ang pakiramdam mo. Kahit lunch time na, ay nagpunta ka pa rin sa coffee shop para magkape. Nang makarating ka roon ay laking gulat mo na may nakalagay na “reserved” sa ibabaw ng lamesa. Aalis ka na sana, nang may nakita kang post-it note na nakadikit dito.


( Hello to the lady who always sit here.
I hope you’re doing fine! :) )


Nang mabasa mo ang note ay tumingin ka sa paligid para hanapin kung sinoman na naglagay no’n. Napansin ka ng isa sa mga crew at tinanong ka kung anong problema.

“Nakita mo ba kung sino naglagay nito?” Ipinakita mo sa kaniya ‘yung note.

“Hindi po eh.” Sagot niya at saka umalis.
Isinawalang bahala mo na lang ito dahil inisip mo na baka nangti-trip lang. Kaya itinupi mo ang note at inilagay ito sa planner mo.

Nang sumunod na mga araw ay bumalik na ulit ang morning routine mo. At sa mga araw ding ‘yon ay patuloy na may nadadatnan kang post-it note na may nakasulat na quotes at short/sweet messages. May time pa na bigla na lang sine-serve sa ‘yo ang paborito mong order-in na kape. Sinubukan mong tanungin ang mga staff pero pare-pareho lang sila ng sagot, “Hindi ko po alam.”

Isang araw, napagpasiyahan mong pumasok nang mas maaga pa sa oras ng pagpunta mo sa coffee shop, para malaman kung sino ‘yung taong naglalagay ng mga post-its sa seat mo. Pero sa kasamaang palad ay hindi ka nagwagi, dahil pagpunta mo roon ay may nakalagay na agad.
Sa mga oras na ‘yon ay hindi mo maiwasang hindi mag-isip na baka palagi siyang nakasunod sa ‘yo. Dahil kung hindi, ay papaano niya nalaman na mas maaga kang pupunta ngayon.

Dumating na naman ang Lunes, gustuhin mo man magkape ay nilagpasan mo muna ito dahil mayroon kang plan B.

Pagpasok mo sa opisina ay agad mong nilapitan ang officemate mong si Mark.
“Mark, pwede bang sabay tayong mag-lunch mamaya?”

Nakita mong kumunot ang noo niya at may halong pagtataka sa mukha. “Kapapasok mo lang, lunch time na kaagad ang nasa isip mo? Pwera biro, anong mayro’n at bigla kang nagyaya?”

Nagbuntong-hinga ka bago sumagot. “Ganito kasi ‘yon, alam mo ‘yung So Brewed café ‘di ba?” Tumango siya bilang sagot. “Bago kasi ako pumasok, tumatambay muna ako roon, para mag-coffee at—”

“At para silayan ang crush mong barista.” Pagputol ni Mark sa sinabi mo.

“Pwera pa ‘yon. So ito na nga, recently kasi, may nag-iiwan ng post-it note doon. Mas inagahan ko na rin ‘yung pagpunta roon para hulihin siya, kaso failed! Tinanong ko na rin ‘yung mga staff doon pero hindi raw nila alam.”

“And now?”

“Gusto ko sana mamaya, doon tayo mag-lunch. Don’t worry, sagot ko na! Basta tulungan mo ako. Kunwari mag-girlfriend/boyfriend tayong dalawa.”

“Sure! Iyon lang pala. Akala ko naman kung ano.” Sagot niya.

Dumating na ang lunch time. Magkahawak-kamay kayong pumasok sa coffee shop. Pagpasok ninyo ay masigla kayong binati ng mga staff. Nang mapadaan kayo sa counter, mula sa peripheral version mo ay nakita mo ang mabilis na pagpalit ng expression ni Stell. Mula sa malapad na ngiti ay naging gulat at lungkot ito.

Imbis na umupo sa pwesto mo, ay pumunta kayo ni Mark sa corner part ng café—kung saan maganda ang background at pwedeng magpicture bilang “props” sa roleplay ninyo.

Mayamaya pa ay nakita mong paparating sa puwesto niyo si Stell para i-serve ang order niyo. Napansin mo rin na may nakadikit na post-it note dito. Bago pa man makita ni Mark ang nakalagay sa note sa ‘yo ay agad mo itong nilukot at ibinulsa.

“Anong nakasulat sa ‘yo?” Tanong mo sa kaniya.

“Good luck at may smiley face. Sa ‘yo ba?”

“Parehas pala tayo.” Pagsisinungaling mo.

Habang umiinom ka ay biglang nagsalita si Mark. “May ipagtatapat pala ako sa ‘yo.”

“Ano ‘yon?” Ibinaba mo ang tasa at hinawakan niya ang dalawang kamay mo.

Umayos siya sa pagkakaupo bago tumingin sa ‘yo. “Matagal na kitang gusto.”
Para kang naestatwa nang oras na ‘yon dahil hindi mo alam ang isasagot mo.

“Pero alam ko namang may iba kang nagugustuhan. Kaya sige na, puntahan at kausapin mo na siya.” Nakangiting sabi sa ‘yo ni Mark.

“Thank you!” Tumayo ka at agad na pumunta sa counter para hanapin si Stell.

“Ay Ma’am, kalalabas lang po niya para mag-break. Baka maabutan niyo pa po.”

“Sige, thank you.” Agad kang lumabas ng coffee shop at naglakad sa right side nito dahil doon ang isang exit. Umaasa na baka doon mo makita si Stell. At tama nga ang hula mo.

Lumapit ka sa kaniya. Inilabas mo ang note mula sa bulsa mo at bigla mo itong inabot sa kaniya.

“Mas gusto kong marinig kaysa basahin lang.” Sabi mo.

Nagulat siya pero kinuha rin ang note at saka binasa. “Hi, I’m Stell, ang palaging nag-iiwan ng post-its. And I think, I like you.” Nakayuko lang siya pagkatapos.

“And I think, I do, too.” Sabi mo, dahilan para mag-angat siya ng tingin. Pero hindi niya yata naintindihan kaya nagsalita ka ulit.

“I like you, too.” Malapad siyang ngumiti at bigla kang niyakap ng mahigpit.

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro