Ika-labimpito na Kataga: Huling Kabanata

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

      "Lola, ang ganda naman po pala ng Lovestory ninyo ni Lolo Pier. Sana gaya po sa inyo, mahanap ko rin ang lalaking magiging Hari ng puso ko sa edad na bente anyos," masayang sabi ni Alexa habang kumakain ng popcorn sa mangkok na kulay puti.

     Nakaupo siya sofa na pinaghalong kulay malamlam bughaw at berde na pang-isang tao habang ang Lola Acxel niya'y nakaupo sa silyang kulay Barnes. Nasa terrace kasi sila ng Two-storey na bahay na gawa sa adobe. Mababakas ang ganda ng lugar bagamat gawa ito sa kadaanang desenyo. Nakatayo lang naman ang batong gusali na ito sa itaas ng bundok. Kung saan matatanaw ang malawak na karagatan at mga punong-kahoy na kay lamig tingnan sa mga mata habang patuloy na umiindayog sa saliw nang ihip ng hangin. Gayon din, kahit luma na'ng bahay inaalagaan pa rin ito nang mabuti para na rin sa hiling ng kaniyang Lolo Pier.

    "Masaya ang naging kabataan ko noon, Apo. Sa edad na bente naging kami ng lolo mo. Samantalang nasa bentedos anyos na siya noon. Kahit gustuhin ko man na magalit sa kaniya. Hindi ko magawa, lalo at siya ang una kong minahal sa tanang buhay ko. Bagamat nagtapat ng pag-ibig noon si Carl na sikat na HeartThrob ng kursong Edukasyon, talagang wala akong nararamdaman para sa kaniya. Kaya sa huli sumuko rin siya at hindi na nangulit pa. Nalaman ko na lang noon napangasawa niya si Alice na dati kong naging kaibigan. Pero, simula ng Araw ng mga puso naging makulay na'ng mundo ko. Umabot kami ng limang taon na magkasintahan ni Pier bago kami tuluyang ikinasal. Bagamat magkaiba kami ng propesyon sa buhay na kung saan nakapagpatayo ako ng maliit na negosyo na 'di naglaon naging isang sikat na supermarket sa bansa na pinapatakbo ngayon ng mama mo. Samantalang ang lolo mo'y nakapagpatayo ng bookstore na sumikat din sa ibang bansa na ngayong inaasikaso na Kuya Earl mo. Mukhang namana niya sa lolo mo ang talento sa pagsusulat," nakangiting bigkas ng lola niya habang nasa malayo pa rin ang tingin 

    "Tama ka, La. Mukhang namana niya talaga. Torpe rin gaya ni lolo, hanggang ngayon kasi 'di pa rin malapitan si Jasmine. Gagayahin niya raw teknik ni Lolo Pier na itinuro ni Lolo Cier na magaling dumiskarte sa chicks," natatawang sagot niya sa Lola Acxel niya habang pasubo muli ng popcorn.

    "Para sa akin, hindi torpe ang lolo mo, Apo. Talagang nahiya lang siyang lumapit at magpakilala sa akin dahil bata pa lang kami gusto na niya 'ko. Sabi nila, pag ang babae na karespe-respeto ang itsura, mahihiya ang lalaking lumapit sa 'yo kahit pa gustong-gusto kaniya. Hindi niya magawang magtapat ng nararamdaman dahil alam niyang hindi ako gaya ng ibang babae na madaling makuha. Nalaman ko rin noon na magsimula pagkabata binantayan ako ng Lolo Pier mo. Alam niya kung saan-saan ako nagpu-punta kaya alam niyang pihikan ako sa lalaki. Noong bago maging at naging kami araw-araw niyang ipinaramdam sa akin na ako ang prinsesa niya. Hindi siya nagkulang ng pagmamahal na sobrang hinangaan ko sa lolo mo," naiiyak na turan ng lola niya bago pinunasan ang mga luha gamit ang likod ng kanang kamay.

     "Sweet po pala talaga si Lolo Pier,  may ganyan pa kayang lalaki ngayon, La?" anang sabi niya bago pinag-cross ang mga hita at sumandal sa likod ng sofa.                  

     "Siguro, Apo. Pero, mahirap makahanap ng taong magmamahal sa 'yo higit pa sa magagawa mo sa panahon ngayon. Ngunit kung may dumating man na gaya ng lolo mo sa buhay mo. Huwag kang matakot na sumubok at sumugal dahil hanggat hindi ka nasasaktan. Hindi mo malalaman ang kahulugan ng pag-ibig sa kasalukuyan," makahulugang payo ng lola niya na malayo pa rin ang tingin.

      "Hindi ko po kakalimutan 'yan, La," nakangiting sang-ayon niya bago tumingkayad at kumuha ulit ng popcorn.

      "Dito sa lugar na ito kami ikinasal at nanirahan dahil na rin sa kagustuhan naming pariho sa simple at tahimik na lugar. Sa edad na dalawampu't anim at walo nagpakasal kami ng lolo mo. Nakapagtapos siya ng kursong Pamamahayag samantalang ako'y Pang-negosyo. Bagamat maraming kumukuha sa kaniya dahil matalino ang lolo mo. Hindi niya ito tinanggap dahil mas gusto niyang makasama ako at maalagaan. Kaya naman ipinagpatuloy na lang niya paggawa ng Nobela kung saan mas nagpasikat sa negosyo ng lolo mo at isa sa mga ito ang ginawa niyang, "Kataga ng mga salita, Binibini." Kung saan naglalaman iyon ng buong pag-ibig sa isang dilag na kaniyang minahal buong buhay niya. Kung saan itinuro niya sa iba ang hangganan ng pag-ibig na siyang binigkas ko sa aking talumpati noon. Akala ko makakalaban ko siya sa salitaang 'yon. Ang hindi ko alam, aamin lang pala  siya ng nararamdaman kung saan isiniwalat niya sa lahat ang tunay na kuwento sa akda niyang hinangaan at minahal ng lahat. At kung bakit siya tinawag na King of Hearts—na kung saan tinaguriang siyang mapagmahal na binata," mabagal at puno ng kahinahunang bigkas nito habang nakaupo sa silyang de-tumba. 

     "Paano po pala iyong sinasabi ni mama, La, na tungkol kay Lola Percy," malungkot na bigkas ni Alexa habang napatulala sa kulay bughaw na dagat na patuloy na umaalon-alon sa kung saan.

    "Namatay si Mama sa sakit na Luekemia after ng kasal ko kay Pier. Huli na nang malaman ko ang lahat. Kaya pala sila umaalis noon ni papa patungong Baguio para magpagamot, pero, noong huling alis nila patungo roon nalaman kong inatake siya. Sinabi sa akin ng Lolo Cier mo na siyang nakadestino roon kasama si Lola Meg mo na napangasawa niya," pabulong na sabi ni Lola Acxel habang patuloy ang paglalaglagan ng mga takas na luha sa mukha na bakas na bakas ang katandaan.

     "Sorry po, Lola," nakayukong sabi niya na siyang ikinahiya niya. "Huwag mo na po i-kuwento kung hindi ninyo na po kayang alalahanin pa," nalulungkot na sabi sa lola niya na patuloy na umiiyak.

    Suot nito ang kulay malamlam na bestida at may dobleng kulay malamlam na berdeng polo na paborito ng kaniyang Lolo Pier habang nakatulala sa karagatang puno ng katahimikan.

    "Natupad ko ang kahilingan ni mama bago siya mamatay. Napangasawa ko ang Lolo Pier mo kung saan botong-boto siya rito. Natatandaan ko pa noon, kaka-tatlong taon pa lang namin ng lolo mo gusto na niyang magpakasal kami.  Iyon pala ang gusto niyang mangyari—na maikasal muna ako bago siya mawala. Pagkatapos din ng limang taon sumunod na rin si papa na siyang inatake sa puso. Kaya sa huli, kami na lang ng lolo mo ang naiwan na magkasama dahil na rin sa namatay na rin si Mama Kylie dahil sa katandaan, maging si Tito Bier din ay namatay makalipas ng tatlong taon na wala ni isang pamilya dahil sa tumandang binata na ito," nakatulalang bigkas pa rin nito bago malalim na bumuntong hininga.

    "Lola, okay lang po ba kayo? May masakit na naman ba sa inyo, La?" aniyang napatayo sa kabang nararamdaman bago tuluyang nilapitan ang lola na hawak-hawak ang dibdib. 

    "Apo, mahal na mahal ko kayo ng Mama Alxien mo. Malamang ito na ang huling kuwento ko sa 'yo, Apo. Sabihin mo rin kay Kuya Earl mo na maging mabuting bata siya at ipagpatuloy niya ang talento niya. At ikaw alagaan mo ang sarili mo. Kapag nagmahal ka, dapat handa ka. Handa kang tanggapin ang maaring karanasang puwede mong maranasan dahil hindi lahat ng Lovestory maganda ang magiging resulta. Minsan kailangan nating tanggapin na bawat tao na nilalang sa mundo kalakip noon iba't ibang kuwento at karanasan. Sa libro maaring maganda ang maging ending, pero sa huli pagkatapos ng huling sipi ng babasahin. Tatakbo muli ang orasan para sa panibagong yugto ng karanasan at kaalaman. Huwag mong pababayaan ang mama mo, tulungan mo siya sa negosyo pag makatapos ka. Ito na ang pinakahihintay ko, Apo. Nararamdaman ko na," mahaba at papikit na sabi ng Lola Acxel niya habang nakasandal sa silya.

     "Lola, ano bang sinasabi mo. Wala na nga po si Lolo Pier tapos pati ba naman ikaw, La," naiiyak niyang turan bago tinapik-tapik ang kaliwang kamay ng Lola Acxel niya.

    "Lahat ng tao, puwede ng mawala kung kukunin na siya. Hindi natin mapipigilan ang pagtanda. Darating sa puntong kailangan nating tanggapin na hihina, kukulubot at magkakasakit ang tao, maging ang kaanyuan ay tuluyang maglalaho at at babalik sa dating itsura kung saan mukha tayong kahoy na matutuklap sa paglipas ng panahon," makahulugang bigkas ni Earl na nasa tapat ng pintuan.

   "Kuya, ano'ng gagawin natin? Si Lola," lumuluhang bigkas niya habang nakaupo na sa lamesang kulay babasagin habang hawak ang kaliwang kamay ng matanda. 

   Hindi niya mapigilang hindi lumuha at hawakan ang kaliwang dibdib. Masakit para sa kaniyang makitang naghihingalo ang Lola Acxel sa harapan niya na naman gaya ng Lolo Pier niya noon—dalawang taon ang nakakalipas. Patuloy nang umaagos na parang gripo ang mga luha sa mga mata niya, lalo at huling usap na nila kani-kanina lang—masyado pang malinaw sa kaniya ang lahat. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses nang ikinuwento nito ang Lovestory nila ng kaniyang Lolo Pier, maging ang kaniyang mommy ay umay na umay na. Ngunit para lang manatiling malakas ang lola niya. Hinahayaan na lamang nila ito at pinapakinggan upang kahit papaano'y maging malakas pa rin ito habang inaalala ang masasaya at malulungkot na yugto ng buhay nito mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.

     "Alam na natin 'to, Alexa. Nasa baba na sila Tita Mierlyn, Tito Cyrus kasama sila Miguel at Carie. Mamaya darating na rin sila mom at dad," anang sabi ng kuya niya habang hindi mapigil ang paggaralgal ng tinig.

     Bagamat nagmamatapang ito. Alam niyang masakit para dito na makita ang lola nila habang unti-unting napuputol ang hininga. Nakasandig na ang ulo nito sa kaliwang bahagi habang nakapikit ang mga mata. Patuloy ang pag hatak nito ng hininga habang nakabuka ang bunganga. Samantalang hawak pa rin niyang ang mga kamay nito na bumabaluktot na. Hindi niya mapigil ang pagluha kahit naninikip na ang dibdib niya. Pinipilit niyang huminga ng malalim kahit pa pakiramdam niya magco-collapse na rin siya.

     "Couz," mahinahon na bigkas ni Carie sa pangalan niya.

     Alam niyang pilit lang nitong pinapagaan ang loob niya. Pero, mas naglulumakas ang hagolgol niya nang biglang pumasok sa terrace ang Daddy Harry at Mommy Alxien niya na biglang tumakbo sa puwesto nila at humagolgol. Dahil sa nangyari, lahat sila at nag-iyakan na.

      Yakap-yakap ni Harry ang likod ng asawang nakayakap sa ina na wala ng buhay habang yakap naman ni Carie si Alexa na humahagolgol din. Nakaupo naman si Earl sa tabi ng pintuan habang nakasubsob ang mukha sa tuhod. Kaya naman umupo si Miguel sa tabi nito at hinawakan siya sa kaliwang balikat—tanda ng pakikipagsimpatya nito. Tahimik naman na lumuluha si Mierlyn habang yakap ng asawang si Cyrus. Parihong tig-isang babae ang naging anak ng magkapatid na Latther kaya tanging sila-sila lang ang naroon.

                                     Wakas.                 

https://www.youtube.com/watch?v=NfTS7gM7zQ0

Np: A Thousand Years by Christina Perri

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro