Ika-pitong Kataga

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

      "Uy, saan tayo pupunta?" mga salitang lumabas sa bibig niya makalipas ng ilang minuto.

       Pero, nanahimik pa rin ang lalaki na parang walang naririnig sa mga sinasabi niya. Nakahawak pa rin ito sa kanang kamay niya habang patuloy silang naglalakad sa malawak na ground.

     "Hala! Ohmyeged! Bakit kasama niya si Mr. Editor-in-Chief? Sila na ba? Bakit magkahawak pa sila ng kamay? Hala, saan sila pupunta?" Mga salitang naririnig niya mula sa paligid habang nadadaanan nila ang ibang estudyante.

     "Uy, pinagtitinginan na tayo. Bitiwan mo na nga ang kamay ko. Nakakahiya," aniya bago pilit nagpupumiglas sa mga hawak ng binata.

     "Don't mind those people around you. Magfocus ka lang sa akin," tuwirang sabi ni Pier habang mas hinigpitan pa lalo ang hawak sa kamay niya.

     "Alam mo nababaliw ka na siguro. Bigla ka na lang bumabanat tapos manghahatak ka na lang kung gusto mo," iritableng sabi niya habang nakabusangot.

     "Pake mo ba? Nababaliw na nga ko dahil kasama kita. Kaya naman kailangan ko ng gamot para gumaling na ang gaya kong nababaliw sa 'yo," seryosong sabi nito habang patuloy pa rin siyang hinahatak.

      Hindi tuloy siya makapag-isip dahil sa pinagsasabi ng binata. Pakiramdam niya parang may gumagalaw sa tiyan niya. Hindi niya rin alam kung bakit umaakto ng ganito ang lalaki at kung bakit sumusunod siya sa panghahatak nito.

      "Ano'ng gusto mo?" baling nito sa kanya nang mapahinto sila sa paglalakad.

       Sa sobrang dami ng iniisip niya hindi niya namalayang nasa canteen na pala sila. Nang tuluyan niyang lingunin ang lugar napansin niyang may pailan-ilan na mga estudayanteng kumakain sa bawat sulok. Nakatingin din ang mga ito sa kanila habang nakakunot-noo. Hindi rin siguro nila inaasahang magiging magkasama ang Nerd na gaya niya at ang Editor-in-Chief ng campus.

      "I told you, dont mind them. Ano'ng gusto mo kainin?" bigkas muli nito na 'di alintana ang mga nasa paligid.

      Patuloy lang itong tumitingin sa mga pagkaing nakahain sa loob ng canteen—sinisipat ang mga pagpipilian na pagkain.

      "Ah, bahala ka," napapayukong sabi niya bago tumungo ng tuluyan.

      "Naku! Nahiya ka pa sa akin. Huwag kang mahiya sa akin. Walang-hiya nga ako tapos nahihiya ka?" medyo may higikgik na sabi nito habang naiiling.

      Napapatulala naman siya sa mga ginagawa ng binata ganoon din ang magbabago ng mood nito mula sa; pagsusungit, pagtataray, pagtawa at maging ang pagbanat nito ng mga salitang nagpapanganga sa kanya. Bagamat hindi niya nakikita ang matatamis na ngiti nito mula sa mga labi dahil sa pula at itim na facemask nito sa mukha. Pero, ang mga salitang binibigkas nito ang nagpapahina sa tibok ng puso niya.

      "Huwag mo nga 'kong titingnan ng ganyan. Alam kung gawapo ako, Miss Takot masaktan," anito bago humagikgik muli. 

      "Feeling! Gawapo raw? Kailan pa? Hindi mo nga pinapakita ang mukha mo, e," ngiwing sabi niya rito habang natatawa. "Tangggalin mo kaya 'yang facemask mo, tingnan natin kung gawapo ka nga talaga," nakangiting asar pa niya rito.

      "Haha ganyan nga ngumiti ka naman. Bagay mo pala ang nakangiti, e. Nakaka-amazed makita ang mga galaw ng labi mo ng ganyan," wika nito habang nawawala na naman ang mga mata nito.

      "Baliw. Ngayon lang 'yan. Nai-imagine ko kasi ang pangit na ngisi mo sa facemask na 'yan," banat niya bago tinanggal sa pamamagitan ng kaliwang kamay ang magkasalikop nilang nga kamay bago humalukipkip.

      "Wow! Baka pag makita mo ang pagmumukha ko ma-inlove ka at masabi mong ikaw na ang pinakamasuwerteng babae dahil nakilala mo si King of Hearts  author na magpapakabog ng dibdib mo," banat na naman ng binata na siyang pakiramdam niya nagpamula ng pagmumukha niya.

       "Gutom ka lang, King of Hearts. Ikain mo lang na lang 'yan. Sabihin mo na kay manang ang order mo," isnab niya habang pilit na pinipigil ang pagtawa.

      "Sus, rason mo. Baka pag makita mo ako, hahabulin mo ako," napahalakhak na sabi pang muli ng binata na nagpanganga sa kanya nang mapalingon muli rito. 

     Maging si Manang tindera'y napapaawang ang labi at napapahagikgik. Nang lingunin niya ang buong lugar ganoon din ang mga reaksyong pinapakita ng lahat—hindi makapaniwala sa pinagkikilos ng binata na bago lang sa paningin nila.

     "Manang, isang Ice tea, 2 Big Cheeseburger, Fries and 2 bottle of water," mabilisang sabi nito na nagpanganga sa kanya habang nakatingin dito. "Bakit? Huwag kang masiba. Tama na iyan," anitong muli nang mabaling sa kanya ang tingin na mas nagpanganga sa kanya.

      Napangiti at napatakip tuloy ng bunganga si Manang tindera sa sinasabi ng binata. Kaya nang makabawi siya sa pinagsasabi nito.

      "Aray, nananakit ka na. Masama iyan, kakasuhan kita ng VAWCI," natatawang wika nito habang patuloy na umiiwas sa pagpalo niya bago hinihimas ang natamaan na braso.

     "Feeling ka, walang VAWCI sa lalaki. Feelingero!" nakangusong sagot niya bago muling pinagpapalo ang lalaki.

     "Aray, tama na. Ang sakit, mamumula na 'ko. Sensitive amg balat ko," natatawang bigkas pa nito base na rin sa pagkawala ng mga mata nito.

     Patuloy pa rin na napapanganga ang mga estudyanteng nakakakita sa mga nagaganap: may kinikilig, napapa-Ohh, naiinis, at kung ano-ano pang ekspresyon na nakikita sa mga nanonood sa kanila. Mas dumarami na rin kasi ang mga nakakakita sa pagkukulitan nila habang pinagpapalo niya ang binata na wala pa rin patid ang pagkawala ng mga mata habang patuloy na umiiwas sa pagpalo niya.

      "Sir Pier, ito na po ang order ninyo," singit ng tindera sa pagkukulitan nila na kinikilig din sa kanila.

      Napahinto naman sila sa pagsingit ng tindera lalo ng tawagin sila—si Pier. Tama ba ang narinig niya. Tinawag itong Sir.

     "Manang, Pier po. Huwag mo ko tawaging Sir. Estudyante po ako rito," nakangiting sabi nito habang natatawa pa rin.

      Natutulala na hindi naman siya makapaniwala sa mga nangyayari. Lalo na sa binatang nanggugulo sa buhay niya ngayon. Hindii niya alam kung anong nangyayari, pero, nakikita niyang marami pang surpresa ang makikita niya rito.

       "Akin na po 'yan, Manang. Aalis na po kami ni Miss Mahilig manakit," humahalakhak na anito pa na siyang mas nagpaawang pa lalo ng mga labi niya habang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

      Parang pakiramdam niya nananaginip lang siya sa mga nagaganap. Lahat kasi ng mga moments ngayon ay bago lang sa pandama niya. Hindi niya alam, pero, natatakot siyang maramdaman ang pakiramdam na iyon lalo't wala siyang experience sa ganoong eksena sa buhay. Natatakot siyang mabigo, masaktan, umiyak, at matulad sa mga babaeng naging miserable pagkatapos na maranasang ma-inlove at sumugal sa pagmamahal na hindi alam kung may kasiguraduhan bang magtatagal. Ngayon, dumating na ang mga bagay na pakiramdam niya magpapabagsak ng mundong ginawa niya. Hindi niya alam kung bakit lumalapit ang binata at kung bakit pinaparamdam nito ang ganoong pakiramdam sa kanya.

       "Halika na, Miss, Mahilig manakit. Baka mahuli na tayo sa klase na hindi pa 'to nakakain," anito na nagpabalik ng wisyo niya sa normal.

       "Ah—"

       "Ano'ng ekspresyon iyan? Ano'ng, Ah? Hindi pa nga kita ginagalaw, e. Masyadong madumi ang mga iniisip mo. Bawas-bawasan 'yan, Miss Mahilig sa sakit. Ah, mali pala, este Miss takot masaktan sa pag-ibig ko," natatawang ngiti nito habang nawawala na naman ang mga mata sa tuwa dahil sa ekspresyong pinapakita niya.

       Napapanganga tuloy siya. Hindi siya makauma sa mga pinagsasabi ni Pier. Sa tingin niya nababaliw na rin siya dahil sa nararamdaman niyang tinatangay siya ng hangin patungo sa ikinatatakot niyang mga emosyon. Ayaw man niya ng mga eksperyens na iyon, pero, ngayon pakiramdam niya matitibag na ang matigas na harang na binuo niya sa loob ng dalawampung taon. 

      "Halika na nga, natutulala ka na naman." Bago siya hinatak palayo na mas ikinanganga niya.

        Bitbit nito ang hawak na puting plastik na ini-order kanina. Pero, ang ikinagulat niya nang muli nitong hinawakan ang kanang kamay niya at pinagsalikop sa kamay nito. Mas napanganga pa siya nang paglingon sa loob ng canteen. Nakatunghay ang mga estudyanteng hindi makapaniwala sa mga nagaganap. Lalo nang makitang marami na pa lang nanunuod sa kanila—halos mapuno na ang canteen sa dami ng tao na naroon. Ganoon pa man, tuluyan na siyang hinatak papalayo ng binata na parang wala lang ang mga nanonood sa kanila. Napayuko na lang tuloy siya sa sobrang hiya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro