Ika-siyam na Kataga

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

      "Ma," bungad ni Acxel pagkarating na pagkarating nito galing sa eskwelahan.

      Gulat na gulat naman ang ina sa biglang pagsulpot niya mula sa sala. Nasa lababo kasi ito habang nagluluto ng hapunan. Alas Sais na kasi ng gabi, kaya hindi nito inaasahang lalapitan niya ito lalo pa't hindi pa naman sila nag-uusap na dalawa mula pa kaninang umaga sa hapag-kainan. Basta binigyan na lang siya ng ama ng baon at pumasok na siya na hindi nagpapaalam sa ina. Kaya naman, mababakas ang gulat sa mukha ni Percy habang nakayakap siya.

     "Ma, sorry po. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko. Sorry po. Nabigla lang ako, Ma," nakasubsob na iyak na sabi niya habang nasa likuran pa rin ng ina.

      Hinawakan naman ng ina ang kaliwang balikat niya gamit ang kanang kamay. "Anak, okay lang naiintindihan ko. Wala kang dapat ikabahala. Alam kong nagkulang at may pagkakamali rin ako bilang ina sa 'yo. Pagpasensiyahan mo na ang mama," malumanay ngunit puno ng pag-aalong sabi ng ina sa kanya.

      "Ma, sorry po talaga. Alam kong naiintindihan ninyo ako. Hindi sa kinukwestyon ko ang gusto o dahilan ninyo sa paghahanap ng lalaki sa buhay ko. Pero, Ma, gusto ko iyong taong mamahalin din ako higit sa pagmamahal ko. Iyong aalagaan, iingatan at pahahalagahan ako higit pa sa magagawa ko. Sana, Ma, bigyan mo ako ng panahon para mahanap ko muna ang sarili ko. Ayaw ko po at takot pa akong masaktan sa kung sinumang lalaki sa buhay ko," malalim at puno ng hinaing na sabi niya habang mas hinihigpitan ang yakap sa likod ng ina.

      Patuloy na umaagos ang kirot at sakit sa mukha niya kahit pa anong deny niya sa nararamdaman. Oo, na-realized niyang sa loob ng maikling panahon. Nahulog ang loob niya kay Pier. Kung saan bawat kataga, pangungulit, pang-aasar at ang mga ngiti nito ang patuloy na umaahon sa kaniyang isipan. Kahit anong pilit niyang pigilan at balewalain ang damdamin, pero, pilit itong nagsusumiksik sa kanya. Ang karanasang kinakatakot niya. Kung saan hinayaan niyang sumugal sa isang bagay na kahit kailan hindi niya pa nalalaman kung ano ang kakahantungan. Huli na para umatras dahil ang memorya ng nakaraan ay tuluyan ng tumanim sa dibdib niya.

       "Ano'ng problema, Anak? Okay ka lang ba? Bakit pakiramdam ko may kakaiba sa 'yo? May hindi ba ako nalalaman na gusto mong pag-usapan? Nandito lang ako para makinig, Anak. Mas mainam kung nailalabas ang nararamdaman kaysa itinatago, dahil ang paglalabas ng nararamdaman katumbas niyan pagbibigay paraan para maibsan ang masakit na katotohanan," puno ng pagmamahal na payo ng ina sa kanya bago siya tinapik-tapik muli.

       Tanging iling lang ibinigay niya sa ina na siyang ikinatango lang nito. Wala siyang balak aminin dito ang nangyari sa kanila ni Pier. Hindi pa siya handang alalahanin ang mga bagay na tuluyang nagpapalala ng nararamdaman. Oo, hindi masamang magmahal at mahulog sa isang tao dahil unang-una sa lahat hindi naman niya gusto ang mga nangyari. Tanging kusa niya itong naramdaman kahit sa maikling pagkakataon na nakasama ito. Wala siyang intensyong mahulog dito, pero, talagang pinaglalaruan siya ng tadhana. Sinusubukan ang kaniyang kakayahan na masaktan, magtiis, magpigil at umasa sa mga nararamdaman.

      "Oh, sige. Hindi na kita kukulitin pa. Pero, Anak, pag hindi mo na kaya nandito lang ako para samahan ka. Nandito ako para pakinggan ka. Mahal na mahal kita, Anak. Sana matuto kang pagkatiwalaan ako bilang magulang at ina mong nagluwal sa 'yo. Walang ina ang nanaiising mapahamak ang anak. Depende na lang sa mga magulang na nakaranas ng masaklap na kapalaran sa buhay kung saan sa anak isinisisi ang lahat ng nararanasang hirap," makahulugan paalala pa ng ina bago ito bumaling sa kanya paharap at niyakap siya ng mahigpit.

       Sinagot din naman niya ito ng mahigpit na siyang nagpahagolgol na kanya sa bisig ng ina na nakayakap pa rin sa kanya habang hinimas ang ulo niya—hanggang balikat lang kasi siya nito.

       "Tahan na, Baby ko. Don't cry anymore. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. Nasasaktan din ako, Anak. Mahal na mahal kita," tuwirang sabi ng ina bago siya niyakap ng mas mahigpit pa.

        Ngunit makalipas ng ilang minuto unti-unti na siyang nakahinga ng normal bago dahan-dahang kumalas sa pagkakayakap ng ina na siyang pinupunasan na ang mga luha niya gamit ang likod ng palad nito.

       "Don't cry my, Angel. Alam mo bang ikaw ang anghel ko simula ng isilang kita. Ikaw ang pinakamahalaga at pinakaimportante nilalang sa akin ng kaitaas-taasan? Your my happiness and my life. Kaya gusto kong maging masaya ka at ang buhay mo bago man lang ako mawala," anang ina bago tuluyang umalpas ang mga luha sa mga mata.

        "Ano ba 'yan, Ma. Pinapatigil mo ako tapos ikaw naman 'tong umiiyak. Kaluka ka, Ma! O.A ka na, Ma," pabirong ngiti niya bago pinunasan ang nagpapatakan na namang mga luha.

       Natawa naman ang ina sa itinuran niya kaya pinunasan din nito ang mga mata bago siya niyakap muli na siyang sinagot naman niya ng mahigpit din na yakap. Kasabay naman ito ng pagkalabog ng malakas na kidlat.

       "Aahhh! Mama," aniyang nagulat sa pagkalabog ng malakas na kulog.

       "Kumusta kaya ang papa mo?" biglang sabi ng ina na siyang nakatulala sa may pintuan ng banyo.

       Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito, "Bakit ho, Ma? Ano'ng nangyari kay papa?" naguguluhang tanong niya habang hinihintay ang sagot ng ina.

      "Kasi noong umaga, nagluluko iyong motor niya. Hindi ko alam. Kailangan na atang palitan 'yon," anang ina bago napabuntong hininga na inaayos na ang hapag. 

      "Ho! Paano 'yon, Ma. Baka masiraan si papa sa daan?" nag-alalang sagot naman niya sa ina na hindi alam kung paano matutulungan ang ama.

      "Sana nga huwag gano'n ang mangyari. Malayo-layo pa naman ang pinagtatrabahuhan ng pa mo rito."

       Nagta-trabaho kasi ang papa niya bilang sekretarya ng isang kompanya. Bagamat 35 years na ang papa niya roon sapat lang naman ang kinikita nito para sa kanila at gano'n na rin sa mga pangangailangan nila. Hindi niya nga lang maintindin kung bakit simula ng lumipat sila rito sa Cagayan naging mahirap na ang sitwasyon para sa kanila. Okay pa naman ang buhay nila noon. Pero, buwan-buwan umaalis ang mga magulang niya patungong Baguio. Hindi naman sinasabi sa kanya kung bakit. Basta ang sabi lang gusto ng mama niya pasayalan ang mga sikat na lugar doon. Minsan nga weeks ito bago bumalik kaya laging siya lang ang naiiwan sa bahay ng mag-isa. 

      "Ma," sigaw mula sa labas ng bahay na siyang nagpawala ng mga iniisip niya. 

      "Andiyan na ata ang papa mo. Sandali lang, Anak," baling ng ina sa kanya bago siya nilagpasan patungo sa pintuan ng kusina.

      Nakatayo pa rin kasi siya sa tabi ng upuan na gawa sa kahoy na makintab. Hinayaan na lang muna niya ang ina na mawala sa paningin bago kumuha ng baso sa tabi ng lababo at muling bumalik sa mesa na may kulay puting babasaging pitchel. Binuhos niya ang malamig na tubig sa babasaging baso na hawak bago tinungga.

      "Iho, pasensiya ka na medyo magulo ang bahay namin. Kakauwi lang kasi ni Acxel." Mga salitang nagpatigil ng tibok ng dibdib niya.

      "Okay lang po, Ma'am. Wala pong problema," malumanay na tinig na mas nagpakaba ng dibdib niya. 

      Hindi siya maaring magkamali. Ang boses na medyo magordong nang-aakit. 

     "No! Just called me, Tita Percy. Ayaw kong tinatawag akong Ma'am," tawang sabi ng ina. 

     Mas dumoble pa ang kabang nararamdaman niya dahil sa narinig. Tama nga siya. Wala naman kasing ibang lalaki na nakilala ng mga magulang niya maliban sa lalaking kanina pa niya naiisip.

    "Sige po, Tita," utal pang sabi ng binata.

    "Naku! Masanay ka ng tawagin akong Tita Percy. Nga pala pasensiya ka na nitong mga nakaraang araw sa nangyari, Iho. Naghehesterikal lang ako dahil babae ang anak ko. Alam mo naman—" wika pa ng ina na sadyang hininaan ang huling sinabi nito na siyang nagpakunot-noo sa kanya dahil wala naman siyang narinig sa huling bigkas nito.

    "Naku! Ma. Mamaya marinig ka ni Acxel," mahinang natatawang sabi naman ng papa niya.

    Halos manginig naman siya sa sobrang daming salita ang naglalabasan sa utak niya tungkol sa sinabi ng ina sa binata. Pero, ganoon pa man, rinig na rinig niya ang mabilisang tibok ng dibdib na siyang nagpapakaba lalo sa kanya.

     "Wala pong problema, Tita. Okay lang po 'yon. Mas maganda nga iyong ganoon. Nalalaman ang ugali sa unang pagkikita pa lang kaysa naman malaman mo na lang huli na," makahulugang sabi nito na mas nagpatigil ng tibok ng puso niya.

      "Shit!" bulong niya bago tinungga muli ang tubig na natira sa basong babasagin.

      "Wow! Mahilig ka pala sa ganyan. Mukhang magkakaunawaan tayo. Mahilig din ako sa ganyan pati si Acxel ganyan din. Ewan ko ba sa batang 'yon, dinaig pa ang pagiging makata sa taong nakakaranas talaga niyan sa totoong buhay," masayang sabi pa ng ina na siyang nagpalunok sa kanya ng sariling laway.

       Hindi siya makapaniwalang botong-boto ang ina rito.

     "Naku, Ma. Kinuwentuhan mo na si Pier. Baka magkasakit na 'yan. Ah, Iho. Get this. Maligo ka na muna sa banyo sa kusina. Suotin mo muna ito. No worries, malinis 'yan. Iyan pa ang mga damit ko noong kabataan ko," natatawang sabi ng ama na kakababa ng hagdan na siyang nasilip niya.

      Mas lalo tuloy dumiin ang paglunok niya ng sariling laway sa pangalawang pagkakataon. Pati ba naman ang ama botong-boto rin sa binata. Kaya naman mas naninikip ang dibdib niya, lalo nang maalalang maliligo ito sa banyo. Doon lang nag-Flashback sa utak niya kung paano magtatago at aalis, e, wala naman silang pintuan sa kusina. Maliban lang sa nag-iisang pintuan na nakikita niyang paglalabasan at pagpapasukan nila.

      "Anak ng—patay," bulong niya habang palinga-linga sa paligid. 

      Pilit niyang inaalala kung anong gagawin o pagpapanggap na gagawin para kunyare hindi niya ito nakita o busy lang siya.

     "Sorry, Iho. Acxel. Ituro mo kay Pier ang banyo," sigaw ng ina na mas magpataranta sa kanya.

     "Shit!" wika niya habang hindi alam ang gagawin.

      Pakiramdam niya tinakasan siya kaluluwa. Sa halip na magpapanggap siya, tinawag pa siya para i-welcome ito sa banyo. Sa pagkataranta niya hindi niya napansing nasa harapan na niya si Pier na kakapasok lang sa pintuan ng banyo. Nakasunod naman dito ang ina habang nakatungo ng bahagya.

      "Ah—"unang salitang nabigkas niya nang mapansing nakatitig na rin ito sa kanya.

      "Ay naku! Acxel, sabi ko ituro mo kay Pier ang banyo, e," iritableng sabi ng ina bago nagpatinuna sa paglalakad patungo sa kaliwang bahagi ng kusina kung saan naroon ang banyo na may kulay malamlam na bughaw na pinto. 

     "Naku! Tita. It's okay. Sanay naman akong binabalewala," anang binata na mas nagpalaki ng mga mata niya habang nakatitig dito.

      Napatawa naman ang ina sa sinabi nito, "Naku! Ikaw talagang bata ka. Wala kang dapat ikabahala na babalewalain ka. Alam kong magugustuhan ka ng Anak ko," biglang sabi ng ina na mas nagpanganga sa kanya. 

      Hindi siya maaring magkamali. Ang tinutukoy na anak na sinasabi ng ina ay walang iba kundi siya.

     "Ayaw niya sa akin, Tita. Ano'ng magagawa ko? Ayaw niyang pagbigyan ang pag-ibig ko. Manhid masyado, e. Sorry for the word, Tita," anang binata bago humalakhak.

     "Naku! Pier. Sapat na ang sampung taon na paghihintay mo para mapansin ka niya," wika ng ina mas gumimbal sa kanya.

     Hindi siya maaring magkamali. Ang mga salitang: paghihintay, sampung taon, pag-ibig ay sumaksalaw sa kaalamang matagal na siyang kilala ng binata. Pero, paano? Kailan? Saan? At bakit? Kailan pa sila naging close ng mga magulang?

     "Tita, mahirap pilitin ang ayaw. Malay mo ba, Tita, kung kulang pa ang taon na iyon para magustuhan niya ako," banat pang muli nito na ngayo'y nasa tapat na ng pintuan ng banyo. 

     Dahil sa tagal ng banatan ng binata at ng ina  mas tumatagal pa ang lakad ng mga ito patungong banyo na ngayon ay kakarating lang sa dakong 'yon.

     "Nabibigla lang siya, Pier. Malay mo 'di ba. May chances na sa inyong dalawa," anang ina sabay tingin sa kanya na may ngisi.

      Pakiramdam niya natutulala siya sa pinupuwestuhan habang pinaglaruan ng tadhana. Maraming katanungan na ang pilit lumalabas sa mga labi niya, pero, pilit niyang isinasantabi dahil sa binatang nasa harapan na ngayo'y mababakas ang ngisi—animo'y may kalukuhan na naman itong ginawa. Suot-suot pa rin naman nito ang pantalon kanina maliban na lang sa T-shirt na itim na gamit na nito ngayon.

      "Naku! Bakit kasi hindi ninyo siya diretsahin kaysa nagpapasagid kayo, Ma," nakakalukong ngisi naman ng papa niya na siyang nagbalik ng wisyo ng isip niya. 

       Kakapasok lang nito sa kusina habang nakasuot ng pulang jogging pants at sando na puti bitbit ang nakakalukong ngisi nito sa kanya bago kumindat ng kinikilig. Napatulala at napaawang naman ang mga labi niya sa ginawa ng ama. Ngunit nang ibaling niya ang tingin sa ina—nakangisi rin ito ng nakakaluko na animo'y tuwang-tuwa sa nagaganap. Nang ilipat naman niya ang tingin kay Pier. Kumindat rin ito sa kanya ng nakakaluko bago pumasok ng banyo at humalakhak. Napapanganga na lang tuloy siya sa mga nangyayari pakiramdam niya masisiraan siya ng bait.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro