Chapter Eight

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Eight

BLUE

"Sinasabi ko sa'yo, maling maling mali na pinilit mo 'kong mag dinner kasama kayo," Anya told me for the nth time.

Kanina pa niya pinapaulit ulit 'yan hanggang sa makarami na siya ng inom. At hindi ko alam kung sino ang mas lasing na sa aming dalawa. Siya na parang sirang plaka na o ako na natatawa kada sasabihin niya 'yan kasi hindi ko na talaga gets?

Nag stay na lang kami dito sa bar after umalis ni Vanna. Sabi ni Anya wala na raw kasing sense na mag luto ako kung wala si Vanna. Tapos ayan na, paulit ulit na siya na maling idea na niyaya ko siya mag dinner.

"Paano naging maling idea?" tanong ko rin sa kanya for the nth time.

Tinignan niya ako as she took a sip of her beer. Hindi ko na alam kung pang ilang beer na ang nainom niya. I lost count already.

Hindi ko na rin alam kung pang ilan na ang naiinom ko.

"Alam mo Blue, mabait ka—"

"I'm not as kind as you think," I told her with a smile. "I'm no saint, Anya."

Napatawa siya.

"Sa standard ko mabait ka. Pero tanga ka rin. Nakakatakot na combination 'yon ha? Mabait na tanga," sabi niya at mas lalo siyang natawa.

Hindi ko talaga gets.

"Okay," sabi ko sa kanya. "Give me reasons kung bakit mo ako tinawag na tanga?"

She stared at me na para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.

"Wala ako sa posisyon para mag sabi," she said. "Pero mag ingat ka, baka mag sisi ka sa huli. Lalo na kung hindi mo titigilan ang pagiging manhid."

Mas lalo akong na confused.

Why do girls love talking in riddles? Pwede ka naman nila diretsahin but they love making things more complicated.

Hindi ko na inintindi ang sinasabi niya dahil mukhang wala naman siyang plano ipaliwanag sa akin.

"Well, hindi naman ako nag sisisi ngayon," I told her.

She rolled her eyes at napangiti ako.

Ewan, lahat na ata ng gawin niya mapapangiti ako?

Does she know how attractive she is? Aware kaya siya sa epekto niya sa mga tao?

Lalo na sa akin?

I've only known her for a week, and yet, ganito na agad ako sa kanya.

Miss, anong gayuma ang ipinainom mo sa'kin?

"Hindi ka nag sisisi na ako ang kasama mo ngayon, hindi iba?" she asked, one eye brow raise.

Nag pangalumbaba ako at tinitigan siya while smiling.

Wow, I must be drunk.

"Sobrang hindi," I answered.

She rolled her eyes again. Cleary she doesn't believe what I said.

"Alam ko na kung bakit," sabi niya.

"Sige nga bakit?" paghahamon ko sa kanya.

"Gusto mo maki-chismis na naman."

I snorted. She glared at me.

"Bakit hindi ba?" inis niyang sabi. "Alam ko may gusto kang itanong sa akin. So sige na. Ask the burning question!"

Napangiti ulit ako.

I know what she's talking about. Curious ako kung sino yung lalaking nakita ko kasama niya. Curious din ako bakit siya nagnanakaw ng answer key sa professor na taga ibang department.

Curious ako bakit parang palagi na lang siyang malungkot.

I'm curious about a lot of things about her.

Pero may isang bagay na kanina ko pa gustong gusto itanong sa kanya.

"Okay," I told her. She sat straight as if preparing herself for my question.

"Anya..."

"Hmm?"

"Kumusta ka ngayon? Okay ka lang ba?"

She blinked.

Nag bago ang expression ng mukha niya. Her features softens.

At nagulat ako nang bigla na lang siyang umiyak sa harapan ko.

Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin.

"A-Anya? Ba't ka umiiyak?" tanong ko habang iniaabot sa kanya yung lagayan ng tissue. "Anong problema uy?"

Hindi siya umimik. Tuloy tuloy lang siya sa pag iyak. Hindi ko alam kung paano siya papatahanin.

I'm not used on seeing girls cry in front of me.

Kahit si Vanna hindi naman pala-iyak yun kaya hindi ko alam paano mag patahan.

Ano ba dapat ginagawa?

Niyayakap ba? Kaso baka sapakin ako pag niyakap ko?

Bahala na!

"A-anya?"

Lumipat ako sa tabi niya. I was about to place my arm around her nang bigla siyang tumayo.

"Kailangan ko nang umalis," sabi niya.

"Ha? Wait. Ihahatid na kita."

Umiling siya, "umuwi ka na. Puntahan mo si Vanna. Mag sorry ka."

Na confused ako sa sinabi niya.

"Bakit? May nagawa ba ako?"

She frustratedly wipe her tears and glared at me. "Ayan! Ganyan! Kaya kami nagkakaganito kasi ganyan kayo! Nakakainis!" sabi niya sabay walk out.

I was left there dumbfounded with her sudden outburst.

Ba't siya galit?

Ano ba nagawa ko?

~*~

VANNA

Bakit ba palagi na lang akong palpak?

I stared at the blood running down my finger tips habang nakatapat sa gripo ang daliri ko.

Hindi natuloy ang dinner namin ni Asul. Hindi rin ako nakasama sa pa-dinner ng banda kasi nawalan na ako nang gana sumunod. Dumiretso na lang ako sa bahay. As usual pag dating ko wala na namang tao. Parehong nasa seminar sa Singapore si mommy at daddy. Next month pa ang balik.

Sanay naman akong mag isa, eh. Pero nabingi ako sa katahimikan. Siguro kasi naka set na ang utak ko na kasama ko dapat si Blue tonight.

Sabi niya ipagluluto niya ako ng steak.

Napa buntong hininga na lang ako.

Ako naman ang umatras, eh.

Pinlano ko na lang na wag nang kumain at diretso na lang matulog tutal wala na naman akong gana, but I woke up in the middle of the night feeling hungry.

Kaya naisipan kong mag luto na lang ng pancit canton.

Dito naman ako expert, eh—sa pag luluto ng mga instant. Tinatawanan nga ako ni Asul kasi naturingang HRM student kami, pero never ako natutong mag luto. Bakit nga raw ba ako nag HRM? Parang wala naman akong interes doon?

Dahil sa'yo, tanga.

Pero alam niyo ang nakakatawa? Pancit canton na nga lang ang niluluto ko, pumalpak pa.

Nung dine-drain ko na yung tubig, nabitawan ko yung kaserola at nabasag 'to. Napunta lahat sa sink yung noodles ng pancit canton ko.

Nung nililinis ko, nahiwa pa ako ng bubog.

Out of frustration, napaiyak na lang ako.

Nakakatawa. Hindi naman ako iyakin pero ngayon iyak ako nang iyak dahil gutom na ako, nahiwa pa ako.

Naisip ko tuloy, bakit ang malas ko lately? May masama ba akong nagawa?

Nakasama ba na inindian ko si Blue sa cooking contest na 'yon?

Kasi kung hindi ko naman ginawa 'yon, di sila magkakakilala ni Anya. Ako sana yung kapartner niya ngayon. Ako yung kasama. Baka hindi ako umiiyak ngayon. Baka busog ako ngayon kasi pinag luto niya ako ng steak.

And then what? May mag babago ba? Kahit naman kami ang partner, by the end of the day, magkaibigan lang kami. Yun lang. Period.

After ko linisan ang sugat ko at lagyan ito ng band-aid, kinuha ko na lang yung tinapay sa ibabaw ng lamesa at inilabas ko yung peanut butter namin. Ayun na lang ang kinain ko.

Naalala ko na naman si Blue. Grade three kami non. Nasa seminar ang parents ko as usual. Naiwan lang ako kasama nung kasambahay namin. Kaso yung magaling na kasambahay namin, nag layas nang walang pasabi. Naiwan ako mag-isa sa bahay. Gutom. Bata pa ako nun, eh. Wala akong makain at hindi ako marunong mag ayos ng sarili kong pagkain. Dumating si Blue. Pinagprito niya ako ng itlog at pinag saing ng kanin. Tinanong ko paano niya nalaman gawin 'yon. Sabi niya napanuod lang niya sa ate niya.

After nun, lagi na siya pumupunta sa bahay namin para ipag luto ako nang kung anu-ano. Nagumpisa lang sa mga prito prito hanggang sa mga complicated dish na ang ginagawa niya.

Sabi niya dahil sa akin kaya na-realize niya na gusto niyang maging chef.

Pinunasan ko ang luha ko sabay kagat ng tasty na may peanut butter.

Ngayon kaya? Tinuloy kaya ni Blue na ipagluto si Anya? Nasaan kaya sila ngayon? Sa bahay ni Blue? Sa bahay ni Anya?

Ano ginagawa nila?

I know Blue's starting to like her. Itanggi man niya pero kitang kita ko sa mga kilos niya. I know him more than he knows himself at alam na alam ko ang itsura ni gago pag na-i-inlove.

Pero si Anya kaya? Magugustuhan kaya niya si Blue?

I got distracted from my thoughts nang biglang may mag door bell.

Napatingin ako sa orasan. It's already past midnight. Sino 'yon?

Agad akong sumilip sa bintana to check kung sino ang nag d-doorbell and I was surprised to see Blue in front of our gate.

The fuck?

Dali dali akong lumabas para pag buksan siya.

"Hi V!" masigla niyang bati.

He's grinning from ear to ear and he's reeking of alcohol. Ang pula rin ng mukha niya.

Lasing si gago.

"Wrong house ka dude," sabi ko sa kanya sabay turo ng bahay nila. "Ayan ang bahay niyo, oh!"

"Hindiiii!" sabi niya. "Ikaw pinunta ko," at tumawa siya nang malakas. Bigla siyang gumewang at muntik nang matumba buti na lang nahatak ko ang braso niya at inakbay ko sa akin.

"Gago ka ba? Ba't ka na naman nag lasing ha? Pag nakita ng mama mo itsura mo patay ka talaga doon!"

"Kaya nga dito ako dumiretso," sabi niya at tumawa na lang siya.

Gusto ko siyang sabunutan.

Gumewang siya at dahil sa laki niya, muntikan na kaming ma outbalance pareho.

"Asul! Umayos ka nga!"

Kinaladkad ko siya papasok ng living room namin with all my might atsaka ko siya itinulak sa sofa.

"V!!" tawag niya sa akin.

Sinimangutan ko siya.

"Ano?!"

"May sasabihin ako," nakangiti niyang sabi.

"Ano?"

"Sorry..." nakangiti niya pa rin sabi.

Tinaasan ko siya nang kilay, "saan naman? Sa pang-i-istorbo mo sa akin ngayon ha?"

"Hindiii!"

"Eh saan?"

Gusto ko na talaga siya sapukin.

Nakita kong napaisip siya.

"Di ko rin alam. Pero basta sorry."

Napairap na lang ako.

"Wait lang kukuha lang ako ng kumot. Diyan ka matulog sa sofa. Itetext ko na lang mama mo."

I was about to leave nang biglang hawakan ni Blue ang wrist ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Napaupo ako sa sofa katabi niya.

"Blue---!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko because he gave me a big hug. My head's against his chest while he gently pats the back of my head.

Suddenly, I have trouble breathing.

What the hell....

"V..." he said in a low, raspy voice that made my heart skip a beat.

"I think..." he whispered. "I think I'm starting to like her."

And I felt my heart shattered into pieces.

To be continued...

A/N

Sa mga nagtatanong bakit wala nang lyrics ng Kathang Isip sa start---feeling ko kasi hahaba na yung story at baka maubos na yung lines sa lyrics hahaha. So ilalagay ko na lang siya sa mga chapters na highlighted yung lines. Ayown lang.

If you're going to tweet something about Kathang Isip, I hope you can use the hashtag #KathangIsipWP .. or feel free to tag me --- iamalyloony 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony