Chapter Five

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Five

"Pero kahit sa'n man lumingon... nasusulyapan ang kahapon."

ANYA

Umaga na naman.

Napadilat ang mga mata ko habang naririnig kong tumutunog ang alarm clock ng phone ko. Hindi ko maiwasang mapa buntong hininga.

Kailangan na namang bumangon at gumising.

Ano ba 'ko rito?

Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa side drawer ko at in-off ko ang alarm.

Halos siyam na oras akong natulog pero ramdam ko pa rin ang pagod. Wala na naman akong will para bumangon. Parang gusto ko na lang ulit bumalik sa pagtulog.

Ano ba 'ko rito?

Nakakatawang isipin na bago ako matulog, ayan ang huling nasa isip ko. Pagka-gising ko, ayan pa rin ang tanong ko sa sarili ko.

Sabi nila ang bata ko pa raw para kwestyunin ang silbi ko sa mundong 'to. Dapat ito yung panahon kung saan dapat ine-enjoy ko ang buhay at may will ako para i-try lahat ng bagay.

Pero bakit gano'n? Parang pagod na pagod na agad ako?

Bumangon ako at tinignan ko ang inbox ko. May dalawang unread messages. Una si mama na sinasabing nakapag hulog na siya ng pera sa bank account ko pang tuition at pang bayad ng upa. Pangalawa, si Blue na pinapaalalahanan akong wag ma-l-late kasi mag d-dry run kami ngayon ng lulutuin namin para sa contest.

Pero walang text galing kay Grant.

Ano bang ine-expect ko?

I send him another message.

'Good morning Grant. Ingat ka pag pasok sa school!'

I waited. One minute. Three minutes. Five minutes.

No response.

Baka tulog pa.

Naisipan ko na lang maligo at maghanda papasok sa university. Sa totoo lang tinatamad na ako mag aral. Minsan hindi ko alam bakit pinupush ko pa 'to. Pwede naman ako mag drop out tapos mag hanap ng trabaho. At least hindi ko na kailangan umasa sa padalang pera ni mama. Pero tinitiis ko na lang. Isang taon na lang naman, eh.

Habang nasa shower ako, narinig kong tumunog ang phone ko. Para akong nabuhayan bigla nang loob.

Si Grant?

Kahit may shampoo pa sa ulo, dali-dali akong lumabas ng banyo para sagutin yung call.

Pag tingin ko sa screen ng phone ko...

Blue

Calling....

Badtrip naman oh!

Hindi ko sinagot yung call. Binato ko na lang yung phone ko sa kama at itinuloy ko ang paliligo.

Akala ko si Grant na, eh.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi naman talaga siya pala-reply sa akin. Ano pa bang ine-expect ko?

Sanay naman ako na hindi pinapansin kaya okay lang 'yon. Ayos lang 'yon. Kahit gumaganyan naman siya alam ko naman na mahal niya ako. Probably mas mahal pa niya ako kesa sarili kong mga magulang.

Ayos lang naman.

Binilisan ko na ang paliligo at pagbihis. Kakain pa sana ako ng breakfast kaya lang ayaw akong tantanan sa phone ni Blue. Tawag nang tawag. Sa pikon ko sinagot ko na.

"Ang kulit ng lahi mo 'no?" pambungad ko sa kanya. "Mga ilang beses mo pa ako tatawagan?!" yamot kong tanong sa kanya.

"So you've seen my calls," sabi naman niya mula sa kabilang linya. "Pero hindi mo sinasagot? Paano kung emergency?"

"Bakit, emergency ba?"

Katahimikan, "tatanong ko lang kung papasok ka na sa uni kasi baka ma late ka sa dry run natin."

Napairap ako.

"Ano bang ikinakatakot mo?" tanong ko. "Na-indianin kita?"

"Hindi naman, naninigurado lang," sagot niya. Dinig ko ang guilt sa boses niya.

"Papasok na ako okay?" yamot kong sabi at tinapos ko na yung tawag.

Sa isang araw na nakasama ko si Blue, alam ko na agad na makulit ang lahi niya. Kung maka-nag kala mo nanay.

Biglang nag vibrate yung phone ko. Agad kong chineck kung sino ang nag text.

Si Blue.

Leche naman.

"Ingat ka pag pasok!"

Hindi ko na siya nireplyan at umalis na ako.

~*~

"So," sabi ni Blue habang hinahalo niya ang Kani salad na ginagawa niya. "May nangyari ba?" tanong nito.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti na siya. Parang kanina lang gulo-guluhan siya.

Nasa kitchen lab na kami at nag d-dry run ng mga lulutuin namin for the contest. Alam kong hindi 'to first contest ni Blue dahil madalas ko siyang nakikitang sumasali. Pero kung kumilos siya kanina akala mo first timer. Na-r-rattle siya masyado. Hindi niya malaman ang uunahin iluto. Gusto ko ngang batukan kasi kung mataranta siya parang may time limit na kami. Paano pa kung sa mismong competition.

Ang gusto pa niyang mangyari, siya ang gagawa lahat. Taga prepare lang ako. Dahil ayoko nang mangielam, sinunod ko na lang siya at nag prep ng mga gagamitin niya. Tutal kahit hindi naman niya sabihin, alam kong wala siyang tiwala kapag ako ang gagawa.

Bahala siya.

Good luck na lang talaga kung matapos kami during the competition.

Pero mukhang kalmado na siya ngayon kasi nagtatanong na siya ng ganyan.

"Hindi ka talaga mapakali 'no?" tanong ko sa kanya habang nag m-measure ako ng ingredients para sa Japanese pancake.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?"

Napangiti ako. Alam kong frustrated na siya. Alam kong gustong gusto niyang malaman. Sasabihin ko naman ang totoo pero ang sarap lang niya talagang pikunin.

At least nakakahanap ako nang dahilan para tumawa.

"Virgin ka," pamimikon ko pa lalo. "Kaya siguro affected ka."

Nakita kong namula ang tenga niya, "hindi nga sabi!"

Napatawa ako, "oh chill wag kang magalit."

Napahinga siya nang malalim and tried to calm himself, "hindi ako galit. Nagtatanong lang."

"Conservative ka ba?"

"Hindi naman sa ganoon. Sa opinyon ko lang, dapat ginagawa yung bagay na 'yon sa taong mahal mo."

Banal nga masaydo.

Napangiti ako at lumapit sa kanya, "edi mahalin mo 'ko, mahirap ba 'yon?"

Biglang napatigil si Blue sa ginagawa niya at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Napahagalpak ako nang tawa dahil masyado siyang seryoso.

Tinapik ko siya sa braso, "joke lang. Mahirap gawin 'yon kaya wag ka nang mag tangka."

Napaiwas siya nang tingin, "wala naman talaga akong balak."

Napatawa ulit ako, "chill. Walang nangyari sa atin. Tingin mo naman pagsasamantalahan kita?"

Muling napabalik ang tingin niya sa akin, "wala talaga?"

"Disappointed ka?"

Napangiti na lang din siya, "malakas tama mo 'no? Ganyan ka ba talaga? Para kang lasing kausap?"

Nakakalasing ang kalungkutan?

"Tapos na ba 'yan?" pag iiba ko sa usapan. "Patikim nga."

Bago pa siya makaangal, tinry ko na yung kani salad na ginawa niya.

"Masarap 'yan!" confident niyang sabi

Tinikman ko ito.

"Kulang sa pepper. Dagdagan mo pa," sabi ko.

Nakita kong napakunot ang noo niya.

"Imposible. Sinunod ko measurements sa recipe eh."

"Edi itry mo."

Tumikim siya at mas lalo siyang nag taka.

"Ba't gano'n? Sinunod ko naman yung recipe."

Napailing na lang ako. I knew it. Yung galing niya by the book. Ayon ang disadvantage niya sa iba.

Bukod sa masyado siyang mabait.

Kinuha ko yung recipe, "ito? Guide lang 'to," sabi ko sa kanya. "Pero by the end of the day, dila moa ng huhusga kung masarap ang pagkain o hindi."

Kinuha ko yung kani salad na ginawa niya. Dinagdagan ko ng kung anu-ano pang seasoning. Kada lagay ko doon at halo, nakita ko ang pag c-cringe niya lalo na kung nag lalagay ako ng ingredient na wala sa recipe.

"Sayang yung ingredients pag pumalpak 'yan," sabi niya.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at tinuloy ko ang ginagawa ko.

Nang matapos ko 'to, tinikman ko ito at napangiti.

"O ayan, tikman mo," sabi ko as I place the bowl in front of him.

Nakita ko ang pag aalinlangan niya. Alam kong ayaw niyang tikman.

He tried it anyways at ang satisfying ng itsura niya nang matikman niya 'to.

He didn't say a word pero tumikim ulit siya.

"Pwede mo namang sabihing masarap," sabi ko.

Napatingin siya sa akin at napangiti, "masarap. Marunong ka naman pala."

I shrug, "sanay naman akong minamaliit."

"Uy! Hindi kita minamaliit ah!" he said defensively.

"Kaya pala pag p-prep lang ang binigay mong task sa akin."

"Eh kasi... akala ko kasi..." he trailed off. Then he looked at me innocently, "sorry, my fault... di bale sa competition ipapaubaya ko na sa'yo ang kani salad pambawi."

Natigilan ako bigla.

'Sorry, my fault.'

Wow. Ngayon lang may nag sorry sa akin. Ganito pala ang pakiramdam?

Lahat kasi ng taong nanakit sa akin, dedma lang sa ginawa nila eh.

Si Papa. Si Mama.

Si Grant...

"Uy," Blue said snapping me back to reality. "Na offend ba kita?"

Umiling ako, "hindi. Basta ako na bahala sa salad ah."

Napangiti si Blue, "yes ma'am!"

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko mula sa pocket ko.

"Wait lang ha?" sabi ko at tumalikod ako to check kung sino ang nag text.

Halos mabitawan ko ang phone ko nung nakita ko ang name ni Grant sa screen.

Finally. Akala ko hindi na siya magpaparamdam sa akin today.

I immediately opened his message.

'Hi, babe, how are you? Uni ka na? Yung request ko sa'yo ha? Love you. Treat kita later.'

Napahinga ako nang malalim. Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko kasi alam kong gagawa na naman ako nang katangahan.

Pero siya lang ang nag i-isang taong may pake sa akin.

Nilingon ko si Blue na ngayon ay busy nang gumawa ng batter para sa Japanese pancake.

"Blue? M-mag restroom lang ako saglit okay lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Sure, go ahead," he said without looking at me.

Dali dali akong lumabas. Napatingin ako sa orasan sa phone ko.

12:02PM.

Sakto, lunch break.

Dumiretso ako sa Professor's office. Nakapatay ang ilaw. Walang tao sa loob.

I tried to open the door. Hindi naka lock!

Huminga ako nang malalim at dahan dahan akong pumasok sa loob.

Doon sa far end corner ng opisina, nakita ko ang desk ni Prof. Lopez. Nilapitan ko ito at hinalughog ang mga files sa desk niya.

Bawat pag patak ng minutong inilalagi ko sa loob ng opisinang 'to, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Nasaan na ba 'yon?!

In-open ko ang drawer niya.

BINGO.

Nakita ko ang answer key para sa Accounting exam.

Nanginginig nginig ang kamay kong inilabas ang phone ko at kinuhanan ito ng picture. Bawat page.

Just when I was about to take a photo of the last page, nagulat ako nang may biglang may humawak sa wrist ko.

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

Nilingon ko 'to.

Then I saw Blue looking at me seriously. Anger is evident on his eyes.

"B-Blue...?"

Inagaw niya sa aking yung answer key na hawak ko at ibinalik sa drawer ni Sir Lopez. Then without a word, he dragged me outside.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony