Chapter Thirteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N:

Trigger warning: Some parts includes suicidal thoughts.


Chapter Thirteen

ANYA

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hinding hindi ko susukuan si Grant katulad nang hindi niya pag suko sa akin nung panahong sobrang detached ko sa mundo.

Tatratuhin ko ang sarili ko na parang isang balon. Hindi napupuno sa kahit na anong ibato niya sa akin.

Ang mahalaga, maging okay siya.

Pagkatapos namin mag grocery at kumain nina Blue at Vanna, naisipan kong puntahan si Grant. Namiss ko siya bigla. Tatlong araw na rin na walang paramdam yun. Gusto kong bigyan siya ng oras para mapag-isa at makapag isip pero nang makita kung paano si Vanna at Blue sa isa't isa, parang gusto ko na lang din makita si Grant at yakapin siya.

Hindi ko alam kung napapansin ng dalawang yun ang mga simple at maliliit na bagay na ginagawa nila para sa isa't isa, yet it speaks a lot.

Blue letting Vanna take the passenger seat in front because that's her usual spot. Vanna letting Blue take the egg on her ramen because it's Blue's favorite. The way Blue ordered extra tempura for him and Vanna to share nang walang tanong tanong kung gusto ba ni Vanna yun---but it's already understandable.

The way they take care of each other with those little things...

Miss ko na si Grant.

Ganyan kami dati. At palaging nandoon pa rin ang hope na babalik din kami sa dati.

Hihintayin ko lang na maging okay siya.

Sabi ko nga, para akong balon. Hinding hindi ako mapupuno sa kanya.

Pero hindi ko inakala na pwede pala akong maubos.

Gusto ko siyang i-surprise ngayon. Nag dala ako nung favorite niyang lasagna. Plano ko sana siyang yayain mag movie marathon tutal we haven't done that for a long time.

Pumunta ako sa condo kung saan siya nag i-stay. Shared condo ito. Tatlo silang nakatira mag pipinsan. Nung dumating ako sa condo nila, kita ko ang gulat nung dalawang pinsan niya nung makita ako. There's a guilty look on their faces at ayun pa lang, I already know what's up.

"Si Grant nasaan?" tanong ko with a simle on my face.

Umiwas ng tingin ang pinsan niya sa akin, "w-wala eh. Umalis."

Nag sisinungaling siya.

"Saan daw nag punta?" mahinahon kong tanong.

"H-hindi ko alam eh. Hindi sinabi. Text mo na lang."

"Pwedeng mag hintay ako sa loob?"

Hindi siya nakasagot. Mabait sa akin ang mga pinsan ni Grant. Madalas nila ako pinapapasok sa loob ng condo kapag iniintay ko siya. Pero ngayon, kita ko ang pag aalinlangan.

"Naku, magulo ang bahay eh. Doon ka na lang sa coffee shop mag intay sa baba."

Nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Nasa loob si Grant. Alam ko nandiyan siya."

"Anya—"

Hindi ko na siya hinayaang mag salita and I just let myself in.

"Anya saglit---!" sinubukan niya akong pigilan pero dire-diretso ako papunta sa kwarto ni Grant.

"Grant!" sigaw ko then I opened the door.

And I saw him, almost naked beside a girl.

Parang huminto sa pag ikot ang mundo ko. Hindi ako makagalaw.. Hindi ako makapag salita.

Ilang beses ko na siyang nakikitang kasama ang iba't ibang babae. He's not aware na alam ko.

Pero iba yung mahuli ko siya nang harap harapan. Iba yung magkatabi sila sa kama.

Iba yung nakatingin din sa akin si Grant. May gulat sa mga mata niya. Hindi rin siya makapag salita.

No explanation needed.

Masakit na.

Sabi ko hindi ako susuko. Sabi ko andiyan lang ako sa tabi niya katulad ng hindi niya pag suko sa akin noon.

Pero... masakit na.

Ayoko na. Nakakapagod.

Lumapit ako sa kinalulugaran nila nung babae. Parehong nakatingin sa akin. Parehong hindi nagsasalita. Inaantay kung ano ang gagawin ko.

Inilapag ko yung lasagna sa gilid ng kama. Huminga ako nang malalim at tinignan si Grant ng diretso sa mata.

"Break na tayo," halos pabulong kong sabi.

Hindi siya nag salita.

Pero tumango siya.

No explanation. Walang pag pipigil.

At ayun ang mas masakit.

Tumalikod ako at nag lakad paalis. Walang pumipigil sa akin. Nakatingin lang din yung mga pinsan niya. Walang nag tatanong kung okay lang ba ako.

Walang may pakielam sa nararamdaman ko.

Lumabas ako ng condo nila. Bumaba. Naglakad sa kalsada.

Ang sakit sakit pero ayaw tumulo ng luha ko. Ang bigat bigat pero hindi ko mailabas.

Parang pagod na akong makaramdam.

Naglakad ako nang nag lakad without even thinking kung saan ako papunta.

Bigla kong naisip, paano kaya kung mawala ako? Hahanapin kaya ako ni Grant? Malulungkot ba siya? Makokonsensya? Ma-r-realize ba niya na mahal niya pa ako?

Mahal pa ba niya ako?

Feeling ko hindi na.

Siya na lang ang nagiisang taong may pake sa akin. Ngayon, itinapon na rin niya ako.

Ano pang saysay ko 'di ba?

Kung mawala ako, walang makakapansin panigurado. Walang maghahanap sa akin. Walang makaka miss.

Kasi nga walang may pake.

Ayoko na. Suko na talaga ako.

Ayoko na.

"Anya!"

Napa angat ang tingin ko doon sa tumawag sa akin at nakita ko si Blue sa harapan ko. Ang ganda ng ngiti habang kumakaway sa akin.

Si Blue...




For some reason, nung makita ko siya, yung kaninang mga luha na ayaw lumabas sa mga mata ko ay sunod sunod nang tumulo.

Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng panic.

"Hey, why are you crying?" he asked sounding so concern. "Are you okay?"

I burst into tears and before I could stop myself, I hugged him tight.

"Blue, sorry for asking you this, pero pwede mo ba akong samahan ngayong gabi? Feeling ko kasi may magagawa akong hindi maganda...."

Katahimikan.

Ano bang iniisip ko? As if naman may magagawa siya.

"Anya---"

I forced myself to laugh at humiwalay sa kanya. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko habang tumatawa.

"Ayos ba?" sabi ko. "Nag p-practice ako ng theater acting. Sinasali kasi ako ni Ms. Garcia para raw extra merit sa grades ko. Alam mo na, pabagsak."

Nakita kong napabuntong hininga si Blue.

"Akala ko kung anong nangyari sa'yo!"

I forced myself to smile, "grabe ang effective naman ng acting ko. Anyway, ano? Inuman tayo? Bet?"

Tumango si Blue. "Pwede naman. Pero i-u-uwi ko muna 'to sa amin," sabi ni Blue sabay taas nung supot ng mga pinamili niya sa convenience store. "Tsaka naiwan ko rin yung phone ko sa bahay. Balikan ko lang. Pwede mo ba akong intayin dito? Five minutes lang promise."

"Sure. O-orasan kita. Five minutes lang talaga akong mag iintay."

He gave me a smile and a little salute, "yes ma'am. Bibilisan ko para sa'yo."

I smiled in return at tinalikuran ko na siya at pumasok ako sa loob ng convenience store.

Nawala agad ang ngiti sa labi ko.

Sino bang niloloko ko?

No one can save me now.

~*~

BLUE

I know she's not okay.

Yung pag iyak niya kanina, alam kong hindi acting yun. Ano kayang problema?

Mabilis akong pumunta sa gilid ng convenience store kung saan ko iniwan ang bike ko. Madaling madali na ako para mabalikan agad si Anya. I don't want to leave her for too long lalo na ramdam kong hindi siya okay.




Nung pasampa na ako sa bike ko, narinig ko ang usapan ng dalawang passersby na papasok sa convenience store.

"Brown out na naman sa subdivision. Sana naman hindi magtagal."

"Oo nga eh. May gagawin pa naman akong project."

Brown out?

Shit si V!

Biglang naging blangko ang pag iisip ko dahil sa sobrang kaba. Dali dali akong nag bike pabalik sa subdivision. Panigurado kanina pa ako tinatawagan nun. Bakit ba kasi ngayon ko pa naisipang lumabas! Bakit ngayon ko pa naiwan yung phone ko! Gaano na ba katagal ang brown out? For sure takot na takot si V.

Halos mabali ang hita ko sa bilis ng pag p-pedal ko ng bike pero ang tanging laman na lang ng utak ko ay mapuntahan si Vanna.

~*~

VANNA

Nakaupo ako sa sahig, sa may counter area ng kitchen namin. Nakapikit habang nakapatong ang ulo sa mga tuhod ko. Nanginginig ako. Hindi ko maikilos ang buong katawan ko.

Please. Sana dumating na siya, please.

Then I heard someone's opening our gate. Napa-angat ang ulo ko.

Maya maya lang ay may nag bukas ng pinto ng bahay namin.

"Vanna?"

Napahinga ako nang malalim.

"Uno..."

He opened the light of his phone at napatingin siya sa kinalulugaran ko.

"Hey! Ba't ka nandiyan?"

Dali dali siyang lumapit sa akin at inalalayan niya akong tumayo.

"What happened? Nanginginig ka."

"P-panic attacks," sabi ko.

Inakbayan niya ako bilang suporta hanggang sa makarating kami sa sala at inupo ako sa sofa.

"Bakit ka nagka panic attacks?" tanong niya. "May nakapasok ba?"

Umiling ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko alam bakit ayaw mawala nang takot. Usually pag may kasama ako, nawawala na ang panic attacks ko.

Usually pag nandito na si Blue...

"Madilim..." sagot ko. "Takot ako sa madilim."

Uno heave a sigh na parang nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko.

"Akala ko naman kung ano nang nangyari sa'yo!" sabi niya then he patted the top of my head. "Para ka pa ring bata, Vanna."

Napapikit na lang ako. I don't know what say. Alam kong ang petty pero hindi pa rin mawala ang takot ko.

"Okay, pero wag ka muna aalis please?" sabi ko. "Hangga't walang kuryente."

Tumango si Uno. "Okay sige, hindi kita iiwan."

"T-thank you."

"Wait, mag hahanap lang ako ng kandila. Di ba meron doon sa cabinet sa may kitchen niyo? Doon pa ba nakalagay?"

Tumango lang ako at tumayo si Uno para kumuha ng kandila.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Bakit ganon? Hindi nawawala yung takot ko. Naiinis ako sa sarili ko bakit ako nagkaka panic attack sa mga ganitong bagay.

"VANNA!"

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang marinig ko ang sigaw na yun na kasabay ng malakas na pag bukas ng gate namin. Nakarinig ako ng mga yapak na patakbong papasok ng bahay.

"V!"

Bumukas ang pinto at nakita ko si Blue na hingal na hingal. Palingon lingon siya at hinahanap ako.

"Asul.."

Napalingon siya sa akin nang tawagin ko siya. Nang magtama ang mga tingin namin, dali dali siyang lumapit at niyakap ako nang mahigpit.

"I'm here.." he whispered.

And with that, all my fears vanished. Niyakap I hugged him back. Naramdaman ko ang kamay niya at the back of my head. I buried my face on his chest.

"Akala ko di ka darating," bulong ko sa kanya.

"Sorry na late ako," he said. "But I'm here."

Home.

Ayun ang unang pumasok sa isip ko.

Kada may panic attacks ako, si Blue lang ang nakakapagpakalma sa akin. Isa ito sa mga bagay na kahit mismo mga magulang ko ay hindi kayang gawin.

Paano na lang kung wala na si Blue sa akin?

~*~

"Sorry na istorbo ko ang bonding time niyo ni Uno," sabi ni Asul habang nasa sala kami at kumakain ng dinner. Pancit canton, spam at pandesal. Naka indian seat kami sa lapag habang yung kandila ay nasa gitna namin.

Nang dumating kasi siya, umalis na rin agad si Uno. Sabi nga namin sabayan na kami kumain dahil ang tagal na rin since nung huling bonding namin pero may mga errands pa raw siya.

"Sorry nasira ko ang supposedly date niyo ni Anya," sabi ko naman sa kanya.

Sabi ni Asul, dapat mag iinuman sila ni Anya ngayon pero tinext na niya na hindi siya makakarating dahil mas pinili niyang samahan ako.

At hindi ko alam kung dapat bang matuwa ako na ako ang pinili niya o makonsensya kasi sayang ang opportunity niya na makasama si Anya. Wala naman kasi siyang mapapala ngayon na ako ang kasama niya.

"Ayos lang yun, marami pang pagkakataon," he said with a smile habang naglalagay ng pancit canton sa pandesal.

"Pero wow, pinili mo 'ko kesa sa crush mo ha," pang aasar ko sa kanya.

Napahinto si Asul sa pagkagat nung pandesal at napatingin sa akin, "lagi naman kitang pinipili ah? Ikaw lang tine-take mo yun for granted," pag susumbat niya sa akin.

"Wow. Talaga ba? Lagi mo akong pinipili? Seryoso ba yan?"

Lumapit siya sa akin at pinitik ako sa noo.

"Aray! Ang hilig mong mamitik sa noo nakakabwisit ka!"

"Makakalimutin ka kasi! Naalala mo yung first girl friend ko? Bakit kami unang nag away nun?"

Hindi ako umimik at sumubo lang ako ng pancit canton. Kunyari wala akong naririnig.

"Ano ang nangyari nga ulit nun?" tanong niya. "Ah! Hindi natuloy yung first monthsary na date namin kasi yung best friend ko nag panic dahil muntik na niyang masunog ang kitchen nila dahil sa pagluluto niya ng hotdog. Naalala mo yun?"

Nakayuko lang ako. Naalala ko yun. Nag p-prito ako ng hotdog nun at nailapag ko yung pot holder malapit sa stove. Hindi ko napansin na nasusunog na. Akong si gaga, sa taranta ko, kesa buhusan ng tubig, naihagis ko yung potholder. Nakita ko na lang lumalaki na ang apoy sa may dingding ng kusina namin. Buti na lang dumating si Asul nun. Pormang porma dahil may date na pupuntahan. Naka shades pa si gago. Pero haggard after dahil siya ang pumatay nung apoy. Kitang kita namin na nangitim na part ng dingding ng kusina namin. Kabado ako kasi pauwi na nun parents ko. Malamang papagalitan ako. Hindi ako iniwan ni Blue hanggang sa dumating parents ko. Pati siya nadamay pang pagalitan.

Bahagya akong siniko ni Asul, "ano? Amnesia mode?" natatawa tawa niyang sabi.

"Oo na!" asar talo kong sagot. "Sino ba kasing nagsabi na piliin mo 'ko?"

He chuckled, "wala."

"Eh ba't may pag susumbat?" I said with a pout. Nakakainis. Pumunta na nga siya kay Anya!

"Hindi naman kita sinusumbatan ah? Pinapatunayan ko lang na ikaw palagi pinipili ko."

Nginitian ko si Asul.

"Thank you," sabi ko at yumuko ako. "Sorry ganito ako."

"Paanong ganito?"

"Ganito," sabi ko. "Parang tanga na nagkaka panic attack sa mga simpleng bagay."

Naalala ko yung sinabi ni Uno kanina. Para akong bata.

"Para akong bata," I whispered.

"Lahat naman tayo may kanya kanyang kinakatakot, eh. Valid yung fear mo at hindi mo dapat iniisip na simpleng bagay 'yon," sabi ni Asul. "Don't be too hard on yourself. Tsaka wala ka naman dapat ihingi ng sorry sa akin kasi naiintindihan ko naman 'yon. Sa tagal na nating magkasama? I know you'll do the same kung ako ang nasa sitwasyon mo."

Ang selfish isipin na bigla na lang akong napa thank you Lord dahil may boyfriend na si Anya.

Kasi maiinggit ako nang sobra sa kanya kung nagkataong liligawan siya ni Blue at mababaling na sa kanya ang atensyon nito.

I know... ang swerte ng babaeng mamahalin niya.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony