Kabanata 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

When It Rains

Binaba ko ang sulat na nakuha ko kasama sa loob ng bag na inabot sa akin ni mama. It was a legal document saying that I am her sole heiress. Ano man ang makuha niya sa mga magulang, kung meron man, ay sa akin mapupunta. He also made Jude my legal guardian and I don't know how did she make that possible.

"Ms. Verena, your mother died peacefully without pain. She made sure you are safe before she leaves. She filed a restraining order against your father, hindi na makakalapit ang ama mo sa iyo at hindi ka na rin niya masasaktan," sabi ni Attorney Chua, ang family lawyer ng pamilya ni mama.

"Pwede ko po bang madalaw ang mama ko? Gusto ko po siyang makita. Nasaan po siya nilibing?"  I prevent myself from crying--I don't want to cry anymore. Mama will see me crying and I don't want to worry her.

"She's buried beside your grandmother. You can visit her grave if you want to. You have the right to visit whenever you want." He smiled and gave me another document stating my right to visit my mother's grave.

"Kinuha siya ng lolo mo pagkatapos niyang mabalitaan na namatay ang mama mo sa ospital dahil sa lung cancer. Galit na galit siya sa papa mo at tinanong pa kung nasaan ka. He can't file any case against your father but he made sure he will got all the rights to claim your mother's body. Don't worry, she's now in peace. If you ever need me, you can call me or visit me in my office. I'll leave now." Attorney Chua tapped my shoulder before leaving our house.

Malungkot ang mga mata ni Jude nang bumaling ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. I don't know why but I was not crying at all. Siguro masaya na lang ako na pareho kaming nakalaya sa lugar na iyon pagkatapos ng mahabang panahon, hindi nga lang sa paglayang inaasahan ko.

"Maayos na ang mama mo. Alam niyang maiiwanan ka niya nang mas maaga kaya ginawa niya ang makakaya niya para magkaroon ka pa rin ng maayos na buhay kahit wala na siya. Napakabuti niya at naramdaman ko iyon," sabi niya.

"Mahal na mahal ko siya, Jude, at masaya ako kasi matatahimik na siya, hindi na siya masasaktan, at wala nang magpapahirap sa kanya. Maybe, she wants to leave too. Ayaw niyang magpadala sa ospital kahit alam niyang malala na ang sakit niya. Gusto na rin niya sigurong magpahinga na kasi pagod na siya. At nang makahanap siya ng taong mag-aalaga at magmamahal sa akin kagaya niya, nagkaroon na siya ng lakas ng loob para umalis nang payapa." I single tear escaped from my eye. "Mami-miss ko siya sobra pero masaya na ako na maayos na siya. She's finally home with her mother."

Jude smiled at me. "Let's fulfill her dreams for you. Konti na lang ga-graduate na tayo. Dalawang taon na lang at maipagmamalaki na natin sa mundo na kinaya nating dalawa. I'm so proud of you for overcoming all of these." He gently kissed my forehead.

"Bakit ka nag-e-english?" Natawa ako kahit hindi pa ako tapos umiyak.

"Of course, I'm an English major. Kailangan kong mag-practice. Ayos ba?" Kumindat siya.

"Ang hot mo kapag ganyan ka magsalita. I love your accent." Kinurot ko ang pisngi niya.

"Ay, accent ko lang?" Ngumuso siya.

Umirap ako. "Ang arte mo! Magtatampo ka pa, alam mo namang ikaw ang pinakamamahal ko."

Inayos ko ang sarili ko dahil aalis pala kami para makabili ng gamit namin sa susunod na pasukan. Ang buong akala ko ay mahihirapan kami ni Jude dahil sa pagbukod namin, hindi naman pala. Ang daming bumuhos na biyaya simula nang lumipat kami sa apartment na ito. Ang mga naipon ni Jude noong high school kami ay napunta lahat sa renta. Napakamura lang dahil isang ordinaryong kwarto lang ang laki nito, kung tutuusin ay isang tao lang ang kasya rito dahil single size lang ang provided na kama.

May maliit na kitchen counter lang na may  single burner stove. May masikip din na comfort room na halos hindi magkasya si Jude pero ayos pa naman. Naglagay na lang din kami ng study table na sakto para sa aming dalawa. Malapit lang din ang apartment sa campus namin at sa mga bilihan ng pagkain, walking distance lang kaya sobrang laki ng natitipid namin.

Kahit maliit lang ang bahay namin, lagi akong nakakatulog nang mahimbing. Ito na siguro ang tinatawag nilang tahanan. Hindi na rin ako natatakot sa tuwing umuuwi ako dahil minsan ay Jude na ang sumasalubong sa akin. Naging masaya ang buhay ko simula nang sumama ako kay Jude.

"Pwede pa naman ang binili kong bag last semester, 'yon na lang muna siguro ang gagamitin ko. 'Tsaka limang filler na lang sa binder ko ang bibilhin ko," sabi ko kay Jude habang nasa book store kami at namimili ng gamit.

"Sigurado ka, 'yong binder mo palitan mo naman. Noong first year pa tayo yun, eh." Inabot niya ang isang binder na may disenyong mga ulap. "Ito, ayaw mo 'to? Ang ganda nito. Binubulungan ka, oh! Sabi niya deserve mo raw siya." Tinaas baba pa niya ang mga kilay niya.

"Talaga? Sinabi niya 'yon?" Sinampal ko siya nang pabiro. "Huwag mo akong utuin, Jude. Kailangan nating magtipid dahil malapit na naman ang pasukan."

"Ito naman! Ako na nga ang bibili! Ayaw mo talagang mabawasan ang trust fund mo, 'no?" Nilagay niya sa basket ang binder.

"Para sana pagka-graduate natin ay may pera pa rin tayo. Gusto ko sanang lumipat sa medyo malaking bahay para kung maisip nating magpakasal at bumuo ang pamilya, hindi na tayo mahihirapan," paliwanag ko.

Ang trust fund kasi na iniwan sa akin ni mama ay nadagdagan pa nang mamatay siya. Lahat ng perang namana niya kay lola ay doon na napunta. Kung tutuusin ay hindi ko problema ang pera dahil sobra-sobra ang mayroon ako ngayon pero kailangan kong tipirin iyon. May iba pa akong pangarap maliban sa pagiging guro.

"Caeli, kapag nakatapos na tayo, gusto ko enjoy-in mo ang pera mo. Kapag mayroon na tayong trabaho, hindi na tayo matatakot na maubusan ng pera kaya huwag mong tipirin ang sarili mo. Pagkatapos lahat ng mga pinagdaanan mo, deserve mo ring gumastos." Inakbayan niya ako at sabay naming tinungo ang cashier.

Naisip ko na palagi pala akong ini-spoil ni Jude kapag may sobra siyang pera. Pag-uwi niya galing trabaho ay may dala siyang donut na magiging hapunan na rin namin. Minsan naman ay damit ang dala niya na kasya sa aming dalawa pa raw matipid.  Minsan ay pupuntahan niya ako sa bahay nila Gael dahil doon ako suma-sideline bilang helper na may dalang paborito kong pagkain na galing sa fast food restaurant.

Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Jude, tagos na tagos hanggang sa buto ko. Kung hindi siguro dumating si Jude sa buhay ko, wala sigurong pagbabago. Nandoon pa rin ako sa lugar na puro pasakit lang ang binigay sa akin.

"Jude," tawag ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi. Hindi ako nagsasawang makasabay siya sa pag-uwi.

"Hmm, may problema?" tanong niya kaagad.

"Pagka-graduate natin, magpakasal na tayo. Gusto mo ba?" Tiningala ko siya.

Ang laki ng ngiti niya dahil sa sinabi ko. "Sure, kung 'yan ang gusto mo. Since I was 7 years old, I was ready to marry you." He kissed my forehead and then chuckled out of nowhere. "Did you just propose to me?"

"Ayaw mo yata, eh?!" I pouted my lips.

"Dapat hinintay mo na lang akong mag-propose, nag-iipon ako ng pambili ng engagement ring, eh!" sagot niya at saka humalakhak pa.

"Oh, Jude. No need for a ring. Pakakasalan kita, may singsing man o wala."

Sinulit namin ang mga araw na wala kaming pasok. We kissed, we get drunk, we watched movies, and slept together after all of that. Kahit lagi kong inaakit si Jude, himala na lang na virgin pa rin ako ngayon. Minsan nga lang ay ako ang naaakit dahil hinahayaan niya akong panoorin siyang maligo. Hindi na niya kasi maisara ang pinto dahil hindi na siya kasya. Nakita ko na lahat-lahat, wala na siyang itinago sa akin.

"Cha!"

Sinalubong ako ni Maureen na kumakaway pa habang tumatakbo palapit sa akin. Magkaklase kasi kami ngayong semester kaya tuwang-tuwa talaga siya. Last sem kasi ay nahuli ako sa pag-enroll kaya naubusan ako ng slot sa section niya.

"Hi, Jude. Ako na bahala kay Cha. Doon ka na," sabi niya at hinila na ako palayo kay Jude.

"Kita tayo mamaya sa cafeteria, hihintayin kita," bilin ni Jude bago ako tuluyang magkalayo.

"May sasabihin ako sa 'yo pero secret lang natin, ah!" sabi niya at tumingin sa paligid.

"Ano ba 'yon?" Bigla tuloy akong na-curious.

Matipid siyang ngumiti bago sumagot. "Buntis ako, Cha. Ninang ka, ha?"

Halos mabilaukan ako kahit wala naman akong kinakain dahil sa binigay niyang balita. "Ano?!"

"Ih, huwag ka namang ganyan. Noong bakasyon kasi, lumandi ako, ayan may tumubo. Ako pa pala ang mauunang mabuntis kaysa sa 'yo. Ikaw ang may ka-live-in, eh." Nagkibit-balikat siya. "Pero okay lang, pananagutan naman ako, eh. Mas gwapo pa kay Jude ang nakabuntis sa akin kaya 'wag ka!" She playfully rolled her eyes and chuckled.

"C-congratulations! Kung masaya ka naman na buntis ka, sino ba naman ako para kontrahin ka pa? Basta, magtapos ka  pa rin, ha?" Hindi ko alam kung paano siya kakausapin dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa binalita niya. Parang kailan lang noong binibiro niya pa akong aagawin daw niya si Jude sa akin.

"Oo, pag-aaralin daw ako ng papa ng baby ko. Kaya siguro pumayag na rin si mama na ikasal kami kasi may kaya yung lalake," sabi niya pa bago kami tumuloy sa unang klase namin.

Lumilipad tuloy ang utak ko buong oras ng klase dahil naiisip ko na kung hindi gentleman si Jude at medyo bastos siyang mag-isip, baka dalawa na ang anak namin. Ako lang naman ang malibog sa amin, eh.

"Saan ka pupunta, Cha? 'Di ba sabi ni Jude ay hihintayin ka niya sa cafeteria?" kunot ang noong tanong ni Maureen. "Kanina pa siya nandoon. Tinanong nga kung nasaan ka na, eh, sabi ko nauna kang umalis sa akin. Saan ka ba nagpunta?"

Hinawakan ko ang sintido ko. "Kanina ko pa hinahanap ang cafeteria, hindi ko alam kung nasaan na. Nilipat ba nila 'yon?"

"Ano?! Hindi, ah! Ang laki-laki no'n, ba't hindi mo makita? Ito naman, nagbakasyon lang nakalimutan. Hindi naman ganoon kalaki ang campus natin para maligaw ka pa." Hinawakan niya ang kamay ko at sinamahan na lang papunta sa cafeteria.

Kumaway si Jude nang makita ako, may pagkain na mesa niya at hinihintay na lang ako. "Cha, saan ka galing?" tanong niya at humalik sa noo ko.

"Hay, naku! Huwag niyo akong inggitin! 'Yang asawa mo, Jude, naligaw pa sa campus natin. Hindi niya raw alam ang papunta sa cafeteria kaya hindi makapunta sa 'yo." Umiling si Maureen.

Tinitigan ako ni Jude. "Ayos ka lang?"

Tumango ako. "Sumakit lang ang ulo ko."

"Maiwan ko na kayo," paalam ni Maureen.

Pinaupo ako ni Jude at inabot na sa akin ang kubyertos. "Kain ka na para makainom ka ng gamot."

Tumango ako at nagsimula nang kumain. Pinanood lang ako ni Jude at kunot na kunot ang noo.

"Bakit?" tanong ko at huminto.

"Baliktad, Cha. Ang kutsara dapat ang sinusubo at hindi ang tinidor." Lumapit siya at pinagpalit ang pagkakahawak ko sa kubyertos.

"S-salamat," sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Ayos ka lang ba talaga? Wala ka yata sa sarili. Gusto mo na lang umuwi?" tanong ni Jude at sinalat ang noo ko.

"Hindi, ayos lang talaga ako. Masakit lang talaga ang ulo ko pero kaya pa," sabi ko na lang kahit wala naman talagang masakit sa akin.

Tinapos namin ang tanghalian namin at pinainom ako ni Jude ng gamot para sa sakit ng ulo. Pagkatapos naman no'n ay naging maayos na ulit ako. Sobrang nag-enjoy ako sa mga professor namin ngayon at sa mga subjects. Naunang natatapos sa akin si Jude kaya naman sinalubong niya ako pagkalabas ko ng classroom.

"Uwi na tayo o gusto mo pang pumasyal?" tanong niya kaagad pagkakuha ng bag ko.

"Hindi ba nag-aayang mamasyal si Rhona? Tara, puntahin natin siya, maaga pa naman." Excited akong naglakad.

Napahinto si Jude sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko.

"Cha, sino si Rhona?" Nakakunot ang noo niya habang tinatanong iyon.

Natawa ako dahil nakalimutan na niya ang kaibigan namin porket hindi namin ka-campus.

"Si Rhona! Yung kaibigan nating may speech disorder, architecture ang kinuha niya, hindi ba? Ikaw talaga, nakalimutan mo na kaagad siya." Mas natawa pa ako dahil sa itsura niya.

"Cha..." Bumuntonghininga siya. "Si Yena 'yon. Hindi Rhona ang pangalan niya. Yena ang pangalan ng kaibigan nating 'yon," sabi niya at nag-aalalang lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba talaga?" Hinaplos niya ang pisngi ko.

Natulala ako at hindi alam kung ano ang nangyayari...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro