Kabanata 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

To Cherish and Honor

Sinalubong ako nang malaking yakap ni Jude pagkatapos ng graduation namin. He is one of the Cum Laudes of our batch and I'm so proud of him.

"Congratulations, mahal ko." I kissed his adorable cheek.

"Congratulations din, mahal. Saan mo gustong kumain para mag-celebrate? Gutom na ako," sabi niya at inakbayan ako habang papalabas kami ng gym.

Ang daming estudyante na halos lahat ay kasama ang mga magulang. Tinitingnan ko sila, lahat sila ay may malalaking ngiti sa labi lalo na ang mga ina. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila sa mama ko.

"Caeli, what's wrong?" tanong niya Jude at huminto sa paglalakad.

Suminghot ako. "Wala, nami-miss ko lang si mama. Sana nakapakasaya niya ngayon kung nasaan man siya." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Puntahan natin si mama, Jude. Ipapakita ko sa kanya ang diploma ko."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. "Walang problema, Cha. Sasamahan kita. Huwag ka nang umiyak, masaya ang mama mo ngayon kaya dapat ay masaya ka rin."

"Oo nga." Ngumiti ako. "Tara, alam ko kung saan tayo kakain." Hinatak ko ang kamay niya. I want him to see my surprise. Ang tagal ko ring itinago ito, mga anim na buwan.

"You took out our food, saan mo ba talaga gustong kumain?" tanong ni Jude na inaayos ang nagugulong buhok dahil sa hangin. Nakasakay kasi kami ng tricycle.

"Basta surprise. Pikit ka muna," utos ko sa kanya nang malapit nang lumiko ang sinasakyan namin sa loob ng subdivision.

I've been wanting this since the day I realized that I will spend the rest of my life with Jude. This dream is already written in the clouds a long time ago. And now...

"Don't open your eyes!" I shouted when the tricycle stopped.

"What is this, Caeli?" tanong niya habang tinutulungan ko siyang bumaba ng tricycle.

Nang umalis na ang sinakyan namin ay pinagmasdan ko ang kulay kayumangging pader ng bahay na binili ko gamit ang pera sa trust fund ko.

Thank you, mama. May sarili na rin tayong bahay sa wakas. Sa atin na ito at wala nang mananakit sa atin.

"Cha? Malapit na akong makatulog dito," bulong ni Jude at hinila ang kamay ko.

Humarap ako sa kanya. "Sige, dilat na."

Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. Pagkalito kaagad ang kumalat sa buong mukha niya. Napatingin siya sa katapat naming bahay at pagkatapos ay sa akin.

"You didn't..." Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ay napatango na ako.

"Pwede na tayong magpakasal, Jude. May bahay na tayo!" maligaya kong sabi at saka siya niyaka. "Sa atin ang bahay na ito, hindi huhulugan at hindi rerentahan. Kasya ka na rin sa banyo!"

"Caeli!" tawag niya sa akin at walang sabi-sabing binuhat ako. Napatili ako dahil sa gulat at nakuhang nahiya sa mga magiging kapit-bahay namin. Naglakad siya patungo sa bakuran ng bago naming bahay habang buhat pa rin ako. Napahinto siya sa doormat at binasa ang naburda roon:

Jude and Cha's Cloudy Home

"You are really obsessed with clouds, aren't you?" tanong niya.

"Ibaba mo ako at bubuksan ko ang pinto!" Kinurot ko ang dibdib niya at pilit na nagpababa.

He chuckled and put me down just like what I have requested. Kinuha ko ang susi sa bag ko at napahinga muna nang malalim bago pinihit ang doorknob.

Fully furnished na ang bahay—sinugurado ko iyon bago ko ipakita ito kay Jude. Halos maubos ang pera ko sa bangko at nakuha pa akong tawagan ng lolo ko para malaman kung ano ang ginawa ko sa pera. That was the first time that my grandfather talked to me. Kinabahan ako nang sobra dahil akala ko ay sisigawan niya ako pero kabaliktaran ang lahat ng inasahan ko.

Nang masabi ko kung saan ko ginastos ang pera ay nag-alok pa siya na siya na ang maglagay ng mga kakailanganin pa sa loob para matirhan na kaagad. Alam niya pala ang sitwasyon ko at ni Jude. He said he was sorry for everything, kung hindi lang daw siya naging malupit noon —silang dalawa ni lola, ay baka buhay pa ang bunso nilang anak na si mama.

"Cha, napakaganda ng bahay natin. Salamat... This is my dream too." Niyakap niya ako mula sa likod.

Pareho kaming nakatanaw sa malaking picture frame na wala pang laman. Our wedding portrait will be the best picture to put in this.

"Tingnan mo yung CR, dali! Tingnan mo kung kasya ka na!" Tinulak ko siya at natawa sa reaksyon niya.

"Ayaw mo na akong panoorin kapag maliligo ako?" tanong niya habang binubuksan ang pinto sa banyo.

Hay, naku!

Simpleng banyo lang iyon pero may bathtub at shower syempre! Pangarap ko kasi 'yon eh!

"Pwede na tayong maligo nang sabay, Cha!" biro niya kaya nasuntok ko siya nang pabiro.

"Pakasalan mo muna na ako, mister!" singhal ko.

"Opo, Ma'am Cha!" Sumaludo pa siya sa akin. "Nasaan ang kwarto?"

Hinila ko ang kamay niya at sabay naming tinungo ang magkatabing pinto na medyo tago sa pagitan ng sala at kitchen. Binuksan ko ang unang pinto, ito ang kwarto namin ni Jude. Queen-sized bed na ang hihigaan namin at hindi namin kailangang magsiksikan pa.

Sumampa ako sa ibabaw ng kama at nagtatalon sa kama. "Ang saya, ang lambot na ng hihigaan natin!"

Natawa si Jude sa ginagawa ko. "Masisira ang kama natin. Masyado ka nang matanda para d'yan."

Ngumuso ako nang ayain niya akong bumaba. Dinala ko naman siya sa susunod na pinto.

"Jude, nagpa-design ako kay Yena ng kwarto na pwedeng unisex tapos syempre maraming clouds!" This room will be our babies' room. "Tayo ang gagawa at magpe-paint para sentimental. I am excited to draw that little clouds!"

Hinaplos niya ang buhok ko at pinarap ako sa kanya. "What's with the fascination with clouds, my love?"

"Hmm, tuwing tumitingin kasi ako sa mga ulap, I feel peace. Ang komportable sa mga mata ko ang panonood ng mga ulap, I always remember the comfort I never had so I once wished to lie on the top of clouds. Kaya tinawag ko ang bahay natin na Cloudy Home expecting that this house will finally give me the comfort I always want." Tinuro ang kwarto. "Habang maaga pa at habang baby pa sila, gusto ko nang maramdaman nila na ligtas sila sa tahanan na ito. I will never let them experience what their mommy and daddy have been through."

"Thank you, Caeli." He kissed my forehead. "Thank you for making everything so meaningful. Before you, I don't have any vision in life."

"Thank you too, for saving my life." I kissed him on his lips. I felt the cloud 9.

We slept in our new bedroom in our new house after eating the food we took out from our favorite restaurant. We will visit my mother's and grandmother's graves tomorrow, and somehow, talk to my remaining relatives.

"We're here," Jude announced.

Kumunot ang noo ko. "Wala akong nakikitang bahay," sabi ko habang tumatanaw sa malaking gate.

"May kailangan po kayo, ma'am?" tanong ng guard na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.

"We are looking for Rodolfo Sanchez, sir," kausap ni Jude.

"May appointment po kayo?" tanong pa nito.

"Kailangan pa po ba iyon? Uhm, gusto ko lang po sanang mabisita ang mama ko," sagot ko at napakamot sa pisngi ko.

"Mama niyo po? Katulong?" Nagtaas ng kilay ang guard.

"Goodness, she's the daughter of Mr. Rodolfo's late daughter. He is his granddaughter. Can you just call your boss?" naiinis na usal ni Jude.

Hinaplos ko ang braso niya. "Kalma, nagtatanong lang si manong. Hindi naman niya alam kung sino ako."

"Oo nga, sir. Sorry naman. Sige po, pasok na raw kayo!" Binuksan ni Manong Guard ang gate at dumating sa harapan namin ang isang golf cart.

"Sakay kayo d'yan, ma'am at sir. Medyo malayo-layo pa kasi mula rito ang mansyon," paliwanag ng guard.

"Salamat po, pasensya na sa boyfriend kong mainitin ang ulo," sabi ko at ngumiti.

"Okay lang, ma'am. Sanay na ako." Kumaway siya sa amin nang umandar ang cart.

Ilang segundo lang ay natatanaw ko na ang mansyon na akala mo'y isa sa mga palasyo sa England. Ang laki! Sobra!

"Ganito pala kayaman ang mama mo, malaki talaga ang galit sa kanya ng mga magulang niya noon kaya nagtiis kayo sa poder ng tatay mo," bulong ni Jude.

Bumaba kami ng cart nang huminto iyon sa tapat mismo ng main door. Nandoon na si lolo na hawak ang mamahalin niyang tungkod. Nasa likod niya ang sa tingin ko ay mga nakatatandang kapatid.

"Good morning po sa inyo," bati ko at lumapit kay lolo para makapagmano.

Kinakabahan pa ako dahil baka hindi niya tanggapin ang pagmamano ko pero hinayaan niya naman ako at nakapagmano pa si Jude. Sunod akong nagmano sa mga kapatid ni mama. Lahat sila ay hinayaan akong magmano sa kanila pwera lang sa isa na hinatak ako para mayakap.

"Kamukhang-kamukha mo si Carmina, Caeli. Buti at hinayaan ka na ni daddy na bumisita," sabi niya at kumalas sa yakap.

"My name Charmie, I'm the eldest child." Tinitigan niya ako habang tumutulo ang mga luha sa mga mata.

"Hello po. Pasensya na po kung hindi ko kayo kilala, hindi po kasi kayo nababanggit ni mama. Masaya po ako at nakita ko na po ang pamilya ni mama." Hinatak ko si Jude sa tabi ko. "Ito po pala si Jude, ang boyfriend ko po at pinagkatiwalaan ni mama na mag-aalaga sa akin."

"Magandang umaga po," bati ni Jude.

Kumunot ang noo ng isa sa mga uncle ko nang titigan niya si Jude.

"Are you related to the Ching, one of the owners of Southern Cement? You look alot like Henry Ching, my classmate," he asked.

"I don't think so, sir. My mother died early and I didn't have a chance to meet my father because he ran away from his responsibility. But I know that my father is a Chinese," magalang at malumanay na sagot ni Jude.

"Kailan kayo ikakasal?" tanong ni lolo na ikinagulat ko.

Nang balingan ko siya ay kunot na kunot ang noo niya.

"Lolo, nagpaplano pa lang po kami kasi kaka-graduate pa lang po namin. At mag-iipon na rin po since kabibili lang po ng bahay namin," sagot ko. Gusto ko na rin namang maikasal kay Jude kaso nga nasaid ang pera naming dalawa sa mga binayaran sa school at sa bahay na binili.

Tumingin siya sa dalawa sa mga anak niyang lalake. Nag-irapan naman ang mga ito.

"Here we go again," sabi ng isa.

"Mike, ikasal mo ang dalawang ito bago lumabas ng mansyon," bilin ni lolo.

"Okay, okay..." Ngumiti sa akin si Uncle Mike. "Don't worry, I am judge. You'll be fine. Gusto niyo namang ikasal, hindi ba?"

"Opo," sabay naming sabi ni Jude. Nagkatinginan kami at nagngitian.

Sinabi ko ang kagustuhan kong makita kung saan nakalibing si mama. Dinala nila ako sa isang nakabukod na maliit na bahay. Inabot sa akin ni Jude ang bulaklak na binili namin bago magpunta rito.

"Naalala mo ba noong tinanong kita kung saan mo gustong mapunta ang mama mo? Kung saan mo siya gustong magpahinga?" tanong ni lolo.

Tumango ako. Nagtataka nga ako noon kung bakit niya iyon tinatanong sa akin, hindi ko pala alam na patay na no'n si mama, ilang buwan pa bago ko nalaman na wala na siya.

"You said you want to lay her on a bunch of comfortable clouds if you have a chance because you said that your mother deserves a break—a peaceful life. This is the least that I can do for my daughter. I am a terrible father. She suffered because of my stubbornness and pride." He wiped his tears.

My mother's grave is painted with realistic clouds. Beside her, is my grandmother's grave painted with realistic different kinds of flowers.

"Thank you po sa pagbibigay nang maayos na pahingahan kay mama. Naniniwala po ako na masaya na po siya at wala siyang tampo sa inyo. Kahit noon pa po, hindi niya naisip na magtani, ng sama ng loob sa inyo kasi alam niyang may mali rin siya. Gusto ko pong malaman niyong lahat na nagsisisi siya na mas pinili niya si papa kaysa sa inyo." Nilapag ko ang bulaklak sa harapan ng puntod niya.

Kinuha ko kay Jude ang diploma ko. "Ma, tapos na akong mag-aral, nakapagtapos na ako kaya ng gusto mo. Sayang lang at hindi mo ako nasamahang um-attend ng graduation. Kaming dalawa lang ni Jude ang magkasama. Miss na miss na kita, mama. Minsan hinihiling ko pa rin nandito ka sana para may nayayakap pa ako maliban kay Jude. Iba pa rin kasi ang yakap mo, eh." Huminga ako nang malalim para makahinga nang maayos. Panay ang bagsak ng luha ko at hindi ko na iyon kayang pigilan.

"Ma, sana masaya ka kung nasaan ka man, sana magkasama na kayo ulit ni lola. Yun lang ang gusto ko kasi deserve mong magpahinga sa maayos na lugar pagkatapos ng lahat. Sana hindi ka na nahihirapan, sana lagi ka ng masaya. Mahal na mahal po kita. Palaging dadalhin ang mga alaala natin. Sana ikaw pa rin ang mama ko kung may pangalawang buhay man. At sana sa buhay na iyon ay hindi na tayo mahirapan." Kinagat ko ang labi ko at humarap sa mga kamag-anak ko na kapareha kong nalulunod sa luha ang mga mata.

Lumapit sa akin si Auntie Charmie at isang mahigpit na yakap ang binigay sa akin. We cried in each other's shoulders. Finally, a family's embrace.

Si Auntie Charmie rin ang nag-asikaso sa amin ni Jude. Pinameryenda niya kami ng masasarap na pagkain na nakikita lang namin ni Jude sa magazine ng mga mayayaman. Pinahiram niya rin ako ng isang white dress na gagamitin sa kasal namin.

"Okay, let's start," Uncle Mike announced. Nandoon ang lahat ng magkakapatid.

Nasa harapan na kami ni Jude at nakaharap kay Uncle Mike. Tumango kaming pareho ni Jude para masimulan na ang ceremony.

"We're here today to witness the union of Jude Oliver Florian and Caeli Sussana Sanchez Verena in marriage," he started. He looked at me and Jude. "Today, you begin a new life together, founded in love, laughter, honesty, respect, and friendship. The promises you make to each other today should not be taken lightly. A marriage is more than a ceremony – it is a lasting and lifelong commitment."

"Do you, Jude, take Caeli to be your wife and to live together as partners, to treat her with love and respect, and to build a marriage that grows stronger and more loving as time passes?" Bumaling siya kay Jude.

Tumingin muna nang may buong pagsuyo sa akin si Jude bago sumagot. "I do." He smiled.

"Good. And do you, Caeli, take Jude to be your husband and to live together as partners, to treat him with love and respect, and to build a marriage that grows stronger and more loving as time passes?"

Hindi na matanggal sa labi ko ang mga ngiti. "I do."

"You don't have ring so hold each other's both hands instead and say this," sabi ni Uncle Mike at pinakita sa amin ang isang papel na may sulat.

"I give you my hand, my heart, and soul, as a symbol of my love and devotion, as we join our lives together, today, tomorrow, and for as long as our love shall last," sabay naming bigkas ni Jude.

"And our memories may last just like the clouds that keep on floating around the sky," dagdag ko pa.

"By the virtue of the authority vested in me by the Republic of the Philippines, I now pronounce you Mr. and Mrs. Florian, husband and wife. And as a respect to a non-dying tradition, Jude, you may kiss your wife! Congratulations!" Pumalakpak si Uncle Mike.

Ngumiti ako kay Jude. "I'm so happy."

"Me too," he said and dip down to kiss me.

Pumalakpak na din ang mga uncle at auntie ko na nanood sa amin. Lumapit sa amin si lolo.

"Caeli, I hope you didn't make the same mistake your mother did a long time ago." He tapped my shoulder. "Jude, you knew Caeli's past. Please, don't make her future like that. If Carmina trusted you, I'll trust you too with my granddaughter. Congratulations!" Niyakap niya kami at pagkatapos ay pinatawag ang mga kasambahay para maghanda ng makakain.

I finally married Jude on the day that I will forever cherish and honor. July 18.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro