Kabanata 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Unknown Signs

"Congratulations! Nakausap ko na yung principal sa school, pwede na kayong pumunta ngayon para magpasa ng requirements," sabi ni Tita Nika nang dalawin namin siya sa mansyon para magtanong sa mga private na pwede naming mapasukan ni Jude habang hindi pa kami nakapapasa sa LET.

"Thank you, tita. Buti na lang talaga at kayo ang una naming nilapitan. Alam kasi naming may mga hawak din kayong schools." Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.

"Babalitan po namin kayo kapag nakapasok na kami. Salamat po," sabi naman ni Jude at kinawayan si tita.

"Naku, sigurado na 'yon. Kailangan din naman kasi nila ng mga teacher dahil medyo kulang nga sila. Dalhin niyo na lang mga requirements niyo roon na sinabi ko at baka bukas ay mag-start na rin kayo."

Nang matapos naming kausapin si Tita ay umalis na rin kami ng mansyon. Nakita pa namin ang mga magulang ni Viana na nakatira rin pala rito. Hindi namin nakita si Viana dahil magkasama raw sila ni Gael dahil umuwi ito galing Maynila.

"Kailan mo balak magpatingin sa doktor?" tanong ni Jude habang kumakain kami ng tanghalian sa isang karinderya na malapit lang sa school na pinag-apply-an namin.

"Kapag may maluwag na tayong oras. Gusto ko kasi walang ibang kaagaw ang pagpapa-check-up ko." Sa totoo lang ay natatakot akong magpatingin sa doktor dahil natatakot ako sa pwedeng malaman ko.

"Hindi biro ang memory loss mo. Madalas din kailangan pa kitang tutukan para lang matutunan mo ang isang bagay na dati naman ay kayang-kaya mong pag-aralan mag-isa. Madalas ka ring nagagalit sa akin nang walang dahilan." Sumulyap sa akin si Jude.

Ayokong isipin ang mga bagay na iyon. Hindi ko rin naman maalala ang iba.

"What if I'm pregnant?" I can't help but wonder.

"Mabuti nga kung senyales ng pagbubuntis 'yang nararamdaman mo. Paano kung iba? Paano kung malalang sakit? Wala namang mawawala kung magpapatingin ka sa doktor, Caeli. Please, make time for it. It's for you."

Tumango ako tinapos na ang pagkain. Pasulyap-sulyap pa rin siya sa akin. Madalas kasi ay nakakalimutan ko na rin ang mga ginagawa ko kapag lumulutang ang isipan ko.

Natanggap kami sa private school at pwede na kaming magsimula bukas. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang naghahanda sa pagpasok sa trabaho. Hindi pa naman daw kami magtuturo sa unang araw at sasabihan pa lang ng mga dapat naming gawin.

"Ano'ng hinahanap mo?" tanong ni Jude na kanina ko po hinahanap.

"Oh!" gulat na usal ko. "Nandyan ka pala! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka nagpunta?" tanong ko at sumakay na sa tricycle.

Hindi na ako inimik ni Jude buong biyahe namin. Mukhang malalim nga ang iniisip niya kaya hindi ko na lang inabala. Buong oras din namin sa school ay tahimik lang siya at iimik lang kapag tatanungin ko. Hindi ko alam kung ano ang problema niya.

"Ma'am Cha, ang hirap po ng tinuro niyo kanina. Hindi ko po nakuha," sabi ng isa kong estudyante na babae.

"Sige, dito tayo." Tinuro ko ang bakanteng pwesto sa reading lane.

Tinuro ko sa kanya nang mabuti ang formula na katuturo ko lang sa kanila kanina. Naiintindihan ko rin na iba-iba ang learning capacity ng mga bata lalo na sa math. May mga iba na madali lang nakukuha ang logic behind the equation, may mga iba naman na kahit ulit-ulitin mo na at magbigay ka ng maraming examples ay hindi pa rin makuha. Kaya nga I always make time for those students who will approach me for clarifications and questions. Gusto ko lahat sila matututo at walang magpang-iiwanan. Hindi lang naman ako naging teacher para sumahod. By the end of the day, a teacher's goal is to make students make one little step to the ladder of success every single day.

"Ako na ang magluluto ngayon, Caeli."

Pagkapasok pa lang namin sa bahay ay ayan na ang lumabas sa bibig ni Jude. Hinubad niya ang uniporme niya at tinira ang doble niyang sando. Kinuha ko iyon at nilagay sa labahin. Ang tahimik ng buong bahay dahil hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung dahil lang ba nagluluto siya kaya siya tahimik o talagang hindi niya ako kinakausap.

"Jude, galit ka ba sa akin?" Basag ko sa katahimikan dahil hindi ako sanay na ganito ang asawa ko sa akin.

"Hindi," simpleng sagot niya.

"Hindi mo ako kinakausap kaya akala ko galit ka." Bumuntonghininga ako at niyakap siya mula sa likuran.

Naramdaman ko ang natigilan siya dahil sa ginawa ko. I heard him sighed and moved to face me.

"What's wrong with you, Caeli?" he asked.

"Nothing." Umiling ako.

"You forgot." He blinked twice. "Mas naalala pa ng mga estudyante ko at mga co-teacher natin. I don't want to sound childish, I am not that shallow. Pero nakakasama pala talaga ng loob kapag ang taong pinakamalapit sa iyo ang nakalimot." Tinalikuran niya ako ulit at bumalik sa pagluluto.

"Ano na namang nakalimutan ko, Jude?" Napakamot ako sa ulo ko at pilit na inaalala kung ano ang meron sa araw na ito.

"It's my birthday. November 16, remember? Or you really forgot it?"

Napaatras ako. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa pagiging makakalimutin. Pati birthday ni Jude ay nakaligtaan ko na.

"You should go to the doctor soon para mabigyan ka ng gamot if ever may sakit ka. You are too young to be so forgetful. Noong isang araw lang ay muntik kang masagasaan dahil tumawid ka nang mag-go signal na para sa mga sasakyan." Inayos niya ang mesa para makakain na kami.

Yumuko ako. "Sorry." I sighed. "Happy Birthday, mahal." Ngumiti ako at yinakap siya nang mahigpit. "Sorry, nakalimutan ko. Pwede pa naman akong bumawi, hindi ba?" Tinanaw ko siya.

Seryoso siyang nakatitig sa akin. "Sa kama?"

Pinigilan kong matawa at saka tumango. "Sure, kahit saan mo pa gusto. It's your day and I need to make bawi because I forgot."

Sumilay na ang ngiti niya sa labi. Iniwas niya ang tingin niya at saka tumikhim. "Tara na, kumain na tayo."

"Bati na tayo?" tanong ko bago umupo sa hinila niyang upuan para sa akin.

"Let's see your performance later." He smirked.

Natawa na ako nang tuluyan kahit mukhang badtrip pa rin siya dahil sa nakalimutan ko ang birthday niya. Taon-taon naman namin 'yong sine-celebrate pero bakit nakuha kong makalimutan? Sana walang akong malalang sakit. Sana stress lang ito o dahil sa pagbubuntis.

I was panting and catching my breath after we made love three times that night. He is still inside me while kissing my neck. My hands are on his back.

"Bati na ba tayo?" hinihingal kong tanong habang natatawa.

"Yes," sagot niya at bumalik sa paghalik sa akin.

Hindi pa ba ito pagod? Anong oras na ba at parang gusto niya pa ng isa?

"Do me a favor, love. Please go to the doctor. Hindi ako matatahimik hanggang sa hindi ako nakasisiguro na wala kang seryosong sakit." He kissed my forehead before rolling in my side.

"Okay, absent muna ako bukas. Pagpaalam mo ako, ha?" Pumikit ako at tuluyan nang hinatak ng antok. Pagod na pagod ako dahil sa ginawa namin.

Paggising ko ay wala na si Jude sa tabi ko pero nag-iwan naman siya ng note at breakfast. Still the sweetest since day one.

"Uhm, Mrs. Florian, i-transfer ko po kayo sa neurologist dito sa hospital para mas ma-examine po kayo nang maayos," sabi ng general physician na tumingin sa akin.

"May problema po ba?" tanong ko. My heart is pounding.

"Since ang sinabi niyo po ay madalas kayong makalimot ng mga bagay or events whether it major or minor events, madalas din kayong atakihin ng anxiety lalo na kapag mag-isa kayo, at pati ang pang-araw-araw na gawain niyo ay nalilimutan niyo na rin, mas mabuting ang espesyalista po ang tumingin sa inyo," paliwanag ng doktor.

"Hindi pa po ba ako buntis?" alangan kong tanong.

"Unfortunately, no, Mrs. Florian." She was hesitant to smile at me.

Tumango ako. "Sige po, salamat."

Inabot niya sa akin ang recommendation letter at pinasamahan ako sa isang nurse para mapuntahan ang neurologist.

Dr. Nathaniel Q. Alvarez

'Yan ang pangalan ng doktor. Ang buong akala ko ay may edad na ito pero mukhang kaedad lang ni Jude ang itsura, o mas matanda lang ito ng kaunti.

"Good morning, Mrs. Florian. I'm Dr. Alvarez, your neurologist for your check-up today." Kinuha niya ang recommendation letter at binasa iyon.

Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay naging seryoso kaya mas kinabahan ako.

"Palagi bang ganito ang nangyayari sa iyo? Paano mo nalaman na nagiging makakalimutin ka na?" tanong niya.

"Hindi ko po napapansin. Ang asawa ko ang nakapansin kaya sinabihan na niya akong magpa-check-up," sagot ko. Ang mga kamay ko ay nilalamig na sa sobrang kaba.

"Can I ask some personal questions before I proceed?" Naglabas siya ng isang papel na walang sulat at isang mamahaling pansulat.

"Sure, kung kailangan po para malaman ang sakit ko." Tumango ako at alangan na ngumiti.

"Have you had a serious head injury when you were a child or a few years ago?" Tumitig siya sa akin at hinintay ang sagot ko.

"Kasama po ba sa serious head injury ang pagka-blackout ko dahil sa malakas na hampas sa ulo ko?" Hindi ako sigurado, baka kasi ang tinutukoy niya ay yung mga aksidente.

"Did they take you to the hospital?"

Umiling ako. "I just woke up the next morning. My father doesn't want to take me to the hospital."

Tumango-tango siya at may sinulat na kung ano sa papel. "Mayroon ba sa pamilya niyo ang nagkasakit ng dementia or something related to dementia?"

"My grandmother died from dementia," maliit ang boses na sagot ko.

Tumayo siya pagkatapos magsulat sa papel. Kinuha niya ang isang voice recorder at sinindihan iyon.

"Would you mind if I record this session?" tanong niya ulit.

Umiling ako.

"Okay, thank you. I'll ask you some questions. Tagalog na lang ang iba parang mas maitindihan mo at masagot mo nang mas accurate. You just need to answer them all and kung hindi mo alam, it's okay." He sighed and brought out another paper, this time it has some writing in it.

"Ano'ng date ngayon, Mrs. Florian?" tanong niya.

Ngumiti ako. "October..." Umiling ako. "November 25? Sorry, madalas akong makalimot ng mga araw."

Tumango si Dr. Alvarez. "Kailan ang birthday ng asawa mo?"

"November 16," sagot ko.

"Do you have siblings?"

Umiling ako. "Nag-iisa lang po akong anak."

May inabot siya sa aking papel at isang marker. "Draw a circle for me."

Ginawa ko ang gusto niya at ibinalik ang papel. Nakita ko ang pag-iling niya.

"What is your father's surname?" tanong niya ulit.

"Ano..." Natawa ako sa sarili ko nang hindi ko maisip ang apelyido ng tatay ko. "Sorry, hindi ko na matandaan. Siguro kinalimutan ko na lang kasi palagi niya akong sinasaktan noon."

"Ano ang lasa ng tubig dagat?" tanong niya ulit na hindi ko na maintindihan kung para saan.

"Bakit ganyan ang mga tanong niyo?" Nalilito na ako.

"Just answer me, Mrs. Florian. What is the taste of ocean's water?" ulit niya sa tanong niya.

"Ma...mapait." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"What is your job?" Tumungin siya sa akin.

"I'm a math teacher," sagot ko.

"What is 2 times 6?" Kumunot ang noo niya.

"Twelve?" Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako sigurado sa sagot ko.

"Are you sure? Then what is 6 times 2?"

Natulala ako nang hindi na maisip ang isasagot. Bigla na lang naging blangko ang utak ko at wala ng pumapasok na kung ano mang impormasyon.

"One last request." Inabot niya ulit sa akin ang isang papel at panulat. "Draw a clock for me."

Inisip kong mabuti kung paano iguguhit ang orasan hanggang sa na-satisfy na ako sa itsura at ibinalik na iyon sa kanya.

"Last question. Ano ang kulay sa traffic light kapag kailangan nang huminto ng mga sasakyan?" tanong niya pa.

"Doc, anong klaseng mga tanong ito? Hindi ko maintindihan kung para saan." Natawa ako.

"Just my answer my question, Mrs. Florian." Seryosong-seryoso ang mukha niya.

Tumango ako at sasagutin na sana ang tanong nang...

"Ano nga ulit ang tanong, Doc Aquino?" Baka kasi nabingi lang ako.

Mariin siyang pumikit at may isinulat pa sa papel. Hininto niya ang recording at hinarap ako.

"We need to conduct further tests. I suggest you undergo CT or Computerized Tomography Scan, MRI or Magnetic Resonance Imaging Scan, and especially PET or Position Emission Tomography Scan to help pinpoint what is causing your severe memory loss." He sighed. "I'll be honest with you, Mrs. Florian. You failed the cognitive test I just gave you."

Pinakita niya ang mga ginuhit ko kanina. "You drew a triangle when I asked you to draw a circle. You wrote the number on the clock counterclockwise. And you are a math teacher yet you failed to answer the simple math equation I gave. You called me Dr. Aquino at the end but my name is Dr. Alvarez."

Nanginginig ang mga kamay ko at parang nadudurog na ang puso ko kahit wala pa naman akong naririnig na maaaring maging sakit ko.

"It doesn't mean you fail this test, you have a very serious illness. We need to make sure first before I give a proper diagnosis."

I agreed to undergo to the tests Dr. Alvarez told me to take. Gusto kong padalhan ng mensahe si Jude kasi natatakot ako. Natatakot na ako at sobra na akong nag-o-overthink. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang umuwing mag-isa.

"You can come back tomorrow for the result. We hope for the best." Dr. Alvarez smiled and he let me leave his office.

Umuwi ako at nadatnan si Jude sa loob ng bahay. He was sitting on the sofa while staring at his phone's screen.

"Cha, sabi ko i-text mo ako kapag pauwi ka na. Hindi mo nabasa ang note ko sa refrigerator?" Sinalubong niya ako ng yakap. "Ano ang sabi ng doktor? Ayos ka lang ba?"

Tumango ako. "Balik daw ako next week para sa result ng mga test."

"Okay." He kissed my forehead and then my lips.

"Can you cook for me?" tanong ko at humiwalay sa yakap niya.

"Sure."

Pinanood ko siya habang nagluluto. Aliw na aliw ako kahit na ang likod lang niya ang nakikita ko. Pakanta-kanta pa siya habang gumigiling ang katawan. Maya't maya rin akong sinusulyapan at nginingitian.

Biglang nanikip ang dibdib ko at nagbadya ang mga luha sa mga mata. Sandaling sumagi sa isipan ko ang hindi magandang resulta ng pagbisita ko sa doktor. Alam ko na kaagad na hindi biro ang sakit ko. Pinagmasdan ko ulit ang asawa ko...hindi ko maisip kung ano ang mararamdaman niya sa oras na malaman namin ang resulta. Nasasaktan na ako kahit wala pa man.

"Mahal, ayos ka lang? Bakit ka naman umiiyak d'yan?" Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Mahal kita." Hinawakan ko ang kamay niya. "Mahal na mahal kita, Jude." Niyakap ko siya at lumuha sa loob ng mga bisig niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro