Kabanata 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Best Friends

Halos mag-evolve na ako bilang isang giraffe sa katatanaw sa pinto dahil ngayong araw din ay papasok na si Jude. Nabitin ako sa pag-uusap namin kahapon dahil kinailangan ko ng umuwi. Mabuti nga at nauna pa ako sa papa ko kung hindi nahambalos na naman ako. Ayaw niya kasing naghihintay kapag hapunan na.

"Ang likot mo!" puna ni Gael at siniko ako.

"Nasaan na ba si Jude?" iritable kong tanong sa kanya.

"Malamang kasama niya si mommy ngayon para makausap ang principal. Hindi pa sure kung papayagan siyang mag-aral ngayon dahil kalagitnaan na ng school year. Kung hindi papayagan ay baka next year na siya mag-start ng 1st year," sagot niya at bumalik sa ginagawa.

"Sayang naman kung hindi siya makakasabay sa atin." Bigla akong nalungkot, nawala ang excitement ko dahil hindi pa pala sigurado na palagi na ulit kaming magkakasama ni Jude.

"Don't worry, mommy has a lot of money, she can pull some strings." Ngumisi si Gael na parang proud na proud sa yaman ng ina.

I know Tita Nika, she's kind and adorable. Walang pinipiling tulungan ang ginang at palaging may ngiti sa mukha. Kung titingnan mo siya ay parang dalaga pa at hindi nagkaroon ng anak. Hindi ko nga alam kung saan nagmana ng kasungitan si Gael pero nakuha niya ang pagiging matulingin sa ina.

"Thank you sa mommy mo, ha? Mabuti na lang at marami siyang kaibigan. Nakita niyo si Jude at nagkita na ulit kami. Promise niya kasi sa akin na babalik siya at kapag malaki na kami, ilalayo niya ako sa papa ko." Bumuntonghininga ako.

Hindi sumagot o gumalaw si Gael ay tinitigan ko siya. Hindi pa man nagtatagal ang mga mata ko sa kanya ay bigla niya akong tiningnan nang matalim.

"Ang daldal mo rin, 'no?" Nag-iwas siya ng tingin at hindi na ulit ako pinansin.

Ano'ng problema nito? Kakaiba talaga ang ugali.

Pumasok ang adviser namin at kasunod niya si Jude na naka-uniporme na rin at dala ang bagpack niya. Bumalik ang sigla ko at kinawayan siya para makita ako. Hinatak naman ako paupo ni Gael na halatang iritang-irita na sa akin.

"Okay, class, settle down, please. You have a new classmate. This is Jude Oliver Florian, please be nice to him, okay?" sabi ng adviser namin.

"Yes, ma'am," sagot naman ng buong klase.

"Sige na, Jude, upo ka na doon sa vacant seat." Tinuro ni ma'am ang bakanteng upuan na nasa gitna.

Sayang lang at hindi ko siya katabi pero ayos lang, ang mahalaga naman ay nandito na siya. Sino'ng mag-aakalang sa haba ng panahong lumipas at sa kabila ng murang isipan noong nagbitaw ng mga pangako si Jude ay nagawa niyang tuparin iyon?

"Kaya mo na ba akong lampasan niya sa academics dahil inspiration ka na?" tukso ni Gael.

Nag-init ang pisngi ko. "H-hindi, ah! Siguro ikaw ang mayroon? 'Kala mo hindi kita nakita na sinundan si Viana. Ikaw, ha! Lumalandi ka na talaga." Binalik ko sa kanya ang panunukso sa akin.

Kaagad na kumalat ang init sa buong mukha niya at ngayon ay pulang-pula na iyon. "Stop it, not funny at all. Ha-ha!" Umirap pa siya pero hindi man lang humupa ang pamumula ng mukha.

Sige, Gael, inisin mo pa ako. Taste your own medicine, suplado!

"Jude!" tawag ko sa kanya nang mag-recess na.

Wala na ang mga kaklase namin dahil nagpuntahan na sila sa canteen para bumili ng meryenda. Naiwan kaming dalawa ni Jude sa classroom kaya tinabihan ko siya.

"Ano ang ginagawa mo?" tanong ko nang mapansin ang mga papel sa mesa niya.

"Kailangan ko 'tong sagutan at maipasa sa Academic Affairs para mapunan yung mga quarters na wala akong grade. Wala kasi talaga akong balak mag-high school dahil wala naman akong pampaaral sa sarili ko. Buti na lang at mabait si Tita Nika, gusto niya akong mag-aral," sagot niya at sandali akong tiningnan bago binalik ang atensyon sa ginagawa.

"Ano ang gusto mong meryenda? Ililibre kita." Malaki ang ngiti dahil ngayon na lang ako manlilibre ulit. Simula kasi noong umalis siya, si Gael na lang ang kasama. Alangan namang ilibre ko 'yon, mas marami pang pera sa akin ang lalakeng 'yon.

"Hindi na, may sarili na akong pera. Ikaw na ang ililibre ko. Sandali, tatapusin ko lang 'to," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Sigurado ka? Akala ko ba wala kang pera? Saan ka kumukuha ng pera ngayon kung naglayas ka sa inyo?" Ang bata pa niya kasi para sa batakan na trabaho.

"'Di ba nga, houseboy ako? Kahit inuutusan lang ako madalas at hindi mabigat ang trabaho, sinuswelduhan pa rin nila ako. Sagot din nila ang pagkain at allowance ko kaya nakakaipon ako." Tinago niya ang mga papel sa bag niya at tumayo. "Tara na!" Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

Napakurap ako at nagbaba ng tingin dahil masyado ko na yata siyang natitigan. "S-sige. Uh, doon ang canteen. B-bilisan natin dahil baka mag-bell na." Hindi ko rin alam kung bakit ako nauutal.

Naglakad kami papuntang canteen na nasa kabilang building pa. Nakahawak lang sa akin si Jude at ako ang nauuna sa paglalakad. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na at pinagtitinginan kami ng mga kapwa naming estudyante.

"Nasaan pala si Gael? Hindi ko pa siya nakita mula nang ipatawag siya," tanong ni Jude.

"Ah, nasa spelling bee competition siya. Mamaya pa 'yon matatapos." Hindi ako tumingin sa kanya hanggang sa makarating kami sa canteen.

Naghiwalay kami para makuha ang mga gustong kainin. Konti lang ang kinuha ko dahil ayokong ubusin ang pera ni Jude, nakakahiya.

"Oh, ba't 'yan lang ang pagkain mo? Humina ka ng kumain ngayon?" Nagtaas siya ng kilay.

"Busog pa ako kaya ito na lang," palusot ko.

Nagkibit-balikat siya at binayaran na ang mga kinuha namin. Napagdesisyunan naming sa classroom na lang kainin ang mga iyon dahil wala ng maupan sa labas. May iilang kaklase na kami sa loob at mukhang tapos ng magsikain.

"Cha, close na kayo kaagad?" tanong ni Vivian.

"Best friend ko siya noong elementary," simpleng sagot ko at nahiya ng bumaling kay Jude.

"Best friend lang?" nagtatampo ang boses na tanong ni Jude.

Tumingin ako sa kanya at mapaglaro ang ngisi sa mga labi. Ano pa ba ang gusto niya?

"Ayaw mo ba?" Kumunot ang noo ko at binuksan na lang ang biscuit.

"Ayoko, eh." Nilagay niya ang braso sa sandalan ng inuupan ko.

"Sorry, siguro may iba ka ng best friend." Tumikhim ako at napainom ng tubig.

Humalakhak siya at kumagat sa tinapay. "Ayokong best friend lang kita, Cha."

Muntik akong masamid pero buti na lang at napigilan kong mapaubo. Nakakalimutan yata nitong napakabata pa namin para sa ganoong bagay? First year high school pa lang kami!

"Saka na 'yon kapag college na tayo." Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayang ngumiti.

Hindi na siya nagsalita kaya nanahimik na lang din ako. Hindi rin naman kasi pwedeng mag-boyfriend ako ngayon, kapag nalaman ni papa ay siguradong malilitikan ako at si mama. Kung sanang ako lang ang masasaktan kaso kapag may mali akong nagagawa, si mama kaagad ang sisihin niya.

Hindi ako makasulyap kay Jude dahil nararamdaman ko ang wagas niyang pagtitig sa akin. Naiilang ako pero gustong-gusto ko rin naman. What is wrong with me?!

"Bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko at ngumuso.

Ngumiti siya t'saka umiling. "Ang ganda mo kasi. Noon pa man ay alam kong maganda ka na at lalaki kang isang mayuming binibini. Marami yata akong magiging kaagawa sa iyo." Humalakhak siya.

"Ayoko naman sa iba," wala sa sariling sabi ko. Hindi ko na iyon mabawi kaya kumagat na lang ako sa biscuit ko. "Ikaw, gwapo ka, baka babaero ka!"

Lumaki ang ngiti niya at kinurot ang pisngi ko. "Paano ako magiging babaero kung sa iisang babae lang nahumaling ang mga mata ko? Grade 2 pa lang tayo, Cha. Grade 2 pa lang ay alam ko na kaagad na ikaw ang gusto kong makasama. Hanggang ngayon, walang pinagbago, ikaw pa rin hanggang sa mga susunod pang taon."

Wala na! Hindi ko na alam kung paano pa pipigilan ang sarili kong hindi mahulog ang loob kay Jude. Kakabalik lang niya at ganito na kaagad ang mga banat niya sa akin.

"Uh, okay. Bakit hindi mo ako kwentuhan ng mga nangyari noong umalis ka?" Sinubukan kong ilihis ang usapan dahil baka maging boyfriend ko na nang wala s oras ang lalakeng ito.

"Akala ko sa malapit na bayan lang kami lilipat pero hindi pala, doon pala sa kamag-anak ng tatay ko sa kabilang probinsya kami titira. Ang saya ko kahit papaano dahil akala ko ay magkakaroon na ako ng kakampi kapag binubugbog ako ng tatay ko pero nagkamali ako. Hindi ko alam kung napasama ba o napabuti ang pagpunta ko roon." Lumungkot ang mga mata niya. Dumilim din ang awra niya na kanina lang ay punong-puno ng kasiyahan.

"Ano ang nangyari, Jude?" Hinawakan ko ang kamay niya.

"Nalaman ko na hindi pala ako tunay na anak ni nanay at tatay, kaya pala malupit sila sa akin. Anak pala ako ng namatay nilang kapatid na babae na iniwan ng asawa. Wala lang pagpilian si nanay at tatay noon kaya kinuha na lang nila ako." Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Kahit pa ganoon ay hindi nagbago ang tingin ko sa kanila, sila pa rin ang mga magulang ko para sa akin. Pero lumala sila, Cha, lumala ang pananakit sa akin ni tatay. Sinasaktan niya ako kahit wala akong kasalanan. Kakalbuhin niya ako dahil ayaw niya raw nakikita ang malago kong buhok, hindi pakakainin nang maayos para raw hindi lumaki ang katawan ko."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bakit may mga taong gano'n? Nakakagalit lang dahil hindi naman deserve ni Jude 'yon.

"Si nanay naman ay pinipilit akong magtrabaho kahit pa gusto kong mag-aral. Ayaw na niya akong mag-aral at magtrabaho na lang daw ako para may silbi ako. Hindi ko kinaya, yung sakit sa dibdib ko, hindi maalis. Pilit kong sinisiksik sa isip ko na mahal ko sila dahil kahit hindi sila ang tunay kong mga magulang ay pinalaki at binuhay nila ako, utang na loob ko iyon sa kanila. Pero napagod ako, kahit anong siksik ko sa sarili ko ay pilit nila akong tinutulak palayo. Umalis na lang ako, Cha, ayaw naman nila sa akin, eh. Ano pa ang gagawin ko ro'n? Gusto ko mang manatili pero wala naman na akong lugar doon."

Bumuga siya ng hangin, nanunubig ang mga mata niya. "Nilakasan ko ang loob ko, gusto ko kasing makabalik dito kaya hindi ako marunong bumyahe, sinikap kong makabalik. Minsan sumasabit ako jeep, minsan naglalakad, madalas ay sa kalsada ako natutulog. Hanggang sa nakabalik na nga ako pero mamamatay naman ako sa gutom kaya naisipan kong maghanap ng trabaho. Kahit anong trabaho ay pinasok ko, nahirapan ako dahil ayaw nila akong tanggapin dahil bata pa ako. Halos lumuhod ako sa harapan ng amo ko noon para lang tanggapin niya ako. Ilang beses niya akong tinaboy pero bumalik-balik pa rin ako. Nakulitan na lang sa akin kaya tinaggap." Sandali siyang natawa sa sarili. "Hanggang sa nakita na nga ako ni Gael, ikaw ang una kong tinanong sa kanya. Tinanong kung nandito ka pa ba, ang laking tinik ang nabunot sa dibdib ko nang sabihin niyang magkikita tayo ulit. Iyon ang gusto kong mangyari, Cha. Gusto kong makasama ka ulit."

Ganoon nga talaga siguro kapag natagpuan mo na ang nag-iisang taong nakakaintindi sa iyo, hindi mo na nanaisin na lumayo pa sa kanya kasi alam mo na dadamayan ka niya sa anumang sakit ang nararamdaman mo. Kahit lagi kaming magkasama ni Gael nitong mga nakaraang, hindi ako nakaramdam ng emotional attachment kahit kaunti siguro dahil mas nalalamangan ng inggit ang puso ko. Naiinggit ako kay Gael dahil napakaganda ng buhay niya at mahal na mahal pa siya ng mga tao sa paligid niya.

Kami ni Jude...unfair ang mundo sa amin, eh. Parang ayaw kaming maging masaya at paulit-ulit lang na pinaparusahan. Sa isa't isa lang namin naramdaman na hindi kami pinapabayaan kahit papaano pero tama bang ganoon lang ang deserve naming maramdaman?

"Hindi na tayo maghihiwalay, lagi na tayong magkasama mula ngayon. Ang tagal kitang hinintay, miss na miss kita, Jude. Akala ko hindi ka na babalik," sabi ko at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

"Hindi na kita iiwan, Cha. Kung aalis ako, hindi pwedeng hindi ka kasama." Hinaplos niya ang pisngi.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil lang sa simpleng paghaplos na iyon.

"Pero huwag muna tayong magiging mag-jowa, ha? Bata pa tayo. Gusto ko, best friends muna tayo." Nag-init ang pisngi ko. "Sa college na lang tayo magtanan."

Natawa siya. "Walang problema, Cha."

Tumunog ang bell at saktong natapos kaming kumain nang pumasok ang teacher namin sa Mathematics.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro