Kabanata 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

At The Top of Our Dreams

I opened my eyes that day, it's been two days since our church wedding happened. Ang natatandaan ko lang ay hindi man lang ako nakarating sa reception ng kasal namin dahil sinugod na akoo sa ospital. Sobrang nahihirapan na akong huminga at walang oras yata na hindi ako pinahinga ng pag-ubo ko.

"J-Jude," namamaos kong tawag sa asawa ko na inaayos ang mga pagkain dala ni Altheya. Dumalaw kasi siya kanina.

Wala na akong boses dahil sa pag-ubo, tuwing nakikita ko naman ang sarili ko sa salamin parang hindi na ako ang nakikita ko. Napakalayo na ng itsura ko sa dating ago, I feel like my disease caused me to age so much.

Lumapit sa akin si Jude at hinawakan ang kamay ko. "Yes?" He sighed. Tinulungan niya akong maupo.

"Gusto kong umuwi sa bahay tapos pasyal tayo. Gusto ko sa amusement park, sakay tayo ng Ferris Wheel," sabi ko habang nakangiti. Hindi ko alam, parang gusto kong umuwi ngayon, gusto kong umalis sa ospital at makasama ang mga kaibigan namin.

"Sige, kakausapin ko ang doktor." Tumayo siya at mabilis na lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang kausapin ang doktor, kanina lang ay nag-usap na sila at narinig ko nga na pinapauwi na ako, hindi ko alam kung bakit. Inabot ko ang mansanas na binalatan niya kanina at kinain iyon. Tumayo ako at nagtungo sa banyo para maghilamos, ang lakas ng loob ko na hubarin ang oxgen ko. Nagulat nga ako sa sarili ko kung bakit pakiramdam ko ang lakas-lakas ko ngayon, nakabit ko pa ang diaper ko nang mag-isa ko lang.

"Cha? Nasaan ka?" 

Narinig ko na si Jude kaya lumabas na ako. Bagong damit na ang suot ko, isa sa mga dress na binili niya, ready na akong umalis. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko, hinila niya ako palapit sa katawan niya. Hinawakan ko ang mukha niya, may bigote na siya at ang haba na rin ng buhok niya, hindi na niya yata naalagaan ang sarili niya, puro ako na lang ang iniintindi. Pulang-pula rin ang mga mata niya at maiitim ang ilalim. Per kahit na ganoon, ang gwapo pa rin niya para sa akin.

"Bakit naman may ganito ka na?" Hinaplos ko ang bigote niya. "Ang haba ng buhok mo, natatakpan na tuloy ang mata mo." Ngumiti ako.

"Ayaw mo ba? Gusto mong ipagupit ko na?" Hinuli niya ang kamay kong humahaplos sa mukha niya at saka hinalikan iyon.

"Sasamahan kita," sagot ko kaagad. I want to spend more time with him and our friends.

Nakayakap ako sa isa niyang braso, ang isang kamay niya ay dala ang mga gamit namin. We are going home, finally. Ang laki-laki ng ngiti, hawak ko ang maliit na bag na laman ang mga picture namin noong kasal namin. Ilalagay ko ito sa Cloud Room, lilinisin ko na rin 'yon, baka kasi marumi na.

Pagpasok namin sa bahay ay mas lalo akong naging maligaya, iba pa rin kapag nasa sarili kang bahay. Kaagad akong nahiga sa sofa kung nasaan natutulog si Susan. Naistorbo ko pa siya pero lumandag naman sa kandungan ko nang makita ako.

"Good girl ba ang baby ko?" kausap ko sa kanya. Siguro na-miss niya ako kaya panay ang kiskis niya ng katawan niya sa akin.

"Susan, come. Magpapahinga na si mommy." Kinarga ni Jude si Susan at nilagay sa kabilang sofa. Binigyan niya na ng pagkain para hindi na bumalik sa akin.

"Nasa daycare siya kapag walang titingin sa kanya. Minsan ay nasa mansyon ng mga Veda kapag nandoon si Tita Nika. I think she missed you so much, sabik na sabik sa iyo," usal ni Jude.

"Buti nga ay kilala pa niya ako, napakadalang naming magkita." Bumuntonghininga ako.

"Siyempre, hindi naman niya makakalimutan ang umampon sa kanya. Maliligo lang ako, Cha. Huwag kang aalis, ha? Hintayin mo ako," bilin niya bago pumasok sa banyo.

Takot yata na baka saan na naman ako magpunta. Hindi, hindi ako aalis hanggang sa hindi niya ako pinapayagan. Nang magsawa akong panoorin si Susan ay naisipan kong puntahan na ang Cloud Room para ilagay ang mga pictures namin. Hindi naman ganoon kaalikbok ang paligid, may iilan lang na pictures ang nalaglag na sa sahig. Pinulot ko 'yon at binalik sa pader kung saan sila nakadikit. Pinagmasdan ko muna ang paligid, this is supposed to be our baby's room. Hindi naman na namin ito magagamit pa roon, I will never have a chance to give him a child, my body will not support that kind of adjustment anymore. Mahina na ako, ramdam na ramdam ko na 'yon ngayon at nararamdam ko na rin na konti na lang din ang gugugulin kong oras dito. 

Isa-isa kong nilagay ang mga pictures namin ni Jude sa bakanteng parte ng kwarto. Ang naka-frame ay nilagay ko sa isang mesa na walang kahit anong kasama. It was me and Jude in front of the altar. Napakasaya naming pareho sa litrato na iyon, a moment to remember.

Sunod kong nilabas ang litrato namin ng mga kaibigan ko. Si Zeno lang ang kulang, kahit si Agatha at Zach ay nandito. Ang saya-saya namin, ang saya-saya ko.

Kinuha ko ang isang buong papel na bahagya ng maalikabok at ang isa panulat. I wrote down all that I can remember from that precious day. Ayokong makalimutan ang lahat kaya gusto kong isulat. Kinulang pa ang isang buong papel para sa lahat ng iyon.

I grabbed another one to continue but my mind is already on a different thing. I decided to write a letter for Jude, for Viana, for Yena, for Zeno, for Gael, for Zach, and for Agatha. Hindi ko umiyak habang nagsusulat, nakangiti pa nga ako at panaka-nakang sumisilip sa mga litrato namin nang magkakasama. Ang sabi ko nga, hindi na ako malungkot, hindi na ako nasasaktan, hindi na rin ako naghahangad ng higit pa sa kung ano ang ipinagkaloob sa akin. I learned to accept things as they are. Siguro ay mayroong konting pagsisisi pero ipinagpasa-Diyos ko na lahat iyon. Sa pag-iisa ko, natuto akong nagdasal. Natuto akong magpaubaya na lang Diyos, ang lahat ng bagay na hindi ko kayang kontrolin ay binigay ko na sa Kanya lahat. 

Pagkasara ko ng pinto ng Cloud Room ay siya namang paglabas ni Jude sa banyo. Nakatapis lang ang ibabang bahagi ng katawan niya ng tuwalya habang may hawak siyang isa pang maliit na tuwalya at pinupunas sa buhok niya. Nagtama ang tingin namin, naglakad siya patungo sa aming kwarto kaya sumunod na ako.

"Sasamahan mo akong magpagupit?" tanong ni Jude habang pumipili ng susuotin.

"Oo." Inayos ko ang bag na pinaglalagyan ng portable oxygen ko at sinuot na iyon. 

Pinanood ko siyang magbihis. Ngayon ko na lang ulit 'to nagawa, nakaka-miss pa lang manood ng ganito. Bigla tuloy bumalik sa akin lahat ng alaala namin sa maliit naming apartment, kahit amng hirap namin noon, ang saya-saya ko naman. Mas masaya pa ang buhay ko kahit hindi kami nakakakain sa isang araw basta magkasama kaming dalawa. 

"Bakit kanina mo pa ako tinititigan? Gwapo ko ba?" tanong niya na nagbalik sa akin sa ulirat.

I sweetly smiled at him. "Oo naman, palagi ka namang gwapo."

He chuckled and took my hand. Kinarga ko si Susan na iiwanan na naman namin kay Tita Nika, mamaya ay kukunin din namin siya kapag pumasyal na kami sa amusement park kasama ang mga kaibigan namin. 

"Bago? Bakit hindi na lang yung luma yung ipinahiram mo?" tanong ni Jude kay Gael.

"Hindi, mas magandang ipahiram ang bago," mayabang na sagot ni Gael at saka ngumisi. Tinapik pa nito ang sasakyan na bagong bili lang yata niya, ito ang ipapahiram niya sa amin.

"Ang yabang, parang hindi sipunin noong grade 4," tukso ko sa kanya at saka nagtawa.

"Pambihira ka, hindi naman talaga!" Automatic na sumindi ang masungit mode niya.

Napahinto kami nang sunod na huminto ang lumang sasakyan ni Gael. Ang nagmamaneho no'n ay si Zach at nasa loob si Yena, Viana, at Agatha. Kumaway ako sa kanila pagkababa nila, binigay ko kay Yena si Susan na halatang ayaw pang sumama.

"I'll get you again later, okay." I kissed Susan's head.

"Enjoy kayo sa pupuntahan niyo, hintayin namin kayo sa amusement park." Kumaway sa amin si Viana na sapo ang malaking tiyan.

"Ingat kayo," bilin pa ni Agatha.

Nagsakayan na sila sa lumang kotse kasama si Gael na kaaabot lang ng susi ng kotse kay Jude. Nauna akong sumakay sa passenger's seat. Pinauna na namin silang umalis bago nagmaneho patungo sa pupuntahan namin si Jude. Ang alam ko ay pupunta lang namin sa barber shop kaya hindi na ako masyadong nag-ayos ng sarili ko. Sa isang mall kami nagpunta at nalula kaagad ako sa dami ng tao kaya mahigpit ang pagkakahawak ko kay Jude na tinatawan lang ako. Ngumuso ako at kinurot siya sa tagiliran nang makapasok kami sa isang salon.

"Hintayin mo ako dito, ah!" bulong niya at hinalika ang noo ko.

Hindi ko napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao sa loob. Ngayon lang ba sila nakakita ng sweet na mag-asawa?

Kalaunan ay naisip ko na hindi pala sa aming dalawa nakatingin...kay Jude lang pala, lalo na 'yong mga babae na nagpaaayos ng buhok. Paano ba namang hindi pagtitinginan ang asawa ko na kung maglakad ay parang siya ang pinakamagandang lalake sa mundo? Well, totoo naman iyon para sa akin.

Nahagip ng mga mata ko ang pagngiwi sa akin ng dalawang babaeng nagpapaayos ng buhok. Alam ko naman na hindi ako kagandahan, lalo pa at may sakit ako. Mas lalo akong hindi bumagay kay Jude.

"Cha," tawag sa akin ni Jude. Ngumiti siya nang kabitan siya ng tela sa leeg ng barbero.

Nawala sa isip ko ang mga babaeng iyon at nawili sa panonood kay Jude. Tinanong pa ng barbero kung asawa niya ako. Proud na proud pang sumagot ang loko. Ininis pa siya ng barbero na kukutaban niya siJude para pumanget daw kasi ang yabang-yabang. Tawa ako nang tawa  dahil ang mukhang natatae si Jude tuwing didikit sa ulo niya ang panggupit. Parang ako tuloy ang nag-enjoy sa pagpapagupit niya.

"Ang saya mo, ah?! Gusto mo talagang nakikita akong pinati-trip-an, 'no?" tanong niya nang makalabas kami ng salon. Inakabayan niya ako kaya napatingin ako sa mga babaeng nasa loob pa rin ng salon.

"Nagtataka siguro 'yong mga babae kanina kung bakit ako ang asawa mo. Hindi ka mahihirapan makahanap ng ipapalit sa akin kapag wala na ako," pabiro ko sabi na mukhang 'di niya nagustuhan.

"Hindi ako maghahanap ng kapalit mo dahil hindi ka naman mawawala, seryosong usal niya.

"Subukan mo lang. 'Yong mga babae kanina sa salon, tingin sila nang tingin sa 'yo, ang gwapo mo kasi, eh." Pinagmasdan ko ang mukha niya. Bagay naman sa kanya ang mahabang buhok at balbas-sarado pero walang tatalo sa clean-cut na Jude.

"Ano naman ngayon? Wala akong pakialam sa kanila, Cha. Ikaw ang asawa ko, bakit ko pakikialamanan ang ibang babae?" Halata sa boses niya ang inis. "Umuwi na nga tayo, kung ano-ano ang mga nakikita mo!"

Imbes na kakain pa sana kami ay doon na lang daw sa bahay nila ni Tita Nika, tutal ay nandoon din naman ang mga kaibigan namin. Nakakunot ang noo niya habang nagmamaneho, siguro ay hinihintay niyang may bawiin ako sa sinabi ko. Hindi, wala akong balak bawiin iyon. 

"Ano'ng nangyari kay Jude? Masama yata ang loob," tanong ni Viana habang chine-check ang oxygen ko. 

Hindi ko na siya sinagot, mamaya ko na lang susuyuin si Jude, dito muna ako sa mga kaibigan ko. Ang sabi ko ay tutulong ako sa paghahanda sa pagpunta namin sa amusement park pero dinalaw na naman ako ng matinding pag-ubo. Panonood na lang sa kanila ang nagawa ko.

"Galit ka pa rin?" tanong ko kay Jude sa kalagitnaan ng pag-ubo. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil parang hindi ko na kayang umubo pa ng isang beses.

Mabilis niya akong dinaluhan at pinainom ng tubig. "Ayos ka lang? Kaya mo pa bang magpunta sa amusement park?"

Tumango ako at pinakalma ang sarili. "Oo naman, kaya pa. Papayagan mo naman akong umalis, hindi ba?"

Bahagya siyang natigilan at nanlaki ang mga mata.

Tinagilid ko ang ulo ko. "Bakit, Jude? May problema ba? Ayaw mo ba akong paalisin?" tanong ko ulit.

Mapait ang ngiting binigay at saka tumango nang dahan-dahan. "Hindi, Cha. Okay lang, papayagan kita."

Tumayo siya at sinukbit na ang bag na dadalhin namin. Naisipan kasi ni Altheya na mag-picnic kami. Ang alam ko ay nirentahan din Tita Nika ang buong lugar para kami lang ang nandoon. 

"Tita, thank you," sabi ko sa kanya nang pasakay na siya sa sasakyan niya. Sasama din kasi siya, eh.

"Wala iyon, basta ikaw. Ang lakas mo kaya sa akin." Niyakap niya ako nang mahigpit. "Inimbitahan ko rin pala ang mga kamag-anak mo, hindi ko lang sigurado kung pupunta sila."

"Thank you po talaga. Isa kayo sa mga naging mabuti sa akin simula noong bata pa lang ako. Ang mga hindi magawa ni mama sa akin, kayo ang nagpupuno. Hindi ko alam kung paano ko 'yon masusuklian lahat. Salamat po talaga," bulong ko habang magkayakap kami. 

"Huwag mo nang isipin iyon, parang anak na rin kita. Gusto ko lang ngayon ay huwag kang panghihinaan ng loob. Samahan mo pa si Jude nang matagal." Hinaplos niya ang likod ko.

Hindi ko siya nasagot, kumalas lang ako sa yakap niya at saka siya nginitian. Nauna na akong sumakay sa kotse katabi si Jude. May mga driver na kasi kaming kasama kaya tabi-tabi na kami sa iisang van. Ang mga gamit namin ay nasa hiwalay na sasakyan para magkasaya kami rito sa van. 

"Sa roller coaster ako sasakay," sabi ni Viana na kaagad kinontra ni Gael dahil nga buntis ito.

"V-Vikings," tipid na sabi ni Yena na sinang-ayunan ni Zach.

"Gusto ko rin 'yan. Third wheel muna ako sa inyong dalawa, ha?" usal ni Agatha tsaka tumawa.

"Gusto ko rin," segunda ko.

Kinalabit ako ni Jude. "Akala ko ba sa Ferris Wheel tayo?" nakanguso niyang tanong.

"Mamaya 'yon bago tayo umuwi." Pabiro kong tinampal ang nguso niya. Mahirap na at baka mahalikan ko 'yon, nandito mga kaibigan namin.

Pagkarating namin sa amusement park ay sinalubong kami kaagad ng mga staff, nakahawak lang ako kay Jude na hindi rin naman ako binibitiwan. Ang laki ng ngiti ko nang makita ang mga naglalakihang rides. Kaagad kong nakita ang malaking Ferris Wheel na kahit minsan ay hindi ko pa naranasang masakyan. Isa 'yan sa mga pangarap ko noong bata pa ako.

Tinuro ko iyon kay Jude, ngumiti siya sa akin at pinisil ang kamay ko na hawak niya. Si Agatha at Viana ang nag-ayos ng mga pagkaing dala namin. Umupo ako sa telang nilatag nila sa damuhan, nakita kong papalapit sa akin si Gael na kanina lang ay kasama si Jude. Umupo siya sa tabi ko at bigla na lang ngumiti, yung ngiting bihira mo lang makikita sa kanya kasi nga sobrang sungit nito.

"Are you okay?" tanong niya.

Tumitig muna ako sa kanya, sinisiguradong si Gael nga itong kaharap ko, parang iba kasi siya eh. Parang mabait ang Gael na ito. Oh, well. Lumapit pa ako sa kanya at sumandal sa balikat niya. He chuckled, tumingala ako sa kanya at nakita ang pag-iling niya.

"I still remember how many times you reserved my spot during our flag ceremony," I said without even thinking. Lumabas na lang iyon bigla sa bibig ko.

"And how you will pay me back?" Naghahamon ang tinig niya.

"I'll reserve you a seat in heaven," I utter without hesitation.

Natahimik siya sandali pero kalaunan ay tumawa rin. "You don't have to do that. And what makes you think you'll go to heaven?" Bahagya pang nanginig ang boses niya.

Napatingin ako sa kanya nang masama at sumimangot.

"Just kidding, of course, you will. But not now..." That last sentence was almost a whisper.

"Do you think so? Do you think I'll go to heaven? I-I killed my father." I really regret doing that, I really do.

Hinaplos niya ang buhok ko. "Yes, of course. God keeps His children He knew who suffered a lot in here."

Gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya. "Thank you, Gael. Thank you for being my best buddy during those days when I have no one. Kayo ni Tita Nika ang takbuhan ko noon kapag walang-wala na ako. Thank you for taking care of me and you have Viana and Cloud now. You will be a father soon, sana huwag ka nang maging masungit. Sana marami ka pang matulungang tao sa propesyon mo. I will always rooting for you."

Nag-iwas siya nang tingin at saka suminghot. Is he crying?

Bigla na lang siyang tumayo at umalis. Pinuntahan niya ang asawa niya na lumingon pa sa akin bago niya hinala palayo. Natira roon Agatha na nilingon din ako. Kumaway ako sa kanya kaya naman lumapit siya.

"Kumusta? Anyare kay Gael?" tanong niya pagkalapit niya sa akin.

"Ewan ko do'n. Ikaw, kumusta ka? Kumusta na ang asawa mo?" Inaya ko siyang tumabi sa akin.

"Ayun, ayos naman siya sa rehabilitation center. Mas magandang nandoon siya para makapagbagong-buhay. Gusto kong magsimula ulit kami. Gusto ko na rin naman kasing bumuo ng pamilya," sagot niya at ngumuso.

"Magiging maayos din ang lahat. 'Wag mo siyang susukuan, naniniwala rin akong gagaling siya. Tsaka nga pala, hindi pa kita napapasalamatan sa pag-aalaga kay Yena noong college tayo. Natutuwa ako na mayroong naging kaibigan si Yena kahit isa lang noong malayo kami sa kanya, palagi kasi siyang binu-bully noong high school siya. Salamat at inalaagan mo siya," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Naku, wala 'yon! Iyon naman kasi talaga ang dapat gawin, hindi ba? Wala naman akong pinagsisihan sa pakikipagkaibigan ko kay Yena kahit palagi akong napapaaway dahil sa pagtatanggol sa kanya." Tumingin siya sa akin. "Yena is really lucky that she has friends like you who treats her like a family."

"She's blessed to have you too."

Nagsidatingan na ang iba naming kaibigan dahil siguro ay nakaramdam na rin ng gutom. Binaba ni Yena si Susan na kaagad nagtatakbo sa akin nang makita ako. Mahigpit ko siyang niyakap at binulungan.

"Please, look out for daddy when mommy is not around already. Make him happy..." Sana lang ay naiitindihan niya ako.

Pinagsaluhan namin ang mga pagkain at nagpabili pa nga si Tita Nika dahil dumating pa sina lolo at Tita Charmie. Ang saya-saya ko habang pinapanood silang nagtatawanan, may mga kanya-kanya silang kwento na pinagtawanan namin, madalas ay tungkol sa kanya-kanya naming kabataan. Sayang lang at wala si Zeno, mas masaya siguro kapag nandito rin siya.

I've been longing for this kind of moment ever since, itong kasiyahan na ito gustong-gusto kong maranasan kahit noong bata pa lang ako. I hope you can see this Little Caeli, I hope you are healed now by seeing all of these. Yes, we are now happy and contented, and most of all, we are loved. We already have a family and a home to go to. We are no longer afraid and there is no more pain.

"The sun is about to set. Come on, Caeli." Inakay ako ni Jude, hindi man lang nagpaalam sa mga kaibigan at kamag-anak namin. Ito talaga, mas excited pa yata sa akin.

"Sa Vikings lang kami, Jude at Caeli," paalam ni Agatha.

"Samahan ko sila," sabi naman ni Zach.

Kumaway ako sa kanila. "Good bye, Yena, Agatha, and Zach. Ingat kayo!"

Kinalabit ko si Viana na busy sa pagtatampo sa asawa niya. "Uy! Aalis na ako," tawag ko sa kanya.

"Ah, sige. Aawayin ko lang 'tong si Gael, ayaw akong pasakayin ng rides. Kainis," maktol niya.

"Para rin naman 'yon kay Baby Cloud, huwag masyadong matigas ang ulo. Sige, alis na ako. Alagaan mo ang baby mo at si Gael para happy family kayo palagi." Kumaway ako habang lumalayo sa kanya.

"Bye, Tita Nika," sigaw ko para marinig niya ako. "Bye, lolo at Tita Charmie!"

Kumaway sila pabalik sa akin at nagpatuloy sa pag-uusap. I smiled.

"Gael, puntahan mo na si Viana! Una na ako!" sigaw ko kay Gael na lumalapit na sa asawa.

"Ito na nga!" sigaw niya pabalik, halatang-halatang naiinis din.

Tumawa ako bago bumalik kay Jude na naghihintay na sa sasakyan naming Ferris Wheel. Inalalayan niya akong makasampa at nagbigay ng senyales sa operator bago ako tinabihan. Niyakap ko kaagad siya dahil nakaramdam na ako ng pagod. Ang saya ng araw na ito pero nakakapagod din pala.

"Did you have fun?" tanong ni Jude habang niyayakap ako. Mas mahigpit iyon kaysa sa karaniwan.

Tumango ako. "That was more than that I hoped for. Thank you for making me happy."

May dinukot siya sa bulsa niya at kinuha ang isang bisig ko. Sinuot niya sa akin ang isang pearl bracelet. Napakaganda no'n kagaya ng singsing na binigay rin niya sa akin noon.

"Happy 9th anniversary, my love." Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng isang napakalambing na halik. "Mahal na mahal kita," bulong niya.

"Mahal na mahal din kita, Jude. Salamat." Tinitigan ko ang regalo niya sa akin.

Umangat ang sinasakyan namin kaya napasilip ako sa bintana. Napatingin ako sa kumpol ng mga ulap na nagkukulay kahel na dahil sa paglubog ng araw. 

"You know why I compare my memories to the clouds? It's because sometimes they are there, and sometimes they're not. Sometimes they are dark and sometimes they are bright. I want to keep all those clouds but I know I can't. So I want you to keep them for me." I removed my necklace, I opened his hand, and gave him the key to our cloud room.

"Take care of my clouds, Jude. Keep my clouds for me."

Tumango siya at at tinago ang kwintas sa bulsa. Humilig ulit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang nalulunod ako sa oxygen na nakakabit sa akin ngayon. 

"Can I remove this?" tanong ko sa asawa ko. Akala ko ay hindi niya ako narinig kaya tinawag ko pa ulit siya ng isang beses. "Jude,  I want this gone." Tinuro ko ang oxygen ko.

Tumango lang siya at saka tinulungan ako sa pag-alis no'n. Tumitig ako sa mata niya, may bakas ng luha ang mga iyon. Tinaas ko ang kamay ko para punasan ang mga mata niya. Mas lalo lang siyang naiyak sa ginawa ko.

"Why are you crying?" Is he sad? Or happy?

Umiling lang siya. "Nothing." Mas umiling pa siya.

"Okay." Humilig ulit ako sa kanya. "Alam mo ba ang sabi nila? Kapag namatay raw ang isang tao at napunta sa langit, he will become again that version of himself that was never had a chance to be happy and contented here on Earth." I want to become a little Caeli once again.

"I don't know that. Thank you for letting me know," he responded.

Bumilis ang paghinga ko at bumigat ang pakiramdam ko. Kumapit ako kay Jude at saka pumikit. "I'm tired, Jude. Can I-I rest now?"

"Can I sing you a song first?" tanong niya.

"Sure." I made a weak smile.

He started humming, he cleared his throat and held me closer. He made me feel how warm he is. I want to spend my forever sleep in his arms. I want to feel him until my last breath.

"Oh, I've been rehearsin' for this moment all my life," he started singing. Bahagya pang nanginginig ang boses niya, siguro ay dahil sa pag-iyak. Why is he crying again?

"So don't act surprised..." It's our song again. Paborito niya talaga, hindi naman ako magsasawang pakinggan 'yon.

"If the feeling starts to carry me away...On this day I promise forever..."

Pumikit ako at mas dinama pa ang pagkanta niya. I know that this will be the last time I will hear his voice. Ganito na lang pasalamat ko dahil kahit lumala ang sakit ko, hindi ko nakalimutan si Jude. Hindi ko kailanman nalimutan ang taong bumuo sa akin.

"On this day I surrender my heart..."

I promised on our next life, if there is any, I will choose you. You will still be the one who will own my heart, my everything.

"Here we stand, like God planned..."

Because maybe this life was not meant for us. This is not what God planned for us.

"Please, say you'll always look at me this way...Like on this day..."

He finished the song, I tried to open my eyes but I cannot. Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok at saka nilapit ang bibig sa tenga ko.

"You can go now, Cha. You may now rest if you are tired, you did a great job. I won't stop you anymore. Thank you for sharing your life with me. I love you, ikaw lang ang mamahalin ko." Naramdaman ko ang paghalik niya sa akin. Ang huling halik niya sa akin, a kiss of goodbye. "I love you even the darkest clouds come upon us." Naramdaman ko ang luha niyang pumatak sa braso ko.

"G-goodbye, Jude. I'll see you again behind the clouds. Thank you for your love and the memories." A tear left my right eye. "I love you even the darkest clouds come upon us." I whispered before I felt nothing but peace. I feel like I am floating. Sa isang iglap lang ay parang nawala lahat ng iniinda kong sakit. 

Am I in heaven already? Did I make it?

Is this heaven or am I just dreaming again?

"Caeli!" That was my mother's voice.

I saw her standing beside me offering her hand, finally. I didn't hesitate to accept it, I even kissed it. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. To hold my mother's hand once again is a dream come true.

I am finally home...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro