Kabanata 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Painless Morning

"Good morning, class."

"Good morning, Sir De Almeida!"

Pinaupo na kami ng teacher namin sa MAPEH this school year. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay first year pa lang kami. Mabuti na lang na ngayon ay hindi na namin kailangang umupo alpahabetically at pwede na namin makatabi kung sino man ang gusto namin.

"Tatabihan ko si Viana," bulong ko kay Jude na ayaw akong paalisin sa tabi niya.

"Hayaan mo na si Gael doon," sabi niya.

Hindi naman kaya katabi ni Gael si Viana, ewan ko ba sa lalakeng 'yon, sumobra ng torpe. Nasa likuran lang siya ni Viana na halatang gusto siyang tabihin pero parehong nagkakahiyaan. Siguradong pumapalakpak ang tenga ni Gael sa tuwa.

"Naka-elect na ba kayo ng officers niyo?" tanong ni Sir De Almeida.

Sinabi naming hindi pa kaya sinimulan niyang buksan ang nomination para sa president. May nag-nominate sa akin at kay Gael pero mas maraming bumoto kay Gael kaya siya na ang pinapunta ni sir sa harapan para magpatuloy.

"I nominate Caeli for Vice President," sabi ni Maureen at ngumiti sa akin.

"I move to close the nomination," kaagad na sabi ni Zeno kahit wala pa naman akong kalaban.

Muntik siyang batukan ni sir pero nakaiwas siya. "Joke lang, sir."

Naghintay pa kami ng magno-nominate kaso wala talaga kaya ako na ang naging Vice President. Si Maureen ang naging Secretary dahil maganda raw ang sulat at ang kaibigan niyang si Yumi ang naging Treasurer dahil marami raw pang-abono. Grabeng mga dahilan para maboto sa position.

"Huwag si Viana sa Auditor, bobo sa math 'yan. Dapat muse 'yan, malakas sa lalake, eh," pabirong sabi ni Larry at saka tumawa kasama ang mga kaibigan niya

Halatang hindi nagustuhan ni Viana ang sinabi ni Larry at mukhang nanliit dahil sa kahihiyan. Tumingin ako kay Gael na nag-iigting ang mga panga at nakakuyom na ang mga palad. Naku, huwag niyong inaano ang bebe niyan!

"Why don't you be the Auditor, Larry?" Bumaling siya kay Maureen na tagasulat sa board ang ganap. "I nominate Larry Baguinon for Auditor," mariin niyang sabi.

"I move to close the nomination," sabi ulit ni Zeno.

"I second the motion," segunda ni Jude.

"Oy, Florian at Bosco, pag-uuntugin ko kayong dalawa," pabirong banta ni sir.

"I second the motion," sabi ni Larry kaya natawa ang buong klase.

Hindi ko alam kung naging maayos ba ang pag-e-elect namin ng officers pero mukhang matitino naman kami. Si Larry ang naging Auditor, si Jude ang Sergeant at Arms, si Zeno ang naging Escort, at si Fiona ang naging muse. Ni-nominate nila si Viana para sa muse pero natalo siya ng dalawang puntos, hindi ko kasi siya binoto at si Gael. Ayaw ni Gael na manalo siya.

"Magsiupo na kayo at naubos na ang oras ko," sabi ni sir pero naabala na naman nang may kumatok sa pinto.

Lumabas siya sandali kaya parang tinubigang palaka na naman ang mga kaklase ko na araw-araw namang nagkikita pero laging ang daming mga kwento.

"Class, quiet! May bago kayong kaklase," sabi ni sir nang makabalik siya.

Sunod na pumasok ang isang babae na hanggang balikat ang itim na buhok at may suot na manipis na hairband. Hawak-hawak niya ang bagpack niya at bagay na bagay sa kanya ang uniform namin na dark green ang skirt at white na long sleeves blouse. May suot din siyang name tag, binasa ko iyon at napag-alamang Yena ang pangalan niya. May nakasulat pa sa taas pero masyadong maliit.

"Pang-apat na school na niya ito ngayong high school years niya, palagi raw siyang nabu-bully kaya palipat-lipat ng school. Yena has a speech disorder, if she can't talk to you properly, don't be rude. Be nice to her. Monitor?"

Tumayo si Zeno dahil siya ang Monitor namin sa klase. "Yes, sir?"

Kumunot ang noo ni sir. "Ikaw ang Monitor? Paano nangyari 'yon ay basag-ulo ka?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Nagtawanan ulit ang klase, maski si Yena ay natawa rin.

Napakamot sa ulo si Zeno. "Grabe ka naman po sa 'kin, sir. Mabait naman ako, madaldal nga lang kaya napiling Monitor."

"Sige na. Maupo ka na sa tabi ni Caeli, Yena." Tinuro ni Sir De Almeida ang upuan sa tabi ko.

Kumaway ako kay Yena na ngumiti naman sa akin. Nabasa ko rin sa wakas ang mga maliliit na nakasulat sa name tag niya.

Hi, I'm YENA, I stutter a lot, please don't get annoyed, I can't control it.

"Pero naririnig mo naman kami at naiintindihan, hindi ba?" tanong ni Jude sa kanya kaya siniko ko siya.

Tumango si Yena. Nagulat siya nang biglang tumabi sa kanya si Zeno na malaki ang ngiti.

"Hi, Yena, ako si Zeno. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa 'yo." Kumindat pa siya.

Halatang nailang si Yena kaya nagbaba na lang ng tingin.

"You are scaring her, Zeno. Umayos ka!" Binatukan ko siya.

"Aray naman! Hoy, Jude, pagsabihan mo nga 'tong jowa mo na huwag nananakit," sumbong ni Zeno kay Jude.

"Hindi ko pa siya jowa kaya hindi ko pa siya mapagsasabihan," sagot naman ni Jude.

Nagsimulang magklase si Sir De Almeida kaya tumahimik na kaming lahat. Habang busy kami sa pakikinig, si Yena naman ay sulat nang sulat. Pati mga sinasabi ni sir ay nasa notes na niya.

"Huwag kang mag-alala, ibibigay naman ni sir ang presentation niya," bulong ko sa kanya.

"G-gust-to k-ko l-lang," nahihirapan niyang usal.

Kaya pala hindi umiimik, grabe pala ang pag-stutter niya. Hinayaan ko na lang siyang maging human subtitle, baka mapagod din.

"Tara, Yena, libot kita sa buong campus," yaya ni Zeno kay Yena nang mag-recess na.

Si Gael ay nagtungo na sa office nila ng mga SSG Officers dahil siya rin pala ang president doon. Napansin ko si Viana na mag-isang magmemeryenda sa upuan niya kaya nilapitan ko siya.

"Hi," bati ko naupo sa tabi niya.

"Hello, meryenda tayo," alok niya sa pagkain niya.

"Hindi, okay lang. Nagpabili na ako kay Jude." Ngumiti ako.

"Boyfriend mo siya?" tanong niya.

"Hindi, best friend ko siya pero sabi niya manliligaw daw siya. Hindi ko naman ramdam pero hinahayaan ko na lang sa kung ano ang diskarte niya." Hindi mawala ang ngiti ako dahil sa wakas ay matutukso ko na siya sa mga pinaggagagawa niya kay Gael noon. "Alam mo ba nakikita kita palagi noon? Lagi kang nakasunod kay Gael."

Nanlaki ang mga mata niya at pumula ang pisngi.

"May gusto ko sa kanya, 'no? Huwag kang mahiya, hindi ka naman nag-iisa na may gusto sa kanya. May isa ngang baliw na baliw sa kanya, mas malala pa sa mga ginagawa mo." Tumingin ako sa paligid niya. "Wala ka bang kaibigan?"

"Ang mga ka-close nasa ibang section pero hindi naman yata kaibigan ang turing nila sa akin kaya hindi ko na rin sila malapitan ngayon." Nagkibit-balikat siya.

"Sige, mula ngayon, kami na lang palagi ang kasama mo. Pabor 'yon sa 'yo kasi tropa namin si Gael." Kumindat ako sa kanya.

Sakto namang dumating na si Jude kaya sabay-sabay na naming kinain ang mga biniling pagkain. Maulan nang mag-uwian na, si Jude ay may dalang payong kaya nakauwi na rin kami kaagad. Nagsisiksikan kami sa iisang maliit na foldable umbrella, ang malaking bahagi ng payong ay nasa akin kaya naman ang nababasa ang braso ni Jude.

"Sa bahay ka kaya muna magpatila ng ulan?" suggest ni Jude nang malapit na kami sa kanila.

"Sige, walang problema. Hindi rin naman makakauwi si papa ngayon, ewan ko kung bakit," sagot ko.

Binuksan niya ang gate at ang front door ng tinitirhan niya. Kinuha ko kaagad ang tuwalya sa common bathroom at inabot sa kanya. Hinubad niya ang damit niya kaya bumalandra na naman sa mga mata ko ang medyo basa niyang katawan. Ang yummy naman talaga nito!

"Jude, huwag ka na kayang magdamit," sabi ko at natawa.

Humalakhak siya at saka umiling. "Sigurado ka ba? Gusto mo hubarin ko rin ang shorts ko?" Lumapit siya sa akin habang kagat ang pang-ibabang labi.

Nakasandal ako sa counter ng kitchen at nakangisi sa kanya. "Huwag mo akong hinahamon, Jude."

"Sino ba kasi ang takot na mabuntis dito?" maloko niyang tanong at saka kinulong ako sa mga bisig.

"Balak mo yata akong mabuntis talaga, eh! Hanggang kiss lang tayo ngayon, sinasabi ko sa 'yo." Umirap ako at kinurot ang matigas niyang dibdib.

"So pwede kang i-kiss ngayon?"

Muli akong umirap at ako na mismo ang humalik sa kanya, ang bagal eh!

Adik na adik talaga ako sa mga halik at halos araw-araw kong gustong matikman ang mga labi niya. Hindi ako natatakot na gawin ito sa kanya dahil alam niya kung hanggang saan lang siya. Kaya niyang pigilan ang sarili para resputihin ang desisyon ko.

Binuhat niya ako kaya napakapit ang mga kamay ko sa balikat niya, hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. His tongue is invading my mouth once again, kaya lagi na akong nagsisipilyo ngayon. Hiniga niya ako sa sofa habang siya umupo sa gilid ko, nakayuko at walang kasawa-sawang akinin ang mga labi ko. I am feeling the heat already when he started to run his fingers on my stomach.

"Jude," tawag ko sa kanya nang bumaba ang halik niya sa leeg ko.

Napadilat ako nang marinig na may kumatok sa gate, hindi man lang natinag si Jude. Bahagya ko siyang tinulak kaya kumunot ang noo niya sa akin.

"May tao yata," sabi ko at umupo sa sofa.

Napansin kong nakatanggal na ang dalawang butones ng blouse ko at nakataas na rin ang palda ko, nandoon ang isang kamay niya. Oh, my! Kung walang kumatok, baka kung saan na kami napunta!

Inayos ko ang sarili ko nang lumabas siya para tingnan kung sino ang taong kumatok. Tumingin ako sa salamin ng banyo at nakita ang pulang-pula kong mga labi, magulo rin ang buhok ko kaya sinuklay ko iyon.

Nang mainip ako kahihintay kay Jude ay sinundan ko na siya sa labas. Wala na palang ulan at maaliwalas na rin ang langit, ang mga ulap ay hindi na ganoon kaitim.

"Ano'ng pakialam ko sa kanila? Bakit pa kayo nagpunta rito? Sana kinalimutan niyo na lang ako," rinig kong sabi ni Jude na may halong galit ang tono.

Nilapitan ko siya, para sumilip lang at hindi magpakita, kaharap niya ngayon ang isang babae na kasamang batang lalake.

"Patay na ang tatay mo, Jude," sabi ng babae.

"M-matagal na ang patay ang tatay ko, hindi ba? Wala na akong pakialam!" sigaw niya.

"Kuya," tawag ng batang lalake.

Napahinto si Jude at sandaling nag-iba ang hininga.

"Punta ka sandali, Jude. Hihintayin ka namin ngayon. Ayokong pagsisihan mo ang araw na ito," sabi ng babae na may luha sa mga mata.

"Bakit ako magsisisi? Gusto ko ngang matuwa dahil patay na siya. Kahit nalaman kong hindi ko siya tunay na ama, hindi nag-iba ang turing at pagmamahal ko sa kanya, pero siya, tinuring niya ba akong anak niya kahit minsan? Hindi ba hindi? Kaya nga ako umalis kasi wala akong lugar doon tapos gusto niyo akong bumalik?" Mabilis na sinara ni Jude ang gate at humarap sa akin.

Mabilis na napalitan ang galit sa mga mata niya ng kalungkutan at sakit. Sandali kong nakita ang batang Jude na tila naliligaw at walang karamay. Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap siya nang mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito na ako at hindi na siya nag-iisa.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Cha. Hindi dapat ako nagdadalawang-isip pero bakit ang unfair sa akin ng mga bagay? Ayoko nang bumalik doon pero may bumubulong sa akin na pumunta ako kahit sandli lang. Ano ang gagawin ko?" Binaon niya ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. I can feel his tears coming down.

"Pumunta ka, sandali lang naman, hindi ba? Tapos kapag sa tingin mo ay ganoon pa rin sa dati ang lahat, ayaw ka pa rin nilang kasama, balik ka rito. Makakabalik ka naman ulit, hindi ba?" Kumalas ako sa yakap at sinapo ang pisngi niya.

Pinunasan ko ang luha niya at isang beses na pinatakan ng halik ang labi niya. "Mas mabuti ka sa kanila, Jude. Mas malakas at mas matapang ka higit pa kanino pero alam kong magkakaroon ka rin ng mga pagsisisi sa buhay at ayokong maging isa ito sa mga iyon. Maaaring hindi mo naramdaman ang pagiging ama niya sa iyo pero naging mabuting anak ka naman. At ang isang mabuting anak, hindi kayang tiisin ang mga magulang." Ngumiti ako. "Kwentuhan mo ako kapag nakauwi ka na."

Pinakawalan ko siya at pumasok sa loob para kuhanin ang bag ko. Nandoon pa rin siya at tulala.

"Uuwi na ako, Jude. Remember, do the things you will never regret doing. Mahal kita," sabi ko bago lumabas ng gate at flying kiss pa sa kanya.

I saw him smiled and I leave peacefully. Tumingala ako sa langit. Kulay kahel na ang mga ulap at parang napakasarap magpahinga roon.

Someday, Jude and I will get the peace and freedom that we failed to have as children. A painless morning will welcome us.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro