Wakas

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Where We Keep The Clouds

Jude

She's finally home with her mother. Somehow, I feel happy 'cause all of her suffering has now ended. She won't feel pain anymore. All of her scars have been healed, she's at peace now.

Mas ginusto kong ilibing siya sa isang private cemetery kaysa doon sa plano ng lolo niyang sa lupain nila ilibing si Cha. Kilala ko ang asawa ko, mas gusto niya rito, mas gusto niyang nasa labas at nakikita ang palagid. Hinaplos ko ang katawan ni Susan na nakahiga lang sa sa tabi ng lapida ng mommy niya.

"Do you miss her already? Me too, baby. Tayong dalawa na lang ngayon, huwag mo akong iiwan, ha?" kausap ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin at kalaunan ay nagpakandong na. Binuhat ko siya at sa huling pagkakataon sa araw na iyon, sinulyapan ko ang lapida ng asawa ko.

"Babalik ako araw-araw, mahal ko. Ayaw man kitang iwan, hindi naman iyon pwede, hindi ba? Gusto mo naman akong umuwi, 'no? Paalam, Cha. I'll see you soon." Tinalikuran ko na siya at mabigat ang loob na naglakad patungo sa kung saan nag-aabang ang sasakyan ko pauwi.

Si Zeno ang nagpresinta na maghintay at maghatid sa akin sa bahay. Siguro ay bumabawi sa kasalanan. Hindi naman ganoon kadali iyon kung 'yon ang inaakala niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto dahil nahihirapan na ako sa pagkarga kay Susan na ang laki na ng nilaki.

"Salamat sa paghihintay," sabi ko pagkatapos ikabit ang seatbelt. Sinilip ko si Susan nasa backseat at kumakain ng dog treats na binigay ko.

"Wala 'yon. Hindi ko naman naiisip na makakabawi ako sa inyo kapag ginawa ko ito, gusto ko lang talagang maiwan, naiirita ako sa Zach na 'yon." Bumuntonghininga siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala kang karapatan."

Tipid siyang ngumiti. "Alam ko naman, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Ako kasi dati 'yon, eh."

Binuhay niya ang makina ng sasakyan niya at saka nagsimula nang magmaneho. Wala akong pakialam sa problema niya ngayon, kamamatay lang ng asawa ko at kailangan kong isiping mabuti kung paano na tatakbo ang buhay ko. Mag-isa na lang ako ngayon, wala na ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. I feel like I am a broken compass.

"Babalik kami bukas, Jude. May mga hinanda na kaming pagkain, huwag kang magpapagutom," bilin ni Tita Charmie na siya na lang ang naiwan na kasama ko sa bahay pagkatapos naming maglinis.

"Salamat, tita." Hinatid ko siya sa labas at nang makaalis na ang sasakyan niya ay pumasok na rin kaagad ako sa loob.

Gabi na rin naman at gusto ko na ring magpahinga. Tinatawag na ng kama ang katawan ko pero nagutom naman ako bigla nang makita ko ang pagkain sa mesa. Kahit wala akong gana ay naubos ko iyon, nakakapanibago lang sa akin ang katahimikan. Kahit pala tanggap ko na na wala na ang asawa ko, umaasa pa rin ako nandito siya at yayakapin ako. Hindi na siya nagpakita sa akin kahit sa paniginip. Siguro wala na siya rito.

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang Cloud Room, ngayon lang ako nagkalakas ng loob na buksan ito. Napahinto ako dahil sa gulat sa nakita ko sa kwartong ito. Halos matakpan na ang disenyo sa pader dahil sa mga nakapakat na mga papel, ang iba ay mga nasa sahig na nga dahil nawalan na siguro ng pakat.

Kinuha ko ang isang papel na nasa paanan ko lang. It broke my heart when I read what was written in that small paper.

March 26, Jude brought me a chicken but Susan ate it before I can taste it. Lagot tayo sa daddy mo, Susan...

Binasa ko lahat ng nakapakat na nakasulat sa pader, even our photos were in there. The gifts I gave to her were also in here, she kept it all here so that she will never forget any of it. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa pagluha ko. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala kahalaga sa kanya ang lahat ng mga alaala namin, I should have given her more memories to keep.

"You wrote all of these, I am very glad that you did this. Ako naman ang hindi na makakalimot sa 'yo ngayon. You have given me enough memories to remember. I'm so sorry we have to end like this. I promise to take care all of these, ito na lang ang meron ako ngayon. Mga alaala mo na lang ang natitira sa akin." I touched the paper with my name of it. Kasama ito ng mga papel na may mga pangalan din ng mga kaibigan namin.

Sinulat niya siguro ito noong bago kami magpunta sa Amusement Park. May isa pa akong litrato doon na may nakasulat na pangalan ko sa ibaba.

"This is Jude, your husband, and best friend," it said.

Bilib din ako sa kanya na hindi niya ako nakalimutan kahit isang beses. Hindi niya makikilala ang mukha ko pero hindi ang pangalan ko at kung ano ako sa buhay niya.

"Mahal na mahal kita, Cha. Sana na lang talaga ay masaya ka na ngayon. I will never replace you and I will never try to forget you. Ikaw lang ang mahahalin ko, hintayin mo ako, mahal ko. Matagal pa bago tayo ulit magkita pero kakayanin ko para sa 'yo, para sa pangako ko sa 'yo," bulong ko pagkatapos basahin ang sulat niya para sa akin,

I want to start a new life without her, I need to live with that. Gusto ko rin naman ni Cha na tanggapin ko ang ino-offer na trabaho ng lolo niya sa kompanya nila. Even though I wasn't physically and emotionally ready, my mind is eager to fulfill Caeli's wishes. Mabubuhay ako nang masaya kagaya ng gusto niya, mabubuhay ako nang matagal at sasamahan ang mga kaibigan namin sa pagtanda. She said that she didn't have a chance to grow old with us but it doesn't mean that we should now grow apart.

"Caeli will be so happy that you are trying your best to live a happy life. Magandang posisyon ang ibibigay sa 'yo ni papa para malibang ka," tuwang-tuwang sabi ni Tita Charmie.

"Ako sana ang kukuha kay Jude pero nauna naman na pala kayo," nakabusangot na sambit ni Tita Nika.

Nasa business meeting kasi sila ni Tita Charmie pero naisipan kong makisali sa kanilang dalawa.

"Gusto ko rin po kasi ni Cha na tulungan ko ang lolo niya sa kompanya para makapaghinga ito. Tutulong din po ako sa inyo Tita Nika kapag may pagkakataon, business partners naman tayo, hindi ba po?" Ngumiti ako.

"Oo na, wala naman akong magagawa. Pero nakaka-miss din pala sin Cha, 'no? Hindi ako sanay na nakikita kang hindi siya kasama. She will always be remembered." She sighed.

Yes, my lovely Cha will always be remembered.

Sabay-sabay kaming tumayo nang dumating na ang isa pang investors, ang mga Ching. Ang sabi ni Tita Charmie ay nanlilit siya tuwing ka-meeting niya ang mga ito. Ang masasabi ko naman ay hindi naman sila ganoon katangkad, lalo na 'yung isang lalakeng may edad na. Ang isa pa ay halos kasing tangkad ko lang. Parehas din kami ng tindig kaya tumikhim siya at mas inayos ang pagtayo. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatitig pala sa akin ang matandang lalake. Singkit siya kaya hindi ko alam kung galit ba siya o ganyan lang talaga siya tumingin.

"Have we met before?" tanong niya sa akin.

Mabilis akong umiling. "No, Mr. Ching. This is my first time meeting you."

Tumango siya at saka naupo na sa upuan na para sa kanya. The man he is with raised an eyebrow at me before sitting on his chair. I feel tensed the whole minutes of the meeting. Pasulyap-sulyap pa sa akin ang mag-amang Ching kaya mas lalo ang hindi naging komportable.

"I'm very sure that he is one of your uncle's sons with his past whore," rinig kong bulong ng matandang Ching.

"Should we investigate?" tanong ng lalake.

Parehas silang nagulat nang makita ako na malapit sa kanila. Ngayon ko lang napansin na magkakulay ang mga balat namin at magkahugi ang mukha namin ng lalakeng kasama ng matandang Ching.

Tumikhim ako. "I didn't have a chance to introduce myself earlier. I'm Jude Oliver Florian, I am an intern here at Sanchez's Company." Nilahad ko ang kamay ko.

Una iyong tinanggap ng lalake. "Harold Ching, COO of Southern Cement Company, and this my father, Henry Ching, the CEO of Southern Cement."

Kinamayan din ako ni Mr. Henry Ching. I know that my father is a Chinese pero imposible naman na ang mga Ching ang kamag-anak ko kagaya ng hula ng uncle ni Cha. Siguro ay nagkataon lang na magkamukha kami nitong si Harold.

Tama nga si Tita Charmie, sa daming ginawa ko sa kompanya, hindi ko na nga namalayan na manganganak na pala si Viana at magbubukas na ang Cafe ni Yena. Natutuwa ako na nasasaksihan ko ang mga pagbabago sa buhay nila. Lagi rin nila akong pinapaalalahan na magliwaliw paminsan-minsan. Ginagawa ko naman kaya 'yon tuwing nagpupunta kami ni Susan sa puntod ng Mommy Caeli niya. Hindi ko nakakalimutang magkwento sa asawa ko ng mga nangyayari sa buhay ko.

"Malapit na naming makita si Baby Cloud, mahal ko. Si Yena naman ay magbubukas na ang pangarap niyang Cafe sa tabi ng Flower Shop nila. Alam mo ang gulo ng buhay ngayon ni Yena dahil kay Zeno, ano sa tingin mo ang dapat niyang gawin?" Hinaplos ko ang pangalan niya sa lapida. "Miss na miss na kita, halos lahat kami rito miss ka na. Hindi ka man lang kasi nagpaparamdam pero ayos na 'yon. Komportable ka na siguro d'yan kay mama."

Tuwing nagpupunta kami rito ay si Susan ang hinihintay ko na mag-ayang umuwi. Mauuna 'yong magtungo sa sasakyan namin, para sa akin kasi ay tapos na siyang kausapin at laruin ni Cha kaya mag-aaya na siyang umuwi.

Minaneho ang sasakyan na hinuhulugan ko pa para hindi na ako napapagod sa pagsakay sa public vehicle. Tinanggihan ko lahat ng offer ng mga Sanchez na bigyan na lang ako ng sasakyan, gusto ko ako ang bibili lahat ng gamit sa bahay namin ni Cha. Proud na proud siguro sa akin ngayon ang asawa ko.

"Hi, guys! Meet Cloud Veda," anunsyo ni Viana habang karga ang anak.

"Bawal maingay, ha?" bilin ni Gael gayong tahimik lang naman kaming nakamasid sa sanggol.

"Gusto ko na rin tuloy magka-baby," sabi ni Zeno at sumulyap kay Yena na hindi man lang siya pinansin.

Panay ang kabig niya kay Yena kahit may karelasyon pa itong iba. Sa totoo lang ay parehas silang may ibang karelasyon kaya hindi ko alam kung bakit ganito na lang trato niya kay Yena. For goodness' sake, he is already engaged! Ang alam kong ugnayan na lang nila ni Yena ngayon ay siya ang speech therapist nito dahil nag-volunteer ang gago.

"Hi, Baby Cloud," bati ko sa sanggol na natutulog. Tumingin ako kay Viana, walang kung ano-ano ay tumulo na lang ang luha ko. "Caeli will be so happy." Mahigpit na hinawakan ng sanggol ang isang daliri ko.

Hindi ko inasahan na ganito kasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng panibagong buhay sa pamilya namin. Alam kong magiging malaki ang parte ni Baby Cloud sa buhay ko, ang Tita Cha niya ang nagpangalan sa kanya at parehong napaka-espesyal sa amin ng mga ulap.

"Salamat sa pag-invite sa soft opening ng Cloudy Cafe mo, Yena." Hinigop ko ang kape na binigay niya sa akin.

Ang daming tao ngayon dito, karamihan ay mga estudyante. Paanong hindi dadayuhin, katabi ito ng isang eskwelahan at napaka-aesthetic pa ng buong lugar. Ang mga painting ni Yena ay nakasabit sa pader at ang mga bulaklak na galing sa flower shop nila ay mas nagpaganda pa sa paligid. Tuwang-tuwa ako sa disesnyo ng kisame na may mga maliliit na ulap na nakasabit at umiilaw pa ang mga iyon.

Naalala na naman kita, mahal.

Pinakain ko rin si Susan ng treats na pwedeng mabili dito sa Cafe kaya may mga aso rin dito. Mabuti na lang at hindi palaaway itong si Susan at friendly pa sa ibang mga aso.

"Sa wakas ay nakarating din!" bulalas ni Gael sa kararating lang na si Zeno. Siya na lang kasi ang hinihintay namin para makapag-picture kami.

Binigay muna ni Viana si Baby Cloud kay Tita Nika at si Tito Vernon naman ang kukuha ng litrato namin. Pinuwesto ko na si Susan na ayaw umalis sa tabi ko. Nasa harapan kami ng Cafe at may kanya-kanya na kaming pwesto, hinihintay na lang namin si Yena na pumasok sandali sa loob.

"Hoy, hindi ka naman kasama sa OG barkada, ba't ka nandito?" tanong ni Zeno kay Zach na kapwesto malapit sa pwesto ni Yena.

"Ako rin naman, hindi kasama sa OG barkada. Bakit hindi mo ako binabawal?" tanong ni Agatha.

Umirap si Zeno. "Eh, iba ka!"

Ang init talaga ng dugo ni Zeno sa boyfriend ni Yena. Ang ending ay hinayaan muna nga kaming mag-picture muna ang OG barkada, sayang lang at wala si Caeli.

"Oh, Jude!" sigaw ni Yena at inabot sa akin ang isang picture frame.

Nawala ang ngiti ko nang makita ang guhit ni Yena. It was Caeli. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaplos ang larawan ng asawa ko na nakangiti at animo'y nandito rin kasama namin sa Cafe. Wala sa sarili kong nayakap si Yena.

"Salamat, napakaganda niya." Sunod ko iyong niyakap.

Kasama namin ang larawang iyon sa pagpapalitrato. That picture is worth keeping inside Cha's Cloud Room. Wala man siya ay ramdam na ramdam ko siya sa kwartong ito. Nandito lahat ng mga alaala niya at habang buhay na mananatili rito.

Nang makaipon ako ay sinimulan ko ang paglilibot sa mga lugar na gusto sanang puntahan ni Caeli noon. Minsan ay sinasama ko si Susan kapag malapit lang ang destinasyon ko. I travelled all over the Philippines, hindi ako lumabas ng bansa, wala naman kasi iyon sa gusto ni Cha. Every photo that I took, I put it inside the Cloud Room and wrote a short story about it.

"Happy 60th birthday, bro!" bati ni Gael at Zeno na may dala pang pambatang cake.

"Mga siraulo, talagang pinamukha niyo sa akin na matanda na ako, 'no? Magkaka-edad lang naman tayo, 60 na rin kaya kayo!" Pinagbabatukan ko sila. May mga anak na at lahat, mga bata pa rin kung umasta.

"Ilang years ka na ring tigang. Talagang walang tatalo kay Caeli!" biro ni Zeno.

"Wala naman talaga!" Ngumiti ako.

Sa bahay na lang kami nag-celebrate ng birthday ko dahil hindi ko pwedeng iwanan si Susan. Matamlay kasi siya nitong mga nakaraang araw hanggang ngayon. Nilalaro din nga siya ni Yena at Viana, sumama pa si Cloud.

"Ninong Jude, wala ba talagang sakit si Susan? Ayaw na niyang makipaglaro," sabi ni Cloud.

Itong batang 'to, may nililigawan na at lahat, hindi pa rin nakakalimutang makipag-laro kay Susan.

"Hayaan mo na, matanda na siya at baka hindi na kayang makipaglaro."

Bumaling ako kay Susan na nakatingin sa akin, ganoon pa rin, matamlay pa rin ang itsura. Nang magsiuwian ang mga kaibigan ko ay umupo ako sa tabi niya, kaagad siyang umunan sa mga hita ko at tumingala.

Alam ko na kaagad ang mangyayari, hindi ko man lang naihanda ang sarili ko. Alam kong darating ang araw na ito, masakit pala talaga.

"You can rest, my girl. Thank you for being with daddy for a long time. Thank you for the years you chose to spend with me. You have already done enough. Pwede ka na sumama kay mommy, daddy will be just fine here. Magkikita ulit tayo. I love you, baby." I kissed her head and rubbed her belly for the last time.

She made a soft coo before she left me. Mahigpit ko siyang niyakap, I cried so hard that night. Hindi ko pa malaman ang gagawin ko nang mga sandaling iyon. Binalot ko siya sa paborito niyang kumot at saka tinabi sa kanya ang paborito niyang laruan. Nasigurado ko na lang na wala na talaga siya nang maihi na siya at hindi gumising pa.

Gabing-gabi, naghuhukay ako sa likod ng bahay namin para mailibing ko na si Susan. Hindi ko na ininda ang sakit ng likod ko at nabuhat ko si Susan na mas mabigat pa yata sa akin.

"Tell mommy that I miss her so much. I will miss you too, baby." I kissed her once last time. Maingat kong tinabunan ng lupa ang katawan niya.

Parang bumalik sa akin lahat ng sakit noong nawala sa akin si Caeli. Akala ko maghihilom na nang paunti-unti sa paglipas ng panahon pero naghihintay pala ulit mabuhusan iyon ng panibagong sakit.

Sa mga lumipas pang panahon, mas natutunan kong tanggapin ang lahat. Kahit nawala na ang mga pinakamamahal ko sa buhay, hindi naman ako pinabayaan ng mga kaibigan ko. They never failed to include me. lalong-lalo na si Cloud na napakabuting bata. Mahal na mahal niya ako at tinuturing niya akong pangalawang ama.

Hindi na ako naging malungkot pa, nararamdaman kong malapit ko nang makita ang asawa ko at si Susan. Konting panahon na lang, mahal, makikita na rin kita. Gustong-gusto na kitang mayakap.

"Ninong, hindi ba at birthday ni Ninang Caeli? Gusto mong maghanda tayo? Bisitahin natin siya?" sunod-sunod niyang tanong.

Ngumiti ako. "Ibili mo siya ng cake, chocolate ang gusto niya. Ikaw na lang muna ang bumisita sa kanya, nanghihina ang mga tuhod ko, eh."

Tumango siya at nagpaalam na na aalis. "Hintay mo ako, ninong, ah?"

Ngumiti lang ako at pinanood ang pag-alis niya. Inabot ko ang litrato ng asawa ko at saka niyakap iyon nang mahigpit. Pumikit ako...

Mahal ko, pwede naman na, hindi ba? Nagawa ko na ang lahat ng gusto mo. Masaya na rin ang mga kaibigan natin. Matanda na rin ako at hindi ko na kaya ang pangungulila sa 'yo. Pwede na ba akong sumama sa 'yo?

Nang muli kong idilat ang mga mata ko ay hindi ko na alam kung nasaan na ako. Maliwanag ang buong paligid at maaliwalas din sa pakiramdam ang mga tanawin. Luminga ako at nahagip ng mga mata ang repleksyon ko sa malapit na tubig sa akin. Nagulat ako sa itsura ko. Isang batang Jude ulit ako.

Nasa langit na ba ako? Makikita ko na ba ulit si Cha?

Muntik akong patalon nang lumapit sa akin angb isang aso na tumalon-talon sa akin.

"Susan!" Niyakap ko siya nang mahigpit. Halos matumba ako sa kasabikan niya sa akin.

"Jude!"

Natigilan ako at kaagad na hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon. Isang batang babae ang kumakaway sa akin mula sa malayo, nagpupunas siya ng luha pero napakalaki naman ng ngiti. May kasama siyang isang babae na hawak ang isa niyang kamay.

Nagtatakabo ako papalapit sa kanila, muntik pa akong madapa.

"Cha!" sigaw ko.

"Jude!"

"Cha!"

"Jude!"

Isang mahigpit na yakap ang binigay namin sa isa't isa nang sa muli ay nagkita na kami. Hindi matumbasan ang kaligayahan ko ngayon dahil alam ko na hinding-hindi na ulit kami maghihiwalay. Na sa wakas sa lugar na ito ay wala nang mananakit sa amin. We can be children again because we didn't get a chance to be a child back then.

"Matagal ba ako? Nainip ka ba?" tanong ko.

"Hindi pero masaya ako kasi nandito ka na," sagot niya at niyakap ulit ako. Hinila niya ang kamay ko at dinala sa palaruan.

Finally...

After all the pain...

After all the suffering...

We are now here, together, behind the clouds where we can make and keep happy memories, and I know that this will be the right definition of forever.

-End-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro