Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Kasalukuyang naglalakad kami ni Eleya pabalik sa kwarto ko. Tapos na kasi ang pagtu-tutor sakin ni Mommy pero hindi pa kami nagklase ngayon. Bukas na lang daw. Every other day kasi dapat ang pag-tutor niya sa akin kaso kinausap ni Mommy ang hari't reyna kung pwedeng araw-araw na lang. Kailangan ko raw kasi matuto agad bago kami ikasal ni Darill, yun ang sabi niyang dahilan para mapapayag ang hari't reyna. Pero ang totoo, para iyon sa rebolusyon naming mga Cimmerian.

"Andito na po tayo." Kung hindi pa ako kinalabit ni Eleya ay hindi ako titigil sa paglalakad. Nakatulala kasi ako. Lutang. Ang lalim ng iniisip. Hindi ko ma-absorb lahat ng nangyayari sa akin. Lahat ng sinabi sa akin ni Mommy.

"Ah, oo nga. Salamat." Sabi ko kay Eleya at pinagbuksan niya ako ng pinto

"Ang swerte mo po, noh? Pinalaki ka ni Ina." sambit ni Eleya pagpasok namin ng kwarto. Oo, tama siya. Siya ang tunay na anak ni Mommy.

"Patawad ah."

"Hala bakit ka po nanghihingi ng tawad?"

"Kasi imbes na lumaki ka kasama ang Ina mo, ako ang naging kasama niya."

"Bilang dating tagapangalaga ng Prinsesa ng Cimmeria, tungkulin lang iyon ni Ina na alagaan ka hanggang sa maging handa ka na sa itinakda sa iyo."

Magsasalita pa sana ako nang magpaalam na siya dahil marami pa raw siyang tungkulin.

Kinabukasan pagkatapos ng session namin ni Mommy ay nagpaiwan muna ako sa library. Gusto ko munang mapagisa at magisip isip.

Sa sobrang pagiisip hindi ko namalayan na may pumasok pala sa library. Nagulat na lang ako nang biglang umupo sa harapan ko si Darill.

"Kamusta ka naman?" tanong niya "Sipag magaral ah."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Eto, pinipilit magaral kahit hindi mo maintindihan. Nahihirapan na ako."

"Kaya mo yan." nagulat ako nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa librong binabasa ko kaya napatingin ako sakanya "Naniniwala ako na magagawa mo yan. Patawad kung ako ang dahilan ng paghihirap mo."

"Hala hindi ka dapat magsorry. Ako naman yung may kasalanan kung bakit nahihirapan ako eh. Hindi ko kasi mapasa yung mga tests at lesson."

"Saan ka ba nahihirapan? Baka matulungan kita."

"Sa lahat?"

"Alam mo na ba kapangyarihan mo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko pa alam ang eksaktong kapangyarihan ko pero alam kong isa itong dark powers. "H-hindi pa nga eh. Ikaw ba anong kapangyarihan mo?"

"Marami eh."

"Yabang mo naman." sabi ko at awkward na tumawa kasi ang seryoso niya

Tumingin siya sakin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko "Basta kung ano man yang pinagdadaanan mo, alam kong malalampasan mo rin yan."

"Sana nga."

Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Deniel. "Paumanhin Prinsipe at Binibini sa paggambala sa inyo ngunit pinapatawag po kayo ng Hari't Reyna sa pagpupulong." sabi niya na agad naming sinunod. Inalalayan pa ako ni Darill sa paglalakad.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah." biglang sabi ni Deniel sa isip ko nang dumaan na kami ni Darill sa pinto. "Baka mahulog ka sakanya ah. May misyon tayo."

"Alam ko naman iyon. Alam ko ang gagawin ko at ang tungkulinko bilang prinsesa ng Cimmeria." sagot ko sa isip. Naglalakad na kami papunta sa meeting hall at kasunod namin si Deniel.

"Mabuti naman kung ganon. Pinapaalala ko lamang sayo." tugon ni Deniel

Nang nasa tapat ng kami ng meeting hall ay pinagbuksan kami ni Deniel ng pinto. Pumasok na kami at naiwan siya sa labas.

"Mabuti naman ay narito na kayo." bungad ni Haring Darinn, katabi niya si Reyna Darla

"Ano pong mayroon Ama? Mukhang importante ang sasabihin ninyo." tanong ni Darill

"Importante nga anak. Nagbago ang propesiya." tugon ni Reyna Darla

Kinabahan ako. "A-ano po ang bagong propesiya?"

"Sinasabing magsasabay ang bughaw na buwan at pulang buwan sa araw ng kasal niyo. At alam niyo naman na nangangahulugang digmaan ang pulang buwan." sagot ni Haring Darinn dahilan para lalo akong kabahan. Hindi pa ako handa.

"Kaya kailangan niyo na agad makasal bukas ng gabi." wika ni Reyna Darla

"Po?!" Gulat na nagkatinginan kami ni Darill.

"Kailangan niyo nang masukatan ng damit ngayon din. May nakausap na kaming magaasikaso ng kasal niyo. Nagaantay na siya ngayon sa dressing room. Ihahatid nalang kayo ni Deniel." sabi ni Haring Darinn. Lumabas na siya at kinausap si Deniel. Tumango si Deniel tsaka pinasunod na kami sakanya.

Tahimik kaming naglalakad sa hallway papunta sa among paroroonan. Nakasunod kami ni Darill kay Deniel. Nagulat ako nang biglang nagsalita si Deniel sa isip.

"Nagbago na ang propesiya." sabi niya

"Alam ko. Ano na ngayon?" tanong ko

"Kailangan mong patayin si Darill sa araw ng kasal niyo."

"Ano?!" napatigil ako sa paglalakad at napasigaw







─────♡;

06-10-19
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro