Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Hinatak niya ako palabas ng bahay ngunit hindi kami natuloy pagkat umuulan. Kaya heto, ako naman ang humatak sakanya pabalik sa loob.

"Ano bang trip mo?" tanong ko sakanya

"Kailangan ko nang makabalik sa mundo namin kasama ka." sagot niya

"Paulit-ulit? Hindi mo ba kayang mag-magic o mag-teleport na lang din?" tanong ko

"Nang maparusahan ako'y nawalan na ako ng kapangyarihan." kaswal niyang sagot dahilan para mapairap ako

"Eh ba't ka biglang nanghahatak para makapunta sa mundo niyo? Paano ka makakapunta doon?" I scoffed sounded like a laugh

"Ako? Hindi lang ako Selenya, tayo."

"What the-- Cheska! Hindi Selenya!" napahawak ako sa ulo ko sa sobrang stress sa lalaking ito "Tsaka walang tayo!"

"Kailangan kong mahanap ang lagusan papunta sa Encantodo."

"Hanapin mo muna bago mo ako hatakin psh."

Tumalikod na ako sakanya at nagdiretso sa kusina. Ala sais na. Kailangan ko nang magluto ng hapunan.

"Bakit di ka na lang muna dito tumira?" tanong ko sakanya na naiwan sa sala "Yah know. Rk naman sila tita. Laki ng bahay oh. Pwede namang dun ka muna sa kwarto ng pinsan kong si Denzhell matulog. Pareho naman kayong lalaki."

Nang walang makuhang sagot ay sinilip ko siya pero nakatingin lang siya sa akin "Hellow?" sabi ko at kinaway pa sakanya ang kamay kong may hawak na kutsilyo dahil naghihiwa ako kalabasa hindi lang dahil pampalinaw ng mga mata kundi para na rin sa aking nilaga sapagkat ako'y matiyaga. Oh rhyme, dab!

"Kailangan na nating makapunta sa mundo namin sa lalong madaling panahon." ang layo ng sinabi niya sa tanong ko

"Share mo lang." I sighed. Wala akong mapapala sa lalaking ito.

"Shemola." sabi niya kaya napalingon ako ulit sa kinatatayuan niya

"Huh? Sabi ko share mo lang." pagtatama ko pero patuloy lang siya sa paglalakad na animo'y nagiiip

"Ang Kahariang Shemola ang pangalawang makapangyarihang kaharian sa aming mundo." saad niya

"Wow." napatigil ako sa aking ginagawa dahil nabigla nanaman ako sa sinabi niya

"Pinamumunuan ito ni Haring Solemon Lemonada at Reyna Soledad Lemonada. Mayroon silang nagiisang anak ma si Prinsesa Samuela Lemonada." pagtutuloy niya

Habang kumukulo ang aking niluluto, rhyme nanaman lez dab, nilapitan ko siya. "Alam mo? Pagudtom lang yan. Magpahinga ka muna dun sa sinasabi kong kwarto at tatawagin na lang kita pag luto yung nilaga."

Magsasalita pa sana siya nang hinatak ko siya "Tama na satsat. Tsaka mo na lang ako kwentuhan sa mundo niya pag nandun na tayo."

"Ayan." Binuksan ko na ang pinto sa kwarto ng aking pinsang si Denzhell, nagiisang anak lang siya ng aking Tito't Tita. Magkasing edad lang naman kami.

"Pwede ring magbihis ka muna kasi kamukha mo si Little Prince dahil sa damit mo. Pero mas cute si Little Prince. Hindi naman siguro magagalit ang pinsan ko pag sinuot mo yung damit niya noh? Lalabhan ko naman eh. Kahit di ako lalab." litanya ko "Anyways, eto yung closet niya ah." tinapik ko pa ang closet ni Denzhell at lumabas na para balikan yung niluluto ko

"Siya ba ang pinsan mo?" turo niya sa picture frame na nakapatong sa mini cabinet ni Denzhell

Lumingon ako pagkat nasa pintuan na ako "Oh yeah!"

Muli nanaman aang napatigil sa pagbuksan ng pinto nang magsalita siya "Pamilyar siya. Ano ulit ang pangalan niya?"

"Matagal ka na bang butiki sa bahay na 'to kaya pamilyar siya? Anyways, Denzhell nga diba?" isasara ko na sana ang pinto nang magtanong nanaman siya

"Denzhell? Anong apelido?"

"Tanong nang tanong? Crush mo ba siya? Denzhell Whetta! May tanong pa? Wala na? Okay, tuyot na yung niluluto ko." pasinghal kong sagot at sinara na yung pinto bago pa siya ulit makasagot

✁____________

Nang matapos ako sa pagpepreapare ng hapag kainin ay muli akong pumanik para sabay na kaming kumain. Sabagay may mabuting epekto rin naman si Darill. Hindi na ako magiisa rito sa bahay.

"Darill sabayan mo na ak-- oh man holy sheet of paper!" muli kong sinara ang pinto nang makita ko siyang nakatopless at nagkalat ang mga damit ni Denzhell sa kama habang nakabukas ang closet nito

Napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi habang nanlalaki ang mga mata ko at nakaawang pa ang bibig sa gulat. Para akong ang emoji na ito--> 😱. Ang hawt ni Koya niyo. Aish ano ba itong naiisip ko! Pero ilan ba yung abs niya? 1, 2, 3, 4, 5--- BOOM!!! Aray! Nadulas ako nang buksan niya ang pinto. Weyt, sinalo niya ako. Emeghed!

Nahulog ako sa mga braso niya kasi sinalo niya ako bago ako tuluyang mahulog sa floor kaya napahawak ako sa batok niya. Halos kahibla na lang ang layo ng mukha niha sa mukha ko. I gulped. He's still shirtless. Oh. My. God!







===================================

Emeghed! So ilan abs ni k0Y4qUOh? Lololol~

Anyways, unedited update. Sorry sa grammars hehehe~

04-16-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro