Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Kinabukasan. Same time. Dahil may powers na siya sa ganitong oras at alam na niya kung saan banda ang portal, magteteleport na kami dun.

Ready na ako. Nakarubber shoes, nakacap, yung suit ko parang magma-mountain climbing. May dala akong mga damit at pagkain. Kumpleto ako at tila ba isang boy scout na handang handa. Lumabas na ako ng kwarto ko at laking gulat ko nang makita ko si Darill na nakaharap sa akin.

"Sus maryosep! Aatakihin ako sayo." gulat kong sambit

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa "Ano 'yang suot mo?"

"Damit ata?" sagot ko "Eh ikaw, ano 'yang suot mo?" Suot niya yung una niyang suot nung nag-anyong tao siya. Kaso mukhang hindi talaga siya marunong magbihis. Paling paling ito. Nagpapatulong pa nga pero bala siya diyan.

"Tsk. Halika na nga." sabi niya at inilahad ang kanyang kamay

"Ano 'yan? Highfive?" sabi ko at inapiran ang kamay niya

Napa-tsk naman siya at umirap. Hala bakla?

"Oy ano ba bakit mo ba--" magrereklamo pa sana ako nang hawakan niya ang kamay ko pero sa isang iglap ay nasa gitna na ulit kami ng gubat kung saan kami tumigil kagabi "Whoa~ Kaya mo pala ako hinawakan dahil magteteleport tayo. Hahaha kala ko nakikipag-high five ka. Galing mo naman!" sabi ko at pumalakpak pa

Hindi niya ako pinansin at naglakad. Sinundan ko naman siya. Nakailang lakad pa ang ginawa namin nang tumigil siya sa harap ng isang balon.

"Luh? Nauuhaw ka ba? May baon akong tubig. Wag ka diyan uminom." sabi ko at akmang kukunin ko na ang baon kong tubig nang bigla siyang dumungaw sa balon. Agad ko naman siyang pinigilan "Oy! Wag nga sabi-- whoa! Bakit walang tubig yung balon?"

Kapwa kami nakadungaw sa balon nang lumingon siya sa akin "Eto na ang lagusan."

"Don't tell me..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dinugtungan na niya ito

"Tatalon tayo dito." sambit niya at hinawakan ako

"Wait, what? Whhaaaaaaa!" Hindi na ako nakapagpumiglas pa nang hatakin niya ako at tumalon sa balon. Patuloy ako sa pagsigaw. Hindi na ako nakakita sapagkat madilim na. Napabitaw na rin siya sa akin. Ngunit patuloy lang kami na nahuhulog na para bang walang katapusan ang lalim ng balon.

"Darill! Nasaan ka na?!" sigaw ko pero ume-echo lang ang boses ko sa loob ng balon. Umiiyak na rin ako pagkat hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Katapusan ko na ba?

Ilang sandali pa'y naramdaman kong nalulunod ako. Hindi ako makahinga. Unti unti na ring nababasa ang katawan ko. Eto na ba ang dulo ng balon?

Napasinghap ako nang makaahon ako. Huminga ako nang huminga. Napakapit ako sa gilid nang may maramdaman akong makakapitan.

Napadilat ako nang may humawak sa kamay ko. Nasilaw pa ako pagkat nasanay ako kanina sa dilim. Nang maayos ko na ang paningin ko ay nakita ko si Darill na nakatayo sa harapan ko at-- teka? Bakit nasa loob ako ng balon? At siya ay nakadungaw sa akin?

"Ano ba? Aahon ka ba diyan o ano?" tanong niya habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kamay kong nakakapit sa gilid ng balon samantalang nakalahad ang isa

Gaya ko ay basang basa rin siya marahil ay kakaahon niya lang mula sa balon. Inabot ko na ang isa ko pang kamay sakanya at tinulungan niya akong makaahon sa balon. Inalalayan niya akong maupo sa gilid ng balon at muntik pang mahulog nang makita ko ang paligid. Puro puno pa rin at parang gubat pero iba na ang itsura.

"Nandito ka na sa mundo namin." sabi niya

"Woah." ang tanging nasagot ko "Edi cool."

"Pero nandito tayo sa pinakamapanganib ng parte ng aming mundo."

"Ano?!" muntik na akong ma-out of balance sa narinig ko. Mabuti na lang ay nahawakan niya ako kundi hulog nanaman ako sa balon.

"Tumayo ka na nga diyan!" saway niya at inalalayan akong tumayo

Nakita ko ng klaro ang paligid. Napakaganda nito. Kung nature lover lang ako, dito na siguro ako titira. Ngunit ito raw ang pinakapamanganib na parte ng mundo nila. Looks are deceiving ika nga.

"Kailangan na nating makaalis dito." bulong niya at hinatak ako agad

Natakot naman ako dahil baka may mga mabangis na hayop na biglang umatake sa amin kaya sumunod na lang ako sakanya.

"Dahan dahan lang." Ang bilis niya kasing tumakbo. Powers niya ba 'to?

"Huwag kang maingay." pasigaw niyang bulong. Gets niyo? Basta galit na siya pero pabulong pa rin dahilan para lalo akong matakot.

"Ano bang meron sa lugar na 'to?" pabulong kong tanong

"Mamaya ko na ipapaliwanag." sagot niya

Nang mapatigil siya sa pagtakbo ay bumitaw na ako sakanya at tumigil na rin. Napaupo ako sa lupa sa sobrang pagod. Hingal na hingal akong huminga nang huminga samantalang siya ay nakatayo lang. Ang creepy niya. Parang pinapakiramdaman niya ang paligid.

"Bakit nga pala tayo tumigil?" tanong ko nang nakakahinga na ako ng maayos

"Naliligaw tayo." sagot niya dahilan para mag-hysterical nanaman ako

"Ha?! Paano na--" agad naman niyang tinakpan ang bibig ko

"Sabing huwag kang maingay eh." sabi niya at tinanggal ang kamay niya sa bibig ko "Tumayo ka na nga diyan."

Sinunod ko ang inutos niya. "Paanong naliligaw? Hindi mo ba kabisado ang daan?"

"Gaya ng sabi ko, ito ang pinakamapanganib ng parte ng mundo namin. Malamang walang pupunta rito kung mapanganib. Kaya kailangan na nating makaalis dito sa lalong madaling panahon." sagot niya at nagsimulang maglakad lakad kahit hindi niya alam ang daan. Sinundan ko lang siya dahil kung hindi niya alam ang daan dito, mas lalo ako.

Muli ay napatigil siya. Mula sa malayo ay kita ko ang napakalaking kaharian. "Wow! Ang ganda naman niyan. 'Yan ba yung kaharian niyo?"

"Mali tayo ng daan." wika niya

"Huh? Anong mali? Hindi ba 'yan yun? Tsaka bakit ba tayo? Bukod sa walang tayo ay ikaw lang ang sinusundan ko kaya ikaw lang ang mali." naguguluhan kong sambit pero tiningnan niya lang ako ng huwag-ka-ng-maingay-hindi-ka-nakakatulong look kaya napa-shatap na lang ako

"Iyan ang abandonadong kaharian ng Cimmeria. Noong unang panahon ay dalawang kaharian lang ang meron sa mundong Encantodo, ang Arcadia at Cimmeria. Ang Arcadia ang sumisimbolo sa liwanag at Cimmeria naman sa kadiliman. Masayang namumuhay ang mga tao noon. Ngunit dumating ang araw na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang kaharian na nagdulot ng isang malaking digmaan. Natalo ang Cimmeria. Ang Arcadia ay nahati sa apat na kaharian. Ang Walampo, Jashapot, Shemola, at ang kaharian namin, ang Lavqaba." paliwanag niya na para bang isang history teacher

"So anong nakakatakot at dapat ipangamba kung abandonado na pala ito?" tanong ko na para bang isang estudyante sa isang history class na nagpapakitang gilas. Ow it's a rhyme, dab!

"May sabi sabing may mga nabubuhay pang Cimmerian na nagpapanggap bilang isang normal na Encan. Meron din namang sinasabing nagtatago raw sila sa mundo na mga tao at nagaantay sa takdang panahon. Ayon sa prophesiya ay may isang tinakdang Cimmerian ang magbabalik para makaganti sa Arcadia na lilikha nanaman ng malaking digmaan at mangyayari raw iyon sa takdang panahon. Dahil wala na naman ang Arcadia, sa tingin namin ay hindi na mangyayari o maaaring magbago ang prophesiya. Ngunit hindi tayo dapat magpakapanatag, pinaniniwalaan na ang mga sakit, unos, at kung ano anong kapahamakan at pasakit na nangyayari ay galing sa kanila at nagpapahiwatig na mangyayari ang takdang panahon."

Napahawak ako sa ulo ko. Mind blown. Sakit sa ulo. Para ngang history class.

"May mga kasabihan ding sa loob ng palasyo o maski sa paligid lang nitong gubat ay may mga nagmamasid na engkantong kumukuha ng mga naliligaw na Encan. Pinaniniwalaang ang lahat ng nawawalang Encan na dito huling natagpuan ay hindi na muling makikita pa."

"Ano ba yan? Nakakatakot ka na! Dito ka pa nagexplain niyan ah, Edi ano pang ginagawa natin dito? Umalis na tayo." tapang tapangan ko kahit masakit talaga ang ulo ko at kahit natatakot na ako

"Tanong ka nang tanong eh." sagot niya pero nagpatuloy na siya sa paglalakad pabalik sa nilakaran namin kanina at palayo sa palasyo

"AAAAAAAAHHHHHH!"

Nagulat ako nang biglang may lupon ng taling sumulpot sa kinatatayuan ni Darill na pumulupot sakanya at hinatak siya pataas ng puno. Omygee! It's a trap!

"Tulungan mo ako." nanghihina niyang pagsusumamo na tila ba anytime ay mawawalan ng malay








===================================

04-30-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro