CHAPTER 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


NOTE: This version in Wattpad is the draft, unedited, and OUTDATED version. For the correct and updated version, kindly read the story instead in its official published book, available at National Book Store.

***


NAKAPAKO pa rin ang aking mga mata sa nakasulat sa papel. Bakit may babala sa bungad ng mansyon, at ano ang binabalaan nito sa'kin? Napaigtad ang aking katawan kasabay ng pagsara ng pintuan. Lumunok ako nang tatlong beses at inayos ang aking pagkakatayo. Huminahon ka, Fift. Imposibleng may mumu rito.

"Ay, putang ina!" Napamura ako nang makarinig ng tatlong katok mula sa loob ng mansyon. Hindi pa ako nakaka-recover ay sinundan ulit ito ng mas mabilis at tila naiinip na pagkatok. Pupuntahan ko ba ang direksyon kung saan nanggagaling ito?

Ayon sa mga napanood kong horror movies, hindi ko dapat pakinggan ang aking kuryosidad. Kaya naman lumayo ako mula sa tunog na iyon at pumunta sa kabilang gawi.

Pinagmasdan ko ang Villa Vouganville. Mas lalo itong maganda sa loob, at nakakamangha ang lawak nito. Mataas ang mga bintana at lalong mas mataas ang kisame. Nakakapagtaka dahil saradong-sarado ang mga bintana at nakababa ang lahat ng mga kurtina. Sayang naman ang view.

Victorian style ang disensyo ng gusali at ultimong mga gamit dito. I instantly fell in love with its vintage aesthetic. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong prinsesa.

"Mr. Vouganville?" ulit ko. Wala pa ring sumasagot. Hindi kaya natutulog pa ito?

Pinadulas ko ang aking kamay sa hilera ng mga librong nakalagay sa bookshelf. Huminga ako nang malalim at inamoy ang bango ng mga lumang libro.

Umagaw sa'king atensyon ang isang pulang libro na may nakasulat na 'XV' sa gilid nito. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Isa pala itong biograpiya ng isang kilalang propesor. Binasa ko ang mga unang pahina nito.

Si Professor Xildius Vouganville ay isang dalubhasang propesor sa iba't ibang larangan at disiplina. Ang kaniyang expertise ay psychology at human anatomy. Siya ang pinakabatang propesor na nabigyan ng Nobel Prize sa literatura dahil sa kaniyang mga akda.

Gusto ko pa sanang magbasa ngunit bigla kong naisara ang libro nang makarinig na naman ng panibagong pagkatok. Isinoli ko na lamang ang libro at nagpasyang umupo sa isa sa mga sofa roon.

Napansin kong may liham na nakaipit sa ibabaw ng lamesita. Hindi ko alam kung papakialaman ko ba ito noong una, ngunit sa pangalawang tingin ay nakita kong may nakasulat na 'Read this' doon, kaya naman kinuha ko ito at binasa.

To my assistant,

Bukas ang simula ng iyong opisyal na trabaho. Ang kuwartong tutuluyan mo ay nasa pinakakanan sa ikalawang palapag. Just don't create too much noise, because I can get easily distracted. I need total concentration on my work. Also, please don't forget that when you hear someone knocking, it means that I am calling you to come to me.

From,
XV

Agad akong napatayo nang mabasa ang dulong parte ng liham. Patay! Kanina pa pala ako tinatawag ng amo ko! Tumakbo ako pabalik sa main entrance kung saan ko unang narinig ang mga pagkatok. Sana ay hindi pa siya nagagalit sa'kin, ayokong masisante agad sa unang araw ng aking trabaho.

Lumalim na ang gabi at lalong nagdilim ang buong paligid. Dahil sarado ang mga bintana, halos wala na akong makita sa loob ng mansyon. Kulay itim na lamang ang nakikita ng mga mata ko kahit saan ako tumingin, ngunit patuloy pa rin akong tumatakbo dahil sa takot na mapagalitan.

Bigla akong may nasaging vase, at nabasag ito pagtama sa sahig. Hala, lagot! Agad akong lumuhod para kunin ang mga piraso, ngunit nasugatan ang aking kamay dahil sa bubog. Shit, ang sakit. Hindi ko man lang makita kung malalim ba ang sugat na aking natamo.

Napasinghap ako nang makaramdam ng mainit na kamay na dumapo sa'king pupulsuhan. Kinuha niya ang aking kamay at dahan-dahang tinanggal ang nakapasok na bubog. Ang sunod kong naramdaman ay ang hapdi at lamig mula sa tubig na amoy disinfectant.

"Hindi ka ba marunong magbasa?" usal ng lalaki sa'king harapan. Mas malalim pa sa balon ang kaniyang boses, sinamahan pa ito ng medyo paos na pananalita. His voice reminds me of the deep dark night, accompanied by calm thunder. Iyong tipo ng kulog na tahimik lamang na lumilipas at hindi nakakagulat.

Naamoy ko rin agad ang bango ng kaniyang malamig na hininga. Gusto kong makita ang kaniyang hitsura, ngunit masiyadong madilim. I squinted my eyes, but I couldn't see him at all.

"Hindi ka rin ba marunong magsalita?" sambit ng kaniyang malalim na boses na may kaunting bahid ng garalgal.

Napalunok ako dahil kanina pa pala ako nakanganga. "M-Marunong po, sir—este—professor."

"Nakasulat sa may pintuan na mag-ingat ka, iyong simpleng instruction na 'yon pa nga lang ay hindi mo na masunod, paano pa kaya ang mga ipapagawa ko sa'yo sa trabaho?"

Tumikhim ako at yumuko. Iyon pala ang ibig sabihin ng 'Watch out' na nabasa ko kanina. Akala ko naman ay kung ano na.

"'Di ka puwedeng masugatan. Your hands are precious to me," malambing niyang sabi na siyang naging dahilan ng pamumula ng aking pisngi.

"Your pulse rate is going too fast. It's either you're scared," he noted, "or you're getting excited."

Lumunok ako para basain ang aking nanunuyot na lalamunan. Kanina pa ako hindi makapagsalita dahil sa matinding presensya niya. Hindi ko alam kung sadyang seryoso lang ba siya, o alam niyang nakakatunaw ang kaniyang bawat salita.

"Blushing is pointless. I only said that your hands are precious because I need them to assist me," walang emosyong paliwanag niya. Halata sa tono nito na wala lang sa kaniya ang makasakit ng damdamin ng ibang tao.

Teka, paano niya ako nakikita kung ganito kadilim? Naalala ko tuloy ang mga sinabi ng mga bata kanina.

"M-Multo ka ba?" kinakabahang tanong ko.

"Touch me, so you can find out."

Nahawakan niya naman ako kanina, pero para sigurado ay inunat ko ang aking kamay paharap para kapain siya. Natagpuan ng aking palad ang malawak at matigas niyang dibdib. Inangat-baba ko ang kamay ko para siguraduhin kung lulusot ba ito o hindi.

"Okay na? Nag-enjoy ka yata, eh."

Binawa ko agad ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Oo, medyo nag-enjoy nga ako.

"P-Paano bumukas at sumara nang kusa ang pintuan kanina?" I gulped while asking.

"Motion sensor technology. Welcome nga pala sa future," sarkastiko niyang sagot.

Sigurado na akong hindi siya multo, kaya binanggit ko na ang sunod kong tanong. "B-Bampira? Bampira ka ba?"

"Hmm, how do I prove to you that I'm not a vampire?"

Napaisip ako roon. Gabi na, kaya hindi ko masusubukan kung takot ba siya sa araw. Napatikhim muna ako bago nakaisip ng paraan. "Do you have fangs?"

"How will you find out? Masiyadong madilim kaya hindi mo makikita kapag basta lang akong ngumanga," aniya.

Oo nga, ano. May point siya roon.

"Do you want to inspect my mouth in another way?"

He leaned his face closer, and I could almost feel some wisps of his bangs grazing my forehead. Is he about to do what I think he's about to do? My throat bobbed in anticipation. I could see the silhouette of his lips parting, and once again... I let myself fall into the trap of my own curiosity, and opened my lips to welcome his.

Naramdaman ko na ang malambot niyang mga labi na dumampi sa akin. Tuluyan nang nasakop ang aking bibig at nakalimutan ko sandali kung paano huminga.

Tanging ang kaniyang mapusok na halik na lamang ang sanhi ng init sa buong mansyon. Madilim ang buong paligid, kaya hindi ko sigurado kung ako ba'y nakadilat pa rin o napapikit na dala ng matinding damdamin. Tila ba ginagawa kong palusot ang malamig na panahon kaya lalo kong nilalaliman ang aming halik upang magpainit.

I almost forgot why this happened in the first place. Iginala ko ang aking dila sa kaniyang bibig at kinapa kung mayroon ba siyang mga pangil. Wala, pero bakit hindi pa rin ako tumitigil sa paghalik?

"Satisfied?" tanong sa'kin ng aking kahalikang propesor.

"N-Not yet..." My desire took over and answered for me.

Bumaba ang kaniyang malalambot na labi, tinutuka nito ang aking panga papunta sa'king leeg. His lips stayed on my neck and his teeth started to nibble. Bumuka nang kusa ang aking bibig at may nakatakas na ungol. Naramdaman kong nakadako na sa'king balagat ang kaniyang mga labi. Binakat niya ang kaniyang ngipin at nagsimulang sipsipin ang aking balat.

Napakagat ako nang mariin sa'king hinlalaki para pigilan ang pagdaing.

Umalis na ang kaniyang mga labi at napakunot ang aking noo nang maramdaman ko na siyang tumayo.

"I guess I have proven myself enough. My teeth weren't sharp enough to puncture a hole into your skin."

I don't know why... but the way he speaks just sounds so... mystic and enchanting.

Tumayo na rin ako at inayos ang aking damit. Pinunasan ko ang aking basang mga labi at nagsimulang magpakilala sa'king magiging amo.

"I-I'm Fifteen."

"Putang ina, fifteen ka?!" he cursed aloud. "Did I just fucking kiss a—"

"No! It's not my age. F-Fifteen is my name," agad kong pagtatanggol sa'king sarili. "You can call me Fift, and I'm already 23."

Narinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga. "I didn't pay attention to your submitted resumé. I only made sure that you weren't a serial killer before hiring you. Ikaw lang naman kasi ang nagpasa, wala yatang kayang mabuhay nang walang cellphone."

"Bakit nga ba bawal ang cellphone dito? Saka, paano ka nakakakita sa ganito kadilim na lugar?" sunod-sunod kong tanong.

"The human eye adjusts to its surroundings. Sanay na ako sa dilim kaya mas malinaw ang aking paningin. I also don't use any form of gadgets, that's why my vision is a perfect twenty-twenty," he answered in his deep voice.

God, I can listen to him talking all night. His voice is too damn beautiful and sexy.

"That's also why I can clearly see your body and facial expressions in the dark. Kaya sigurado akong ikaw ang nag-enjoy kanina," patuloy niya.

Hindi ko siya maaninang, pero nakakutob akong nakangisi siya. Aba, ang yabang naman. Hindi ko naman maitanggi na nag-enjoy naman talaga ako. Pero ako lang ba talaga?

"The reason for having no phones allowed inside the villa is because they emit light. They remind me of something I hate..." There's a hint of pain in his voice when he answered. It was as if I just triggered something that I shouldn't have.

Hindi na ulit ako nagtanong bilang pagrespeto sa kung anuman ang kaniyang pinagdadaanan. Kinuha niya ulit ang aking kamay at may inilagay roon. Kinapa ko ito at napansing hugis salamin ito.

"Those are special glasses that help you see in the dark. Wear those and clean up your mess. Paboritong vase ko pa naman ang nabasag mo."

Napalunok tuloy ako nang 'di oras at humingi ng paumanhin. "S-Sorry po pala at nakabasag ako..."

Sinuot ko na ang salamin, ngunit sakto ang kaniyang pagtalikod kaya hindi ko nakita ang kaniyang mukha. Nagsabi siya ng ilang mga salita bago tuluyang umalis.

"It's okay. It was worth it," he huskily commented.

Namula ang aking buong mukha hanggang sa dulo ng tainga. Nilapat ko ang dalawang daliri ko sa ibabaw ng aking pulso. I'm still pulsating way faster than normal.

It's either I'm scared or I'm getting excited. And I'm not even sure anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro