CHAPTER 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


BUONG araw ay tulog lang ang propesor simula nang mainom niya ang mga gamot. Inabot na ng gabi ngunit hindi pa rin siya gumigising. Dahil sa sobrang pag-aalala ay tumawag ulit ako kay Xalvien.

"Fift, normal lang talagang epekto ng benzodiazepine ang makatulog nang matagal," paliwanag ng doktor. "Napatagal din yata kayo sa ilalim ng araw kaya tinaasan ng propesor ang kaniyang dosage."

Humigpit ang kapit ko sa telepono. "Xalvien, hindi pa kumakain ang propesor... Kasalanan ko 'to, eh. Dahil din kasi sa'kin kaya siya nagtagal sa araw."

Narinig ko ang mahinang buga ng pagngiti ni Xalvien sa kabilang linya. "No, Fift. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Ang totoo niyan, gusto ko pa ngang magpasalamat sa'yo."

"Bakit naman?" Napanganga na lamang ako sa sunod niyang sinabi.

"Dahil sa'yo, nakayanan ni XV na lumabas... at unti-unti niya na ring nahaharap ang takot niya sa araw," malumanay na pagwawari ng doktor. "You might actually be the cure to the professor's fear, Fifteen."

***

NAGBILIN sa'kin si Xalvien na bibisita raw siya ngayong gabi sa mansyon para ma-check up si XV.

Habang naghihintay sa kaniyang pagdating ay paroo't parito ako sa mansyon. Nakarinig ako bigla ng pagkaliskis sa may pasilyo kaya sinilip ko kung si Xalvien na ba ito.

A guy wearing a blue jumpsuit is standing at the top of a ladder, tinkering with the lighting system of the ceiling.

Siningkit kong maigi ang aking mga mata para maaninag kung sino ito. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang mapagtantong hindi ito si Xalvien—at hindi rin ito ang propesor.

Agad akong tumakbo para maghanap ng magagamit na armas laban sa lalaking nanghimasok sa mansyon. Saktong bumukas ang pangunahing pintuan at nakarating si Xalvien suot ang kaniyang puting amerikanang pang-doktor.

"Xalvien!" mahinang bulong ko. "May magnanakaw na nakapasok sa mansyon. May sandata ka ba riyan o kahit anong puwedeng panakit sa kaniya?"

"Magnanakaw? Pero mahigpit ang security system ng Villa Vouganville—"

Hindi ko na tinapos ang kaniyang sinasabi. Kinuha ko agad ang mahabang payong sa may pintuan at sinamahan ako ni Xalvien pabalik sa pasilyo.

Pababa pa lamang ang lalaki sa dala nitong hagdanan nang hinigpitan ko ang kapit sa payong at sumugod na ako para hampasin ang kaniyang ulo.

"Walang hiya ka! Magnanakaw!"

Ihahampas ko na sana ang payong nang biglang may pumigil sa braso ko mula sa'king likuran. Paglingon ko, nagulat ako dahil si Professor XV pala ito. Gising na siya sa wakas.

"Bakit mo 'ko pinigilan? May magnanakaw!" giit ko sa propesor.

Paglingon ko sa estrangherong lalaki ay nakataas ang dalawa nitong kamay at tila natakot sa'kin.

"H-Hoy, XV! Ito ba ang bago mong assistant?!" hiyaw ng magnanakaw. "Hindi mo 'ko nasabihang mapanakit pala ang babaeng 'to!"

Kumunot agad ang noo ko dahil sa sobrang pagtataka. Narinig kong natatawa sa gilid si Xalvien.

"Fift, hindi 'yan magnanakaw," paliwanag ni XV. "Siya si Xantiel. Isa siyang mechanical, software, at computer engineer. Siya ang nagkabit ng iba't ibang mga mekanismo sa mansyon tulad ng espesyal nitong kisame, pati ang motion-sensor na pintuan. Kahit gago 'yang lalakeng 'yan, matalino rin siya tulad ni Xalvien."

"Hi, miss! Ako nga pala ang gagong si Xantiel," nakangiting sambit ng lalaking naka-jumpsuit sabay lahad ng kaniyang kamay. "Nice to meet you. Kumusta ang buhay bilang tanging empleyado ni XV? Kung sawa ka na sa propesor, naghahanap din ako ng assistant."

Lumapit si Xalvien at hinampas ang likuran ni Xantiel. "Hoy, Xanti. Huwag mo ngang pormahan si Fift kung gusto mo pang mabuhay."

"P-Paano siya nakapasok sa mansyon?!" bulalas ko.

"Maliban sa'yo, may susi rin sila ng mansyon," sagot ni Professor XV. "Kaya puwede silang maglabas-pasok sa Villa Vouganville kung kailan nila gusto. Si Xalvien, para mabantayan ang kalagayan ko. Si Xanti naman, para ma-install at ma-repair ang mga bagay-bagay sa mansyon. Tanging silang dalawa lang ang mga taong kaya kong pagkatiwalaan nang buo."

"Ano, Fift? Sino'ng pinakaguwapo sa'ming tatlo?" Sumingit naman bigla si Xantiel. "Kami ang makamandag na XXX, o Triple X for short—"

"Hoy, huwag mong itulad ang mga pangalan namin sa mga paborito mong website." Binatukan agad siya ng mabait na si Xalvien.

Nakahinga na rin ako sa wakas dahil mukhang wala pala akong dapat ipag-alala. Halatang mabait naman itong si Xantiel, maloko nga lang.

Ang lakas ng dating nilang tatlo. Ibang antas ang kanilang kaguwapuhan, pare-pareho pang matatalino at mayayaman. Lalong nakakatunaw ang awra nilang tatlo kapag magkakatabi sila. Sina Xildius, Xalvien, at Xantiel.

"Tulad ni Xalvien, Vouganville din ang gamit kong apelyido," ani Xantiel. "Kinupkop at pinag-aral din ako ni Xildius. Mahabang istorya, pero kung gusto mong malaman ay ibibigay ko sa'yo ang address at number ko." Sinundan niya ito ng pagkindat.

Habang tumatagal ay napapansin kong parang pamilyar ang hitsura ni Xantiel. Nang mapagtanto ko kung saan ko siya nakita ay bigla akong napahiyaw. "I-Ikaw 'yong tinderong pinagbilhan ko ng shades sa palengke!"

"Ah, oo ako nga!" Ngumiti nang malaki si Xantiel. "Nabigay mo na ba sa asawa mo 'yong binili mong salamin? Sabi mo ay regalo mo 'yon sa asawa mo, 'di ba?"

Agad akong namula, katabi ko lamang ang propesor at siguradong narinig niya iyon. Oh my god, nakakahiya. Gusto ko nang magpalamon sa lupa!

Pagsilip sa gilid ay nakita kong napangisi si XV kaya umiwas agad ako ng tingin.

"I actually knew that those special shades were made by you, Xanti." Nagpamulsa ang propesor habang nagpapaliwanag. "Ikaw lang naman ang may kapasidad at utak para gumawa ng ganoong klaseng imbensyon."

"Hindi na nakakagulat na nalaman mo agad na ako ang gumawa no'n," tugon ng pilyong mekaniko. "I just wanted to test if it would work. Also... I wanted to test if this special lady could make the cold-hearted, anti-social Professor XV go outside his villa and attend a crowded street festival."

"Siraulo," diretsahang uyam ng propesor.

"Pero gumana naman, 'di ba?" Tumawa si Xantiel at nagsabing, "Kaso sa gabi lang gumagana ang salaming iyon. Hindi ka pa rin puwedeng makalabas sa araw."

Sumali na rin si Doctor Xalvien sa usapan. "May external factors kasi maliban sa liwanag na hindi kayang masolusyonan ng salamin lamang, tulad ng init ng araw na tumatama sa balat natin. These simple sensorial experiences could trigger the professor's phobia."

Kanina pa nagdudugo ang ilong ko dahil sa tatlong henyong lalaki sa harapan ko. Hindi ako informed na tagisan ng talino pala ang napasok ko rito.

***

NAKADEKWATRO sa sofa ang propesor habang umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo. Sina Xalvien at Xantiel naman ay nasa tig-isang study table. Nagbabasa ng libro ang doktor, habang naglalaro naman ng chess ang mekaniko. Narito kaming apat sa sala habang nagpapalipas ng gabi.

"XV! Tara laro tayo ng chess," yaya ni Xantiel sa propesor. "Ikaw na ang unang tumira."

"E4," sambit ni Xildius habang hindi inaangat ang mata sa binabasang diyaryo.

"Okay!" Ginalaw ni Xanti ang puting pawn sa posisyong binanggit ng propesor. "Ang tira ko naman ay E5."

"Knight, F3," sunod na sinabi ni Xildius habang nililipat ang pahina ng diyaryo.

Hindi ko mapigilang mamangha sa propesor. Nakikipaglaro si XV ng chess nang hindi man lamang tumitingin sa board. Nakaupo lang siya sa sofa at tinatandaan ang posisyon ng mga piyesa sa kaniyang utak. Nakakapagbasa pa siya ng balita sa lagay na 'yan.

"D6," ani Xantiel.

"D4," tugon ni XV.

Napatingin ako sa tahimik na si Xalvien. Ngumiti siya sa'kin dahil napansin niyang manghang-mangha ako sa'king nasasaksihang laban.

"Bishop, G4," usal ni Xanti sabay usog ng piyesa sa chess board.

"Talo ka na," pahayag ni Professor XV habang umiinom ng kape.

"Ha?! Pa'nong talo? Hindi pa naman tapos ang laban, ah!" reklamo ng napapakamot sa ulong si Xantiel.

"Checkmate ka na in exactly 14 moves," the professor claimed.

"Hoy, XV! Sigurado ka ba riyan?" Pinalobo ni Xanti ang kaniyang magkabilang pisngi na parang bata.

Tumayo na rin sa wakas ang propesor at lumapit sa chess board.

"One, two, three..." isa-isang bilang ni XV habang ginagalaw ang mga piyesa. "Thirteen, fourteen—checkmate. It's called a tablebase win. I have calculated all the possible endgame positions."

Lahat kaming tatlo ay nanonood nang maigi sa ginawang mga galaw ng propesor. Halos magkakadikit na ang mga mukha namin nina Xanti at Xalvien habang nakanganga't manghang-mangha kay XV.

"Ang galing! Kadalasan ay five steps ahead kung mag-isip ang mga kilala kong chess players," saad ng doktor na si Xalvien. "Pero nagawa mong i-predict ang laban, fourteen steps ahead. Halimaw ka, Xildius."

"Oo na, ikaw na ang pinakamatalino sa'ting tatlo!" nakabelat na pahayag ni Xanti. "O siya, mauuna na kami ni Doc. Baka magyaya ka pa ng rematch at matalo ka. Pinagbigyan lang kita kasi bisita lang ako rito."

Nagtawanan kami dahil sa mga pilyong hirit ng matalinong mekaniko.

***

HINATID ko na silang dalawa sa labas. Nakaparada pala ang mga mamahaling kotse nila sa tapat ng Villa Vouganville.

"Ano, Fift? Mas lalo ka bang na-in love sa propesor dahil sa husay niya?" kantiyaw ni Xalvien.

"Hindi ko na nga alam kung 'yong talino ni XV ay nakakakilig pa o nakakatakot na!" pabiro kong usal. "Ano nga ba ang IQ ng propesor?"

Si Xantiel ang sumagot sa tanong ko. "Professor XV's IQ is within the range of 195 to 210. He took five different IQ tests, and his scores are always around that scale."

"196 ang score niya sa Stanford-Binet Intelligence Scale, at 210 naman sa Wechsler Intelligence Scale," dagdag ni Dr. Xalvien. "Ang average IQ naman ng isang ordinaryong tao ay nasa 100. Considered genius ka na kapag pumalo ka sa 160."

"XV is a genius among geniuses. Kung interesado kang malaman, 175 itong si Doc, samantalang nasa 180 naman ako," salaysay ni Xanti. "Kaya wala talaga kaming laban sa utak ni Xildius."

Suminghal na lamang ako sabay halukipkip. "Nako, ayoko nang malaman ang akin!"

"Fift, may parting gift pala ako para sa'yo," saad ni Xanti habang may dinudukot sa kaniyang bulsa. May nilagay siyang maliit na butones sa palad ko.

"'Yan ang pinakabago kong imbensyon, communication device 'yan. Hindi pa kasi puwedeng lumabas ang propesor kapag umaga, kaya puwede mo 'yang magamit para tuwing may kaso kayo ay makakausap mo pa rin siya sa malayo."

"Uy! Salamat, Xanti!" kislap-matang reaksyon ko.

"Pipihitin mo lamang ito pakanan kapag kakausapin mo ang propesor," he explained. "Sadyang maliit lang 'yan para puwede mong makabit sa damit mo."

Tumango ako sabay bulsa sa kaniyang regalo. Nagpaalam na ang dalawang magkaibigan at bumalik na ako sa loob ng mansyon.

Nagtaka ako dahil wala na sa sala ang propesor. Siguro ay nagkulong na ulit ito sa kaniyang kuwarto.

***

PAGPASOK ko sa'king silid, napahiyaw ako nang makitang nakasandal sa tapat ng kama si Professor XV.

"B-Bakit ka nasa kuwarto ko?!" hiyaw ko kay Xildius.

"Kuwarto mo?" Ikiniling niya ang kaniyang ulo sa kanan. "Sa pagkakaalam ko, pagmamay-ari ko ang buong mansyon. Which means that this room is also mine. Kahit ang hinihigaan mong kama ay akin din. Kaya puwede akong matulog diyan kung gugustuhin ko."

I rolled my eyes and walked past him. I gasped when he suddenly took my arm and pinned me against the book shelf beside my bed. Nahulog ang ilang mga libro sa sahig dahil sa kaniyang ginawa.

"So sino sa kanilang dalawa? Si Xantiel ba o si Xalvien?" he asked with a pair of serious eyes. "Kaya ba matagal ka sa labas, dahil interesado ka sa isa sa kanila?"

He scoffed and added, "Sabagay... parehas naman silang single at may hitsura."

"I-Ikaw ba?" napapalunok kong tanong. "S-Single ka rin ba, o may nobya na?"

Tinapangan ko ang aking boses sa sunod kong inusal. "Alam ba niyang hinahalikan mo ang assistant mo?"

Ngumisi si XV at napadila sa kaniyang ibabaw na labi. "I don't have a girlfriend... I have a wife."

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ano?! S-Sinong—"

"She's standing in front of me right now," bulong ng kaniyang garalgal na boses na sinasabayan ng malalim niyang paghinga. "Isn't that what you said? Sabi ni Xantiel ay binanggit mong para sa asawa mo ang shades na binigay mo sa'kin."

Naaalala niya pa pala ang bagay na 'yon. Wala na akong kawala. I'm like a scared little pawn in front of this almighty king.

Tumikhim ako at tumingala sa kaniya. "I-I'm not your wife... hindi naman natin ginagawa ang ginagawa ng mga mag-asawa," nanghihinang bulong ko.

Bumibigat na rin ang aking paghinga. Napakalapit ng mukha niya sa'kin at nalulusaw na ako sa lalim ng pagtitig niya.

His long fingers started fiddling with the thin strap of my satin camisole.

"Gusto mo bang gawin natin?" malambing niyang alok kasabay ng saglit na pag-akyat-baba ng kaniyang lalagukan.

Dahan-dahan niyang inangat ang manipis na strap ng aking kamisa at pinadulas ito pababa mula sa'king balikat.

Biglang umiyak nang malakas ang telepono sa sala. Natauhan agad ako at inangat pabalik ang aking strap. "M-May tumatawag. Sasagutin ko lang, b-baka mula sa isang kliyente."

Tinulak ko ang propesor at nagmamadali akong tumakbo papunta sa sala. Para akong nakikipagkarera laban sa bilis ng pagtibok ng puso ko.

Pagsagot sa tawag ay nabigla ako sa lamig ng telepono na dumapo sa'king pisnging sobrang nag-iinit.

"Y-Yes? Sino po sila?" hinihingal kong simula.

"Fift? Si Officer Flick ito," pakilala ng aming kaibigang police chief. "May emergency tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro