CHAPTER 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"SALUSTIANA."

Bigla akong natauhan nang tawagin ng propesor ang apelyido ko. "Y-Yes, professor?"

"Bakit sa'kin ka nakatitig habang nagluluto ka?" nakangiting sabi nito sabay angat ng kilay. "Ako ba ang ipansasahog mo?"

Puwede naman.

Hindi ko namalayang napatagal na pala ang pagmasid ko sa kaniya habang nagbabasa si XV ng diyaryo at humihigop ng kape.

Pagtingin ko sa'king niluluto, halos nasunog na pala ang isda. Lumapit si Xildius upang sumilip kaya agad kong binaliktad ito para hindi niya mapansin ang sunog.

"Hmm..." He placed his hand on his chin and pursed his lips. "Do you expect me to eat that?"

"He-he, kaunting sunog lang naman!" aking palusot. "Professor, totoo bang masama sa katawan ang pagkain ng sunog?"

"Ano ako, Google?"

"Sungit mo naman! Curious lang ako," nakangusong pagpilit ko.

"People are paying me to speak my mind, Salustiana." He leaned forward and tapped my nose with his forefinger. "If you want me to give answers, you should start paying me."

"Ako 'yong empleyado, tapos babayaran ko ang boss ko?" I scoffed. "Hindi ba baliktad?"

Lumapad ang ngiti ni Xildius at naningkit ang mga mata niya. "Wala naman akong sinabing pera ang ipambabayad mo, eh."

Napakagat-labi ako sa sinabi niya. This fucking professor knows just the right words to rev up my heart. Para akong Rubik's cube na alam niya na ang sagot, pero pinapaikot-ikot niya lang dahil natutuwa siya.

Nagkaroon na ako ng heart-to-heart talk sa sarili ko kagabi. Sinulat ko sa papel ang iba't ibang mga posibleng dahilan kung bakit ko nararamdaman itong mga nagwawalang paruparo tuwing nariyan ang propesor, at lahat ng iyon ay nauuwi lamang sa iisang konklusyon—tuluyan na nga akong nahulog kay Professor XV.

Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para labanan at itago ang nararamdaman ko. Mahirap na, napakagaling pa naman makapansin ng propesor.

Ngunit hindi pa rin ako magpapatalo kahit na para akong baguhang sundalo na sumabak sa gera na pellet gun lamang ang dala. At ang aking kalaban? Isang buong batalyon na nagngangalang Professor Xildius Vouganville. Good luck na lang sa'kin.

***

SIMULA no'ng nalaman kong maraming nagkalat na kahon sa Villa Vouganville, nagpasya akong mag-ayos ng mga gamit sa mansyon. Baka ang ilan sa mga ito ay magamit namin sa paglutas ng mga kaso.

Pinapagpag ko ang mga alikabok nang mapansing may isang kahon na nakatagong maigi sa isang sulok. Dinalaw ako ng aking kuryosidad at tiningnan kung ano ang nilalaman nito.

Puro folders at iba't ibang mga papel ang naroon sa loob. Ibabalik ko na sana ang kahon sa pinagkuhanan ko nito nang bigla kong nabasa ang nakasulat sa isang folder: Resumés of Previous Assistants under XV.

Biglang nakaramdam ng kirot ang puso ko. Naalala kong nabanggit ng isa sa mga kliyente namin na may dating assistant ang propesor. Napalunok tuloy ako nang 'di oras.

Sisilipin ko ba? Paano kung hindi ko magustuhan ang makita ko? Paano kung puro pala sila mga graduate sa Harvard? Or worse—paano kung kasingganda sila ni Liza Soberano?

Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Kakayanin ko bang malaman ang tungkol sa mga nakaraang assistant ni XV?

Umiling ako at ibinalik na lamang ang kahon sa sulok. Actually, mas lalo ko pa itong tinago at pinatungan ng marami pang mga kahon para hindi na ako matukso.

Ngunit heto ako ngayon, nakatulala sa kisame at hindi makatulog. Inabot na ako ng alas singko nang madaling araw na nakadilat sa kawalan. Hindi matahimik ang isip ko dahil sa letseng kahon na 'yon.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad papunta sa silid kung saan ko nahanap ang mahiwagang kahon. Nasasanay na ang mga mata ko sa dilim ng Villa Vouganville kaya nakikita ko na rin nang maayos ang daan.

Pagkatapos alisin ang mga patong-patong na kahon, hinawakan na ng mga nanginginig kong kamay ang kahon na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga naging assistant ni Professor XV.

This is just research. That's right, what I'm doing is just part of my job.

Huminga ako nang malalim at sinilip na ang mga pahina. Noong una, akala ko'y nanlalabo lang ang paningin ko. Ngunit kinusot-kusot ko nang maigi ang aking mga mata at ganoon pa rin ang aking nakikita. Nakabungad ang larawan ng iba't ibang mga babae sa harapan ko.

And they all look like me.

***

NABITAWAN ko ang mga papel sa sahig dahil sa sobrang takot at pagkagulat. Lumantad ang mga litrato ng mga babaeng kahawig na kahawig ko.

Ang ilan ay mas singkit lamang nang kaunti, ang ilan naman ay medyo naiba lang ang hugis ng ilong, o 'di kaya'y may pagbabago lang sa kurba ng mga labi. Ngunit lahat sila ay may maliliit na diperensya lamang mula sa'kin, at hindi makakailang magkakamukha kami.

Seeing all those identical faces scattered on the floor gave me goosebumps. We all look like clones of each other.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" A low voice suddenly entered the room. "It's 5 fucking AM—"

Nahinto ang propesor nang mapansin niya ang mga nagkalat na papel sa sahig. Hindi rin siya agad nakapagsalita. Pinulot niya na lamang ang mga ito at ibinalik sa kahon.

"Go back to sleep," matipid niyang sabi sabay lakad paalis ng silid. Tila ba walang nangyari at wala siyang dapat ipaliwanag.

I mustered up the courage to follow the professor. Huminto ako sa harap niya para harangan ang kaniyang daan. "What the fuck was that, Xildius? Aren't you going to explain what I just saw?"

"Marami akong ginagawa, Fift. I'm busy as hell. Babalik na 'ko sa kuwarto para magtrabaho." Nilagpasan niya lang ako, ngunit hinabol ko ulit siya at marahas na hinila ang kaniyang mahabang manggas.

"Ano 'to, XV? Fucking answer me." Tinapat ko sa mukha niya ang ilang pirasong papel na dinakma ko mula sa kahon. "Mga guinea pig mo lang ba kami?"

Tiningnan niya ang mga papel at ibinalik sa'kin ang tingin. "Mukha ba kayong mga guinea pig?"

"Putang ina, Xildius! Hindi ako nakikipaglokohan!"

"Fifteen..." he said with a long sigh.

"Am I part of some fucking experiment?" Tumataas na ang boses kong naghahanap ng matinong paliwanag. "Am I just a fucking lab rat?!"

Nagpamulsa si Xildius sabay sandal ng kaniyang likuran sa pader. "I have no obligation to answer you, Fifteen. Go back to your room and sleep. That's an order."

"Ano kami? Anatomy project mo? Research study?" I scoffed with a sarcastic smile. "Oh, and I bet hindi lang katawan namin ang pinag-eeksperimentuhan mo. You're fucking using your expertise in psychology to fuck with our feelings too."

I folded my arms in front of my chest and kept on spouting my thoughts out loud. "I bet it's so easy for you to play with an innocent girl's feelings. Guwapo, mayaman, at ubod ng talino. Sino ba'ng hindi luluhod sa isang Professor Xildius Vouganville?"

"Fifteen, can you please calm down?"

"Sigurado akong planado mo ang lahat simula nang tumapak ako sa mansyong 'to." Sunod-sunod na litanya ng nanginginig kong boses, "Kalkulado mo na kung aling mga malalambing na salita ang imumutawi para mahumaling ako, kung gaano katagal ang pagtitig para matunaw ako sa ilalim ng mga mata mo, 'yang bawat pagdulas ng mga daliri mo sa balat ko... Alam na alam mo kung paano ako baliwin, kontrolado mo lahat."

"Kontrolado lahat?" Kumunot ang noo ng propesor. "If only you knew, Salustiana. I can hardly even control myself when I'm around you."

Hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya. Masiyado na akong kinain ng emosyon at tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita. "Tangina hindi na tayo grade one, XV! Eksperto ka sa psychology, 'di ba? Don't fucking tell me that you have no idea what you're making me feel."

"What am I making you feel?" Hinawakan nang mahigpit ni XV ang braso ko at tiningnan ako nang malalim. "Whether I have an idea or not, I still want you to tell me."

Nilapit niya ang kaniyang mukha, ngunit lumingon ako sa gilid para umiwas sa kaniyang mga labi. "I'm sorry. Hindi na 'yan gagana sa'kin, Xildius."

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at naglakad na 'ko papunta sa bungad na pintuan ng Villa Vouganville. Alam kong nagsisimula nang sumikat ang araw at hindi ako masusundan ng propesor sa labas.

"Where the fuck are you going, Fifteen?!" He raised his voice.

Hindi ako humarap sa kaniya. Hinawakan ko ang busol ng pintuan at nag-iwan ng mga salita bago umalis nang tuluyan.

"Outside... where I'm sure you have no control over me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro