CHAPTER 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


PARANG ambon na marahang pumapatak sa sahig, ganiyan ang tunog ng mga yabag ng propesor. Dahan-dahan, maingat, at nakakalma...ngunit mabibigla ka na lamang na nariyan na siya sa harapan mo.

"Salustiana."

Hawak-hawak ang walis, yumuko ako't inangat nang bahagya ang aking bestida. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa'king panginoong Xildius ngayong araw?"

Isang pitik sa noo ang kaniyang tinugon at hindi man lang siya ngumiti sa biro ko. "Kung may oras kang makipagbiruan, kunin mo 'to at dalhin doon sa gagong engineer na nakatira sa may bayan. Isingit niya kamo ito sandali. Nakalagay riyan ang address ni Xantiel."

Kinuha ko ang papel na inabot ng propesor. Isa itong detalyadong sketch na mukhang blueprint ng isang aparato.

Agad na nagningning ang mga mata ko. Matagal na kasi akong interesado na makita ang tinitirahan ng magaling na mekaniko ng Villa Vouganville. "Pupunta ako kay Xantiel? Nakaka-excite naman!"

Nang marinig ang aking reaksyon ay biglang napahinto sa paglalakad si XV at bahagyang lumingon sa direksyon ko.

"Umuwi ka agad."

Aba, napakasungit. Hindi ako informed na may curfew na pala ako.

***

PAGKABABA mula sa taxi ay isang modernong mansyon ang bumungad sa'kin. Kusang bumukas ang malaking gate, ngunit nag-alinlangan ito saglit at muling sumarado.

"Password?" mutawi ng boses ni Xantiel mula sa speakers na nakakabit sa gate.

"Uh, h-hindi ko alam. Walang nabanggit si professor sa'kin," sagot ko.

Narinig ko ang pagngisi ng mekaniko. "May Xantiel at guwapo sa iisang pangungusap."

Natawa ako sa kaniyang kapilyuhan. Kumpiyansang binigkas ko ang aking sagot, "Fine... Si Xantiel ay guwapo. Okay na?"

Akala ko ay nakuha ko naman agad ang sagot, kaya nagulat ako nang sabihin niyang mali ito.

"Si Xantiel ay mas guwapo kay Xildius," sabi ng makulit na mekaniko. "'Yan ang password. Pero sige, dahil chicks ka ay papapasukin na kita."

Pagpasok sa loob ay nagbigay daan sa'kin ang mga bombilyang umilaw sa iisang gawi, tila ba sinasabi sa'kin na doon ako pumunta.

"Ang high-tech naman dito," bulong ko sa'king sarili.

Nagulat ako nang biglang sumagot si Xanti mula sa speakers. "Smart lighting system ang tawag diyan, kaya kong makontrol ang bawat ilaw sa mansyon."

Ano ba 'yan. Kahit bombilya, matalino.

"Konektado rin sa suot kong lapel ang bawat speakers sa iba't ibang sulok kaya naririnig at nakakausap kita," dagdag ng inhinyero.

Narating ko na ang kaniyang silid. Nakahiga si Xantiel sa ilalim ng isang makina at may kinakalikot doon. Ang buong kuwarto naman ay punong-puno ng mga kung ano-anong tools at equipments.

"Xanti, saan ako dadaan?" wika ko habang sinusuri ang sahig na hindi ko na makita dahil sa dami ng kalat. "W-Wala na akong matapakan."

"Ako na lang ang tapakan mo," hirit ng pilyong mekaniko na nagpakita na rin sa wakas. Madungis ang mukha ni Xantiel ngunit hindi kayang takpan ng mga langis ang kaniyang kaguwapuhan.

"Pinapabigay nga pala ito ni professor," aking saad sabay abot ng papel na naglalaman ng sketch na gawa ni XV.

Tumaas ang kilay ni Xantiel at naaninag ko ang kaniyang mapuputing ngipin sa laki ng kaniyang ngiti. "Aba! Tsina-challenge talaga ako ni Xildius. Sige, pakisabi na kaya ko itong tapusin agad bukas."

"Arf! Arf!"

Nagulat ako nang may pumasok na aso sa silid. Lumapit ako para amuhin ito, ngunit lalo akong nabigla nang mapansing hindi ito totoong hayop, kung 'di isang makina.

"Fift, meet Xild. Isa siyang aso na gawa sa pinagsamang robo-vacuum at air multiplier. Para kahit saan siya pumunta ay nililinis niya na rin ang sahig at hangin," paliwanag ng henyong mekaniko.

Napakurot ako sa pagitan ng aking dalawang kilay dahil sa sobrang dami ng impormasyon. Mas nakakadugo pa palang kausap itong si Xantiel kaysa kay Xildius.

"Efficient, 'di ba? Tipid pa sa dog food dahil hindi ko na kailangang pakainin," patuloy ni Xanti. "Good boy, Xild! Good boy!"

***

TUMAGAL ako sa mansyon ni Xanti dahil binigyan niya ako ng tour sa kaniyang high-tech smart home. Manghang-mangha ako sa mga ginawa niyang mekanismo sa bawat sulok.

Hindi ko tuloy namalayan na ginabi na pala ako nang makabalik sa Villa Vouganville. Pagpasok sa pintuan ay nakaramdam ako ng madilim na presensya sa'king likuran.

"Who takes three fucking hours just to deliver a letter?"

Kinilabutan ako nang marinig ang kumukulog na boses ni XV na nakaabang pala sa'kin sa may pinto.

"M-May pasalubong naman ako mula kay Xanti!" Inangat ko ang supot na naglalaman ng hapunan namin.

Hindi pinansin ng propesor ang dala ko. Lumapit siya nang sobrang lapit—halos magtama na ang ilong naming dalawa.

"Ten years na nanirahan si Xanti rito kaya kabisado ko na siya. Makalat, matakaw, at malakas humilik," sunod-sunod na usal ni Xildius. "Hindi mo kakayanin. Paminsan ay hindi pa naliligo."

Kinuha na ng propesor ang hawak kong supot at naglakad na paalis. Naiwan akong nakakunot ang noo dahil sa sobrang pagtataka. Ha? Bakit kailangan niyang sabihin ang mga 'yon?

***

NAKARINIG ako ng ingay na nanggagaling sa kuwarto ni Professor XV kinabukasan. Nagtaka ako dahil nakarinig ako ng mga nagsasalita. Nakita kong nakauwang ang pintuan kaya sumilip ako kung sino ang bisita.

Nakita kong naroon pala si Xantiel na may lapis sa ibabaw ng kaniyang nguso at may pinapakitang modelo ng isang aparato sa propesor. Napansin kong medyo busy silang dalawa kaya nagpasya akong maghanda ng puwede nilang makain.

"Kailan mo 'to sinimulan? Minadali mo na naman, 'no?" angal ni Xildius sa kaniyang kaibigan.

"Hehe, kanina ko lang ginawa," napapakamot sa ulo na sagot ni Xantiel. "At least, natapos!"

"Huwag na kayong mag-away riyan." Nagdala ako ng mga maliliit na clubhouse sandwich pagpasok sa silid ng propesor. "Kain na kayo ng merienda!"

"Kinse, ikaw pala!" pagbati ng binatang mekaniko. Pinakita niya sa'kin ang dalawang kamay niya na sobrang dumi. "Thank you sa food! Kaso, paano ko kakainin? Baka puwede mo 'kong subuan—"

Biglang may ligaw na lapis na tumama sa mukha ni Xantiel.

"Sorry, dumaplis," dahilan ni XV na nakaupo sa kaniyang sofa at nakasalumbaba, "I was aiming for the trash can behind you."

Sabay kaming lumingon ni Xantiel doon sa trash can na napakalayo naman ng puwesto. Dumaplis? Eh, asintado niya ngang maigi ang mga balloon sa perya.

"Tara na, Fift. Baka dito pa 'ko ilibing." Kinuha ni Xantiel ang aparato at hinatak ako palabas. "Professor! Isasama ko si Fift, ah?"

Napatingin ako kay Xildius na hindi naman umangal nang itakas ako ni Xanti palabas ng Villa Vouganville. Sumakay kami sa kaniyang kotse at pinaandar na niya ito.

"Saan tayo pupunta?"

"You'll see," sabik na sagot ni Xantiel. "Get ready to be amazed by the genius XV-Xanti combo."

***

ISANG ospital ang aming pinuntahan, pamilyar sa'kin ito dahil dito tumutuloy ang aming nakaraang kliyente na si Mr. Halsen. Ang dating key witness na nagbunyag kung saan nagtitipon ang mga kriminal.

"The professor found out that Mr. Halsen's blindness is only temporary. Ang pansamantalang pagkabulag niya ay sanhi ng matinding shock sa naranasan niyang pag-torture sa kaniya," salaysay ni Xanti habang naglalakad kami papunta sa kuwarto ng dati naming witness. Naalala ko tuloy ang mga dinurog na buto at pinutol niyang dila.

"Through consistent therapy sessions and medical examinations, he was able to recover," dugtong ng kasama kong mekaniko.

"Talaga?" Napalitan ng tuwa ang lungkot sa'king mga mata nang marinig ang mabuting balita.

Pagpasok namin sa silid ay nakita kong lumingon sa'min si Mr. Halsen. Naantig ang puso ko nang makitang ngumiti ang kaniyang mga mata. He can finally see me.

Lumapit agad ako at bumati sa kaniya. "Mr. Halsen, nice to see you again!"

"Hindi pa rin siya nakakarinig at nakakasalita, Fift." Ginulo ni Xantiel ang buhok ko. "But I'm sure he knows that you're happy to see him."

"So ibig sabihin, ang ginagawa niyo ni professor ay..."

Nilabas ni Xantiel ang aparatong pinakita niya kanina sa kuwarto ng propesor. Ngayon ko lang ito napagmasdan nang malapitan. Mukha itong salamin sa mata na may nakakabit na maliit na screen sa harapan.

"Nang malaman ng propesor na nakakakita na ulit si Mr. Halsen, gumawa siya ng mabilisang disenyo kung paano siya makakapagkomunika muli sa mga tao. Hindi kasi lahat ay marunong ng morse code, at mahirap kung palagi na lang siyang kukurap."

Inalalayan ko si Mr. Halsen habang isinusuot ni Xanti ang device sa paligid ng mata ng pasyente.

"This is a pair of eye-tracking goggles with an anti-radiation filter. Just by looking at the letters on the screen, he can create sentences that are automatically translated into a programmed voice. May kasama rin itong speech-to-text function na nakakapagsalin ng mga sinasabi natin sa kaniya para mabasa niya."

Lumapit ako at hinawakan ang balikat ng pasyente. Nagsalita ako upang masubukan ang ginawa nilang device. "Mr. Halsen, can you hear us?"

Kaming dalawa ni Xanti ay taimtim na naghihintay sa isasagot ng aming dating kliyente. Kinabahan ako dahil may katagalan bago siya nakapagsalita.

"T-Thank... y-you... F-Fift..."

Kusang tumulo ang aking luha nang marinig ang boses niya sa unang pagkakataon. Kahit galing lamang sa aparato ang narinig ko, naramdaman kong mula ito sa puso ng pasyente.

"Mr. Halsen! Yes, it's me, Fifteen! Nice to meet you again po! Nice to hear you po!" sabik na sabik kong bulyaw.

Natatawa si Xantiel habang hinihimas ang aking likuran para pakalmahin ako. "Chill ka lang, Kinse. Masiyado kang dire-diretsong magsalita. The machine takes time to autotranslate your speech. Dahan-dahan lang para hindi mabigla si Mr. Halsen."

"N-Nasaan... ang p-propesor..." mabagal na saad ng pasyente. "G-Gusto kong... m-magpasalamat..."

I gave him a bittersweet smile as a response. "He can't go out during the day, sir. But I'll make sure that your words will be delivered to him. I promise."

Naglakad si Xantiel papunta sa pintuan at nagsabi ng ilang mga salita na gumulat sa'min. "Mr. Halsen, what we are hearing is not just a robot sound—it's your actual voice when you were still able to speak."

Hinawakan niya ang door knob at nagpatuloy, "We worked with your family in order to collect previous recordings and clips of your voice... and we encoded every word into a speech program."

Binuksan niya ang pinto at pumasok ang mga kapamilya ni Mr. Halsen na nag-aabang pala sa labas. Naroon ang umiiyak niyang asawa at ang batang anak nila na nagmamadaling tumakbo papunta sa kaniyang ama.

"Daddy! Daddy! Is it true that you can hear me? Can you talk to me na?"

Tumulo ang mga luha sa mata ni Mr. Halsen nang makita ang kaniyang asawa't anak. Dahil dito ay nalito ang eye-tracking device. Napangiti ako at kumuha ng tisyu para punasan ang kaniyang mga mata.

"S-Salamat... F-Fift," sambit ng pasyente. "Anak, y-your dad can h-hear you... I love you, b-baby..."

Lumapit na rin ang asawa niya na yumakap maigi sa pasyente. "Mahal, sobrang na-miss ka namin ng anak mo. Sobrang nag-alala kami nang mabalitaan ang karumaldumal na ginawa ng mga kriminal na 'yon sa'yo..."

"Ang... importante... ay m-magkakasama na tayo, m-mahal ko..."

Mula sa malayo ay hindi ko mapigilang maiyak sa eksena sa'king harapan. Inakbayan ako ni Xantiel na tahimik ding naiiyak at napapasinghot habang pinapanood namin ang makabagbag-damdaming pagsasama ng pamilya.

***

HINATID na ulit ako ni Xantiel pabalik sa Villa Vouganville. Habang nasa biyahe ay sinaad ko ang aking pagkamangha. "Grabe, hindi ako makapaniwala na nakagawa ka ng gano'ng device. Henyo ka nga talaga, Xanti!"

"Thank you, Fift, but it was all Professor XV's idea. He was the one who worked on the prototype. Ako lamang ang naging kamay niya, at nag-apply ng kaniyang konsepto," sagot ng nagmamanehong mekaniko.

"Kung gano'n, iyon pala ang binigay kong papel sa'yo..." pagwari ko nang maalala ang pinapahatid na sulat ni Xildius kahapon.

Palihim akong namangha sa propesor. Iyon pala ang tinatrabaho niya sa loob ng kaniyang kuwartong palaging sarado. Gumagawa pala siya ng mga imbensyong makakatulong sa kaniyang mga kliyente.

"Even after their cases are solved, the professor still cares for his clients," nakangiting pagbida ni Xantiel. "Iyan ang kagalingan ni XV. Hindi lang utak ang meron, may puso rin siya, Fift."

I know that very well. Kaya nga hulog na hulog na ako, eh.

"Hay, oo na! Sige na, may puso na ang masungit na si XV!" pagsuko ko kay Xantiel na may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay.

"Hahaha! Kaya sobrang ginagalang namin siya ni Xalvien. Alam mo ba? Dati akong hacker. I steal information from major corporations and sell them everywhere," kuwento ni Xanti. "Kung hindi ko pa nakabanggaan ang propesor sa isang kaso, hindi magbabago ang buhay ko. He was the one who caught me, and he decided to help me redeem myself... even though I was a cyber criminal."

"Pero ngayon ay napakabuti mo nang tao, Xanti!" paalala ko sa kaniya. "Kanina lamang ay nakatulong ka sa isang ama para makapagkomunika muli sa kaniyang pamilya."

Huminto na ang kotse ni Xanti sa tapat ng Villa Vouganville. "Fift, tulad ng sabi ko sa'yo kanina, napakahalaga ng propesor sa'ming dalawa ni Xalvien. Kaya naman..."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at seryoso akong tiningnan sa mga mata.

"Fifteen, you can do something that both Xalvien and I cannot." He gave out a long sigh and continued, "The professor is suffering from a very dark and traumatic past... please, save him."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro