CHAPTER 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


HUMIHIKAB pa ako pagpasok sa kusina nang makita ko ang maliit na note na iniwan ng propesor sa kitchen counter.

We're running out of meat and vegetables. Buy some at the marketplace.

From,
XV

"Ano ako, katulong?" Inangilan ko ang hawak kong papel. Binaliktad ko nang mapansing may nakasulat din pala sa likod.

Kung hindi ka mamamalengke, ikaw rin ang walang kakainin.

From,
XV

Napairap na lamang ako dahil may punto siya roon. Pagkatapos maghilamos ay nagbihis na ako ng pang-alis. Dumaan muna ako sa kuwarto ng propesor para magpaalam. Kumatok ako sa kaniyang pintuan dahil nakasara na naman ito.

"Knock, knock. Aalis na po ako para mamili," aking wika sa tapat ng kaniyang pinto.

"Fift, hindi mo kailangang magpaalam sa'kin," sagot ng kaniyang mala-dagat sa lalim na boses. "Hindi naman tayo mag-asawa."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Aba, wala naman akong sinasabing gano'n! Nagmartsa na lamang ako palabas dahil sa sobrang pamumula.

Namili ako ng mga sariwang gulay at karne. Napapangiti ako dahil para nga akong asawa na namamalengke para sa pagkain namin sa bahay. Kinakagat ko na lamang ang labi ko para pigilan ang kilig.

"Meow?"

Isang matinis na tinig ang tumawag sa'king atensyon. Nahuli pala ako na ngumingiti na parang tanga ng isang maliit na puting kuting. Umupo ako para pantayan siya sa sahig at hinaplos ko ang malambot nitong balahibo.

"Hi, kitty. Secret lang natin 'yon, ha!" bilin ko rito. "Hindi mo ako nahuling nakangiti sa tapat ng mga gulay."

Tumayo na ulit ako at naglakad na pabalik sa mansyon dala-dala ang aking mga pinamili. Pagkarating sa gate ng Villa Vouganville ay nakarinig na naman ako ng matinis na tinig.

"Meow?"

"Ay, pusa!" Sinundan pala ako ng pusang nakita ko sa palengke.

Kinalong ko ito at napansing mukhang ilang araw na itong hindi kumakain. Naawa ako kaya naman dinala ko siya sa loob ng mansyon. Pinaghimay ko siya ng maliliit na piraso ng isda at pinakain ito sa kaniya.

"Ano kaya ang ipapangalan ko sa'yo? Hmm..." bulong ko sa pusa. "Ah! Kung Vivi kaya? I'll name you after the initials of Villa Vouganville. From now on, you are Vivi the kitty."

Hinihimas ko ang likuran ng mga tainga nito habang dinidilaan ni Vivi ang kaniyang paa pagkatapos makakain.

"Gusto mo bang tumira rito, Vivi? Ipagpapaalam lang kita sa may-ari ng bahay. Tulad mo, nakikitira lang din kasi ako rito."

Iniwan ko muna ang kuting sa kusina at dumako papunta sa kuwarto ng propesor. Sakto lamang na nakita ko siyang nasa labas na pala ng kaniyang silid, naglalakad papunta sa direksyon ko.

Nakabihis ang propesor ng mahabang kimono coat na umaabot hanggang sa kaniyang mga binti. Detalyado ang disenyong nakaburda sa tela nito kaya siguradong mamahalin ito. Suot niya ito sa ibabaw ng puting long sleeves at itim na pantalon. He looks so elegant and expensive. Tila gusto ko siyang sambahin.

"Fift? Tapos ka na bang mamili? Mukhang tumitingin ka pa ng karne, eh." Umangat ang sulok ng kaniyang labi nang mapansin ang matagal kong pagtitig sa katawan niya.

Tumikhim ako at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. "Y-Yes, my lord—este, professor."

"Ano ang almusal natin ngayong umaga?" Nilagpasan niya ako at nagpatuloy sa kusina. Hala, makikita niya si Vivi!

"W-Wait lang, professor!" Nagmadali ako para harangan ang kaniyang daan. "May ipapaalam lang ako sa inyo!"

Biglang pumasok sa kuwarto ang matinding liwanag mula sa bintana ng kusina. Paglingon ko sa likuran, nakaakyat pala ang pusa sa kurtina.

"Vivi!" Tumakbo ako papunta sa bintana para kunin ang pusa. "Vivi, are you okay—"

Biglang napaluhod ang propesor sa sahig habang tinatakpang maigi ang kaniyang mukha. "F-Fift, p-please... Isara mo ang b-bintana..."

Ginawa ko agad ang kaniyang utos at ibinalik ang pagkakasara ng kurtina. Nagulat ako dahil nanginginig ang propesor sa sahig at mahigpit na nakayakap sa kaniyang sarili.

"Professor? Are you okay?" Binitawan ko muna si Vivi at lumapit ako sa pinagpapawisang propesor. Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang noo niyang basang-basa. "Ano'ng nangyayari sa'yo?"

Tinuro ng kaniyang nanginginig na daliri ang aparador ng kusina. Hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang panlalamig at nerbyos. Pinuntahan ko ang aparador at binuksan ito. Nakita kong maraming gamot na nakalagay roon. Kinuha ko lahat at dinala sa kaniya.

Binuksan niya ang isa sa mga ito at sinubo sa bibig. Inabutan ko siya ng tubig na maiinom. "T-Tumawag ka sa n-numerong nasa tabi ng telepono..." hirap na hirap na bigkas ng kaniyang nanlalambot na boses.

Lumabas ako sa kusina at tumakbo papunta sa telepono. Tinawagan ko ang numerong nakasulat sa papel na nakaipit sa ibabaw ng mesa.

"H-Hello?" bungad ng aking nanginginig na boses. Natatakot ako at nag-aalalang maigi para sa propesor. Ito ang unang beses na makita ko siyang nagkakagano'n. Kasalanan ko ito. Hindi ko alam na allergic pala siya sa pusa.

"XV?" sagot ng boses ng lalaki mula sa kabilang linya. "XV, ikaw ba 'yan? Ano'ng nangyari?"

"A-Assistant ako ni professor," pakilala ko sa lalaking sumagot ng tawag. "Nanginginig siya at p-pinagpapawisan nang malamig. It's all my fault, nagdala kasi ako ng pusa sa mansyon!"

"Pusa?" Narinig ko ang saglit na pagtawa ng kausap ko. "Give me thirty minutes, I'll head over there. For now, go back to XV's side and try to calm him down."

Ibinaba niya na ang linya. Bumalik ako sa propesor at naabutan siyang nakahiga sa sahig, yakap-yakap ang sarili na tila giniginaw.

Umupo ako sa tabi niya at inangat ang katawan niya. Hiniga ko ang kaniyang ulo sa ibabaw ng aking kandungan. I carefully caressed his wet hair as he rested on my lap. Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya.

Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. I didn't expect him to hold my hand back—he slid his long shivering fingers in between mine, as if he was clinging on to the warmth of my hand.

Hinigpitan ko ang kapit sa nanginginig niyang kamay. "Don't worry, professor... I'm here with you. Hindi ka nag-iisa. Narito lang ako para sa'yo."

Ganito ba talaga ang epekto ng allergy sa pusa? Bakit parang kakaiba ang reaksyon ng propesor? Sana ay makarating na agad ang taong tinawagan ko kanina.

Pagkalipas ng tatlumpung minuto ay may kotseng pumarada sa labas ng Villa Vouganville. Bumukas ang pintuan at naramdaman kong may pumasok sa loob. Kung sinoman ito, mukhang may sarili siyang susi sa mansyon.

"Dito kami sa kusina!" hiyaw ko para malaman niya kung nasa'n ang propesor.

"Wow, now that's quite a sight," bungad ng lalaking mukhang ka-edaran ko lamang. Nakasuot siya ng white coat na tulad ng mga sinusuot ng doktor. "Kunin ko muna si XV sandali, ha? Dalhin ko lang sa kuwarto niya."

***

PABALIK-BALIK ako ng lakad sa tapat ng pintuan ng propesor habang nag-aabang ng balita tungkol sa kaniyang kalagayan. Halos isang oras din ang aking hinintay, at lumabas na rin sa wakas ang lalaking bagong dating.

"Kumusta ang propesor? Ayos lang ba siya?" nag-aalala kong tanong.

"Nagpapahinga muna si XV, kasalukuyan siyang natutulog." Kinumpas niya ang kaniyang kamay para yayain ako papunta sa sala. Sumunod naman ako sa kaniya.

Umupo kami sa sofa, at nagsimula na siyang magpakilala. "My name is Xalvien. Ako ang kaisa-isang pinagkakatiwalaang doktor ni XV."

Nagtaka ako sa kaniyang pangalan. Malapit kasi ito sa pangalan ng propesor na Xildius Vouganville. "Magkapatid ba kayo ni professor?"

Tumawa muna siya nang malakas bago sumagot. "How I wish, but no. We're not siblings."

Napunta ang aking atensyon sa name tag na nakaburda sa kaniyang puting amerikana. 'Xalvien Vouganville' ang nakalagay roon kaya lalo tuloy akong nagtaka.

"Pero magkaapelyido kayong dalawa," banggit ko habang nakaturo sa pangalan niya.

"Ganito kasi 'yan. Isa ako sa mga dating kliyente ng propesor. Hinawakan niya rin ang aking kaso," paliwanag ni Xalvien.

"Long story short, I have no name and no family. I'm an orphan who grew up in the streets without a name. Nabalitaan ko ang tungkol sa propesor na humahawak ng mga ganitong klaseng kaso, kaya napadaan ako sa Villa Vouganville. He was able to find out who my family is—but it wasn't a very nice discovery..."

Ngumiti nang mapait si Xalvien at nakita kong napapakapit siya sa dulo ng kaniyang amerikana.

"Anyway, simula no'n ay kinupkop ako ng propesor. He gave me a name and a place to stay. Nanirahan din ako rito sa Villa Vouganville noon. XV was only 15 years old when he took me in, and I was 14 during that time." A melancholic smile appeared across Xalvien's lips.

"Biruin mo 'yon? Gano'n pa lang siya kabata ay kinupkop niya na ako at pinag-aral. And now, I'm a proud psychiatrist. Kinuha ko ang kursong ito dahil gusto kong magtanaw ng utang na loob sa propesor. I wanted to be his own personal doctor."

"B-Bakit kailangan ni professor ng isang psychiatrist?" kunot-noong tanong ko. "Hindi ba't psychiatrist din naman siya?"

Tumawa ulit si Xalvien habang tinatapik ang aking balikat.

"Psychiatrists need their own psychiatrists too. Doctors need their own doctors as well, especially when they get sick. Lalong lalo na ang isang tulad ni XV. Ikaw ba naman ang mag-handle ng mga kaso ng abusers at serial killers araw-araw, hindi mo ba kakailanganin ng doktor?"

I was such a fool for thinking that the professor could handle everything by himself. Of course, even a strong-willed genius like him needs help from time to time.

"Pasensya na talaga, Xalvien," nakangusong paumanhin ko. "Hindi ko talaga alam na allergic siya sa pusa."

Tumawa na naman siya, ngunit mas malakas naman ngayon at halos maiyak na siya sa paghalakhak.

"A-Ano'ng nakakatawa?"

"Hindi allergic sa pusa si XV," paliwanag ni Xalvien. "Nagkaroon siya ng anxiety attack dahil sa pagbukas niyo ng bintana, nakuwento niya sa'kin ang nangyari."

Dahil sa pagbukas ng bintana? Napalingon ako sa mga bintana sa'ming likuran. Naalala kong lahat ng mga bintana sa mansyon ay nakasara at maiging natatakpan ng malalaking kurtina. Tila ba ayaw magpapasok ng kahit katiting na liwanag mula sa labas.

"Bakit ayaw ng propesor sa liwanag?" Siningkit ko ang aking mga mata at lumapit kay Xalvien. "Don't tell me, b-bampira nga ang propesor?"

Napaangat ako ng kilay dahil humalakhak na naman si Xalvien. Ano ba 'yan, kanina pa siya tawa nang tawa. Kulang na lang sisingilin ko na 'to ng bayad, eh.

"Vampires don't exist, miss." Sumandal siya sa sofa at tumingala sa kisame. "XV is suffering from heliophobia. It's a tremendous fear of sunlight. Kaya hindi lumalabas ng mansyon ang propesor."

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko 'yon alam. Kaya pala hindi sumasama ang propesor kapag pinupuntahan namin ang mga bahay ng kliyente. Kaya niya rin pala ako inuutusang mamalengke. Akala ko pa naman ay sadyang palautos lang siya.

"Matagal na ba siyang may heliophobia?" My curiosity about the professor was killing me.

Tumayo bigla si Xalvien at kinuha na ang kaniyang mga gamit. "I'm sorry, that's all that I can say for now. After all, XV is my patient. I need to abide by our doctor-patient confidentiality."

Nagbilin na ang doktor at nagpaalam. Tumayo na rin ako para ihatid siya sa may pintuan.

"By the way, you haven't told me your name," pahabol ni Xalvien bago umalis. "What's the name of XV's lovely assistant?"

Ngumiti ako sa kaniya at nagsabing, "Fift. My name is Fifteen Salustiana."

Namilog ang mga mata't bibig ni Xalvien, na sinundan ng isang malaking pagngiti. "That's interesting. XV is the roman numeral for fifteen... Baka kayo pala talaga ang para sa isa't isa."

Iniwan na ako ng doktor at sumakay na siya sa kaniyang kotse. Napako ang mga paa ko sa sahig habang pinapanood ang pag-andar ng kaniyang sasakyan.

XV is the roman numeral for fifteen... Panay ulit sa utak ko ng mga binitawan niyang salita. Hinawakan ko ang aking pisngi at halos mapaso dahil sa sobrang init nito. Baka kayo pala talaga ang para sa isa't isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro