CHAPTER 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"UTANG na loob, nasa panganib ang anak kong babae! Kailangan ko ang tulong niyong sagipin siya!" natatarantang bigkas ng kliyente sa harap ko.

Nabitawan ko ang hawak na lapis at agad na lumapit sa kaniya. "Sir! Nasa'n po ang anak niyo? Tara, puntahan na natin siya ngayon!"

Lumitaw ang matinding panlulumo sa mukha ng kliyente, bumagsak ang kaniyang katawan sa upuan at sinubsob niya sa mga palad ang kaniyang ulo. "H-Hindi ko maalala... Hindi ko m-maalala kung saan..."

Kinuyom niya ang kaniyang mga kamay at sinabunutan nang mariin ang kaniyang buhok. "W-Wala akong kwentang ama... Nasa p-panganib ang anak ko, pero hindi ko maalala kung s-saan ito..."

Napatakip ako ng bibig at nakaramdam ng matinding kaba para sa bata. "Huwag po kayong mag-aalala, siguradong makakaisip ang propesor ng paraan! Pupuntahan ko siya ngayon din!"

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kuwarto ng propesor. Kinakalabog ko na ang sarado niyang pintuan dahil sa sobrang pangangamba. "Professor! Professor Xildius! May emergency po tayo! May batang nasa panganib!"

Biglang bumukas ang kaniyang pintuan kaya medyo nahulog ako paharap. Nasalo niya ang aking katawan at tumama ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

Pagtingala ko ay may tumutulo nang mga luha mula sa'king mga mata. "Please, XV... We have to help the little girl," kagat-labi kong hikbi.

"Nasaan daw ang bata?" kalmadong tanong ng propesor.

"Iyon ang problema, hindi rin maalala ng kliyente..." daing ng aking namamaos na boses. "XV, baka may alam kang paraan para maagapan natin ang bata."

"Ang unang-una mong dapat gawin ay hindi mag-panic," pabuntong-hiningang usal ni Xildius. "Calm down, Fift."

"P-Paano ako hindi magpa-panic?! May batang nasa panganib!"

Hinila niya ako papasok sa kaniyang kuwarto at pinaupo sa paborito niyang sofa. Akala ko ay siya lang ang maaaring gumamit nito, kaya nagulat ako na siya mismo ang nagpaupo sa'kin.

His chair felt very comfortable and soft. I can feel its smooth velvety texture from every part. Tila ba may sariling buhay ito na bumubulong sa'kin na kumalma at magpahinga.

"Panic causes an intense spike of anxiety, triggering the mind to react irrationally," Xildius stated in his usual serious voice. "When in fact, we should remain calm so that our brain can process the situation."

"W-What do you want me to do, then? Bawat segundong lumilipas ay pagkakataon na nasasayang! Baka mapaano na ang anak ng kliyente!" singhal ko.

"Relax, Fift. Tell me what triggered the client's memory," he instructed.

"L-Larawan ng isang manika at isang apoy," ulat ko.

"Ako na muna ang bahala sa kliyente," saad ng propesor. "Pumunta ka sa mga palimbagan, collect all the newspapers that were published ten years ago."

"T-Ten years ago?" Kusang kumunot ang aking noo. "Para saan? At makakahanap pa ba ako ng mga diyaryong gano'n kaluma?"

"Yes. Publishing houses are required to keep archives of past newspapers for historical purposes," paliwanag ni Xildius. "Bilisan mo, bumalik ka agad dito kapag naipon mo na sila."

Hindi ko alam ang dahilan sa likod ng kaniyang nakakapagtakang utos, ngunit sigurado akong may naiisip na solusyon ang propesor. Nagtitiwala ako sa kaniyang kakayahan, kaya naman nagmadali akong bisitahin ang iba't ibang mga palimbagan.

***

INABOT ako ng dalawang oras bago nakabalik sa mansyon. Nakita kong pinatulog muna ng propesor ang kliyente sa isa sa mga guest rooms ng Villa Vouganville.

Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa, ngunit baka para na rin ito sa ikabubuti ng nag-aalalang ama dahil mukhang ilang araw na itong hindi natutulog.

Ibinagsak ko ang mabigat na tore ng mga diyaryo sa harapan ni Professor XV. Hinati niya ito sa dalawa at sinabihan akong tulungan siyang maghanap ng isang artikulo.

"Pero, ano nga ba'ng hinahanap natin, professor?" sambit ko habang sinusuri ang mga nakakalat na diyaryo sa sahig.

Hindi siya sumagot. Nakita kong seryosong-seryoso ang ekspresyon sa kaniyang mukha habang binabasa nang mabilis ang mga artikulo. So this is how the professor looks like when he's in full concentration.

"Saw it." Inangat niya ang isa sa mga diyaryo at tinapat ito sa harap ko.

Napanganga ako nang mabasa ang isang balita tungkol sa limang-anyos na batang babae na namatay sa isang pagsabog ng pabrika ng gasul. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang malaman na palihim pala itong sumakay sa truck ng ama na bumiyahe papunta sa nasabing pabrika.

Nagkaroon ng gas leak at sumabog ang buong gusali. Nasaksihan daw ng ama ang pagkasunog ng sarili niyang anak. Simula noon ay nagkaroon na raw ito ng problema sa pag-iisip. Tila nahulog ang puso ko sa sahig nang makita ang larawan ng ama—ito ang kliyenteng kausap ko lamang kanina.

"Tulong! Tulong! Nasa panganib ang anak ko!" Isang nagmamakaawang boses ang narinig namin mula sa labas ng kuwarto.

Pagsilip namin ay nagising na pala ang kliyente at paikot-ikot na ito sa buong mansyon. "Saklolo! Kahit sino! Parang awa niyo na, kailangan ng anak ko ang tulong niyo!"

Nanghina ang aking mga tuhod at napaluhod ako sa sahig dahil sa sobrang hinagpis. Napahawak ang mga palad ko sa malamig na sahig kung saan sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha.

"Fifteen, go back to my room. This is too much for you to handle," sambit ni Professor Xildius na naglakad na papunta sa nagwawalang kliyente.

"Sir, we know where your daughter is," bungad ng propesor pagharap sa lalaking nagdadalamhati. "Dadalhin ka namin bukas sa kaniya. Pero sa ngayon, kailangan niyo po munang magpahinga."

"Propesor! I-Ikaw ba 'yan?!" nakangiting wika ng kliyente. "Professor XV! Ikaw nga! Sabi nila sa'kin ay magaling ka raw. Tulungan mo ang anak kong—"

The professor held the frantic father's shoulders and caressed his back to calm him down. He was about to guide him back to the guest room when he paused his steps.

"Fifteen, alam kong hindi ka pa rin nakakabalik sa tamang huwisyo," saad ng nakatalikod na propesor, "pero bukas na bukas ay samahan mo ang kliyente. Pasensya ka na at hindi kita masasamahan."

Narinig ko ang mga mahihinang yabag ng propesor na palapit nang palapit sa akin. Dahil nakatingin pa rin ako sa sahig, ang sunod kong nakita ay ang kaniyang mga sapatos na nasa tapat ko na.

Lumuhod ang propesor para pantayan ang aking paningin. Gamit ang likuran ng kaniyang daliri, pinunasan niya ang isang butil ng luha na nakatakas mula sa'king namumulang mata. "I mean it, Fift. Pasensya ka na at hindi kita masasamahan..."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang nilapat ang kaniyang noo sa'king noo. Ang sunod ko na lamang na narinig ay ang mahina niyang pagbulong. "If only I could... I would go with you. I wouldn't let you be alone out there."

I bursted into tears and sobbed loudly, with my forehead resting on the professor's forehead. I wailed and wailed all night, but XV was kind enough to let me be—to let me cry out loud.

***

"SIR, tara na po at dadalhin kita sa inyong anak," nakangiting bungad ko sa kagigising lamang na kliyente namin.

Lumipas na ang gabi at umakyat na ang araw. Sinamahan ko ang kliyente sa isang arkiladong sasakyan. Takang-taka ang kaniyang mukha, ngunit bakas pa rin ang pananabik na makikita na sa wakas ang hinahanap niyang anak.

Pagkarating namin sa lugar ay bumuhos na nang tuluyan ang mga luha ng kliyente. Lumuhod siya sa tapat ng puntod ng kaniyang anak at hinaplos ang malamig na lapida.

"D-Dolly, anak..." humihikbi nitong wika. "P-Pasensya ka na kung ngayon lang nakarating si daddy... H-Hindi tuloy kita nasagip sa tamang oras..."

Tiniklop ng ama ang kaniyang mga tuhod at idinikit ang kaniyang mga labi sa lapida. "Sorry I was late, anak... Sorry I couldn't save you..."

Hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak. Kinagat ko na lamang ang aking labi para hindi makatakas ang mga naipong hikbi. Isang oras din kaming nanatili sa sementeryo at hinayaan ko lang ang ama sa kaniyang paghapis.

***

MAG-ISA akong bumalik sa mansyon. Ibinalita ko na lamang sa propesor ang nangyari, at binanggit sa kaniya ang mga pasasalamat na iniwan ng aming kliyente.

Nakaupo ang propesor sa isang sofa at nagbabasa ng diyaryo habang nakikinig sa'king ulat. Kahit hindi man ito expressive na tao, naramdaman ko ang kaniyang tahimik na pakikiramay sa matipid nitong pagngiti.

"Pero, paano mo nalaman?" tanong ko nang ako ay nakapagpahinga na.

"It was obvious from the start that the father is suffering from memory problems," paliwanag ng propesor. "So the next thing that I needed to do was to find out which kind."

"Ha? May mga gano'n kang ginawa? Hindi ba't nasa kuwarto ka lang buong magdamag?" kunot-noo kong reaksyon.

"It was all thanks to my cute assistant who kept on drawing random doodles all night," he said with a smirk.

Namula agad ang aking mga pisngi. Did he just say cute? Ako? Hindi ko tuloy alam kung compliment ba 'yon o nang-aasar na naman siya.

"Fift, what do you know about amnesia?"

"Ang amnesia ay kapag hindi na maalala ng isang tao ang mga nakaraang pangyayari," sagot ko.

"No, that's not the only kind of amnesia. May klase rin ng amnesia na ang nakaraan lamang ang naaalala ng tao, at hindi na siya nakakagawa ng mga bagong alaala," patuloy ng propesor. "That's what our client had. He has anterograde amnesia, which was most likely caused by the traumatic incident of witnessing his daughter being burned alive."

"Pero paano mo napagkabit-kabit ang mga 'yon? Iyon ang hindi ko maintindihan," I asked with a confused look on my face.

"Dahil nga sa'yo, dahil naisip ng cute kong assistant na mag-drawing ng makopa," natatawa niyang dahilan.

Kanina pa siya paulit-ulit diyan sa 'cute' na 'yan, ha! Nasusubok tuloy ang galing ko sa pagpigil ng kilig.

"Oo nga pala, iyon ang nabanggit niyang nakain niya raw noong gabi bago siya bumisita sa Villa Vouganville," I replied with curious eyes. "Pero ano'ng kinalaman ng mga makopa sa kaso?"

"Imposibleng kagabi niya lang iyon nakain at kahapon lamang napitas. Iyong tinutukoy niyang pampublikong hardin ng mga makopa sa bayan, matagal na 'yong wala," he started to explain his conclusion.

"It was taken down ten years ago and was replaced by a commercial building," he added. "The meal that he was referring to? That was his dinner ten years ago."

"K-Kung gano'n, sinuwerte lang tayo sa na-drawing kong makopa?!" gulat na bulalas ko.

"Sinuwerte? Inutos ko lang 'yon sa'yo. Sinabi kong gumuhit ka ng iba't ibang mga bagay," pagyayabang ni Xildius. "It was thanks to me."

"H-Hoy! Wala kang sinabing gumuhit ako ng makopa! Makopa 'yon at hindi basta-basta prutas, hindi lang mansanas o saging!" pangongontra ko. "Kaya ako ang dahilan kaya na-solve natin ang kasong 'to. Sa'kin ka magpasalamat!"

Magkasabay na tumaas ang sulok ng labi at kanang kilay ng propesor. "So ano'ng gusto mo, raise?"

Napangiti ako at doon na tuluyang kinilig. "P-Puwede nga ba? Hihi."

"Alright. Madali akong kausap." Tumayo at lumapit sa'kin bigla ang propesor.

Napasandal ako sa pader nang dahan-dahan niyang iginuhit ang likuran ng kaniyang daliri paakyat sa kahabaan ng aking braso. Kasabay nito ay ang mainit na pagbulong sa sensitibo kong tainga. "I'll raise the hair at the back of your neck..."

Napapikit at singhap ako sa kaniyang ginawa. Halos matunaw ako sa lalim ng kaniyang kaakit-akit na boses. Tama nga siya, dahil nagtaasan ang mga balahibo sa'king batok.

Pagdilat ko ay nakita kong nakangiti siya nang malaki na tila ba tuwang-tuwa sa naging reaksyon ko. Tila ba iyon mismo ang reaksyong gusto niyang makita.

"See? Such a cute assistant," he remarked teasingly with the tip of his tongue peeking out from his smirk. "Very cute."

Nilagpasan niya na ako at bumalik na sa kaniyang kuwarto. Naiwan ako roon na nakasandal sa pader at may magulong buhok.

Damn it! I swear I won't fall for your tricks again. Buwiset na XV 'yan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro