Chapter 14: Heart Break

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Shiella Pov

Lutang ang isip ko dahil sa nakuha kong letter kahapon. Paulit-ulit kong iniisip kung anong dapat gawin tapos idagdag mo pa yung sinabi ni Janella talagang tumatambling na ang utak ko dahil naguguluhan na sya sa kung anong dapat gawin.

Mas magulo pa ang utak ko kesa sa buhok ko. Jusko!

Pagdating sa room sumubsob agad ako sa desk at ipinikit ang mga mata ko. Wala akong tulog na maayos.

He's letting go

Paulit-ulit pumapasok yan sa utak ko hindi ko tuloy lubos maisip kung anong dapat kong gawin.

Gusto kong kausapin sya pero ayaw makipag-cooperate nga katawan at bibig ko.

Ayokong mawala sya pero ayaw gumawa ng paraan ng puso ko.

I was too thorn between my past and my love for him.

Nang tumuwid ako ng upo may naglapag ng paper bag sa lamesa ko. Tiningnan ko kung sino yun at nakita ko sya.

"Kumain ka muna, mahirap mag-isip pag-gutom ang tiyan."

Pagkatapos nyang sabihin yun umalis na sya bigla.

Napatitig ako sa paper bag. Nang dumating ang teacher inayos ko iyon at tinabi, ilang klase pa ang dumaan pero hindi parin sya bumabalik.

Break time na at naisipan kong buksan ang cellphone ko. Bubuksan ko na sana ang gallery ko ng mapahinto ako.

"Nabalitaan nyo na bang aalis na yung transferee?" Rinig kong tanong nung isang kaklase ko.

"Sino? Yung Valamerio?"

"Oo dai! Aalis na daw ei. Sayang nga kapapasok nya lang tapos mag-ta-transfer na naman."

Aalis na sya? For good?

Isinara ko ang cellphone ko at ibinalik sa bulsa ng palda ko.

Maya-maya natapos na ang break time at nagsimula ng magturo ulit ang mga teacher namin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit napapatingin ako sa bintana. Makulimlim ang langit, mukhang nagbabadyang umulan.

Ilang oras pa ang lumipas at nag-uwian na. Nagpaalam ako kanila Janella na hindi muna sasabay dahil gusto kong mapag-isa.

Pumunta ako sa locker ko at inilagay ang gamit ko except sa cellphone saka ako naglakad sa grounds. Naupo ako sa bench at pinagmasdan ang paligid ng magsimulang pumatak ang ulan.

Nakaramdam ako ng kilabot ng bumagsak ng tuluyan ang malakas na ulan. Napapikit ako at mahigpit na napahawak sa kinauupuan ko.

------------

"Ma sorry...." Nanginginig ang mga kamay ko. Basang-basa ako ng ulan pero wala akong pakealam.

"Sorry...ma...kung alam ko lang sana hindi ko na lang sya minahal...sana hindi ko na lang hinayaang mapasok sya sa mundo ko...kung sana hindi ko sya minahal hindi magkakaganito..sana wala sana si Shelly dyan.."

Niyakap ako ni Mama.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanang nawala ang kapatid mo, hindi mo kasalanan ang kinahinatnan ng pamilya natin...nagtiwala at nagmahal ka lang walang mali doon."

"P-pero kasalanan ko...kasalanan ko...kung saan maaga kong nalaman hindi ganito ang mangyayare.."

---------

"S-shelly s-sorry...."

Kinagat ko ang labi ko kasabay ng paglandas ng luha ko.

"Shiella..."

Napatingala ako ng marinig ko ang boses nya. Nakatayo sya sa harap ko habang pinapayungan ako.

Pakiramdam ko bumalik lahat ng galit sa puso ko ng makita ko sya ngayon.

Tumayo ako at itinulak sya palayo sakin.

"S-shiella."

Nanginginig ang mga kamay ko.

"Z-zav....pano mo nagawa yun? Pano mo nagawang patayin ang kapatid ko?! Pano na atim na pahirapan ang mga magulang ko. Pano?!"

Namutla sya bigla at hindi nakapagsalita.

"Pinagkatiwalaan kita...ipinagkatiwala ko sayo lahat pati ang puso ko pero ganun lang ang ginawa mo. Ayos lang sana kung ako lang pero yung kapatid ko pa ang nadamay! Tatlong taong gulang zav! For Pete's sake! Tatlong taong gulang lang si Shelly pero nagawa mo syang pabayaan! Hinayaan mong patayin sya! Pinatay mo sya!"

Bumagsak ako sa lupa.

"S-sorry...hayaan mo muna akong magpaliwanag..hindi ko ginusto ang mga nangyare, naipit ako sa sitwasyon, naging duwag ako..."

Umiyak lang ako..

Kumikirot ang puso ko sa tuwing naalala ang nangyare. Kumikirot sa sakit ang puso ko sa tuwing maaalala ang kapatid ko.

"S-sorry...sinubukan ko namang iligtas sya pero hindi ko nagawa...na duwag akong ipaglaban ka. Hinayaan kong kontrolin ako ng mga magulang ko. Hinayaan kong gamitin nila ako para masira ang pamilya mo..S-sorry..."

"Sorry? Bakit mababalik ba nyan lahat ng iniluha ng mga magulang ko? Bakit pag-tinanggap ko ba yang sorry mo babalik pa samin si Shelly? Di ba hindi?! Hindi mo alam kung gano kasakit makitang araw araw umiiyak si Mama dahil wala na si shelly! Hindi mo alam kung gano kahirap makitang mahirapan si Papa kaiisip kung pano iraraos ang isang buong araw mabuhay lang kameng tatlo!"

Hindi sya nakapagsalita.

"Hirap na hirap na ako zav. Gulong gulo na ang utak ko! Gustong gusto kitang patawarin pero sa tuwing nakikita kita naaalala ko ang lahat ng paghihirap na dinanas ng pamilya ko."

Pinunasan ko ang mga mata ko.

"Now tell me pano kita mapapatawad kung ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang pinakamahalagang kayamanan ko. Tell me mali bang magalit ako sayo?!"

Umiling sya.

"I'm sorry...hindi ko na ipipilit, sorry kung nasaktan kita...sorry sa lahat ng kasalanang ginawa ko..sorry sa lahat ng pagdurusa mo.."

Lumapit sya sakin.

"Siguro nga hindi na sapat na dahilan na mahal kita para bumalik ka pa sakin pero gusto kong malaman mo na bumalik ako hindi para saktan ka ulit pero para ayusin yung mali ko. Bumalik ako para malaman mo na mahal na mahal parin kita at hindi nagbago yun."

Hinalikan nya ako sa noo.

"I'm letting go dahil ngayon alam ko na na hindi ako pwedeng mag-stay dahil patuloy ko lang mauungkat ang bagay na naging dahilan ng pagdurusa mo. I love you and this would be the last time na kukulitin kita but please promise na palayain mo na ang sarili mo, piliin mo ng maging masaya." Sabi nya saka pinunasan ang luha ko at pinahawak sakin yung payong nya saka naglakad palayo.

Napahagulgol na lang ako habang pinapanood syang maglakad palayo.

Siguro nga hanggang dito na lang..

Hindi na pwedeng maging kame ulit dahil masyado ng masakit.

Siguro tama ngang magkahiwalay na kame ng tuluyan dahil baka paulit-ulit lang kameng magkasakitan.

Ako na nasasaktan sa tuwing nakikita sya at Sya na nasasaktan sa tuwing itinutulak ko sya palayo.

Siguro nga tama si Janella, na may parte sa akin na napatawad ko na sya pero hindi ko pa kayang aminin sa lahat dahil nandun pa rin yung sakit na nagpipigil sa akin na tuluyan na syang patawarin.

Mahal ko sya pero hindi sapat yun para sumugal ulit ako at magtiwala sa taong naging dahilan kung bakit nagdusa ang buong pamilya ko at namatay ang pinakamahalagang kayamanan ko, ang kaisa-isang kapatid ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro