Chapter 17: Surprise

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Two days before my birthday nagulat ako ng biglang umabsent ng halos sabay-sabay silang lahat.

Si Kuya ayun nasa bahay may sakit.
Si Maria isinama ng Mama nya out of town.

Si Princess masakit daw ang lalamunan at walang boses.
Si Kris tinatamad daw sya. (Pinilit ko ayaw nya talaga pumasok.)

Si Kristel may dinner daw sya sa isang friend kaya technically kailangan nyang umabsent (business purposes daw ei.)
Si Kennedy na kababalik lang sa school. Bumalik ng hospital magpapacheck-up daw ulit sya.

Si Erick at Erich hindi sinabi kung bakit sila absent. Personal reason daw. (Soon daw nila ia-announce.)

Si Winston sinamahan si Barbie sa mall (umabsent talaga sya para doon.)
Si Andrei nasa farm daw sya nila (Nautusan daw sya ng papa nya.)

Si Ana mag-eempake daw sya para sa pag-alis nila (out of the country naman.)
Si Jerome nagpaalam na uuwi daw ng province saglit.

Si George naman inaalagaan yung anak ng kapatid nya (which is pamangkin nya na isinunod sa pangalan nya.)
Si Nicky ka-skype si Kuya Rio kaya ayun umabsent (Minsan lang daw ei.)
Si Shiella kailangan nya daw mag-general cleaning sa bahay nila.

Galing nila noh? Nagkasabay-sabay sila at iniwanan ako.

Samantalang si Carlos hindi ko mahagilap. Ang last na nagkita kame ay yung tumambay sila sa bahay at nagbake ako at ang last text nya nung nakaraang araw pa.

Saying: 'Misis mawawala ako ng ilang araw, may aasikasuhin lang akong importante. I love you.'

Tapos ayun wala ng paramdam.

Napasimangot na lang ako paglabas ng room. Dismissal na at mag-isa nga lang akong naglalakad dahil---well--mukhang pinagkaisahan ako at lahat sila absent.

Pag-liko ko sa hallway nagulat ako ng may sumulpot na estudyante.

"Ms. Janella." Tawag nya saka inabot sakin ang isang red paper.

"Para sakin?" Kunot noong tanong ko.

Tumango sya, nagpatuloy sa paglalakad. Dalwang babae pa ang nag-abot sa akin ng red paper saka iminumuwestrang tumuloy ako sa paglalakad.

Yung totoo anong nangyayare?

Nang tumapat ako sa isang room may lumapit na apat na lalake saka nag-abot ng tig-iisang red rose saka binati ako ng advance Happy Birthday.

Kunot man ang noo ko tinanggap ko na lang at nagpasalamat ako.

Pagbaba ko ng hagdan muntik akong madulas ng magulat ako.

"Kuya!" Ngumiti sakin si Kuya saka lumapit. "Maria?" Takang tawag ko ng makita sya. Ngumiti din ang babae.

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Sicret." Sabi nila saka inabutan ako ng dalwang red roses at iginiya ako patuloy sa second floor saka pinaalalahanang dumaan sa hallway.

Sinunod ko ang sinabi nila at naabutan ko si Princess at Kris sa isang room.

Agad silang lumapit sakin at hinila ako papasok doon.

"Ano bang meron?" Takang tanong ko.

Ngumiti sila. "Basahin mo ang unang red paper na natanggap mo." Sabi ni Princess saka hinawakan muna ang mga hawak ko.

"Alin dito?"

"May number yan."

Tiningnan ko at binuklat ang paper na may #1 sa gilid saka binasa.

#1 Open the box :)

"Anong box?" Tanong ko ng biglang lumapit si Kris na may bitbit na red box.

"Open it." Sabi nya.

Binuksan ko yun at nagulat ako sa laman nun.
Yung favorite kong cd's

Napatingin ako ulit sa hawak kong paper saka tiningnan ang likod nun.

Hi. I know how much you love music that's why that's my number one gift.

Kung may mga pagkakataong makaramdam ka ng lungkot patugtugin mo ang mga yan at ipapaalala nyan sayo kung gaano kita kamahal.

"Oh sya tama na yan. Proceed na us." Sabi ni Kris

Kinuha nila sakin yung box saka inabot yung walong red roses kasama ata yung hawak nila kanina pagpasok ko.

Sinamahan nila ako sa kabilang room at naabutan namin si Winston na nakaupo sa silya kaharap si Barbie.

"Sa wakas dumating ka din." Bungad ni Winston na halatang bored na.

"Hi Janella!" Nakangiting bati ni Barbie.

Binati ko din sya. Lumapit sila sakin at inabot yung bulaklak. Inabutan naman ako ni Princess ng isang red paper na may #2. Binuklat ko yun.

#2 Open the curtain.

Inilapit nila ako sa may pisara at sila na ang humila ng kurtina.

Tumambad sa harap ko ang napakaraming pictures. Biglang lumiwanag ng husto ang buong room at napanganga ako sa nakita ko.

Puno ng maraming pictures at letters ang room.

Tiningnan ko ang likod ng papel.

Hello to the most gorgeous woman I love. I made that for you. Dahil gusto kong maramdaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin.

Iniabot naman sa akin ni Kris ang huling paper.
Binuklat ko yun.

#3 Open the window.

Ako na ang lumapit sa may bintana at binuksan yun. Napaatras ako ng maraming pulang lobo ang lumipad.

Tiningnan ko ang likod ng paper.

Hey Misis. Tumingin ka sa ibaba at makikita mong nandito lang ako. Kahit gano kataas pa ang kabagsakan mo handa akong saluhin ka. Gano man kahirap mahal na mahal kita.

Tiningnan ko ang ibaba ng building at bukod sa nalula ako bigla. Nagulat ako sa nakita ko.

Hundreds or maybe thousands of students was there, standing while holding a big board saying ' I love you and I miss you Misis ko ' with a red heart.

"Hi Misis ko!" Rinig kong sabi nya sa Mic.

Nakatayo sya sa gitna ng mga estudyante sa gitna ng heart shape na petals.

"Tara baba na tayo." Rinig kong sabi ni Winston.

Sumunod ako at lumabas na kame ng room.

Sa hallway sumalubong samin sina Kristel, Kennedy at Andrei saka nag-abot ng bulaklak at sumama samin.

Pagdating sa hagdan bumungad si George habang may bitbit na bata, pamangkin nya ata. Lumapit sya at nag-abot din ng bulaklak saka sumama samin. Kinuha naman sa kanya ni Barbie yung bata at sila ni Winston ang nag-asikaso.

Pagdating sa first floor sumalubong si Shiella at Nicky kasama si...."Kuya Rio!" Sigaw ko saka ako tumakbo palapit sa kanya at yumakap.

"Hi insan. Alam kong na-miss mo ko pero unahin mo munang tapusin toh baka mabadtrip yung asawa mo."

"Alam mo?"

Tumango sya saka kinurot ang pisngi ko.

"Nagkausap kame."

Ibinigay nya sakin yung tatlong bulaklak na hawak nila saka kame naglakad palabas ng building. Bago makalabas ng grounds hinarang kame ni Ana at Jerome.

"Hephep!" Sabi ni Jerome

"Horaay?" Patanong na sabi ni Kris kaya binatukan sya nila George.

"Tama na nga yan." Saway ni Ana saka kinuha sakin yung mga bulaklak at isinama yung hawak nila ni Jerome saka ginawang bouquet at ibinalik sakin.

"Go! Puntahan mo na ang asawa mo." Sabi nila saka itinulak ako papunta sa grounds.

Nakasimangot na naglakad ako, napahinto lang ako ng biglang pumailanglang ang musika.

Sheeeet! This I promise you ng Nsync!

When the visions around you, bring tears to your eyes

Pakiramdam ko kinilabutan ako at nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa nangyayare.

And all that surrounds you, are secrets and lies

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero di ko sya makita. Wala na sya sa gitna ng heart shape.

I'll be your strength, I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone

Nag-stop ako sa mismong gitna ng petals na heart shape.

The one you should call, was standing here all along

Ibinaba ng mga students yung board saka sabay-sabay na humawak ng red heart shape na balloon.

"And I will take, you in my arms, and hold you right where you belong."

Napalingon ako ng marinig ang boses nya na kinanta yung song.

"Till the day my life is through, this I promise you."

Naglakad sya palapit sakin habang nakangiti. Nagtilian ang lahat ng estudyante.

This I promise you
I've loved you forever, in lifetimes before

Napatitig ako sa kanya habang naglalakad sya palapit.

Sheet! May sira na ba ang mata ko?

Jusko! Ba't ang gwapo ng alien na toh ngayon?

And I promise you never, will you hurt anymore
I give you my word, I give you my heart (I give you my heart)

Nakangiti syang huminto sa harap ko pero sinuntok ko sya ng malakas saka ako namewangan sa harap nya.

"Alam mo ba kung anong araw ngayon hah?!"

"Huh?"

Sinuntok ko ulit sya.

"Thursday na ngayon! Last Monday ka pa huling nagparamdam! Last Monday Carlos!" Itinaas ko ang dalwang daliri ko saka pinakita sa kanya. "Dalwang araw kang nawala na walang ni ha ni ho!" Inis na sabi ko.

This is a battle we've won
And with this vow forever has now begun

Hiyawan sila.

"Sabi sayo magagalit sya ei!" Rinig kong sigaw ni Kuya.

Just close your eyes, each loving day
And know this feeling won't go away, no

"Sorry." Napapakamot sa ulong sabi nya. "Naging busy lang."

"And so?!"

Napabuntong hininga sya.

"I'm sorry. I just fix some important things-----"

"Mas importante pa sakin?!"

"Well mas importante ka pero it's for our future."

Natameme ako bigla.

Till the day my life is through, this I promise you
This I promise you

Future...

Did he just say 'our future'?

Lumapit sya lalo sa akin.

"Come on misis. Wag ka ng magalit please?."

Inirapan ko lang sya.

"Sorry na." Sabi nya saka nagpa-cute. "Pleaseee?" Pinagdikit pa nya ang palad nya habang nahihirapang hawakan yung mic.

"Lumayo ka nga!"

"Pleaseee?"

Nagtitilian na sa paligid dahil sa ginagawa nya.

Nag-stop yung music tapos may kinuha syang naka-roll na papel sa bulsa nya.

"Wag ka ng magalit. Alam ko namang na-miss mo ko ei, bati na tayo." Sabi nya. "Nahihiya na ko." Mahinang sabi nya.

Nang tingnan ko maigi namumula na ang tenga nya.

"Misis. You know how much I love you right?" Tanong nya saka inalis sa pagka-roll yung papel. Kumalat yun sa lupa, napanganga ako dahil ang haba nun! As in sobra sobra!

Nang mapatingin sya sakin ngumiti sya. "Bilib ka na naman sa asawa mo? Ako lahat nagsulat nyan."

"Ang yabang mo."

Tumawa lang sya saka tumingin sa papel.

"First of all Hi Misis ko---or rather----Mrs. Montes ko I know-----"

"Stoooop!" Sigaw ko. Maang syang napatingin sakin.

"Ayaw mong marinig?"

"Gusto! Pero wag sa harap nilang lahat! Nakakahiya." Nakasimangot na sabi ko.

Lumapit ako at kinuha yun sa kanya saka tinawag si Nicky at pinaayos sa kanila.

"Over and over I fall, (over and over I fall), when I hear you call."

Napatingin ulit ako sa kanya ng kumanta sya.

"Without you in my life baby
I just wouldn't be living at all"

"Kinikilabutan ako sayo."

Tumawa sya saka mas lumapit sa akin.

"Baby?" Sabi nya tilian tuloy sila.

Hinampas ko sya.

"What? I miss you." Sabi nya saka ipinulupot ang braso sa bewang ko.

Nagplay ulit ang music.

Nanlaki ako ng ipahawak nya sa isang estudyante yung mic saka iginiya ako papunta sa mismong gitna ng heart.

"Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya uy!"

"Nah. Susulitin natin toh." Sabi nya saka nagsimulang isayaw ako.

And I will take, (I will take you in my arms), you in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)

Tuloy lang sya sa ginagawa nya kahit pa andaming tao sa paligid.

Till the day my life is through, this I promise you babe
Just close your eyes, each loving day (each loving day)
And know this feeling won't go away, (no)

Pakiramdam ko tuloy para kameng yung nasa Disney Fairytale.

"I love you." Rinig kong sabi nya.

Huminto sya at seryosong tumingin sa mga mata ko.

Every word I say is true, this I promise you
Every word I say is true, this I promise you
Ooh I promise you

"Promise...Ikaw lang ang mamahalin ko." Sabi nya saka nag-lean at hinalikan ako sa labi.

Hindi ako nakagalaw at napakapit ako sa kanya. Nang humiwalay sya naramdaman kong idinikit nya ang noo nya sa noo ko.

Iminulat ko ang mga mata ko.

"I love you more." Sabi ko.

Napalingon kame parehas ng sabay sabay nilang binitawan ang balloons at lumipad iyon.

Nakangiti akong yumakap sa kanya.

"Thank you."

"More than welcome."

"I miss you." Mahinang sabi ko.

"Narinig nyo yun? Na-miss nya daw ako!" Sigaw nya.

Tawanan silang lahat.

Hinampas ko lang sya saka hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Narinig kong nagpasalamat lang sya dun sa mga estudyanteng inabala nya tapos nagsialisan na sila.

"Uwi na tayo?" Tanong nya ng mag-angat ako ng tingin.

Tumango lang ako.

"Ayieeeeeeeeeeeeeeee! Hayuup! Maghiwalay na nga kayo sobra na yan uy!" Rinig kong sigaw nila Kuya.

Bumitaw na ako sa kanya pero di nya inalis ang pagkakahawak sa bewang ko.

Abot-abot na pang-aasar ang nakuha ko sa kanilang lahat.
Ni hindi nila ako tinigilan kahit pa nakarating na kame sa parking lot. Inaasar parin nila kame.

"Salamat." Baling ko sa kanila ng makarating kame sa may kotse. "Kahit nagsinungaling kayong lahat."

Natawa sila.

"Pag-kase pumasok kame for sure mahahalata mo." Dahilan nila.

"Group hug!" Sigaw ni Kris.

"Huwag ka ngang maingay! Natutulog ang unico-hijo ko!" Saway ni George na nasa may loob ng Van na nakabukas ang pinto.

"Sorry naman." Sabi ni Kris

Hinila nila kame saka niyakap. Natawa na lang ako. Nang bumitaw kameng lahat nagpaalam na sila na uuwi na dahil mag-ga-gabi na rin.

Nagpaalam na rin ako sa kanila saka lumapit sa kotse. Binuksan ko ang pinto sa backseat.

"Dyan ka uupo?" Rinig kong tanong nya.

Nang lingunin ko sya naka-cross arms sya habang nakasandal sa kotse at nakasimangot.

"Ito naman chineck ko lang kung kumpleto."

Isinara ko na ang pinto tapos binuksan nya ang pinto sa shot gun seat, pumasok na ako doon at naupo. Isinara nya ang pinto saka umikot at naupo na rin sa driver seat at nagmaneho na pauwi.

Malapit na kame ng ma-stuck kame sa traffic. Sumandal ako sa kanya at pa-simpleng inamoy sya.

"Bango ko noh?" Rinig kong tanong nya dahilan para matauhan ako.

Agad akong lumayo. Narinig ko pa ang pagtawa nya pero di ako kumibo.

Guilty ei. HAHAHA

Tumingin na lang ako sa bintana, napalingon lang ako ulit ng maramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko saka hinalikan.

"I love you." Sabi nya habang nakatingin sakin.

Lumapit ako at mabilis na hinalikan sya sa labi.

"I love you more. Salamat sa lahat."

Ngumiti sya.

Magsasalita pa sana sya ng umusad na ang mga sasakyan kaya di na nya natuloy.

Seryoso na lang syang nagmaneho habang hawak pa rin ang kamay ko.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro